I am not okay. But I have to act that I am okay.
“Let’s go then,” ani Leander.
Nang akmang hahawakan niya ako sa kamay ay mabilis akong umatras palayo sa kaniya. No, he shouldn’t hold my hand in front of other people lalo na sa harapan ng mga empleyado niya. Hindi dahil nahihiya ako sa mga ito kundi ayokong isipin ng mga tao sa paligid namin na totoo ang hinala nila tungkol sa namamagitan sa amin ni Leander.
Ang nasa isip kasi ng mga ito, kaya ako kinuha ni Leander bilang bago nitong sekretarya ay dahil may gusto si Leander sa akin. Tama naman sila. But I still believe that Leander did that not because he just likes me. Masipag din naman ako at magaling sa mga bagay na ginagawa ko. I have my skills too and I am smart. Kaya hindi puwedeng sabihin ng ibang tao na puro ganda lang ang meron ako.
Mukhang naintindihan naman ni Leander ang ginawa ko. Marahan siyang tumango sa akin pagkatapos ay nauna na siyang maglakad patun
“Leah, please stand up.” Humakbang palapit sa akin si Liam at mabilis ako nitong inalalayan sa pagtayo. “What’s wrong with you? Umiiyak ka ba dahil kay Chase? Dahil sa nalaman mo?” nag-aalalang tanong niya. Dahil hindi ako makatingin sa kaniya, kinailangan pa niyang hawakan ang aking magkabilang pisngi para ingat ito. Puno ng luha ang aking mga mata nang tingnan ko siya. “What’s wrong? Please tell me,” pakiusap niya. Umiling naman ako. “Hindi, wala ito.” Pinilit kong kumawala sa kaniyang pagkakahawak pero mas humigpit pa ang kapit niya sa akin. “Leah, please. I hate to see you like this.” I nodded. “Ako rin. I hate to see myself like this. I hate the fact that I still blame myself for what happened to Chase.” Napansin niya ang panginginig ng aking mga katawan kaya agad niya akong niyakap. At sa pagkakataong iyon, habang yakap-yakap niya ako, may mga alaala na namang nagbalik sa aki
“Honestly, I came to talk about something.” Napatingin ako kay Liam nang marinig ang sinabi niya. Alam ko namang kaya siya narito ay dahil mayroon siyang gustong sabihin o hindi kaya ay nais na pag-usapan. At may hinala na ako kung saan tungkol iyon. “Tungkol ba ito sa nangyari kanina? Tungkol kay Chase?” He lowered his head. Hindi agad siya sumagot. Based on his reaction, mukhang tama ang hula ko. “How much do you remember, Leah?” Huminto ako sa paglalakad at inilibot ko ang aking paningin sa paligid ng court. Nakita ko ang maliit na damuhan na naka-korteng bilog. Imbes na sa sementadong bench ako magtungo, sa damuhan ako naglakad at ilang sandali pa ay umupo na ako roon. Sumunod naman si Liam at umupo sa tabi ko. We’re both Indian sitting there habang tahimik naming kinakain ang ice cream na binili namin sa convenience store. “I’m glad that they’re still not renovating this place. At least kahit paano may green areas p
“Hoy, okay ka lang ba?”Napaangat ako nang tingin kay Felize nang marinig ang tanong niya. Marahan akong tumango sa kaniya at pilit na ngumiti.“Mukha kang hindi okay. Pagod ba sa trabaho? May nangyari ba?”Umiling ako nang mariin.“Wala. Nag-iisip lang ako kung anong puwede kong bilihin para sa mga kapatid ko. Matagal na kasing nagre-request ng pasalubong ang mga iyon. Hindi ko naman nabibil’han dahil palagi kong nakakalimutan,” paliwanag ko sa aking kaibigan na ngayon ay titig na titig sa akin.“You’re not lying, are you?”I laughed.“Hindi. Okay lang ako. Siguro, bibili nalang ako ng chocolates na favorite nila.”Nang hindi pa rin umaalis sa harapan ko si Felize ay pabiro ko siyang tinulak. Tumawa naman siya.“Ikaw, Leah, kapag may problema ka, palagi kang masasabi sa akin o hindi kaya kay Kuya. Alam mo namang nandito lang kami
Nang makita ko siyang mabilis na tumawid para puntahan ako sa kinaroroonan ko ay mabilis akong tumalikod para punasan ang luha sa mga mata ko. I can’t let him see me crying.Hinawakan niya ako agad sa braso pagkarating niya.“Why are you crying, Leah?”Umiling naman ako.“Hindi ako umiyak. Napuwing lang ako.”Nanatili ang tingin niya sa akin. Halata sa kaniyang reaksiyon na hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Napatingala pa siya na tila ba kinakalma ang sarili.“I said stop lying to me,” mariin niyang sambit.“Hindi ba dapat ako ang magsabi sa akin niyan? Sir Leander, ang sabi mo sa akin kanina, kaya ka aalis dahil ime-meet mo for lunch ay ang mga taong makakasama natin sa Ilocos bukas.”Natigilan naman siya sa sinabi ko. I heaved a sigh at marahang binawi ang braso ko mula sa pagkakahawak niya.“Alam mo, okay lang naman na sabihin mo sa akin na ma
“Alam mo, hindi ko alam kung talagang malas lang ako sa pag-ibig o talagang ayaw pa ng tadhana na magmahal ako. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari sa akin. The last time I fell in love back when we were in college was with Julian. It was painful when he left me without saying anything. Ngayon namang nagkaroon ako ulit ng interes sa pag-ibig, nagkataon namang hindi rin puwede dahil sa pagkakaiba ng estado namin sa buhay. Mayaman siya, mahirap lang ako. I have to strive hard para magkaroon ako ng matinong sahod para masuportahan ang pamilya ko lalo na ang mga kapatid ko. Pero siya, he can do anything he want because he has money.”Humugot ako ng malalim na hininga, pinipigilan ang aking sarili na muling umiyak. Dahil ayaw kong pumasok sa loob ng bahay, ipinaalam nalang niya ako sa aking mga magulang na maglalakad-lakad muna kami sa court. Sakto at gabi na rin, kaya wala nang tao roon. Ngayon, nakaupo kami sa damuhan. Yakap-yakap ko ang aking dala
Napatitig din ako kay Leander pero agad ding nakabawi nang marinig ko ang boses ni Liam na tinatawag ang pangalan ko.“Of course, I’d be happy. He’s my friend.”Mabilis akong tumalikod at naglakad palapit kay Liam.“Anong ginagawa mo rito?” excited na tanong ko.Sandaling tumingin sa akin si Liam, pagkatapos ay bumaling sa taong nasa likuran namin. Kumunot-noong muli akong bumaling sa aking likuran. My eyes widened a bit when I saw his Boss.“Don’t tell me, kasama kayo sa Ilocos?”Liam smiled.“That wasn’t the original plan. Nabigla lang din ako sa tawag ni Boss kanina. Dapat siya lang talaga ang sasama sa inyo.”Sa totoo lang, hindi ko naman alam na sasama ang boss niya. Kahapon, ang sinabi ni Leander ay may kakausapin siyang makakasama namin sa business trip na ito.“Kayo po ba ang nakausap ni Sir Leander kahapon na makakasama n
“Sa wakas, nasa Laoag na rin tayo. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakapunta rito sa lugar na kinalakihan ko.” Dinig kong sambit ni Mr. Prieto pagkasakay namin sa white minivan na minamaneho ng isang unipormadong lalaki.Dahil nasa likuran ako ng driver nakapuwesto, bahagya kong sinilip ang sleep ng kaniyang suot na uniform.Java Hotel? Ah, this guy must be working in Java Hotel. Nagmadali akong kinuha ang phone ko sa bulsa ng aking bag at nagtipa sa search box. My lips formed an “o” when I saw that photo of the hotel.Marahan kong kinalabit ang katabi ko sa pag-aakala kong si Liam iyon. Ipapakita ko sana sa kaniya yung kuwarto at yung scenery ng hotel kaso nakalimutan kong sa likuran pala sumakay si Liam at ngayon, ang katabi ko ay walang iba kundi si Leander na mukhang kanina pa pinagmamasdan ang ginagawa ko.Nagkatitigan kami ng ilang segundo. Nang matauhan ako ay agad akong umiwas nang tingin s
“Eh paano nga kung gusto ka niya? Ayaw mo iyon, modelo ang nagkakagusto sa’yo?”Hindi ko tinigilan si Liam hangga’t hindi siya napipikon sa akin. Malalaman ko lang iyon kapag pinalayas niya na ako sa kaniyang kuwarto. Pero nakaupo pa rin siya at patuloy na nagre-reply sa mga emails sa kaniyang laptop.“Kung totoo man iyon, edi ang malas ng ex-boyfriend mo. Hindi siya gusto ng ka-date niya.”Pinaningkitan ko siya ng mata.“Excuse me? Hindi ko siya naging boyfriend,” reklamo ko sa kaniya.He looked at me and smirked.“But almost, right?”Dahil sa sinabi niya ay napairap ako.“Whatever, Liam.”“Parang kahapon lang umiiyak ka ah. In fairness, ang bilis mo mag-move on.”Tumihaya ako ng higa sa kama at napatitig sa kisame ng kuwarto. Mukha bang mabilis akong maka-move on? Mukhang okay na ba ako ngayon? O magaling lang akong