Dahil sa pag-aakalang mababaw lang ang tubig ng pool, tumalon ako. Pero maling desisyon pala iyon. Pagbagsak ko sa tubig, agad na sinubukang abutin ng paa ko ang sahig ng pool, pero hindi ko ito maabot. My estimation was wrong. Mali ako nang akala. Sa pagkakataong iyon, hindi ko napigilan ang sarili ko na mag-panic. Hindi naman ako noon takot sa tubig. Nagagawa ko pang sumali sa swimming contest noong unang taon ko sa highschool at sa mga sumunod pa. Pero magmula nang mawala si Chase, hindi ko alam kung bakit nawala na rin ang kakayahan kong lumangoy. Hindi ko magawang lumangoy ngayon. I don’t know if I can save myself. Patuloy lang ako sa pagbulusok sa ilalim ng pool. Ilang sandali pa ay naramdaman na ng paa ko ang sahig nito. I tried to open my eyes and look around. Baka sakaling mayroon akong makita na puwedeng kapitan. Pero wala, nasa gitna yata ako ng pool napunta.
Ilang sandali pa ang lumipas, naramdaman kong unti-unti na akong kinakapo
Sinubukan kong matulog nang gabing iyon. Pero kahit anong pikit ko. Kahit anong subok ko, hindi ko magawa. Nakapatay na ang ilaw sa loob ng kuwartong tinutulugan ko nang magdesisyon akong bumangon para magtungo sa switch para mabuksan ang ilaw.Pagkasindi niyon ay agad akong bumaling sa wall clock ng kuwarto.11:45 Malapit na maghating-gabi pero gising na gising pa rin ako. Humugot ako malalim na hininga bago muling naglakad pabalik sa kama at umupo roon.I should’ve been sleeping and resting for tonight. Bukas ay kailangan naming umalis para pumunta sa meeting na naka-schedule para kay Leander kasama si Mr. Prieto. Hindi naman ako puwedeng magmukhang lutang bukas. Mahirap na dahil baka mapagalitan pa ako. Kanina, nakita ko kung paano pagtaasan ni Leander ng boses iyong babae.Muli akong humiga at sinubukang matulog pero wala pa rin. Muli akong bumuntong-hininga at pagod na bumangon sa kama. Dire-diretso akong naglakad
“Nakatulog ka ba nang maayos kagabi? Gusto ko sanang puntahan ka, kaso naisip ko ring baka mas gusto mong mag-isa?”Nakangiti akong bumaling kay Liam at marahang tumango. Narito kami sa isang beach ngayon. Katatapos lang ng meeting ni Mr. Prieto at ng boss kong si Leander kasama ang kanilang business partner na taga rito sa Ilocos. Hindi na namin inaksaya ni Liam ang pagkakataon. Agad kaming nagpaalam sa dalawa, para makapaglibot kami sa paligid. Hanggang sa nakarating kami sa dalampasigan. Sa buhanginan kami nakaupo ni Liam habang nakatanaw sa karagatan. Mabuti nalang at maulap ang kalangitan at mahangin ang paligid.“Nag-alala ka ba sa akin?” mapang-asar na tanong ko sa kaniya. Matagal siyang tumitig sa akin saka ngumiti.“Ako? Mag-aalala sa’yo?” Tumawa siya bago tumingin sa karagatan.“Bakit? Hindi ka talaga nag-alala? Muntik na akong—”“Sobra akong nag-alala, Leah,&
Nanatiling nakangisi sa akin si Liam habang mabagal na pino-proseso ng utak ko ang tanong niya.“Ano? Anong bagay tayo?” Hindi ko mapigilang kabahan nang bahagya sa kaniyang tanong.Matagal siyang tumitig sa akin. Sa hindi inaasahang pagkakataon, unang beses na tumibok nang ganito ang puso ko. Bakit parang kinakabahan ako?Tumikhim ako at sinalubong ang kaniyang tingin. Ngumiti naman siya at nagkibit-balikat. I admit, minsan ay pakiramdam ko nagiging crush ko si Liam, lalo na noong mga bata pa kami. Pero hindi naman ako nakaramdam ng ganito. Hindi kaya…may sakit ako sa puso? O abnormal lang talaga ang tibok nito ngayon?“Hindi ba, doon sa logic ng statement mo, parang sinasabi mo na maganda at guwapo ang bagay sa isa’t isa. Grabe ka, Leah. Paano na yung mga hindi gaanong nabiyayaan ng hitsura? Ibig sabihin hindi sila puwedeng mag-asawa o magkaroon ng partner na guwapo o maganda?”Ha? Ano raw? Paano
Pagkarating ko sa tennis court, agad akong nagtaka dahil walang tao roon pero bukas ang ilaw sa palibot nito. Dahan-dahan akong naglakad hanggang makarating ako sa isang bench.Mayroong mga nakalapag na raketa roon at bola. May mga bottled water din na may bawas na. Nasaan ang mga tao rito? Mukhang kaaalis lang ng mga ito. Sa hindi kalayuan ay may taong nagwawalis.Naglakad ako palapit doon upang magtanong.“Ah, Manong. Maaari po bang magtanong?”Huminto ito sa kaniyang ginagawang paglilinis upang lingunin ako. Nakita ko ang bahagyang paglaki ng kaniyang mga mata. Mukhang nagulat yata ito nang makita ako.“Ano iyon, hija?”Ngumiti ako rito.“Wala na po ba ang mga naglalaro rito?”Inilibot niya naman ang kaniyang paningin sa paligid.“Narito lang sila kanina. Hindi ko napansin na umalis sila dahil marami akong nililinis sa likurang bahagi nitong court.”
Hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko ay huminto ang aking mundo nang makita kong magkalapat ang kanilang labi.“Leah!” Dinig kong pagtawag ni Leander sa pangalan ko.Naririnig ko ang ingay sa palagid ko, ang nakapagtataka lang ay kung bakit na-stuck ang katawan ko sa kinatatayuan ko. At ang aking tingin ay hindi ko maalis kina Liam at Maureen.“Leah!” Mas malapit na ngayon si Leander sa akin. Nang hawakan niya ang aking balikat ay saka ako nakagalaw.“Leah, what’s wrong?” kunot-noong tanong niya.Mukhang narinig ni Liam iyon kaya agad niyang hinawakan si Maureen sa magkabilang balikat nito at saka mabilis niyang inilayo ito sa kaniya. Nanatili ang kaniyang tingin sa akin habang inaalalayan si Maureen.“Bakit, Liam? Bakit? Hindi mo ba ako gusto?” tanong sa kaniya nang lasing na si Maureen.Hindi lang ako ang napatingin sa kanila, kundi pati si Leander.
“Aray, ang sakit ng ulo ko.” reklamo ni Maureen habang naglalakad patungo sa lamesa kung saan naroon kami.We’ve decided to eat in the restaurant near the beach. Dito sa beach kung saan may naganap na party kagabi. Kanina pa hila-hila ni Mr. Prieto ang kaniyang anak. Pinagalitan niya rin ito nang malaman niya na naglasing ito kagabi. Mr. Prieto thanked Liam for taking care of his daughter. At ganoon din kay Leander na nag-uwi kay Maureen sa hotel.Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Mayroong mga taong naka-uniporme na naglilibot sa paligid at nagpupulot ng mga kalat. Mayroon ding pinapatag ang mga buhangin na nawala sa posisyon. Mukhang napaglaruan ng mga tao kagabi.“I can’t believe na uminom ka na naman. Hindi ba napag-usapan na natin iyan?” Dinig ng lahat na pinagagalitan ni Mr. Prieto ang anak. Si Maureen naman ay panay ang irap sa kaniyang ama.“Why do you care, Dad? I’m old e
“Saan kayo nanggaling?” tanong ni Mr. Prieto nang makabalik kami ng restaurant. Naroon na kasi sila pagkarating namin. Pareho silang may kaniya-kaniyang pinagkakabalahan sa kanilang phone. Kung hindi pa nga kami tuluyang lumapit sa kanila, baka hindi pa nila kami napansin.Nagkatinginan naman kami ni Leander.“Sa bandang dulo ho, Engineer. Maganda kasi ang tanawin doon. Saka may mga rock formation,” paliwanag naman ni Leander.Tumango ang matanda. Si Liam naman ay tutok na tutok sa kaniyang phone. Hindi ko napigilang isipin kung gusto ko rin nga ba siya o baka nadala lang ako ng damdamin ko dahil sa nangyari sa amin noong nakaraang araw. Umupo ako sa tabi niya at pabirong sinilip ang ginagawa niya sa kaniyang phone. Kanina pa kasi siya nagtitipa. Mukhang mayroon siyang ka-text.Nagulat ako nang bigla niyang inilayo ang phone niya sa akin.“Privacy please,”nakangising sambit niya.I rolled my
“Alam mo, ewan ko sa’yo. Andami mong sinasabi.”Nang hindi siya tumigil sa pang-aasar ay pinaghahampas ko siya sa braso. Pero imbes na mainis siya sa akin, tumawa pa siya nang tumawa.“Why? Ayaw mong ikaw ang kinababaliwan ko, Leah?”Sumimangot ako.“Puwede ba tumigil ka na. Bumalik na lang tayo sa hotel. Gusto ko na talaga magpahinga.”He shook his head.“We’re not going back to the hotel.”Kumunot ang noo ko nang marinig ang sinabi niya. Hindi babalik sa hotel? Eh kung ganoon, saan kami pupunta? Tanghali na. Ang aga-aga pa naming gumising kanina. Inaantok pa ako. Tapos ngayon, sasabihin niya na hindi kami uuwi? Anong uri ng joke iyon?“Pupunta tayo ng Paoay. I’m going to show you something,” he said. Kumunot naman ang noo ko.“Paoay? Saan iyon?”Instead of answering my question, he just smiled.Medyo matagal din ang