مشاركة

Kabanata 5

مؤلف: Moonlitwrites
last update تاريخ النشر: 2026-07-01 15:55:29

TATLONG linggo na ang nakalipas nang umalis sina Timothy kasama si Chesca.

Masama ang pakiramdam ni Celine, pero bumangon pa rin siya para makapagtrabaho. Ayaw naman niyang abusuhin ang kabaitan ng kanyang mga amo lalo na at kailangan niya pang pagtrabahuhan ang nabasag niyang vase.

Kaya kahit umiikot ang kanyang paningin sa hindi niya malaman, nagtungo pa rin siya sa banyo upang maghilamos at makapagsimula na sa paglilinis ng loob.

Habang naglilinis ang babae, hinihingal siya kahit kunti pa lang ang nalinisan niya. Para rin siyang naduduwal pero pinipilit niyang pigilan.

Noong nakaraang araw pa siya ganyan. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla-bigla niyang nagbabago ang kanyang katawan.

“Gwaaghh,” tinakpan niya ang kanyang bibig at mabilis na tumakbo patungo sa banyo.

Napahawak siya sa sink habang dumuduwal.

Hindi niya maintindihan kung bakit, pero parang may tumatakbong kabayo sa kanyang dibdib—nagkakarera. May pakiramdam siya kung ano ang nangyayari sa kanyang katawan, pero hindi niya kayang tanggapin.

Mababaliw siya kung tama ang iniisip niya.

Tiningnan niya ang kanyang sarili sa salamin—mahigpit ang pagkakahawak niya sa sink.

“Sana mali ako,” mahina niyang bulong na tanging sarili niya lamang ang makakarinig.

Ayaw niyang maniwala, ayaw niyang mag-isip, ngunit hindi niya maintindihan kung bakit siya takot na takot. Sa katotohanan ba…o sa magiging reaksiyon ni Timothy.

Pinaandar niya ang gripo; inilagay niya ang kanyang kamay sa rumaragasang tubig at sandaling natulala.

“Celine,” narinig niyang tawag ng mayordoma sa kanya.

Napakurap siya at naghilamos; lumunok siya nang ilang beses at huminga nang malalim bago lumabas.

Sina Timothy, Matteo, Gabriel, at Vann naman ay naglalaro ng volleyball sa dalampasigan.

Malawak ang isla. Ilan lang din ang sumama na nanatili dito dahil ito na ang huling gabi nila sa resort, at dito sila matutulog para maranasan nila ang ipinagmamalaki ng Triple A’s Resort.

Masayang naglalaro ang apat na lalaki, habang ang mga babae ay nakatingin lang sa kanila. Paano kasi, nakasuot na pambeach na shorts ang mga iyon at wala silang suot na pang-itaas, kaya lantad na kantad ang kanilang naglalakihang braso at katawan.

Habang si Chesca naman ay nakasimangot lang ang mukha sa loob ng maliit na tent na inilatag ni Timothy para sa kanya.

Ang buong akala kasi ni Chesca ay sila lang dalawa ni Timothy kaya pinaghandaan niya ang lahat, mula sa kanyang katawan hanggang sa kanyang pananamit. Sinigurado niyang matitikman niya si Timothy, ngunit isa lang pala iyong kahibangan dahil kasama ni Timothy ang tatlo niyang kaibigan, at sa buong bakasyon—sa kanila lang nakatuon ang atensyon ng lalaki.

“Kainis!” Naoapadyak siya sa inis.

Akala pa naman niya makaka-score na siya para ma-blackmail na niya ang lalaki, pero wala. Walang nangyari sa kanila, at mukhang ayaw din talaga ni Timothy na magsama sila nang mag-isa dahil nandiyan ang mga KAIBIGAN niya.

Nagpakawala siya ng mahabang buntong-hininga.

Kinalma na lang niya ang sarili niya. Inisip niyang sa huli ay mapapasakanya rin naman ang lalaki. Marami pang pagkakataon, at sisiguraduhin niya na sa pagkakataong iyon, sa kanya na aayon ang tadhana.

“LINISAN mo nga iyong pool, Celine,” utos ng matandang maid na pumangalawa sa mayordoma.

Hindi niya gusto ang babae. Paano nahahalata na pinapaboran ito ng mayordoma at ng amo, kahit siya naman ang matagal na rito. Si Manang Esing kasi ay may anak na si Milagros—gusto niyang akitin ng anak si Sir, pero may ibang gusto si Milagros, kaya inis na inis siya sa anak, pati na rin kay Celine, dahil alam niyang ito ang nagtulak sa anak na huwag akitin si Timothy.

“Bilisan mo,” Singhal ni manang Esing kay Celine.

Kahit masama ang pakiramdam, sumunod sa utos ang babae at nagtungo sa malawak na pool para linisin ito, kahit hindi naman iyon ang trabaho niya.

Habang naglilinis siya, napapahinto siya dahil sumasakit talaga ang ulo niya at umiikot ang paningin niya.

“Ang bagal mo, Celine!” Sigaw ni Manang Esing nang makita siyang nakatayo lang habang hawak ang net.

Habang pinipilit ni Celine ang kanyang sarili na magtrabaho, lalong naduduwal siya, kaya kahit tinawag siya nang malakas ni Manang Esing ay hindi siya nakinig at dumiretso uli sa banyo.

Kagaya kahapon, palagi pa rin siyang naduduwal, nahihilo, at pagod na pagod kahit wala namang ginagawa.

Mababaliw na siya; hindi na niya alam kung ano ang gagawin o kung ano ang sasabihin.

She was looking at herself in the mirror; she looked horrible—like a woman who he never should have become.

Maputla ang labi.

Hinang-hina.

Muli na naman siyang nasuka.

“Celine,” narinig niya ang isang pamilyar na boses.

Natigilan siya. Hindi niya puwedeng makitang ganito ang kalagayan. Isasara na sana niya ang pinto nang bumukas iyon at iniluwa nito si Timothy.

He was staring at her; she looked foreign to him.

Nilapitan niya ang babae, nakakunot ang noo.

“May sakit ka ba?” Bakas sa kanyang boses ang pag-aalala.

Nag-iwas ng tingin si Celine. Ayaw niyang isipin na may iba pang ibig sabihin ang ginagawa ng lalaki sa kanya. Dahil alam at kilala niya ang lalaki, wala siyang pakialam sa kanya.

Gagamitin lang siya, paglalaruan—natigilan ang pag-iisip niya nang lumapit si Timothy at hinawakan ang babae.

Umatras siya; kinabig ang kamay nito. “Wala akong sakit,” pinilit niyang maging steady ang boses niya.

Pero hindi naniniwala si Timothy. Hinawakan niya ang chin nito at pinatingin sa kanyang mga mata, pero agad na nag-iwas lang siya ng tingin.

Her heart thudded into her ears, something beneath hope.

Na sana totoo ang ipinapakita ni Timothy sa kanya.

Pero bago man siya muling makapagsalita, biglang dumilim ang kanyang paningin at bumagsak ang kanyang katawan; mabuti na lang at nasalo siya ni Timothy.

“Ihanda ang kotse!” Malakas na sigaw ng lalaki, puno ng pag-aalala.

What happened to her? Bulong niya sa kanyang sarili habang nakatingin sa namumutla niyang mukha.

***

Nagising si Celine at nakita niya si Timothy na nakabantay sa kanya.

Alertong pinindot ni Lucas ang red button kaya may dumating na doctor.

Gusto pa sanang magtanong si Celine kung bakit binabantayan siya ng lalaki, pero hindi na niya nagawa dahil nagsalita na ang doktor.

“Good morning, ma’am and sir,” bati niya. Binati rin pabalik ni Celine ang doktor. Nakangiti ito habang tumingin sa kanya at kay Timothy.

“Congrats, you’re 2 weeks pregnant,” nakangiti niyang anunsyo habang ang dalawa ay parehong natigilan.

استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق

أحدث فصل

  • Pregnant by my Playboy Boss   Kabanata 24

    SI Chesca ang babaeng gagawin ang lahat para mapalayo lamang sina Celine at Timothy, kahit anong mangyari. Hindi iyon alam ni Timothy. Wala siyang alam na si Chesca ang nais na umalis si Celine sa buhay niya. Kaya ngayong nagbalik ito galing sa Spain. Hindi alam ni Timothy kung matutuwa ba siya sa pagkakita sa babae dahil minsan na silang nag-away tungkol sa kanilang kasal na ayaw naman ni Timothy. Paano kasi pinilit ng pamilya ni Chesca ang kasal nilang dalawa? "Chesca, alam mo naman na kapatid lang ang turing ko sa'yo, di ba?" Seryosong tanong ni Timothy kay Chesca na ngayon ay halos maiyak na sa sobrang inis. "Kapatid?" naiinis na tawa ni Chesca habang nakatingin kay Timothy na ngayon ay seryosong nakatingin sa kanya pabalik. "Alam mo rin kung ano ang tunay na nararamdaman ko." Napailing siya. "No, I can't, Chesca," Timothy replied. "Besides, I have a child with another woman, so how can you marry me?" Chesca walked near him; he immediately stepped back.

  • Pregnant by my Playboy Boss   Kabanata 23

    HABANG abala si Timothy sa construction site. Si Celine naman ay abala rin sa pagpapalago ng kanyang business sa loob ng ilang araw. Isang linggo na rin na hindi nagpapakita si Timothy sa shop ni Celine, dahilan upang pag-usapan muna nina Aurora at Belinda ang bagay na iyon. "Pansin mo ba? Hindi na bumalik si Sir Timothy dito sa shop natin." "Oo nga eh," pagsang-ayon ni Aurora. Ipinatong niya ang siko niya sa counter, tapos ibinuka ang mga palad sabay inilagay ang kanyang baba doon. "Alam mo, kahit doon sa site ay hindi ko na siya nakita." Bulong ni Belinda. "Bakit kaya?" tanong ni Aurora. Belinda thought of something else. Something that might make sense, but nothing. Wala siyang maisip na ibang dahilan. "Baka abala lang siya sa kanyang trabaho." "Siguro nga," sahig ni Aurora, saka umayos nang bumalik na si Celine galing sa labas at may binili. Inilapag nya sa counter ang kanyang pinamili. "Ito na ang mga coffee na kailangan. Dinamihan ko na par

  • Pregnant by my Playboy Boss   Kabanata 22

    NASA site ngayon si Timothy. Kanina pa nagtatalo sa kanyang isipan kung pupunta ba siya sa coffee shop ni Celine o hindi. May kung ano sa kanyang puso na gustong magtungo roon, pero parang ayaw niya. Hindi niya alam. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili. .Kaya sa huli, nagtimpla na lamang siya ng sarili niyang kape. "This is better than making things complicated," bulong niya sa kanyang sarili at sinimsim ang kape. Alam niyang dapat ay iwasan na niya ang babae dahil mukhang hindi na siya nito naalala. Ngunit may kung ano sa kanya na hindi naniniwala. Ang kanyang mga mata. Iba ang ipinapahiwatig ng kanyang mga mata sa tuwing tatama sa akin. It's like...there was a secret that she wanted to be buried until her last breath. Hindi siya sigurado. Walang katuturan iyon. Ngunit ang puso niya ay siguradong hindi totoo na nakalimutan niya si Timothy. "But wasn't it hurt the most if she chose to act as if I didn't exist in her life before?" masakit

  • Pregnant by my Playboy Boss   Kabanata 21

    SA suit naman ni Timothy ay makikita siyang nakaupo sa isang single sofa na nakaharap sa glass wall kung saan ay tanaw niya ang buong liwanag ng city. May hawak siyang kopita na may lamang alak. Pinapaikot-ikot niya iyon habang pinagmamasdan ang magandang tanawin sa unahan. "Celine." He said it like the name was something to him. Ang pangalang iyon. Ang mukhang iyon. Hindi siya makapaniwala hanggang ngayon na gumawa siya ng kape dahil nahihirapan ang babae. "Hindi," ipinilig niya ang kanyang ulo. "You're not doing it again, Timothy." Bulong niya sa kanyang sarili. Mali ang ginawa niya. Ngunit ang hindi niya lalo maintindihan ay kung bakit hindi siya kilala ng babae batay sa kanyang mga reaksiyon. Kilalang-kilala siya ng kanyang mga mata. Kaya bakit? Bakit niya ako itinuring na parang noon niya lang nakilala? Tanong ni Timothy sa kanyang isipan, kasabay no'n ang paglagok niya ng alak. Dumaan ang pait sa kanyang lalamunan. Sanay na siya doon. Mataas

  • Pregnant by my Playboy Boss   Kabanata 20

    MAS lalo dinagsa ang coffee shop ni Celine dahil sa dalawang lalaking ngayon ay tumutulong sa kanya. Halos iyong mga babae at binabae na mga customer ni Celine ay kinikilig nang makita nila ang mukha ng dalawang lalaki na nagpapasikat. Napailing na lamang si Celine habang tinitingnan ang mga customer niya na ngayon ay panay ang turo sa dalawang lalaki na pinagkaguluhan nila. Halos wala na siyang ginagawa dahil nagpapasikat ang dalawa. Naiintindihan niya si Stefano na gustong tumulong sa kanya dahil magkakilala naman sila at matagal na talagang gustong tumulong si Stefano sa kanya. Ngunit si Timothy? Bakit niya ako tinutulungan? Iyan ngayon ang nasa isipan ng babae habang pinagmamasdan niya si Timothy na nakangiti habang nagse-serve ng mga pagkain para sa mga customer. Pagdating nina Aurora at Genoveva, halos malula sila sa dami ng nakapila sa labas ng coffee shop nila. Pagpasok nila ay puno rin ang loob. Nang tiningnan nila ang banda sa counter, pareho silang n

  • Pregnant by my Playboy Boss   Kabanata 19

    NAGSIMULA na ang construction para sa gagawing restaurant at hotel ni Stefano. Lahat ay inaabangan iyon. Maging ang mga celebrities at mga mayayamang angkan sa industriya. Dahil hindi lang naman iyon kay Stefano. Marami rin ang naki-invest para sa gagawing project sa Manila. Alam kasi nila na kapag si Stefano ang nagplano ay talagang magaling at maayos, kaya lahat ay looking forward sa proyekto. And if these projects will be successful. Hindi lang si Stefano ang aangat kundi pati na rin si Timothy. Mas lalong sisikat ang kanyang pangalan. Hindi lang sa mga babae kundi pati na rin sa mga negosyante. At lahat ay naghihintay na lang, parang dati, dahil hindi lang naman ang building na ito ang nagawa na niya. Kundi pati na rin ang iba pang mga sikat na building sa Laguna. Oras na para sa meryenda. Kaya lahat sila ay naghintay ng meryendang darating. At alam na nilang darating ang Celeste's Coffee Shop crew upang ihatid ang kanilang meryenda na in-order nila. "Ba

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status