LOGINTIPSY si Timothy. Uminom na naman siya kasama ang kanyang barkada, at nagtaka sila kung bakit hindi na pinapansin ng babaeng katabi ng lalaki ang pilit nilang isinisiksik sa kanya.
“Umalis na kayo.” Utos niya. Nagtaka ang mga kaibigan niya. “What was that, bro?” Matteo asked, spreading his arms on the backrest of the sofa, may hawak na alak ang isa niyang kamay. “Are you Timothy Valderama?” “Shut up!” Asik niya, pero tinawanan siya ng barkada. Hindi rin maintindihan ni Timothy kung bakit nawawalan siya ng gana sa mga babae kahit ialay pa nila ang sarili nila sa kanya. Nakakpagtaka. Pero ang tanging tumatakbo sa isip niya ay ang mukha ni Celine. He shook his head at nilagok ang isang bote ng alak. Baka kailangan niya lang na matauhan para makaalis sa kanyang kahibangan. Pero habang umiinom siya, his mind wandered to his parents' house and somehow…he wanted to stay there because of something or…someone. HINDI makatulog nang maayos si Celine kahit anong posisyon na ang ginagawa niya, pero parang may bumabagabag sa kanyang isipan. Ang sinabi ng nanay niya sa kanya. Sa layman, ang lalaki ay huwag mahulog. Bakit kaya iyon ang sinabi ni Nanay sa akin? Tanong niya sa kanyang sarili, pero walang makakasagot noon kundi siya. Huminga siya nang malalim at pinilit ang sarili niyang matulog, ngunit pikit lang ang kanyang mga mata at gising ang kanyang diwa. Ano bang nangyayari sa’yo, Celine? Sa kalagitnaan ng kanyang pag-iisip, kumalabog ang kanyang pintuan, kaya nanlaki ang kanyang mga mata at bahagyang natakot. Nagtalakbong siya gamit ang kanyang kumot. “Celine,” tawag sa kanya. Isang pamilyar na boses: hindi siya puwedeng magkamali. Kumunot ang kanyang noo. ‘Anong ginagawa ni Timothy dito?’ Tanong niya ang kanyang sarili, pero bumangon siya at pinagbuksan pa rin niya ito ng pinto. Their eyes locked when Celine opened the door, and without warning—Timothy’s lips touched hers. Between their kisses, Timothy uttered something that only him could hear. “I just want to confirm something,” mahina niyang bulong. Nalango na si Celine sa halik ni Timothy, kaya nagpaubaya na siya. “Tell me to stop if you don’t want this,” Timothy whispered. Wala na sa tamang katinuan si Celine. Nakalimutan na niya ang bilin ng nanay niya. Nakalimutan na niya na sa huli, siya rin ang masasaktan. Nakalimutan na niya ang lahat dahil ang tanging iniisip niya ay ang mga labi ni Timothy. “G-gusto ko,” halos hindi na niya makilala ang sarili niya habang sinasabi iyon. And with that consent, Timothy didn’t stop himself from claiming Celine since his body always craved her body, her scent, everything about her. At ang gabing iyon ang hindi nila inaasahang gabing magpapabago sa kanilang buhay. *** Nagising si Celine at wala na si Timothy. Maayos na ang kanyang kalagayan, pero masakit pa rin ang gitnang bahagi ng kanyang katawan; hindi na ganoon kalala. Kaya bumangon na siya para maglinis ng katawan nang sa ganoon ay makapagtrabaho na. Naglinis siya ng bahay buong maghapon, pero walang Timothy ang lumabas. Nagpapahatid lang ito ng pagkain kay Nene sa loob ng kanyang silid. Gusto niya sanang magboluntaryo, pero pinigilan niya ang sarili. Baka kung ano pa ang isipin nila, kaya hinintay na lang niya na lumabas ang lalaki. HAPON na nang lumabas si Timothy mula sa kanyang silid; nasa sala si Celine dahil inaayos niya ang ilang vase. Babatiin na sana niya si Timothy nang bumagsak ang balikat niya nang makitang may kasama ang babae si Timothy—ang best friend niyang si Chesca. Her stomach churned. Nanghina ang kanyang katawan, parang gusto niyang tumakbo at magpakalyo-layo, pero natulog lang siya sa kanyang kinatatayuan. Nang lingunin siya ni Timothy dahil napansin ang kanyang presensya, agad itong bumaling sa kanyang pinagkakaabalahan, ngunit nasagi ng kanyang kamay ang vase na nasa gitna ng lamesa dahil sa pagmamadali niyang makaiwas kina Timothy at Chesca, kaya ito ay nabasag. Gumawa ito ng ingay sa tahimik na kapaligiran. Tumigil ang kanyang mundo; maging ang paghinga ni Celine ay halos tumigil. Kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi at, dahil sa takot, pinulot niya ang mga bubog na nasa sahig. “What are you doing?” Tanong ni Timothy. Hindi siya sumigaw, pero sapat lang iyon para mapalunok si Celine nang ilang beses. Gusto niyang humingi ng tawad ngunit walang salita ang lumalabas sa kanyang bibig. “Binasag mo ba ang mamahaling vase ni Tita?” Sigaw ni Chesca na nasa likod ni Timothy, nakapameywang. “You’re fired!” She declared as if she were the mistress of the house. “P-pasensya na po, sir, i-ibawas na lang po ninyo sa sahod ko.” Nanginginig niyang sinabi. Ayaw niyang umalis. Wala siyang mapupuntahan na ibang lugar. Ito ang unang beses na nakagawa siya ng kamalian. Hindi niya alam kung bakit naging balisa siya kahit sa simpleng presensya lang ng lalaki. Ano bang nangyayari sa kanya? “Get the cleaners and clean it properly, not with your bare hands.” Utos ni Timothy na sinunod naman niya. Chesca was about to protest when Timothy calmed her down. “Stop it, my mom would definitely fire her.” He hushed her, “Why don’t we just go on vacation?” Alok niya sa babae, kumikinang naman ang mga mata ni Chesca at tumango na parang bata. Narinig iyon ni Celine. Nilingon niya ang dalawa na nagkakayakap. Nahulog siya kay Chesca, kaya agad siyang nag-iwas ng tingin, ngunit huli na dahil napansin ni Chesca na may gusto ang babae kay Timothy. And Chesca wouldn’t let any woman try to steal her man, no one. Siya lang ang puwedeng magmay-ari ng lalaki. Dahil si Timothy ay para kay Chesca lamang. “I can’t wait to be with you, Tim.” Malanding sinabi ni Chesca iyon upang marinig ni Celine, habang ang mga mata ni Celine ay nag-iinit at nagbabadya ang luhang gustong kumawala. Pinigilan niya iyon. Ayaw niyang ipakita na mahina siya, na talunan siya dahil alam niya na kahit anong mangyari, kailangan niyang magpakatatag. She had to. So she composed her posture, chin up and looking straight without minding them. Pero bago pa man siya makahakbang nang ilang beses, may kamay na humawak sa kanya. Paglingon niya, si Chesca iyon na nakangisi. “If you think you’re special to Timothy, no.” Nakakakilabot niyang bulong. Lumapit siya sa kanya. “Isa ka lang sa mga babae niya na pagsasawaan niya, tapos itatapon niya lang dahil babalik pa rin siya sa akin.” Humigpit ang pagkakahawak ni Celine sa laylayan ng suot niyang uniporme. “You’re just a maid, don’t think you’re special.” Dagdag pa nito, dahilan upang muling madurog ang kanyang puso.SI Chesca ang babaeng gagawin ang lahat para mapalayo lamang sina Celine at Timothy, kahit anong mangyari. Hindi iyon alam ni Timothy. Wala siyang alam na si Chesca ang nais na umalis si Celine sa buhay niya. Kaya ngayong nagbalik ito galing sa Spain. Hindi alam ni Timothy kung matutuwa ba siya sa pagkakita sa babae dahil minsan na silang nag-away tungkol sa kanilang kasal na ayaw naman ni Timothy. Paano kasi pinilit ng pamilya ni Chesca ang kasal nilang dalawa? "Chesca, alam mo naman na kapatid lang ang turing ko sa'yo, di ba?" Seryosong tanong ni Timothy kay Chesca na ngayon ay halos maiyak na sa sobrang inis. "Kapatid?" naiinis na tawa ni Chesca habang nakatingin kay Timothy na ngayon ay seryosong nakatingin sa kanya pabalik. "Alam mo rin kung ano ang tunay na nararamdaman ko." Napailing siya. "No, I can't, Chesca," Timothy replied. "Besides, I have a child with another woman, so how can you marry me?" Chesca walked near him; he immediately stepped back.
HABANG abala si Timothy sa construction site. Si Celine naman ay abala rin sa pagpapalago ng kanyang business sa loob ng ilang araw. Isang linggo na rin na hindi nagpapakita si Timothy sa shop ni Celine, dahilan upang pag-usapan muna nina Aurora at Belinda ang bagay na iyon. "Pansin mo ba? Hindi na bumalik si Sir Timothy dito sa shop natin." "Oo nga eh," pagsang-ayon ni Aurora. Ipinatong niya ang siko niya sa counter, tapos ibinuka ang mga palad sabay inilagay ang kanyang baba doon. "Alam mo, kahit doon sa site ay hindi ko na siya nakita." Bulong ni Belinda. "Bakit kaya?" tanong ni Aurora. Belinda thought of something else. Something that might make sense, but nothing. Wala siyang maisip na ibang dahilan. "Baka abala lang siya sa kanyang trabaho." "Siguro nga," sahig ni Aurora, saka umayos nang bumalik na si Celine galing sa labas at may binili. Inilapag nya sa counter ang kanyang pinamili. "Ito na ang mga coffee na kailangan. Dinamihan ko na par
NASA site ngayon si Timothy. Kanina pa nagtatalo sa kanyang isipan kung pupunta ba siya sa coffee shop ni Celine o hindi. May kung ano sa kanyang puso na gustong magtungo roon, pero parang ayaw niya. Hindi niya alam. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili. .Kaya sa huli, nagtimpla na lamang siya ng sarili niyang kape. "This is better than making things complicated," bulong niya sa kanyang sarili at sinimsim ang kape. Alam niyang dapat ay iwasan na niya ang babae dahil mukhang hindi na siya nito naalala. Ngunit may kung ano sa kanya na hindi naniniwala. Ang kanyang mga mata. Iba ang ipinapahiwatig ng kanyang mga mata sa tuwing tatama sa akin. It's like...there was a secret that she wanted to be buried until her last breath. Hindi siya sigurado. Walang katuturan iyon. Ngunit ang puso niya ay siguradong hindi totoo na nakalimutan niya si Timothy. "But wasn't it hurt the most if she chose to act as if I didn't exist in her life before?" masakit
SA suit naman ni Timothy ay makikita siyang nakaupo sa isang single sofa na nakaharap sa glass wall kung saan ay tanaw niya ang buong liwanag ng city. May hawak siyang kopita na may lamang alak. Pinapaikot-ikot niya iyon habang pinagmamasdan ang magandang tanawin sa unahan. "Celine." He said it like the name was something to him. Ang pangalang iyon. Ang mukhang iyon. Hindi siya makapaniwala hanggang ngayon na gumawa siya ng kape dahil nahihirapan ang babae. "Hindi," ipinilig niya ang kanyang ulo. "You're not doing it again, Timothy." Bulong niya sa kanyang sarili. Mali ang ginawa niya. Ngunit ang hindi niya lalo maintindihan ay kung bakit hindi siya kilala ng babae batay sa kanyang mga reaksiyon. Kilalang-kilala siya ng kanyang mga mata. Kaya bakit? Bakit niya ako itinuring na parang noon niya lang nakilala? Tanong ni Timothy sa kanyang isipan, kasabay no'n ang paglagok niya ng alak. Dumaan ang pait sa kanyang lalamunan. Sanay na siya doon. Mataas
MAS lalo dinagsa ang coffee shop ni Celine dahil sa dalawang lalaking ngayon ay tumutulong sa kanya. Halos iyong mga babae at binabae na mga customer ni Celine ay kinikilig nang makita nila ang mukha ng dalawang lalaki na nagpapasikat. Napailing na lamang si Celine habang tinitingnan ang mga customer niya na ngayon ay panay ang turo sa dalawang lalaki na pinagkaguluhan nila. Halos wala na siyang ginagawa dahil nagpapasikat ang dalawa. Naiintindihan niya si Stefano na gustong tumulong sa kanya dahil magkakilala naman sila at matagal na talagang gustong tumulong si Stefano sa kanya. Ngunit si Timothy? Bakit niya ako tinutulungan? Iyan ngayon ang nasa isipan ng babae habang pinagmamasdan niya si Timothy na nakangiti habang nagse-serve ng mga pagkain para sa mga customer. Pagdating nina Aurora at Genoveva, halos malula sila sa dami ng nakapila sa labas ng coffee shop nila. Pagpasok nila ay puno rin ang loob. Nang tiningnan nila ang banda sa counter, pareho silang n
NAGSIMULA na ang construction para sa gagawing restaurant at hotel ni Stefano. Lahat ay inaabangan iyon. Maging ang mga celebrities at mga mayayamang angkan sa industriya. Dahil hindi lang naman iyon kay Stefano. Marami rin ang naki-invest para sa gagawing project sa Manila. Alam kasi nila na kapag si Stefano ang nagplano ay talagang magaling at maayos, kaya lahat ay looking forward sa proyekto. And if these projects will be successful. Hindi lang si Stefano ang aangat kundi pati na rin si Timothy. Mas lalong sisikat ang kanyang pangalan. Hindi lang sa mga babae kundi pati na rin sa mga negosyante. At lahat ay naghihintay na lang, parang dati, dahil hindi lang naman ang building na ito ang nagawa na niya. Kundi pati na rin ang iba pang mga sikat na building sa Laguna. Oras na para sa meryenda. Kaya lahat sila ay naghintay ng meryendang darating. At alam na nilang darating ang Celeste's Coffee Shop crew upang ihatid ang kanilang meryenda na in-order nila. "Ba
![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)






