Share

Chapter Ten: Hindi tayo pwede

Chapter 10: Hindi Tayo Pwede

Prinsesa Atyrrah POV

Pagtapos kumain ay narito ako sa harap ng teknolohiyang malamig at maraming pagkain sa loob para mamili ng makakaing panghimagas. Gano'n kasi ang hilig ko sa aming mundo. Tuwing pagtapos ng pagkain ay hahanap ako ng makakain ulit panghimagas naman. Pero kahit nakita ko na ang aking gusto ay hawak ko lang ito. Tinitingnan at binabasa ang letra na hindi ko naman maintindihan ang ibig sabihin. Ito ang kinain ko nakaraan nang dumating dito.

May kung ano sa aking puso na lumulukob dahilan para hindi ako makangiti nang maayos bagaman alam ko na ang masarap ang lasa nitong hawak ko. Kapag naaalala ko ang mga pinag-usapan ng Ginoo at Binibini sa sala ay binabalot ng kung anong kalungkutan ang aking puso. May maliit na parang tumutusok sa aking puso dahilan para sumakit ito. 

'Naku, may sakit ata ako sa puso'

Huminga ako nang malalim at saka isinara ang teknolohiya. Hawak ko pa rin ang panghimagas. Nagu

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status