分享

Chapter 1

作者: alexiisisist
last update publish date: 2026-05-12 19:19:48

LEO's POV

Hindi ako naniniwala sa pag-ibig. Ang pag-ibig ay kahinaan. At ang kahinaan… hindi ko kayang bayaran.

Ako si Leandro Adolfo Marqueza, wala akong hindi kayang bilhin mapa lupa, kumpanya, tao… kahit mga boto ng masa. Ngunit hindi ako handang magbayad para sa damdamin.

Hanggang sa gabing iyon.

Isang barrio.

Isang maliit na entablado na gawa sa kahoy.

Isang walang kwentang beauty contest.

At isang babae na hindi dapat naroon.

“Next contestant, Virginia Margo Dela Cruz!”

Tumigil ang lahat. Hindi dahil sa sigawan ng crowd. Kundi dahil sa kanya. Naglakad siya sa entablado na parang hindi niya alam ang epekto niya sa mga tao. Simpleng damit. Walang arte. Pero ang mukha niya… parang kasalanan. At sa unang tingin pa lang, parang may kinuha siya sa akin.

Ang aking innteres. Pagmamay-ari. Pagkagusto.

“Sir?”

Hindi ko pinansin ang assistant ko.

Hindi ko kayang alisin ang tingin ko sa kanya.

“Find her.”

“Sir, contestant lang po—”

“Lahat.”

Dahil alam ko na agad na hindi matatapos ang gabing ito nang hindi siya nagiging akin.

---

VIRGO's POV

Hindi ako dapat kinakabahan. Sanay ako sa ganito. Pero habang naglalakad ako sa entablado, parang may isang pares ng mata na sumusunod sa bawat galaw ko.

Mabigat. Mainit. Mapanganib.

Nang iangat ko ang tingin ko, doon ko siya nakita. Isang lalaking hindi nababagay sa lugar na ito. Nakatayo ang mga tao, nagsisigawan. Pero siya… nakaupo lang. Tahimik.

Ngunit siya ang pinaka-ingay sa lahat. Hindi siya ngumiti. Hindi siya pumalakpak.

Tumingin lang siya sa akin at doon ako unang kinabahan.

Pinilit kong ituwid ang likod ko. Isa, dalawa, tatlong hakbang. Naririnig ko ang sigawan ng mga tao, mga kapitbahay ko, kakilala, mga batang tumatawa pero unti-unti iyong nagiging mahina.

Parang lumulubog ako sa sarili kong mundo.

Napahinto ang paghinga ko ng ilang segundo. Hindi ko na maramdaman ang init ng ilaw sa mukha ko, o ang hangin na dumadampi sa balat ko.

Siya lang ang nakikita ko.

Ang mga mata niya ay madilim, malamig, pero may kung anong nagliliyab sa ilalim. Hindi ko maipaliwanag. Hindi iyon simpleng paghanga.

Hindi iyon normal.

Napayuko ako agad, parang may nahuli siyang lihim sa akin na hindi ko naman sinasadyang ipakita.

Ano ba ‘to, Virgo? Lalaki lang ‘yan!

Hindi ka dapat natatakot.

Pero kahit anong pilit kong kumbinsihin ang sarili ko, hindi mawala ang pakiramdam na iyon.

‘Yong bigat sa dibdib ko, kaba sa sikmura ko, ang kakaibang init na gumagapang sa balat ko na hindi ko maintindihan kung takot ba… o kung ano pa.

Habang tinatapos ko ang paglalakad ko, ramdam ko pa rin siya. Hindi niya ako inaalis sa paningin niya. At sa bawat segundo na lumilipas, mas lalo kong nararamdaman na may nagbago na.

Na ang gabing ito… hindi na magiging ordinaryo.

At kahit hindi ko pa alam kung bakit, may bahagi sa akin ang nagsasabing… dapat hindi ko siya tiningnan.

---

LEO's POV

Nanalo siya. Hindi na ako nagulat.

Mula pa lang sa unang hakbang niya sa entablado, alam ko na ang kalalabasan. Hindi dahil patas ang laban, kundi dahil wala nang ibang dapat manalo kundi siya. At kung sakaling hindi siya ang ideklarang panalo?

Bibilhin ko ang resulta. Ganoon kasimple.

Ganoon ako kasanay manalo.

Habang umaalingawngaw ang pangalan niya sa microphone. “Virginia Margo Dela Cruz!” tumayo ang mga tao at nagpalakpakan. Sigawan. Mga mukhang puno ng saya at paghanga.

Pero ako?

Nanatili lang akong nakaupo. Pinagmasdan siya habang inaabot ang korona. Hindi siya umiyak tulad ng inaasahan ko. Hindi rin siya nagpakitang-gilas. Simpleng ngiti lang ‘yong tipong hindi sanay sa spotlight, pero hindi rin natitinag nito. Hindi siya nagpapanggap.

At doon ako tuluyang nahulog.

Hindi sa kagandahan niya, dahil marami na akong nakita niyan.

Kundi sa kung paano niya dala ang sarili niya.

Parang hindi niya alam kung gaano siya kaimportante.

At gusto kong ako ang magturo sa kanya.

Dahan-dahan akong tumayo, inayos ang cuff ng suit ko. Nararamdaman ko ang tingin ng ibang tao na maypaggalang, takot, pagkilala. Sanay na ako roon.

Pero wala na akong pakialam sa kanila.

Siya lang ang mahalaga ngayon.

Pagkatapos ng event, hindi ako nag-aksaya ng oras.

“Dalhin mo siya sa kotse.”

“Sir, ayaw po niya—”

Doon ako bahagyang napangiti. Mabagal.

Mapanganib. Ayaw niya?

Ibig sabihin, hindi siya katulad ng iba.

Hindi siya yung basta-basta susunod sa isang tawag. Hindi siya matatakot agad sa pangalan ko. Hindi siya luluhod sa kapangyarihan ko.

At imbes na mairita ako ay mas lalo akong naging mas intersado.

Napangiti ako. “Hindi ko tinatanong kung gusto niya.”

Napayuko ang assistant ko. “Yes, sir.”

Habang pinagmamasdan ko ang kaguluhan sa likod ng entablado, nakita ko siyang pilit umiiwas sa mga taong lumalapit sa kanya, mga organizer, mga kapitbahay, mga lalaking halatang nabighani rin sa kanya.

Hindi ko gusto iyon.

May kung anong kumirot sa dibdib ko.

Dahil kapag may isang bagay na gusto ko—

Hindi ko hinahati. Akin lang iyon.

Humakbang ako pasulong.

Isa.

Dalawa.

Sa bawat hakbang, mas lumilinaw sa isip ko ang gusto ko mangyari.

Hindi ito simpleng pagkakagusto.

Hindi ito panandaliang interes. Ito ay desisyon.

---

VIRGO’s POV

“Hindi ako sasama!”

Mas hinigpitan ko ang kapit ko sa sarili kong braso, pilit hinahawi ang kamay ng lalaking humaharang sa akin. Ramdam ko ang pawis sa palad ko, ang bilis ng tibok ng puso ko—hindi dahil sa kaba ng patimpalak, kundi dahil sa kung anong nangyayari ngayon.

“Miss, gusto po kayo kausapin ng boss namin—”

“Hindi ko siya kilala!”

“Pero kilala ka niya.”

Nanlamig ako.

Anong ibig niyang sabihin?

Paano niya ako makikilala?

Hindi na tama ‘to! Kailangan kong umalis.

Humakbang ako paatras, handang tumakbo palabas ng backstage, palayo sa ilaw, palayo sa ingay, palayo sa kung sino man ang boss na tinutukoy nila.

Pero bago pa ako makagalaw, may isang kamay na humawak sa braso ko.

Napasinghap ako.

Hindi iyon tulad ng ibang hawak, hindi magaspang, hindi rin bastos pero may kakaibang bigat. Parang sinasabi ng bawat daliri niya na wala akong pagpipilian.

“Sumama ka sa akin.”

Napalingon ako.

“Bakit?” galit kong tanong.

Ngumiti siya, hindi mabait kung titignan, kundi parang may alam siyang hindi ko alam

Nakakatakot.

Sa malapitan ay mas lalong naging malinaw... ang lalaking kanina pa pala nagmamasid sa akin.

在 APP 繼續免費閱讀本書
掃碼下載 APP

最新章節

  • Poisoned By The CEO's Tempting Love   Chapter 5

    VIRGO’s POVHindi ako sanay sa ganito. Sa bawat hakbang ko sa loob ng penthouse niya, pakiramdam ko mali ako, parang may ibang dapat nandito, hindi ako. Napakalawak ng lugar. Salamin ang dingding, tanaw ang buong lungsod na parang nasa taas ako ng mundo. Ang sahig, makintab na marmol. Ang ilaw, sakto lang ang liwanag at hindi malakas, mamahalin ang dating.Lahat perpekto. Ganito pala ang mundong ginagalawan niya.Dahan-dahan akong naglakad, halos hindi ko gustong tapakan ang sahig, baka may masira ako sa bawat galaw ko. Hinaplos ko ang gilid ng mesa. Makinis iyon.Malamig ang paligid dahil sa air conditioner.“Hindi ka pa nakakita ng ganito?” Napapitlag ako.Hindi ko namalayang nasa likod ko na siya. Napalingon ako. At sa sandaling iyon, mas lalo kong naramdaman ang agwat namin. Nakatayo siya roon, naka-unbutton ang cuff ng long sleeves niya, bahagyang nakaangat ang manggas.At doon ko napansin, matipuno ang braso niya. May bakat ng muscle. Hindi ‘yong sobra, kundi eksaktong sapat par

  • Poisoned By The CEO's Tempting Love   Chapter 4

    VIRGO’s POVHindi ko dapat tinanggap ang alok niya. Alam ko iyon. Ramdam ko iyon sa bawat hakbang ko pauwi ng gabing iyon, ‘yong bigat sa dibdib ko, ang kakaibang kaba na hindi ko maipaliwanag.Pero nang makita ko ang bahay namin…Ang bubong na halos liparin na ng hangin. ‘Yong ilaw na kumikislap-kislap, katahimikan na hindi normal.Nanlambot ang tuhod ko.“Ma?” tawag ko habang papasok. Walang sumagot.Mas bumilis ang tibok ng puso ko. “Rico?!”Tumakbo ako papasok, at doon ko sila nakita. Nakahiga si Rico sa lumang kama, hirap huminga, maputla. Katabi niya si Mama, umiiyak, hawak ang kamay niya.“Virgo…” basag ang boses niya. “Hindi ko na alam ang gagawin…” Parang may humigpit sa dibdib ko.Ito na iyon.Ang eksaktong sitwasyon na pilit kong tinatakasan. Ang dahilan kung bakit hindi ako pwedeng magpakatanga. Hindi ako pwedeng umasa sa pride.Lumapit ako, hinawakan ang kamay ni Rico. Mainit. Nanginginig.“Ate…” mahina niyang tawag.Napapikit ako. Hindi pwede.Hindi ako pwedeng mawalan n

  • Poisoned By The CEO's Tempting Love   Chapter 3

    LEO’s POVHindi siya tulad ng ibang babae. Hindi siya yumuko. Hindi siya natatakot sa akin. At lalong hindi siya sumunod. Kaya mas lalo ko siyang gusto.Habang nakasandal ako sa leather seat, pinagmamasdan ko siya sa gilid ng mata ko. Tahimik na ang biyahe, pero hindi tahimik ang pagitan namin. Punong-puno ng tensyon.Punong-puno ng posibilidad.“Gusto mong makatulong sa pamilya mo, hindi ba?” tanong ko, parang casual lang, pero alam kong tatama sa kanya.Napatingin siya sa akin.Tama ako.Kita ko agad sa mga mata niya.‘Yong pag-alog ng matibay niyang paninindigan.“Hindi ko kailangan ng tulong mo,” sagot niyang diretso. Pero hindi na kasing sigurado tulad ng kanina. Ngumiti ako ng bahagya.“Pero kailangan nila.”Tahimik siya.At sa katahimikang iyon, nakita ko ang unang bitak. Ang unang pagdududa. Ang unang hakbang papasok sa mundo ko.Doon ako nanalo.---VIRGO’s POVAyoko nang makinig. Ayokong isipin ang sinasabi niya. Pero kahit anong pilit ko, hindi ko maalis sa utak ko ang mga

  • Poisoned By The CEO's Tempting Love   Chapter 2

    VIRGO’s POVHindi ko alam kung paano ako napunta sa loob ng kotse niya. Isang iglap, nasa tabi na niya ako. Parang may bahagi ng alaala ko na nabura. Ang huling malinaw kong natatandaan ay ang pakikipagtalo ko sa mga tauhan niya… at ang mga matang iyon na hindi bumibitaw sa akin.Ngayon, nandito na ako.Sa loob ng isang itim na sasakyang amoy mamahaling leather at malamig na hangin ng aircon. Tahimik. Masyadong tahimik. Tanging ilaw lang ng baryo ang pumapasok sa tinted na bintana, dumadampi sa mukha niya sa tuwing dumaraan kami sa poste ng ilaw.At sa bawat saglit na naliliwanagan ang mukha niya...Mas lalo siyang nagiging totoo.Mas lalo siyang nagigin mapanganib.Ano bang ginagawa ko rito? Bakit hindi ako sumigaw? Bakit hindi ako tumakbo?Dahan-dahan kong ikinuyom ang mga kamay ko sa kandungan ko. Hindi ako komportable. Hindi ako ligtas.“Anong kailangan mo sa akin?” tanong ko, pilit pinatatatag ang boses ko kahit nararamdaman ko ang bahagyang panginginig nito.Hindi siya agad suma

  • Poisoned By The CEO's Tempting Love   Chapter 1

    LEO's POVHindi ako naniniwala sa pag-ibig. Ang pag-ibig ay kahinaan. At ang kahinaan… hindi ko kayang bayaran.Ako si Leandro Adolfo Marqueza, wala akong hindi kayang bilhin mapa lupa, kumpanya, tao… kahit mga boto ng masa. Ngunit hindi ako handang magbayad para sa damdamin.Hanggang sa gabing iyon.Isang barrio.Isang maliit na entablado na gawa sa kahoy.Isang walang kwentang beauty contest.At isang babae na hindi dapat naroon.“Next contestant, Virginia Margo Dela Cruz!”Tumigil ang lahat. Hindi dahil sa sigawan ng crowd. Kundi dahil sa kanya. Naglakad siya sa entablado na parang hindi niya alam ang epekto niya sa mga tao. Simpleng damit. Walang arte. Pero ang mukha niya… parang kasalanan. At sa unang tingin pa lang, parang may kinuha siya sa akin.Ang aking innteres. Pagmamay-ari. Pagkagusto.“Sir?”Hindi ko pinansin ang assistant ko.Hindi ko kayang alisin ang tingin ko sa kanya.“Find her.”“Sir, contestant lang po—”“Lahat.”Dahil alam ko na agad na hindi matatapos ang gabing

  • Poisoned By The CEO's Tempting Love   Prologue

    Umuulan nang gabing iyon. Sobrang lakas at walang tigil. Parang gustong burahin ang lahat ng alaala, ang sakit, ang mga desisyon na hindi ko na kayang bawiin. Hindi ko alam kung ulan ba iyon… o mga luha ko na lang ang bumabagsak sa sahig ng malamig na tiles.Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ko ang doorknob. Isang pihit na lang at makakalaya na ako.Ito na ‘yon, Virgo. Ito na ang pagkakataon mo.Pero bakit parang ang bigat ng katawan ko?Bakit parang may kung anong humihila sa akin pabalik?“Tatakas ka?!”Napatigil ako.Isang salita pa lang, pero parang hinigpitan na agad ang hawak sa leeg ko. Ang boses niya.Mababa. Malamig. At pamilyar na pamilyar, na parang kadena na agad pumulupot sa buong pagkatao ko. Dahan-dahan akong napapikit.Huwag kang lilingon…Pero hindi ko nagawa. Dahan-dahan pa rin akong lumingon, at doon ko siya nakita. Nakatayo si Leo sa pintuan. Perpekto pa rin.Walang nagbago.Gwapo. Maayos. Composed.bPero ang mga mata niya, wala nang pagmamahal. Wala nang in

更多章節
探索並免費閱讀 優質小說
GoodNovel APP 免費暢讀海量優秀小說,下載喜歡的書籍,隨時隨地閱讀。
在 APP 免費閱讀書籍
掃碼在 APP 閱讀
DMCA.com Protection Status