Share

Chapter Two

"Make sure to drink your medicines, Vivian. Take a rest, hindi mo na rin ata nagagawang magpahinga," sermon ni mommy habang chinecheck ang temperature ni Ate.

She's sick since last night. Sobrang busy kasi niya these past few days, marami ata silang naging mga requirements, tapos pinag-alala at inabala ko pa siya kahapon. I'm waiting for the letter na ipapadala para sa kanya, para kahit papaano ay alam ng prof nila kung bakit siya wala.

I took a spoonful of cereals nang makita kong tapos na gumawa ng letter si mommy, inubos ko na rin ang sandwich bago tumayo. I grab my bag and placed it over my shoulder.

"Give it to Dame, hindi ko pa nasasabi sa kanya pero ayos lang 'yon dahil kilala ka naman niya," Ate Vivian stated as she gave me a weak smile before she pat my head.

Agad kumalabog ang puso ko, pinigilan ko ang pagsilay ng ngiti sa labi ko. It means I will be able to see him today, minsan ko lang kasi siya makita dahil magkaiba naman ang building naming senior highschool sa building nila na college at hindi ko rin naman nadadaanan iyon dahil wala namang dahilan para mapadpad kami doon.

"Namumula ka bebe, may sakit ka na rin ba? Baka naman nahawaan na kita." She worriedly asked before she placed her hand on my forehead to check my temperature, lumapit rin sa'min sila mommy kaya sumagot na agad ako.

"Hindi po ate, iniinit lang ako. Alis na ako, baka naghihintay na si Kuya Elmar. Bye, I love you!"

I kissed their cheeks before I grabbed another hamwich on the table then I left the house. Binati ko pa si Kuya Elmar bago sumakay sa sasakyan, our family's driver.

I giggled while staring at the letter na pinadala ni ate, iniimagine ko na iaabot ko 'to kay Dame mamaya. I saw kuya Elmar look at the front mirror that's why I smiled awkwardly, baka nawiwirduhan sa akin.

Naabutan kami ng traffic kaya inilabas ko ang sketchbook ko at nag drawing ng mga gusali doon. Kuya suggested na mag architect ako since I love to draw, pero maski ako ay hindi pa sigurado, alam ko kasi na may part sa akin na gusto talaga maging CPA.

"Sige na kasi, Gianna, samahan mo na ako. Saglit lang naman e," I begged while pulling her arm. Pagkarating ko palang sa classroom ay inaya ko na agad siya, kung kanina ay excited ako, ngayon naman ay hindi maalis ang kaba ko nang makapasok na ako.

Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang first subject nila Ate, kailangan maibigay ko na agad 'to. Sa kabilang building pa sila at maglalakad pa ako para makapunta doon, sa lawak ng school namin ay medyo matatagalan din ako.

"Hindi ko pa nga tapos assignment sa business math, V. Ayan oh si Kael ayain mo, tutal kanina pa tingin nang tingin sa salamin niya, 'yun lang ginagawa. Panigurado gusto niyan ilakad yung ayos niya today," She suggested.

Agad naman ako tumingin kay Kael na kasalukuyan ngang nagsasalamin. I pouted my lips, trying to convince him.

"Haynako Sylvaine Reneé ha, 'di mo ako madadaan sa ganyan. At saka sa kaklase ng Ate mo 'yan ibibigay, 'diba? Yung crush mo? Gorabels ka na, sis!" He clapped his hands. I rolled my eyes on him, ayaw lang ako samahan e.

"Kael have a point. At saka kapag kasama mo kami, baka mas madaldal pa kami kaysa sa'yo." She uttered while computing on her scientific calculator. Nakailang bura pa siya sa sagot niya, halatang stress na kaya mukhang hindi ko na talaga mapipilit.

"Shy type ka pa pala, Vaine?" Tawa ni Kael, umirap na lang ako at inis na tumayo mula sa kinauupuan ko.

Lumabas ako ng classroom namin at tinignan ang relo ko, I only have 10 minutes left kaya binilisan ko ang paglalakad. Hahapyaw-hapyaw ako pumasok sa bulding ng mga college students, tanda ko pa naman ang classroom nila Ate.

I bow my head when I saw them staring at me, siguro dahil ako ang naiiba ang uniform. Ako lang ang senior highschool dito ngayon. When I got to their classroom, I immediately saw her classmates na lalaki. Kilala ko sila sa mukha, pero sa pangalan ay hindi.

"Kapatid ka ni Vivian, 'diba?" I stiffen when someone asked me, parehas niya ng uniform si Dame kaya sigurado akong kaklase rin nila ito.

"Opo. Si D-Dame p—I mean, kuya Dame po?" I shook my head nang magkamali pa ako. Masyado kang napaghahalataan, Vaine!

The guy chuckled maski hindi ko alam kung anong nakakatawa doon.

"You're so cute. Anong sadya mo kay Dame?" He asked. 

Hindi ko 'yon napansin dahil lumilinga-linga ako sa loob ng classroom nila, hoping that he will see my presence, pero maging siya mismo ay hindi ko makita. Absent din ba siya? O baka... nasa bahay pala, binisita si Ate? Ate Vivian probably informed him.

Napanguso tuloy ako sa naiisip ko. Ano ba kasing meron sa kanila ni Ate? Saka ba't ko ba naiisip 'to? May sakit ang Ate ko pero ganito pa ang tumatakbo sa isip ko.

"I can call him," singit niya ulit bago hinarangan ang harapan ko. Ngumiti lang ako sa kanya.

"Talaga po?" Natutuwa kong tanong, I smiled from ear to ear. Pwede ko naman ibigay sa kanya dahil kaklase niya rin naman si ate, pero mas lagi kasing magkaklase si Dame at si ate Vivian sa mga subjects nila.

Okay lang sa'kin maski hindi makita si Dame, basta maibigay lang 'tong letter sa prof nila.

"It seems like you like Damen, huh.." he mumbled, hindi ko masyadong naintindihan 'yon kaya agad kumunot ang noo ko.

"Po?"

"Nothing," he chuckled. "I will call him if.." He stared at me, the side of his lips curved kaya mas lalo akong nagtaka doon.

"If ano po?"

"You'll go to the cafeteria with me, after your classes. Libre ko," sagot niya.

Agad akong nakaramdam ng hiya, hindi ako madalas magpalibre. Pero wala naman sigurong masamang tumanggi 'diba? At saka kaklase niya naman si ate, maybe he's just trying to be nice.  May iilan din kasing naging kaklase si Ate na nakilala ko at lahat sila ay mababait sa akin.

"Tatawagin mo po ba siya kapag pumayag ako?" Magalang kong tanong.

"Of course! Your name is Vaine, right? You're beautiful like Vivian," he stated kaya pakiramdam ko'y nagsiakyatan lahat ng dugo ko sa aking pisngi.

"Sig—"

I wasn't able to utter my answer because someone cut me off.

"You don't have to agree, I'm here." A baritone voice filled my ears, sending me chills down to my spine. I know his voice kaya agad akong napalingon doon.

Narinig ko ang pagtikhim nung lalaking kausap ko kanina. He placed his hands in the pocket of his slacks before he shrugged, pumasok na siya sa loob ng classroom nila nang hindi man lang ako tinapunan ng tingin at para bang wala lang kaming naging pag-uusap kanina.

Lumipat ang tingin ko kay Dame na naglalakad palapit sa akin. Sobrang linis at presentable niyang tignan kapag naka suot ng pang opisina.

"What's that?" He asked. Ang pagkaka kunot talaga ng noo niya ay mas lalong dumadagdag sa kapogian niya, para sa akin. Ang sungit niya tignan.

So Ate Vivian didn't inform him? Nakatulog na siguro sa sobrang sama ng pakiramdam. I cleared my throat bago ko inabot sa kanya yung letter na ginawa ni mommy.

"A-Ate Vivian's sick, she want me to give this to y-you," my voice were shaking, as well as my hands. Gusto ko kurutin ang sarili ko dahil doon, nakakahiya!

Kinuha niya na agad 'yon nang mapansin ang panginginig ko. Nakakahiya ka, Vaine, halatang-halata. Parang mas gugustuhin ko ata na hindi kami magkita sa mga susunod na araw. Pinagmasdan niya saglit iyon bago muling lumingon sa akin. My heart is pounding so hard when our eyes met, ang hirap makipag usap sa kanya habang nakatingin siya sa mga mata ko, nagwawala ang puso ko. Why does he have to be intimadating like this? Ni wala naman siyang ginagawa sa'kin pero ganto ang nagiging reaksyon ng katawan ko kapag andiyan siya.

"Alright. 'Yun lang ba? Papasok na ako sa loob," he asked in a monotonous voice, halos walang bahid ng emosyon doon. I bit my lower lip, nahihiya ako magsabi pero sasabihin ko na lang din ang nasa loob ko

"I know Ate already thanked you for your help dito," I stated before showing him my hand na hanggang ngayon ay may benda pa rin.

"T-Thank you, I owe you for this." I uttered, ni hindi tumagal ang mga mata ko sa kanya. I feel like my cheeks got red like a tomato. This is so awkward, pakiramdam ko ay pinagpapawisan na ako. Why does he look at me like that?

I heard him cleared his throat.

"It's really nothing for me. You're Vivian's sister, I'll treat you well because she's very nice to me," he stated.

I smiled bitterly, pero alam ko namang hindi niya pansin 'yon. Sabagay, kung hindi ako kapatid ni Ate ay baka wala lang ako sa kanya at hindi niya pinapansin. I felt a little bit sting in my heart. Ano na naman ito?

"Wala na ba? I need to do some requirements sa loob," paalam niya kaya agad akong sumagot.

"Wala na, salamat," I answered, I almost hit my head when I realized something. "—kuya." I added before turning my back at him.

Malalaki ang hakbang ko pabalik sa building namin, halos tumakbo na ako makaalis lang doon agad. Ganon pala 'yon? He treated me nicely dahil sobrang bait ng Ate ko sa kanya at close sila, hindi dahil sa gusto niya rin maging mabait sa akin. Edi sila na.

"Ineexpect namin ni Kael na kinikilig ka pagbalik mo dito. Bakit naka busangot ka diyan?" Gianna immediately asked pagkapasok ko ng classroom.

"Dapat kasi sinamahan niyo ako," I complained before pouting my lips. I placed my bag at my lap saka niyakap iyon, nanatiling nakanguso ang labi ko. Magkahalong hiya at inis ang nararamdaman ko ngayon sa hindi malamang dahilan.

"Anong nangyari, girl?" Singit ni Kael bago umupo sa armchair ng upuan ni Gianna.

"'Wag niyo na ipaala, pakopya na lang sa Business Math," I responded.

Natawa ako nang umakto sila na parang walang narinig, umalis na rin si Kael sa pagkakaupo sa arm chair ni Gianna at bumalik sa upuan niya. Damot. Bakit ba kasi mas naisip ko pa ang bibigay ko ng letter na 'yon kesa sa activity namin sa business math? Major pa naman.

"Good morning, sunshine!" I yelled cheerfully while stretching my arms, nag hikab pa ako ng isang beses bago kusutin ang mga mata ko nang tamaan ito ng sinag ng araw.

It's Saturday today, also means, tanghali na ulit ako nagising. Ate Vivian have classes pero half day lang sila, kaya sigurado akong mayamaya ay nakauwi na rin siya, buti na lang at mabilis bumaba ang lagnat niya kagabi. Agad ako dumiretso sa CR ko at ginawa na ang morning routine ko.

Pagkatapos non ay dahan dahan akong naglakad papunta sa tapat ng hagdan, I bit my lower lip para pigilan ang paghagikgik ko, I plan to startle my mom because I know she's in the living room kapag gantong oras, nagbabasa ng mga business report.

I held my breath.

"Good Morni—"

Halos malaglag ako sa hagdan nang makita sila Ate at Dame na nakaupo na sa sofa sa salas sa baba. I heard Ate Vivian chuckled samantalang ako ay gusto na magpalamon sa lupa, nag iwas lang ng tingin si Dame. Pakiramdam ko nanama'y umakyat lahat ng dugo ko sa aking pisngi dahil sa kahihiyan. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

"Ang cute talaga ng bebe namin. Good morning too, my patootie!" She greeted before she winked. Narinig ko ang pagtawa rin ni mommy na ngayon ay nasa kusina pala. I pouted my lips. Maling akala na naman, Vaine!

That's so embarrassing! I'm wearing a powerpuff girls pajama, terno pa sa pang itaas ko. Buti na lang kahit papaano ay nakapag hilamos na ako at nakapag mumog bago lumabas ng kwarto. Wala tuloy akong choice kundi ituloy ang pagbaba ko, masyado na akong halata kapag umakyat pa ako. Gusto ko ipakita sa kanila na wala akong pake maski andyan si Dame pero mukhang hindi ko iyon nagagawa nang maayos.

Agad ako hinila ni mommy palapit kila Ate nang makababa ako, halos hindi ako makatingin dahil sa kahihiyan. Mom placed her hand on my waist, habang ang isa ay nasa braso ko.

"I'm sure kilala mo na rin ang bunso ko, Dame, si Sylvaine." Mom introduced me, maski kilala niya naman na ako.

Mas nadagdagan ang hiya ko dahil pinapakita talaga nila ang pagiging pinaka bata o pagiging bunso ko sa pamilya na 'to.

"Yes, tita. She handed me your letter kahapon," he answered before he took a sip on his juice. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko nang dumapo ang tingin niya sa'kin, napayuko na lang ako agad.

"I also heard na ikaw ang tumulong maglagay ng benda sa kamay niya. Salamat ulit, hijo." Mom added.

Pakiramdam ko'y pinagpapawisan na ako ngayon sa harapan nila, parang gusto ko na tuloy maligo, bigla akong na-conscious sa amoy ko maski na nakaugalian ko magpabango bago bumaba, saka nag toothbrush din naman ako. Wala na akong nagawa nang hilain ako paupo ni mommy, hindi pa ako nakakaligo tapos ipapaharap niya ako dito. Nahiya ako nang maamoy ko ang pabango ni Dame, it's so manly, ang sarap amuy-amuyin.

Ang dami nilang pinag-usapan pero hindi ko maintindihan dahil puro about business and mga plano nila sa buhay. I've heard that Dame will also help his father's company after he graduate, separated na kasi ang parents niya. Good thing, okay naman daw sila both side.

"What about lovelife, hijo? Kamusta naman?" Mom teased, halos masamid ako habang umiinom ng orange juice.

My heart melts when I heard him chuckled. Ang sarap sa pandinig.

"Wala po, tita. Busy po masyado," he laughed a bit.

Bakit kapag si mommy or si Ate ang kausap niya, parang ang bait niya? Tapos kapag sa akin ay wala man lang mabasa sa kanya maski anong emosyon.

"Nako, gaganyan-ganyan kayo baka kayo lang rin ni Vivian ang magkatuluyan ha."

I stiffened when mom said that. Maski si Ate ay napatingin kay mommy. Sandaling katahimikan ang bumalot sa amin bago marinig ang awkward na tawa ni Ate, halatang nabigla sa sinabi ni mommy.

"Napaka impossible mommy. Itong si Dame? Mas gusto niyan ng mas matatanda sa kanya," Ate Vivian responded before she took a bite to her sandwich na mukhang hinanda pa ni mommy for them. Halos hindi na ako makatingin ngayon, I'm afraid to show my emotions dahil hindi naman talaga dapat.

Shock was written on my mom's face before she speak again. Hindi na ako nagulat do'n.

"Really? Ayaw mo ba ng mas bata?" She asked before she laughed at bit. Sila-sila lang ang nag ke-kwentuhan dito pero hindi ko magawang umalis.

Ilang segundong katahimikan na naman ang bumalot sa amin, parang hindi na ako makahinga sa sobrang awkward dito, alam ko namang ako lang nakakaramdam non sa'min. 

He cleared his throat.

"I'm not into younger than me, tita. Maybe it's really not my thing makipag relasyon sa mas bata sa'kin," he answered, ni walang bakas ng pagdadalawang-isip doon.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. He's my crush since grade 11 kaya alam ko halos lahat ng tungkol sa kanya. Matagal ko na alam 'yon, pero hanggang ngayon umaasa pa rin akong magbabago ang isip niya. Maybe he doesn't want to have a relationship with someone younger than him because he don't like naive and fragile girls... like me.

"Kung siniswerte ka nga naman, andito pala ang aking laruan."

I stiffened nang mabunggo ko sa dibdib ni Jameson ang tray ko na may laman na mga pagkain. Agad ko sinilip sila Gianna, nag ke-kwentuhan sila sa pinaka dulong table at hindi ko makuha ang kanilang atensyon. My phone is in my bag, how can I call them? Ayaw ko naman gumawa ng eskandalo dito sa cafeteria. Ayaw ko ma-suspend.

Sinubukan ko iwasan siya but he blocked my way.

"Jameson, please. Ayaw ko na ng gulo," I begged, he just smirked. What does he want this time? Na-warning-an na kami't lahat lahat pero hindi pa rin pala talaga siya titigil.

"Dapat ikaw naparusahan e, dahil kitang-kita kung anong ginawa mo sa'kin. Pero nag magaling yung 'Demon' ba pangalan non?" He even showed his playful smile.

Gusto ko matawa dahil sa maling pangalan ang nabanggit niya. Hindi naman 'yon halatang sinadya, because he's so serious when he said that. Mas lumamang ang takot at kaba ko doon because I know what he's capable of.

"Can we just move on? And for your information, it is 'Damen', not 'Demon'," I explained. Agad ko tinakpan ang bibig ko nang may lumabas na pagtawa do'n, kita ko ang inis sa kanyang mukha dahil natawa pati ang mga aso niya sa likuran na sunod-sunuran sa kanya.

"You're really getting into my nerves, Vaine. Gusto mong tigilan kita?" He raised his eyebrow.

"P-Paano?" I stuttered when I asked him a question dahil palapit siya ng palapit sa akin.

I swallowed hard when he get my tray, agad niya 'yon pinahawak sa isa sa mga alipores niya. I gasped when he pulled my waist closer to him, kita ko ang tingin sa'min ng iilang estudyante.

"Date me," he whispered.

"Nababaliw ka na ba? Let me go!" Pilit ako kumakawala sa kanya pero mas malakas siya sa akin, sobrang higpit ng hawak niya sa bewang ko. Pakiramdam ko'y maiiyak na naman ako.

Kita ko ang pagtayo nila Gianna, mukhang agaw pansin ang aking pagsigaw. Makakampante na sana ako, but he just smirked at me before lowering his hand, it came to my waist and I almost slap him when he touch and squeezed my butt.

"What the hell?!"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. I can feel a tear started to build up in my eyes, pakiramdam ko'y nabastos na ang buong pagkababae ko, and I know a lot of students saw that! I heard them gasped.

"Gago ka!"

My hands were shaking, si Gianna na ang sumampal sa kanya. While Kael's already hugging me, covering my shame from the eyes of the students here at the cafeteria. Jameson touched his face, sobrang sama ng tingin niya kay Gianna. He was about to step forward and grab Gianna's arm when someone came from our back.

"That's enough," his voice sounds like a thunder.

His face looks so cold. His forehead creased when he saw me shaking at Kael's arm. Bakit siya andito? Magkaiba ang cafeteria naming senior highschool sa kanilang mga college.

"What happened?" He asked, softly, for the first time. Pakiramdam ko'y pati ako nanlalambot pati sa boses niya.

"He touch m-my m-my bu—"

His jaw clenched, he already know what am I going to say. i can see the rage in his eyes but he remained calm.

"Who?" Now he's asking in a baritone voice like he was about to explode anytime. My heart beats abnormally. Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko ngunit nangingibabaw pa rin ang takot at hiya doon.

I was shaking when I looked at Jameson, hindi na ako makapagsalita dahil sa pag-iyak at pag hikbi ko.

Damen just nodded, sign that he already got my answer.

"Go back to your room, I'll handle it. Your Ate's looking for you." He softly commanded, bahagya pa niyang niluwagan ang kanyang necktie, he looks so frustrated. Ngayon ay nakaramdam na rin ako ng takot sa kaya niyang gawin, kalmado siya pero kita ko ang galit sa mga mata niya.

He nod his head once again nang hindi ako gumalaw, para paalisin kami.

"Tara na, V," aya ni Gianna bago ako inalalayan, hindi pa rin nawawala ang tingin ko kay Dame.

I have no idea kung anong gagawin niyang pag ha-handle kay Jameson. Hindi na ako makapagsalita dahil sa takot ko. Ngunit na ganoon ay kusa pa ring gumalaw ang katawan ko para tumalikod at lumakad palayo.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status