Share

Chapter 05

Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari, para bang lutang na lutang ako. Basta ang alam ko na lang ay nasa ospital na kami.

Nilingon ko si Cosimo.

"Thank you sa paghatid." I said before turning my back. Hinatid niya kami sa ospital kung nasaan si papa. Hinanap kaagad namin iyong room niya pero wala na daw siya doon... Ang sakit..

"Nasa morgue na po siya ma'am. Condolence po."

Condolence... The least word I wanted to hear. Tinalikuran ko iyong nurse matapos sabihin kung saan ang daan papunta roon. I feel bad for what I did but it hurts a lot. Tinahak namin ang tahimik na pasilyo ng ospital. Makalipas ang ilang minuto ay narinig na namin ang iyak ng aming ina. Kaagad siyang dinaluhan ng kapatid ko at sabay silang umiyak. Napahinto ako, naestatwa di kalayuan sa kanila.

"Scianna.." Hindi ako tumingin kay Cosimo. Hindi pa din siya umaalis at sinamahan niya pa kami rito. I'm really grateful for that but I can't show my gratitude right now. Kanina ko pa pinipigilan ang pag-iyak ko pero kapag lumapit ako sa pamilya ko, paniguradong bubuhos din ang luha ko.

Hinawakan ni Cosimo ang balikat ko. "You know, it's not bad to cry with them.." umiling ako. Pilit kinakalma ang sarili.

"K-kapag... K-kapag umiyak ako... Sino ang magcocomfort at magpapalakas ng loob nila?"

Halos isang oras din ang itinagal ng pag-iyak ni Jelai, samantalang si mama ay tulala na lang ngayon pero patuloy pa din ang paglabas ng luha mula sa mga mata nito. Nasasaktan ako sa nangyayari. Si papa.. Hindi ko akalaing mawawala siya kaagad sa amin. Parang kailan lang ay ang lakas lakas pa nito. Parang kailan lang ay kasama pa namin siyang nagbibiruan. Bakit ang bilis?

Si Cosimo ang nag-asikaso sa burol. Nahihiya na ako kaya pinilit kong kumilos para sa pamilya namin. Hindi pa maayos si mama pero alam kong nagsusumikap siya para sa amin ni Jelai. Siya ang nag-patuloy sa pag-aasikaso ng burol ni papa. Sobrang bilib ako sa kanya dhil tinatagan niya ang loob niya. Si Jelai ay nagpapahinga ngayon sa kwarto dahil nahimatay ito kanina. Siguro sa sobrang pagod, init at stress. Mabuti na lang at dumating din sina Ailee kaya sila muna ang tumutulong sa amin ngayon.

"Let's go buy groceries para sa ipapakain sa mga bisita niyo." tumango ako kay Cosimo atsaka nagpaalam kina mama.

"Mag-iingat kayo.." sabi nito atsaka tumingin kay Cosimo. "Maraming salamat Zac, napakadami mo ng naitutulong sa amin." oo nga pala, Zac nga pala ang pangalang ipinakilala nito. Napangiti ako pero kaagad din iyong nawala noong napatingin ako sa paligid...

"It's my pleasure to help po,"

Pinagbuksan ako ni Zac ng pintuan sa front seat bago umikot papunta sa drivers seat. Tahimik lang ang naging byahe namin papunta sa palengke. Doon kami mauuna para kumuha ng iilang gulay at rekados sa pwesto namin. Iyong mga wala ay ang bibilhin namin.

Ipinark nito ang sasakyan di kalayuan sa lugar. Mayroong jollibee sa tabi kaya dito kami nagpark. Hindi ko na inantay na pagbuksan niya pa ako ng pinto. Sabay kaming lumabas ng sasakyan. Napatingin siya sa akin kaya nginitian ko siya. Siguro ay tinitimbang niya din ang mood ko, kung ayos na ba akong makipag-usap o hindi pa.

Naging abala kami sa pagkuha ng mga kakailanganin sa bahay. Halos lahat naman ay mayroon doon sa pwesto namin. Kinuha na din namin lahat ng gulay dahil masisira lang ito doon. Mabuti na lang at wala kaming kinuhang panindang karne noong nakaraan. Kundi ay masasayang lang din ang mga iyon.

"Ano pa ang kulang?" kunot noo kong tanong kay Zac. Nasa kanya kasi ang listahan.

"Uh.." napatingin ako sa kanya dahil antagal niyang sumagot. Andami niya ng hawak, samantalang dalawang plastic lang ang sa akin. Kaagad naman akong nakonsensya.

"Hala!" kukunin ko sana iyong ibang supot kaya lang inilayo niya ito sa akin. Tiningnan ko siya at umiling siya.

"You get the list in my pocket. I can handle this."

"I'll help."

"You can help by the list, Sci.." sa huli ay sumuko na lamang ako at sinunod siya. Ang kulit. Alam ko namang nabibigatan na siya. Paniguradong hindi ito sanay sa paghawak ng mga ganyan dahil mayroon naman silang kasama sa bahay at may mga body guards pa.

"Nako! Pagagalitan ako ng mga pinsan at kapatid mo kapag nakita ka nilang ganyan!" pangaral ko habang binabasa iyong listahan.

"They'll be proud of you, because you made me carry all of this." humalakhak pa ito.

Sinamaan ko siya ng tingin atsaka napailing. Humarap ako sa dadaanan para matalikudan siya atsaka napangiti.

Mag-aalas onse na noong natapos kami. Gutom na kami ni Zac pero kailangan naming makauwi kaagad dahil wala din silang iluluto sa bahay.

"Let's go drive thru. Para magkalaman ng kaonti ang tyan mo." sabi nito atsaka iniliko ang sasakyan sa drive thru nitong jollibee. Hindi na ako umangal pa. Napagod talaga ako sa mga ginawa namin. Paano pa kaya siya?

"What do you want?"

"Ikaw na ang bahala." tumango siya atsaka sinabi na yung order namin doon sa speaker. 

Tinitigan ko siya. Talagang gwapo nga ito. Maputi ito at may makinis na kutis. Medyo chinito din at may matangos na ilong. Mapupula at manipis na labi. Mahabang pilikmata at makapal na kilay. And his jawline is really visible dagdag pa sa nagpaganda ng itsura niya. Sa mga Cosimo na nakita ko, siya ang pinakamaputi. Pareho silang matatangkad at may saktong pangangatawan. Pati ang mga kilay at pilikmata ay pare-pareho sila. Yun yata talaga ang highlight ng itsura ng mga Cosimo.

"Stop staring Scianna.."

"Why?"

"It's making me..." napakagat labi ito atsaka mas itinutok ang paningin sa harap. Ngumisi ako.

Kami na ang susunod kaya sa pagkain na din ako nagfocus. Binuksan ni Zac iyong bintana para kunin ang pagkain at magbayad. Nakita ko kung paanong natigilan ang staff ng jollibee at kung paano kuminang ang mga mata nito. Can't blame her.

"190 po sir..." kinalabit ko si Zac para ibigay ang ambag ko para sa pagkain pero umiling lang ito. Napanguso ako. Inilagay ko ang pera ko sa dash board ng sasakyan niya kaya sinamaan niya ako ng tingin.

"Ano?" I asked. Napabuntong hininga siya atsaka umiling.

Napatingin ulit ako kay ate na ngayon ay saakin naman nakatitig.

"Ang gwapo at ang ganda niyo naman po. Bagay na bagay po kayo. Kasal na po ba kayo?" nasamid ako sa iniinom kong coke kaya kaagad akong dinaluhan ni Zac na natatawa.

"Thank you sir, come again!"

Hinampas ko na siya nung nakalayo na kami pero tumatawa pa din siya. Sobrang saya lang?

"Your... Ah... Your face! It's priceless!"

"Tigilan mo ako Zac, di nakakatuwa."

"Woah, it's the first time you call me that!" kumunot ang noo ko.

"Zac?"

"Yeah!"

"Kanina ko lang kasi naalala."

"Aww. Double kill! Pero at least naalala mo. Don't worry. I'll make you never forget my name." inirapan ko ito kaya natawa nanaman siya.

Burger and fries ang inorder niya para sa kanya, samantalang ang sakin naman ay chicken with fries. Kaya habang nagmamaneho siya ay sinusubuan ko na din siya nung burger niya.

"Gusto mo?" I asked pertaining to the chicken,

"Can I?"

"But we don't have spare spoon or fork."

"It's fine, indirect kiss." kumindat pa ito.

"Ayoko na nga. Magburger ka na lang!" tumawa ulit siya kaya sa sobrang inis ko ay sinubo ko ang malaking manok sa kanya.

"Don't worry, I won't kiss you. Your parents will kill me."

Buong byahe ay puro pagtawa niya lang at ang pang-aasar niya sa akin ang nangyayari. At tanging pagkainis lang ang emosyong naipakita ko. Well minsan ay natatawa na lang din ako sa kanya. Pagkapark niya ng sasakyan sa harap ng bahay ay kaagad ko siyang tinawag.

"Why?" I look at him sincerely

"Thank you. I appreciate all of this. Thank you for helping our family."

Ngumiti siya.

"Pero bakit mo ba ito ginagawa?" hindi ko kasi maintindihan, I'm thankful, really. Dahil kung wala siya noon sa ospital, hindi ko na siguro alam kung ano ang gagawin ko, kung wala siya araw-araw, paniguradong hanggang ngayon ay di pa naaayos ang burol ni papa..

"I... I don't know.. I just want to help.. Hindi ko din alam pero parang ito ang gusto kong gawin. Wala naman sigurong dapat na dahilan para tumulong diba?"

Dumami ang nakikiramay sa amin. Kakaalis lang noong mga schoolmates ni Jelai at ang ilang faculty members ng school kanina, nagpaiwan ang mga kaibigan ni Jelai atsaka tumulong na din sa amin. Kararating lang naman noong mga kasamahan ni papa sa pamamasada.

"Condolence Laila, Scianna, Jelai.."

"Hindi namin inasahang maagang magpapaalam si Jeffrey.."

"Ganoon din po kami.."

Naiyak nanaman si mama at Jelai. Konti na lang ay babagsak na din ang mga luha ko noong dinaluhan kami ni Zac. Nginitian niya ako kaya ngumiti ako pabalik. Inalalayan namin si mama hanggang sa makaupo. Nilingon ko siya and I mouthed thank you. Tumango naman ito atsaka nagpunta sa kusina upang tumulong. I did the same.

Kumuha siya ng iilang kape at isinerve sa mga nagsusugal sa labas. Pinanood ko siya habang ginagawa niya yon. Natigil lang panonood ko noong siniko ako ni Ailee.

"Di mo sinabing close pala kayo ng isang Cosimo." bulong nito. Alam kong noong isang araw niya pa ako gustong tanungin tungkol dito. Hindi ko din alam kung paano. Hindi pa nga kami gaanong magkakilala. Hindi pa din kami nakakapag usap talaga. Bigla na lang kaming naging kumportable sa isat isa.

"I really don't know too, Ai. Nagkita na lamang kami sa school noong... Noong araw na dinala si papa sa ospital ulit. Tapos nakita ko na lang na magkakasama na kami sa morgue. He was there while I was at my lowest. He never leave. Kahit na hindi pa kami ganoon ka magkakilala. Tumulong pa din siya. And I'm really grateful."

"I'm really happy because you met him. Lalo na ngayon na alam naming sobrang nasasaktan ka. He's a big help, you know."

Ngumiti ako. Tama siya though. Lagi niya kaming chinicheck nina mama kung ayos pa ba kami. Kulang na nga lang ay dito na siya matulog dahil lagi naman siya dito. Uuwi lang siya para matulog saglit at maligo tapos nandito nanaman siya. Pinagbaon ko na nga siya ng damit niya dahil kahit anong pilit ko na bumalik na lang siya sa last day ay nagpupunta pa din siya dito.

Sumapit na ang gabi ay madami pa ding nagpupunta. I'm really happy because I know na maraming nagmamahal kay papa. Patuloy pa din kami sa pag-aasikaso.

"Ate, uuwi na ang mga kaibigan ko, babalik na lang bukas.." napabaling ako sa mga kaibigan ng kapatid ko atsaka ngumiti.

"Maraming salamat sa pagpunta ninyo at pagtulong, mag-iingat kayo sa pag-uwi ha?"

"Walang anuman po ate, tutulong po ulit kami bukas."

"Andoon siguro si mama sa loob, nakapagpaalam na ba kayo?" tumango sila.

"Opo, magkausap po sila noong boyfriend niyo."

"Giselle!" saway ng mga kaibigan nito pero napatingin lang ito ng nakakunot noo sa kanila. Hindi alam kung ano ang maling nagawa. Ngumiti na lang ako atsaka tumango.

Hinatid ni Jelai ang mga kaibigan sa labasan. Pumasok naman ako sa loob para silipin kung si Zac nga ba ang kausap ni mama at hindi naman ako nagkamali. Nagtatawanan silang dalawa kaya napangiti ako. Papa, mukhang may bagong lalaking nakapagpatawa kay mama.

Mabait po si Zac, siguradong magkakasundo kayo kung sakaling makakasama niyo siya..

I miss you... We miss you so much.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status