Share

Chapter 06

Ako ang nagbabantay ngayon kay papa, pinagpahinga ko na muna si mama at ang kapatid ko dahil maghapon na silang kumikilos. Nakatulog naman ako ng ilang minuto kanina kaya ayos na 'yon.

"Hey, coffee?" napaangat ako ng tingin kay Zac. Nakapagpalit na ito ngayon ng damit, hindi basa ang buhok niya kaya siguro ay naghalfbath lang ito. Bawal maligo dito sa bahay, isa iyon sa mga pamahiin. Sumusunod kami sa ganon at nirerespeto naman iyon ni Zac, mabuti na lang at nandyan sina Yves. Sumama muna si Zac sa kanila para makapagbihis. Sasamahan ako ng mga kaibigan ko na magpuyat ngayon. I really appreciate them, their presence is enough though. But here they are, sacrificing their rest day helping me here. Noong kinausap ko sila tungkol doon, ay masyado lang nila akong pinaiyak sa naging sagot nila.

"We also love tito, Sci. He was so kind to us. It makes us sad because he left so early but we know that he'll be happy if we help with his burial." sabi ni Ailee.

"Isa pa ay dala namin ang reviewers namin, we can review later. Malaking tulong nga ito, para na din tayong nag group study." nagtawanan kami sa sinabi ni Yves.

I'm so lucky to have them as my friends. Hindi perpekto ang pagkakaibigan namin, minsan ay may mga hindi din kami pagkakaintindihan pero hanggat maaari ay inaayos naman namin kaagad.

"How are you feeling?" napabalik ako sa realidad noong magsalita ulit si Zac. Lumipad nanaman pala ang isip ko.

"You tired?"

"Yeah, pero nakapagpahinga naman na ako kanina so I can handle this."

"Alright."

Natahimik kaming dalawa.

"Wait, wala ka bang pasok? Ilang araw ka ng nandito..." nakakahiya naman ang pag aabsent niya.

"Don't worry about me. My cousins covered for me."

"Nag absent ka?"

"Not really, I'm excused."

Kumunot ang noo ko, kuryoso sa sinasabi niya. Paano? Ang dami ko pang gustong itanong kaso ay iniba na nito ang topic.

"Anyway, my cousins and friends will go here on saturday, baka pupunta din sila sa linggo..." nag-iingat pa din ito sa bawat salitang binibitawan. Para bang natatakot siya na baka isang salita niya lang ay bigla akong umiyak dito.

Saturday will be the last night. Sunday naman ang libing. Walang pasok bukas sa school dahil mayroong bisita na darating. Maglilinis lamang ang mga estudyante sa umaga kaya nagdesisyon ang mga kaibigan ko na lumiban na lang doon. Nagpaalam naman sila at pumayag naman ang prof namin kaya walang problema.

"Bukas, umuwi ka muna. Sumabay ka na lang sa mga pinsan mo sa pagbalik sa sabado." huminto siya sa pagsimsim ng kape niya atsaka bumaling sa akin, nakataas ang kilay at nagtatanong ang mga mata kung bakit.

"Because you need to rest."

"I can rest here."

"Please don't fight me with this. Sobrang thankful talaga ako sa ginagawa mo. Pero ayokong maapektuhan ang grades mo o ang kung ano mang personal business mo dahil sa mga nangyayari sa akin." tumitig ako sa kanya. He's really kind. Sobrang laking tulong sa amin. Kung totoong gusto niya nga ako ay thankful ako doon. Pero ayoko na munang isipin yon sa ngayon..

Sinunod ako ni Zac at nagpaalam nga na uuwi muna kinabukasan at babalik na lamang ng Saturday ng umaga kasama ang mga pinsan at ilang kaibigan.

"Mas maganda nga 'yon Hijo, para naman makapagpahinga ka na at makapasok sa eskwela."

"Nakakapagpahinga naman po ako dito, pero opo. Papasok po muna ako." tumingin ito sa akin, ngumiti naman ako.

"Ingat ka kuya, see you on saturday."

"Salamat Jelai."

Sa loob ng ilang araw ay nakasundo niya na si mama at Jelai, maging ang nga kaibigan ko ay malapit niya ng maging kaibigan. Napailing na lang ako, ang friendly. Sana all.

Pinanood namin ang pag-alis ng sasakyan niya. Noong nakalayo na ito ay tsaka kami nagdesisyong pumasok.

"Anak,"

"Po?"

"Magpahinga ka na muna. Kami na muna ni Jelai at ang mga kaklase niya ang bahala dito. Darating din ang ilang kamag-anak natin mamaya kaya para may lakas ka e itulog mo muna ngayon. Pagpahingahin mo na din muna ang mga kaibigan mo,"

Tumango ako atsaka sila niyakap ni Jelai bago nagpaalam na pupuntahan na ang mga kaibigan tapos ay magpapahinga. Napatingin ako sa orasan, alas dos na pala, mabuti na lamg talaga at walang pasok sa school ngayon pero bukas meron. Hinanap ko ang mga ito at nandoon sila sa isang mesa, nagkakape habang nagtatawanan. Napangiti ako. Lumapit ako sa kanila, napalingon si Barbs kaya kumaway siya.

"Good morning guys, kumusta review?" napatingin sila sa akin, inaalok ako ng kape pero umiling lang ako.

"Nakapagreview naman kami, kagabi. Ikaw? Kumusta pag-uusap niyo ni Zac?" tumaas baba pa ang kilay ni Barbs. Ang baklang to.

"Baliw. We're just friends."

"Grabe ha, ilang araw nagstay dito!"

"Bakit kayo? Hindi niyo ba gagawin iyon?" taas kilay kong sinabi.

"Syempre gagawin!"

"Pero iba yung sa amin, iba yung sa inyo! Ours is bestfriends, sa inyo, maybe, friends with benefits?" kaagad na nanlaki iyong mata ko sa sinabi ni Kisses! Ang bibig talaga ng lalaking 'to!

"Huy! Bibig mo!"

"Oops, nadulas." bumungisngis ito kaya natawa na lamang kami. I'm so thankful to have these guys...

"Hay nako! Sige na, umuwi na muna kayo guys para makapag-ayos at makapagpahinga."

Sumang ayon naman sila. Pero babalik din daw sila mamayang hapon. Tatanggi pa sana ako pero uuwi din naman daw sila ng alas otso ng gabi para sa klase kinabukasan kaya pumayag na ako.

Ala-una na ng magising ako mula sa pagpapahinga. Kinusot ko kaagad ang mata ko at tumitig sa kisame. Sumisikip nanaman ang dibdib ko. Pakiramdam ko kada araw ay nadadagdagan ang sakit na nararamdaman ko. I miss him so much. His laughs, his jokes, his banters with mama. Ganitong oras ay sabay na kumakain si papa at mama sa pwesto namin sa palengke...

Unti-unting tumulo ang luha sa mga mata ko. Niyakap ko ang unan ko at doon umiyak ng umiyak. Lagi na lang ganito tuwing maiiwan akong mag-isa..

Matapos ang tatlumpong minuto ay lumabas na ako ng kwarto. Maayos na ang itsura ko pero namumula pa din ang mga mata ko. Nakarinig ako ng hagulgol sa sala kung nasaan si papa. Nakita ko doon ang mga tita ko, na inaalo ng mga pinsan ko. My father was really close to his sisters and brothers. Siya ang bunso, sa limang magkakapatid. Dalawa silang lalaki, ang isa ay panganay at nandoon ito sa gilid. Tulala habang namumula ang mga mata. May kaya ang pamilya nina mama, samantalang sina papa ay walang wala. Kaya nagkaroon ng lamat ang relasyon namin sa side ni mama. Isa lang ang kapatid nito, minsan ko lang din siya nakita at ayoko ng umulit pa...

Noong humupa na ang iyak ng mga tita at tito ko ay lumapit na ako para bumati at magmano. Ngumiti naman sila sa akin kahit may mga luha pa sa mata. Lumapit ako kay papa atsaka bumati ng good morning.

"Tingnan mo mahal, kumpleto ulit tayo oh. Diba matagal mo ng gusto ng reunion?" dinig kong sabi ni mama sa gilid ko. Kaagad ko siyang dinaluhan.

"Gising ka na oh, andito ang mga kapatid mo.. Mahal.. Hindi mo ba kami namimiss? Kami ng mga anak mo miss na miss ka na. Magbobonding pa ulit tayo sa linggo, diba?"

Humagulgol si mama, sobrang sakit na makitang ganito ang mga magulang mo. Ni sa panaginip hindi ko ito inasahan na mangyayari.. Hindi ako naging handa dito at kailanman ay hindi magiging handa.

Kinabukasan ay dumating sina Mang Jose at ang asawa nito, iniwan muna nila si Andrea at Andrei sa kapitbahay para makatulong sa amin. Ang mga kamag anak naman namin ay pinatuloy muna nina Ailee sa kanila. Kaya kinabukasan ay sabay sabay silang bumalik dito. Nagmano naman ako sa parents ng mga kaibigan ko.

"Condolence Sci.."

"Nasaan si Laila?"

"Nasa loob po, pasok po kayo.. Tina!"

"Opo ate." sinamahan ng pinsan ko ang mga magulang ng kaibigan ko samantalang kaagad namang tumulong sa amin sina Yves. Kasama din nilang dumating ang iilan sa mga Varsity players. Niyakap kaagad ako nina Daz at Rael. Ngumiti lamang ako ng tipid atsaka itinuro sa kanila ang bakanteng table.

Dahil last day na ay mas dumami ang nagpupunta. Pati iyong mga prof namin ay nagpunta ulit. Kaagad naman akong nagpasalamat sa pagpunta nila.

Alas dos noong dumating sina Zac kasama ang ilang mga pinsan. Hindi ko kilala ang iba pero mukhang kilala nila ako.

"Condolence Scianna.." niyakap ako ni Dawn. Nagpasalamat naman ako sa pagpunta nila atsaka sila tinanong kung anong gusto nila.

"Tubig na lang Sci.."

"Sige, dito muna kayo ha, kukuha lang ako sa loob." tumango naman ang mga ito. Walo silang nandito ngayon. At ang pamilyar lang sa akin ay ang dalawang Cosimo, at si Dawn. Tumayo naman si Zac atsaka nagpresinta na tulungan ako.

Mas naging busy kinabukasan dahil araw na ng libing. Alas nueve ang misa para kay papa at maaga pa lang ay nandito na ulit ang mga kaibigan ko, si Daz at rael, si Zac, at ang dalawang Cosimo. Hindi raw nakapunta si Dawn dahil madami itong requirements na ipapasa kinabukasan. Naiintindihan ko naman, isa pa ay nagpunta din naman siya kahapon.

Nakatingin lamang ako sa puntod ni papa. Umalis na ang mga nakiramay, ganoon din ang mga kamag anak namin dahil may pasok pa ang mga pinsan ko kinabukasan. Umuwi naman na sina mama para ayusin ang bahay, at sumunod naman ang mga kaibigan ko sa kanila,

"Hi pa, kumusta ka na? Kasama mo na ba sina lolo at lola? Ayaw mong nakikita na malungkot kami diba? Hayaan mo papa, sisikapin naming maging maayos pagkatapos ng araw na to." humikbi ako. Hindi ako umiyak buong misa kahit na nagbibigay na ng mensahe ang bawat tao na malapit sa pamilya namin. Pero ngayong ako na lang mag-isa, kasama si papa ay hindi ko na mapigilan ang paghagulgol.

"Papa ang daya mo naman e, paano na yan? Sino na ang magtatanggol sa mga prinsesa at sa reyna mo? Paano kapag may manliligaw si Jelai? Sino ang mananakot sa lalaki?" noon kasi ay lagi kaming binibiro ni papa about manliligaw. He want it in the old way, magsisibak ng kahoy, mag-iigib ng tubig at kung ano ano pang nakasanayan noong panahon nila.

"Ang mama niyo, niligawan ko 'yan ng isang buwan pero parang isang taon na sa dami ng mga pagpapahirap sa akin!" tumawa kami habang nagkkwento si papa ng lovestory nila ni mama.

"Kung nahihirapan ka pala, bakit hundi ka tumigil?" inirapan siya ni mama kaya lalo kaming humagalpak.

"Syempre mahal kita. You're worth the pain!"

"Yieeee!"

Kahit bumabanat si papa kay mama ay hindi niya pa din nakalimutang ikwento ang mga hirap na dinanas niya. Iba ka talaga pa!

"Pinag-igib ako noon ng tubig, dalawang malalaking drum ang pupunuin ko at ang poso ay panglimang bahay pa mula sa kanila! Naranasan ko ding habulin ng aso noong nagsisibak ako, hindi ko alam kung anong problema ng asong yon. Nagsisibak lang naman ako ng kahoy tapos biglang tumahol!"

"Eh ano pong ginawa niyo?"

"Edi tinahulan ko rin! Tapos nagalit ata, bigla akong nilapitan kaya napatakbo ako, ayon hinabol ako." humagalpak kami ng tawa habang naiiling naman si mama habang natatawa din. Pakiramdam ko tuloy ay kay papa kami nagmana ng kapilyuhan!

Napangiti ako sa mga ala-ala namin kasama si papa. I'll always treasure our memories papa, rest in peace...

Tumalikod na ako atsaka napahinto noong namataan ang kotse ni Zac di kalayuan, nasa labas nito si Zac habang nakasandal sa pintuan ng front seat. Napangiti naman ako.

Pa, sayang at hindi mo nakilala si Zac, pero alam ko naman na sa loob ng ilang araw na nakasama natin siya sa burol ay mabuting tao ito. At huwag po kayong mag-alala dahil magkaibigan pa lang kami.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status