Share

Look to my eyes

"Ang ganda ng mga halaman, ano Calohi?" tanong sa'kin ni Abe habang ito'y nakangiti at tinitignan ang mga halaman. Tumango naman ako dito upang pag-sangayon.

Ngayon ay nasa hardin kami at ginugupitan ang mga damo at ang mga sobrang halaman, para malinis tignan. Tama nga siya kayganda ng mga halaman, ang sarap titigan na hindi nakakasawa, tiyak na magugustuhan talaga 'to ng mayora kapag siya ay nakauwi na.

"Oo nga pala Calohi, kailan ba ang uwi ng mayora?" tanong sa'kin ni Abe ng mahinahon habang kami'y naggugupit pa din ng damo.

Wala talaga akong alam kung kailan ba ang uwi ng mayora dito, si Aling Berta lang naman ang nakakaalam dahil siya ang nakakausap nito, basta ang alam ko lang ay busy 'to sa may Cebu dahil nga sa daming proyekto na pinapagawa ng mayor.

"Hindi ko alam Abe?" tanong ko din sakanya pabalik at napakibit balikat na lamang siya. "Itanong na lang natin kay Aling Berta, mamaya, baka alam niya" dagdag na sabi ko dito ng mahinahon na kaniyang kinatango.

Hindi na siya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status