登入VIRGO’s POV
Hindi ko alam kung paano ako napunta sa loob ng kotse niya. Isang iglap, nasa tabi na niya ako. Parang may bahagi ng alaala ko na nabura. Ang huling malinaw kong natatandaan ay ang pakikipagtalo ko sa mga tauhan niya… at ang mga matang iyon na hindi bumibitaw sa akin. Ngayon, nandito na ako. Sa loob ng isang itim na sasakyang amoy mamahaling leather at malamig na hangin ng aircon. Tahimik. Masyadong tahimik. Tanging ilaw lang ng baryo ang pumapasok sa tinted na bintana, dumadampi sa mukha niya sa tuwing dumaraan kami sa poste ng ilaw. At sa bawat saglit na naliliwanagan ang mukha niya... Mas lalo siyang nagiging totoo. Mas lalo siyang nagigin mapanganib. Ano bang ginagawa ko rito? Bakit hindi ako sumigaw? Bakit hindi ako tumakbo? Dahan-dahan kong ikinuyom ang mga kamay ko sa kandungan ko. Hindi ako komportable. Hindi ako ligtas. “Anong kailangan mo sa akin?” tanong ko, pilit pinatatatag ang boses ko kahit nararamdaman ko ang bahagyang panginginig nito. Hindi siya agad sumagot. Sa halip, lumingon siya sa akin nang diretso. Walang emosyon. Pinagmasdan niya lang ako. Mula ulo hanggang paa. Parang hindi ako tao. Parang isang bagay na sinusuri kung sulit bang bilhin. Napakunot ang noo ko. “May problema ba—” “Magkano?” Naputol ang sasabihin ko. “Ha?” Hindi ako sigurado kung tama ang narinig ko. “Magkano para sumama ka sa akin sa Maynila?” ulit niya nang mas malinaw, mas direkta. Nanigas ako. Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa ulo ko. “Hindi ako nabibili,” mariin kong sagot. Hindi ako nagdalawang-isip. Hindi ako umatras. Hindi ako papayag. “Lahat ay may presyo,” kalmado niyang tugon na parang simpleng katotohanan lang iyon. “Hindi lahat.” Tahimik. Saglit. Narinig ko ang mahinang ugong ng makina, ang pagliko ng sasakyan, at ang bahagyang paggalaw ng driver sa harapan. Pero sa pagitan namin, mas mabigat ang katahimikan. Mas matindi. Mas mapanganib. Pagkatapos ay ngumiti siya. At doon ako mas kinabahan. “At doon ako naging interesado.” --- LEO’s POV Hindi siya umatras. Hindi siya natakot. At lalong hindi siya pumayag. Good. Habang pinagmamasdan ko siya, mas lalo kong nakukumpirma ang unang instinct ko. Hindi siya tulad ng ibang babae. Karamihan sa mga nakilala ko. Pag inalok ko ng pera, luluhod agad. Pag binigyan ko ng pagkakataon, kakapit agad sila. Pero siya? Tumanggi. Diretso. Walang pag-aalinlangan. Mas lalong nagiging mahalaga ang mga bagay na mahirap makuha. “Inosente ka ba,” tanong ko, bahagyang sumandal sa upuan ko, “o nagmamalinis ka lang?” Naningkit ang mga mata niya. “Wala kang karapatang tanungin ‘yan.” Bahagya akong napangiti. May tapang siyang nagpahanga pa sa akin. May inis sa mga mata niya. At may prinsipyo. Pero hanggang kailan? “Kailangan mo ng pera,” diretso kong sabi. “Para sa pamilya mo.” Napansin ko ang bahagyang paggalaw ng mga mata niya. Nandoon ang kahinaan niya. “Hindi mo alam ang sinasabi mo,” depensa niya, pero mas mahina na ang boses niya ngayon. “Nanay mong may sakit at kailangan ng maintenance. Mahal ang gamot,” patuloy ko, parang nagbabasa lang ng report. “At kapatid mong nag-aaral.” Napatahimik siya. Pero ang katahimikan niya ang mas naging maingay kaysa anumang sigaw ng kalooban niya. --- SIDE POV Sa harapan, mahigpit ang kapit ko sa manibela. Hindi ako dapat nakikinig sa kanila. Hindi ako dapat nakikialam. Pero mahirap hindi mapansin. Si Sir Leo ay karaniwang hindi ganito. Karaniwan, mabilis siyang magsawa. Walang emosyon. Pero ngayon? Parang… iba. Mas matagal siyang tumingin. Mas maingat siya magsalita. At ang babae. Mukhang hindi rin basta-basta. At sa unang pagkakataon sa matagal kong pagtatrabaho sa kanya kay Sir Leo. May bahagyang pagdadalawang-isip na sumagi sa isip ko. Dapat ba akong makialam? Pero agad kong itinulak ang isiping iyom palayo. Hindi ako bayani. Driver lang ako. At sa mundong ginagalawan ni Sir Leo, ang pakikialam ay katumbas ng kapahamakan. Kaya tahimik kong ipinagpatuloy ang pagmamaneho. Kahit ramdam ko na ang gabing ito ay simula ng isang bagay na hindi na kayang kontrolin. “Sir…” mahina kong tawag, bahagyang nag-aalangan. Ayaw kong makialam. Pero... “Diretso po ba tayo sa hotel?” Sandaling katahimikan. Kahit hindi ko sila tinitingnan, kahit nakatutok lang ang mga mata ko sa kalsada. Ramdam ko ang tensyon sa likod. --- VIRGO’s POV “Hindi.” Agad kong sagot. Hindi ko hinintay ang sagot niya. Hindi ko hinintay ang susunod niyang galaw. “Bababa ako,” dagdag ko, pilit inaabot ang handle ng pinto. Pero bago ko pa iyon mahawakan— “Hindi pa tayo tapos.” Naramdaman ko ang kamay niya sa pulso ko. Hindi marahas. Pero sapat para pigilan ako. Napapikit ako sandali. Kalma, Virgo. Hindi ka pwede magpakita ng takot. “Wala tayong dapat pag-usapan,” sabi ko na pilit hinahatak ang kamay ko. “Meron,” mariin niyang sagot. Dahan-dahan akong lumingon. At sa sandaling iyon ay mas lumapit siya. Hindi ko namalayan kung kailan. Pero ngayon mas malapit na siya. Masyadong malapit. “Bibigyan kita ng buhay na hindi mo pa nararanasan,” bulong niya. Napalunok ako. “Hindi ko kailangan.” “Pero gusto mo.” Tumitig ako sa kanya. Diretso. “Hindi kita gusto.” Sandali siyang natahimik. At sa unang pagkakataon ay may kung anong kumislap sa mga mata niya. Hindi galit. Hindi saya. Kundi interes. “Hindi mo pa lang alam,” mahina niyang sabi. --- LEO’s POV Hindi niya ako gusto. At iyon ang pinaka-nakakatuwa. Dahil lahat ng bagay na hindi ako gusto... Sa huli, natututo. At kapag natuto na sila, huli na. “Turn around,” utos ko sa driver. “Sir?” nag-alangan siya. “U-turn.” Saglit na katahimikan. “Y-Yes, sir.” Narinig ko ang pagliko ng sasakyan. Narinig ko ang bahagyang paghingal ng babae sa tabi ko. “Anong ginagawa mo?” tanong niya, halatang naguguluhan. Ngumiti ako. Hindi mabait. Hindi rin malambing. “Ibabalik kita.” Bahagya siyang natahimik. Akala niya siguro tapos na. Akala niya makakatakas na siya. Cute. “Pero,” dagdag ko, bahagyang yumuko palapit sa kanya, “Hindi ibig sabihin niyan… wala na akong balak sa ‘yo.” Napahigpit ang hawak niya sa sarili niyang kamay. At doon ko nakita ang unang niyang emosyon. Takot. At sa takot na iyon ay doon nagsisimula ang kontrol. --- VIRGO’s POV Ibabalik niya ako. Pero hindi ako panatag. Dahil sa paraan ng pagsabi niya, parang hindi ito pagtatapos. Kundi simula pa lang. At habang papalapit kami sa baryo, may isang bagay akong malinaw na naramdaman. Na ang lalaking ito ay hindi basta dumarating sa buhay ng isang tao nang walang kinukuhang kapalit. At pakiramdam ko... Ako ang susunod niyang target.VIRGO’s POVHindi ako sanay sa ganito. Sa bawat hakbang ko sa loob ng penthouse niya, pakiramdam ko mali ako, parang may ibang dapat nandito, hindi ako. Napakalawak ng lugar. Salamin ang dingding, tanaw ang buong lungsod na parang nasa taas ako ng mundo. Ang sahig, makintab na marmol. Ang ilaw, sakto lang ang liwanag at hindi malakas, mamahalin ang dating.Lahat perpekto. Ganito pala ang mundong ginagalawan niya.Dahan-dahan akong naglakad, halos hindi ko gustong tapakan ang sahig, baka may masira ako sa bawat galaw ko. Hinaplos ko ang gilid ng mesa. Makinis iyon.Malamig ang paligid dahil sa air conditioner.“Hindi ka pa nakakita ng ganito?” Napapitlag ako.Hindi ko namalayang nasa likod ko na siya. Napalingon ako. At sa sandaling iyon, mas lalo kong naramdaman ang agwat namin. Nakatayo siya roon, naka-unbutton ang cuff ng long sleeves niya, bahagyang nakaangat ang manggas.At doon ko napansin, matipuno ang braso niya. May bakat ng muscle. Hindi ‘yong sobra, kundi eksaktong sapat par
VIRGO’s POVHindi ko dapat tinanggap ang alok niya. Alam ko iyon. Ramdam ko iyon sa bawat hakbang ko pauwi ng gabing iyon, ‘yong bigat sa dibdib ko, ang kakaibang kaba na hindi ko maipaliwanag.Pero nang makita ko ang bahay namin…Ang bubong na halos liparin na ng hangin. ‘Yong ilaw na kumikislap-kislap, katahimikan na hindi normal.Nanlambot ang tuhod ko.“Ma?” tawag ko habang papasok. Walang sumagot.Mas bumilis ang tibok ng puso ko. “Rico?!”Tumakbo ako papasok, at doon ko sila nakita. Nakahiga si Rico sa lumang kama, hirap huminga, maputla. Katabi niya si Mama, umiiyak, hawak ang kamay niya.“Virgo…” basag ang boses niya. “Hindi ko na alam ang gagawin…” Parang may humigpit sa dibdib ko.Ito na iyon.Ang eksaktong sitwasyon na pilit kong tinatakasan. Ang dahilan kung bakit hindi ako pwedeng magpakatanga. Hindi ako pwedeng umasa sa pride.Lumapit ako, hinawakan ang kamay ni Rico. Mainit. Nanginginig.“Ate…” mahina niyang tawag.Napapikit ako. Hindi pwede.Hindi ako pwedeng mawalan n
LEO’s POVHindi siya tulad ng ibang babae. Hindi siya yumuko. Hindi siya natatakot sa akin. At lalong hindi siya sumunod. Kaya mas lalo ko siyang gusto.Habang nakasandal ako sa leather seat, pinagmamasdan ko siya sa gilid ng mata ko. Tahimik na ang biyahe, pero hindi tahimik ang pagitan namin. Punong-puno ng tensyon.Punong-puno ng posibilidad.“Gusto mong makatulong sa pamilya mo, hindi ba?” tanong ko, parang casual lang, pero alam kong tatama sa kanya.Napatingin siya sa akin.Tama ako.Kita ko agad sa mga mata niya.‘Yong pag-alog ng matibay niyang paninindigan.“Hindi ko kailangan ng tulong mo,” sagot niyang diretso. Pero hindi na kasing sigurado tulad ng kanina. Ngumiti ako ng bahagya.“Pero kailangan nila.”Tahimik siya.At sa katahimikang iyon, nakita ko ang unang bitak. Ang unang pagdududa. Ang unang hakbang papasok sa mundo ko.Doon ako nanalo.---VIRGO’s POVAyoko nang makinig. Ayokong isipin ang sinasabi niya. Pero kahit anong pilit ko, hindi ko maalis sa utak ko ang mga
VIRGO’s POVHindi ko alam kung paano ako napunta sa loob ng kotse niya. Isang iglap, nasa tabi na niya ako. Parang may bahagi ng alaala ko na nabura. Ang huling malinaw kong natatandaan ay ang pakikipagtalo ko sa mga tauhan niya… at ang mga matang iyon na hindi bumibitaw sa akin.Ngayon, nandito na ako.Sa loob ng isang itim na sasakyang amoy mamahaling leather at malamig na hangin ng aircon. Tahimik. Masyadong tahimik. Tanging ilaw lang ng baryo ang pumapasok sa tinted na bintana, dumadampi sa mukha niya sa tuwing dumaraan kami sa poste ng ilaw.At sa bawat saglit na naliliwanagan ang mukha niya...Mas lalo siyang nagiging totoo.Mas lalo siyang nagigin mapanganib.Ano bang ginagawa ko rito? Bakit hindi ako sumigaw? Bakit hindi ako tumakbo?Dahan-dahan kong ikinuyom ang mga kamay ko sa kandungan ko. Hindi ako komportable. Hindi ako ligtas.“Anong kailangan mo sa akin?” tanong ko, pilit pinatatatag ang boses ko kahit nararamdaman ko ang bahagyang panginginig nito.Hindi siya agad suma
LEO's POVHindi ako naniniwala sa pag-ibig. Ang pag-ibig ay kahinaan. At ang kahinaan… hindi ko kayang bayaran.Ako si Leandro Adolfo Marqueza, wala akong hindi kayang bilhin mapa lupa, kumpanya, tao… kahit mga boto ng masa. Ngunit hindi ako handang magbayad para sa damdamin.Hanggang sa gabing iyon.Isang barrio.Isang maliit na entablado na gawa sa kahoy.Isang walang kwentang beauty contest.At isang babae na hindi dapat naroon.“Next contestant, Virginia Margo Dela Cruz!”Tumigil ang lahat. Hindi dahil sa sigawan ng crowd. Kundi dahil sa kanya. Naglakad siya sa entablado na parang hindi niya alam ang epekto niya sa mga tao. Simpleng damit. Walang arte. Pero ang mukha niya… parang kasalanan. At sa unang tingin pa lang, parang may kinuha siya sa akin.Ang aking innteres. Pagmamay-ari. Pagkagusto.“Sir?”Hindi ko pinansin ang assistant ko.Hindi ko kayang alisin ang tingin ko sa kanya.“Find her.”“Sir, contestant lang po—”“Lahat.”Dahil alam ko na agad na hindi matatapos ang gabing
Umuulan nang gabing iyon. Sobrang lakas at walang tigil. Parang gustong burahin ang lahat ng alaala, ang sakit, ang mga desisyon na hindi ko na kayang bawiin. Hindi ko alam kung ulan ba iyon… o mga luha ko na lang ang bumabagsak sa sahig ng malamig na tiles.Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ko ang doorknob. Isang pihit na lang at makakalaya na ako.Ito na ‘yon, Virgo. Ito na ang pagkakataon mo.Pero bakit parang ang bigat ng katawan ko?Bakit parang may kung anong humihila sa akin pabalik?“Tatakas ka?!”Napatigil ako.Isang salita pa lang, pero parang hinigpitan na agad ang hawak sa leeg ko. Ang boses niya.Mababa. Malamig. At pamilyar na pamilyar, na parang kadena na agad pumulupot sa buong pagkatao ko. Dahan-dahan akong napapikit.Huwag kang lilingon…Pero hindi ko nagawa. Dahan-dahan pa rin akong lumingon, at doon ko siya nakita. Nakatayo si Leo sa pintuan. Perpekto pa rin.Walang nagbago.Gwapo. Maayos. Composed.bPero ang mga mata niya, wala nang pagmamahal. Wala nang in







