مشاركة

Poisoned By The CEO's Tempting Love
Poisoned By The CEO's Tempting Love
مؤلف: alexiisisist

Prologue

مؤلف: alexiisisist
last update تاريخ النشر: 2026-05-12 19:19:24

Umuulan nang gabing iyon. Sobrang lakas at walang tigil. Parang gustong burahin ang lahat ng alaala, ang sakit, ang mga desisyon na hindi ko na kayang bawiin. Hindi ko alam kung ulan ba iyon… o mga luha ko na lang ang bumabagsak sa sahig ng malamig na tiles.

Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ko ang doorknob. Isang pihit na lang at makakalaya na ako.

Ito na ‘yon, Virgo. Ito na ang pagkakataon mo.

Pero bakit parang ang bigat ng katawan ko?

Bakit parang may kung anong humihila sa akin pabalik?

“Tatakas ka?!”

Napatigil ako.

Isang salita pa lang, pero parang hinigpitan na agad ang hawak sa leeg ko. Ang boses niya.

Mababa. Malamig. At pamilyar na pamilyar, na parang kadena na agad pumulupot sa buong pagkatao ko. Dahan-dahan akong napapikit.

Huwag kang lilingon…

Pero hindi ko nagawa. Dahan-dahan pa rin akong lumingon, at doon ko siya nakita. Nakatayo si Leo sa pintuan. Perpekto pa rin.

Walang nagbago.

Gwapo. Maayos. Composed.bPero ang mga mata niya, wala nang pagmamahal. Wala nang init. Kundi, isang madilim na apoy na handang lamunin ang lahat.

“Paano mo nalaman—” naputol ang sasabihin ko.

Syempre alam niya. Palagi niyang nalalaman. Palagi siyang may hawak sa sitwasyon.

“Akala mo ba hindi ko mapapansin?” malamig niyang tanong, bahagyang ikiniling ang ulo, parang pinag-aaralan ako. Isa lang akong bagay na nawawala sa kanya.

“Hindi ko na kaya…” nanginginig kong sabi. “Pagod na ako, Leo…”

Hindi lang sa kanya. Sa lahat. Sa sarili ko.

Sa pagmamahal na unti-unting naging kulungan.

Isang hakbang ang ginawa niya. Napaatras ako. Dalawa. Mas bumilis ang tibok ng puso ko. Sa bawat lapit niya, pakiramdam ko nauubusan ako ng hangin.

“Pagod?” ulit niya, halos pabulong, pero mas mabigat. Mas mapanganib. “Pagod ka na sa akin?”

Hindi ako makasagot agad. Dahil sa paraan ng pagtitig niya, parang gusto niyang marinig ang sagot ko. At parusahan ako kapag hindi niya nagustuhan.

“Hindi ako isang bagay, Leo,” pilit kong sinabi, kahit hirap na hirap akong magsalita. “Hindi ako—”

Bigla niya akong hinatak. Sobrang abilis. Marahas. Napasinghap ako nang mapahawak ako sa dibdib niya, napakalapit namin sa isa’t isa. Ramdam ko ang tibok ng puso niya. Mabagal. Mabigat. Hindi katulad ng sa akin, na parang lalabas na sa dibdib ko. Pinagdikit niya ang mga noo namin.

Hindi ako makaiwas.

Hindi ako makalayo.

“Hindi ka bagay.” mapait siyang ngumiti.

At sa ngiting iyon mas lalo akong nasaktan.

“Ikaw ang pinili ko, Virgo.”

Napapikit ako. Dahil iyon ang katotohanan.

Hindi ako ang pumili sa amin, siya. At sa mundong ginagalawan niya, kapag siya ang pumili, wala na akong karapatang tumanggi.

Ito ang sumpa ko.

Ang mahalin ang lalaking hindi marunong magpalaya. Ang lalaking ang pagmamahal ay parang hawla. Maganda sa labas, pero nakakasakal sa loob.

“Hindi ka aalis,” mariin niyang sabi. Humigpit ang hawak niya sa akin. Masakit na.

Pero hindi ako sumigaw. “Dahil kapag umalis ka—” Huminto siya. Bahagyang yumuko, halos dumampi ang labi niya sa tenga ko. At doon ko naramdaman ang lamig ng boses niya.

“—ako ang susunod sa ‘yo.”

Nanlambot ang tuhod ko. Hindi iyon banta.

Hindi iyon galit. Kundi, isang pangako. At ang mas nakakatakot? Alam kong kaya niya iyong tuparin.

“Leo… please…” halos pabulong kong sabi.

Hindi ko alam kung nagmamakaawa ako o nagpapaalam. Dahan-dahan niyang hinawakan ang baba ko, pilit akong pinatingin sa kanya.

“At saan ka pupunta?” tanong niya, mas tahimik ngayon. Mas delikado. “Sa mundong hindi ka kayang protektahan?”

Napaluha ako. “Mas gugustuhin ko pang mawalan ng lahat… kaysa mawalan ang sarili ko.”

Saglit siyang natahimik. At sa unang pagkakataon, may kung anong dumaan sa mga mata niya. Hindi galit. Hindi saya. Kundi, isang bagay na mas madilim. Mas personal.

“Too late,” mahina niyang sabi.

Napahigpit ang hawak niya sa akin.

“Matagal mo nang ibinigay ang sarili mo sa akin.”

Napapikit ako. Dahil alam kong may parte iyon na totoo. At iyon ang pinakamasakit.

Dahil hindi lang siya ang may kasalanan. Ako rin. Dahil hinayaan ko. Dahil minahal ko.

At dahil hanggang ngayon, sa kabila ng sakit, hindi ko pa rin siya kayang tuluyang talikuran.

At iyon ang pinakamalaking pagkakamali ko. Dahil ang pagmamahal sa lalaking ito, hindi lang sumisira.

Kundi, unti-unting pumapatay.

استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق

أحدث فصل

  • Poisoned By The CEO's Tempting Love   Chapter 5

    VIRGO’s POVHindi ako sanay sa ganito. Sa bawat hakbang ko sa loob ng penthouse niya, pakiramdam ko mali ako, parang may ibang dapat nandito, hindi ako. Napakalawak ng lugar. Salamin ang dingding, tanaw ang buong lungsod na parang nasa taas ako ng mundo. Ang sahig, makintab na marmol. Ang ilaw, sakto lang ang liwanag at hindi malakas, mamahalin ang dating.Lahat perpekto. Ganito pala ang mundong ginagalawan niya.Dahan-dahan akong naglakad, halos hindi ko gustong tapakan ang sahig, baka may masira ako sa bawat galaw ko. Hinaplos ko ang gilid ng mesa. Makinis iyon.Malamig ang paligid dahil sa air conditioner.“Hindi ka pa nakakita ng ganito?” Napapitlag ako.Hindi ko namalayang nasa likod ko na siya. Napalingon ako. At sa sandaling iyon, mas lalo kong naramdaman ang agwat namin. Nakatayo siya roon, naka-unbutton ang cuff ng long sleeves niya, bahagyang nakaangat ang manggas.At doon ko napansin, matipuno ang braso niya. May bakat ng muscle. Hindi ‘yong sobra, kundi eksaktong sapat par

  • Poisoned By The CEO's Tempting Love   Chapter 4

    VIRGO’s POVHindi ko dapat tinanggap ang alok niya. Alam ko iyon. Ramdam ko iyon sa bawat hakbang ko pauwi ng gabing iyon, ‘yong bigat sa dibdib ko, ang kakaibang kaba na hindi ko maipaliwanag.Pero nang makita ko ang bahay namin…Ang bubong na halos liparin na ng hangin. ‘Yong ilaw na kumikislap-kislap, katahimikan na hindi normal.Nanlambot ang tuhod ko.“Ma?” tawag ko habang papasok. Walang sumagot.Mas bumilis ang tibok ng puso ko. “Rico?!”Tumakbo ako papasok, at doon ko sila nakita. Nakahiga si Rico sa lumang kama, hirap huminga, maputla. Katabi niya si Mama, umiiyak, hawak ang kamay niya.“Virgo…” basag ang boses niya. “Hindi ko na alam ang gagawin…” Parang may humigpit sa dibdib ko.Ito na iyon.Ang eksaktong sitwasyon na pilit kong tinatakasan. Ang dahilan kung bakit hindi ako pwedeng magpakatanga. Hindi ako pwedeng umasa sa pride.Lumapit ako, hinawakan ang kamay ni Rico. Mainit. Nanginginig.“Ate…” mahina niyang tawag.Napapikit ako. Hindi pwede.Hindi ako pwedeng mawalan n

  • Poisoned By The CEO's Tempting Love   Chapter 3

    LEO’s POVHindi siya tulad ng ibang babae. Hindi siya yumuko. Hindi siya natatakot sa akin. At lalong hindi siya sumunod. Kaya mas lalo ko siyang gusto.Habang nakasandal ako sa leather seat, pinagmamasdan ko siya sa gilid ng mata ko. Tahimik na ang biyahe, pero hindi tahimik ang pagitan namin. Punong-puno ng tensyon.Punong-puno ng posibilidad.“Gusto mong makatulong sa pamilya mo, hindi ba?” tanong ko, parang casual lang, pero alam kong tatama sa kanya.Napatingin siya sa akin.Tama ako.Kita ko agad sa mga mata niya.‘Yong pag-alog ng matibay niyang paninindigan.“Hindi ko kailangan ng tulong mo,” sagot niyang diretso. Pero hindi na kasing sigurado tulad ng kanina. Ngumiti ako ng bahagya.“Pero kailangan nila.”Tahimik siya.At sa katahimikang iyon, nakita ko ang unang bitak. Ang unang pagdududa. Ang unang hakbang papasok sa mundo ko.Doon ako nanalo.---VIRGO’s POVAyoko nang makinig. Ayokong isipin ang sinasabi niya. Pero kahit anong pilit ko, hindi ko maalis sa utak ko ang mga

  • Poisoned By The CEO's Tempting Love   Chapter 2

    VIRGO’s POVHindi ko alam kung paano ako napunta sa loob ng kotse niya. Isang iglap, nasa tabi na niya ako. Parang may bahagi ng alaala ko na nabura. Ang huling malinaw kong natatandaan ay ang pakikipagtalo ko sa mga tauhan niya… at ang mga matang iyon na hindi bumibitaw sa akin.Ngayon, nandito na ako.Sa loob ng isang itim na sasakyang amoy mamahaling leather at malamig na hangin ng aircon. Tahimik. Masyadong tahimik. Tanging ilaw lang ng baryo ang pumapasok sa tinted na bintana, dumadampi sa mukha niya sa tuwing dumaraan kami sa poste ng ilaw.At sa bawat saglit na naliliwanagan ang mukha niya...Mas lalo siyang nagiging totoo.Mas lalo siyang nagigin mapanganib.Ano bang ginagawa ko rito? Bakit hindi ako sumigaw? Bakit hindi ako tumakbo?Dahan-dahan kong ikinuyom ang mga kamay ko sa kandungan ko. Hindi ako komportable. Hindi ako ligtas.“Anong kailangan mo sa akin?” tanong ko, pilit pinatatatag ang boses ko kahit nararamdaman ko ang bahagyang panginginig nito.Hindi siya agad suma

  • Poisoned By The CEO's Tempting Love   Chapter 1

    LEO's POVHindi ako naniniwala sa pag-ibig. Ang pag-ibig ay kahinaan. At ang kahinaan… hindi ko kayang bayaran.Ako si Leandro Adolfo Marqueza, wala akong hindi kayang bilhin mapa lupa, kumpanya, tao… kahit mga boto ng masa. Ngunit hindi ako handang magbayad para sa damdamin.Hanggang sa gabing iyon.Isang barrio.Isang maliit na entablado na gawa sa kahoy.Isang walang kwentang beauty contest.At isang babae na hindi dapat naroon.“Next contestant, Virginia Margo Dela Cruz!”Tumigil ang lahat. Hindi dahil sa sigawan ng crowd. Kundi dahil sa kanya. Naglakad siya sa entablado na parang hindi niya alam ang epekto niya sa mga tao. Simpleng damit. Walang arte. Pero ang mukha niya… parang kasalanan. At sa unang tingin pa lang, parang may kinuha siya sa akin.Ang aking innteres. Pagmamay-ari. Pagkagusto.“Sir?”Hindi ko pinansin ang assistant ko.Hindi ko kayang alisin ang tingin ko sa kanya.“Find her.”“Sir, contestant lang po—”“Lahat.”Dahil alam ko na agad na hindi matatapos ang gabing

  • Poisoned By The CEO's Tempting Love   Prologue

    Umuulan nang gabing iyon. Sobrang lakas at walang tigil. Parang gustong burahin ang lahat ng alaala, ang sakit, ang mga desisyon na hindi ko na kayang bawiin. Hindi ko alam kung ulan ba iyon… o mga luha ko na lang ang bumabagsak sa sahig ng malamig na tiles.Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ko ang doorknob. Isang pihit na lang at makakalaya na ako.Ito na ‘yon, Virgo. Ito na ang pagkakataon mo.Pero bakit parang ang bigat ng katawan ko?Bakit parang may kung anong humihila sa akin pabalik?“Tatakas ka?!”Napatigil ako.Isang salita pa lang, pero parang hinigpitan na agad ang hawak sa leeg ko. Ang boses niya.Mababa. Malamig. At pamilyar na pamilyar, na parang kadena na agad pumulupot sa buong pagkatao ko. Dahan-dahan akong napapikit.Huwag kang lilingon…Pero hindi ko nagawa. Dahan-dahan pa rin akong lumingon, at doon ko siya nakita. Nakatayo si Leo sa pintuan. Perpekto pa rin.Walang nagbago.Gwapo. Maayos. Composed.bPero ang mga mata niya, wala nang pagmamahal. Wala nang in

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status