Mag-log in***Oivia's POV***
Isang araw, ako ang spoiled na anak ni James Perez. Kinabukasan, nakikinig na ako sa isang abogadong nagbabasa ng huling testamento ni Papa. Nakatitig ako sa kisame, iniisip kung tumalon kaya ako sa balkonahe para lang makatakas sa impyernong ito, nang biglang mag-vibrate ang phone ko. Ninong Chandler: Dinner is ready. Come down. Sinundan agad ng... Ninong Chandler: Now. Napairap ako nang husto na halos sumakit na ang mga mata ko. Siyempre, alam niya ang number ko. At kung mag-utos siya sa text, parang empleyado lang ako na anytime ay pwede niyang sesantihin. Binalewala ko muna iyon nang sampung minuto—para lang mang-asar—bago ako nagkukumahog na bumangon sa takot na baka siya mismo ang umakyat dito para kaladkarin ako. Pagdating ko sa kusina, napatigil ako. Amoy na amoy ko ang masarap na amoy ng ulam na niluluto. Nakatayo si Ninong Chandler sa kitchen counter, nakatalikod sa akin. Tinanggal na naman niya ang kaniyang tux, bukas ang isang butones ng polo niya, at ang sleeves ay nakatupi hanggang siko, kaya lantad na lantad ang mga braso niyang lihim kong tinititigan. Nag-aayos siya ng dalawang steak sa plato nang may presisyong, parang chef siyang kumilos. "Nag-luto ka?" tanong ko, mas naging mahina ang boses. "Akala mo ba pagugutuman kita dito?" sagot niya nang hindi lumingon, ang malalim niyang boses ay tila yumayanig sa paligid. Humarap siya bitbit ang dalawang plato at sinenyasan ako na maupo sa stool sa island counter. Umupo ako, pinagmamasdan ang bawat kilos niya. "Where's everyone?" tanong ko habang inililibot ang tingin sa bahay na nakakabingi ang katahimikan. "Ang chef? Nasaan 'yung mga maid kanina?" "Walang chef at maids, ang mga housekeeper ay pupunta lang dito minsan sa isang linggo para maglinis," sabi niya habang umuupo sa tapat ko. "Ayaw ko ng mga taong pakalat-kalat sa bahay ko." "So tayong dalawa lang talaga dito?" hindi makapaniwala kong tanong, hinawakan ang tinidor pero hindi pa kumakain. "Paano kung gusto ko ng midnight snack eh hindi ako marunong magluto?" "Then you learn how to cook... o magsabi ka sa'kin," sagot niya. "Pero kwento ng Papa mo, mahilig ka raw umorder ng take out so I guess it won't be a problem." Napakunot ang noo ko. Hindi ko gusto na tina-topic ako ni Papa sa kanya. Hindi na ako dapat magulat, best friend siya ni Papa. Pero sobrang tagal niyang nawala sa buhay namin kaya mahirap isipin na sa kaniya ako pinaubaya ni Papa. "Kumain ka na, Olivia," utos niya, bumaba ang tono ng boses niya. "At huwag mong sagarin ang pasensya ko ngayong gabi. I’ve had a long day dealing with all this mess, and the last thing I need is a brat throwing a tantrum in my home." "Hindi ko lang alam kung bakit pinagkatiwala ni Papa lahat sa'yo," mapait kong saad. "Eh wala ka man lang dito noong naghihirap sya sa sakit niya." "Your father trusted me because he knew I wouldn't be swayed by your tears. He saw what you couldn't, that you were handing your future to a boy—" "Hindi mo sya kilala!" putol ko bago pa siya makatapos. Nanaig na ang galit ko kaysa sa kaba sa dibdib ko. "Tatlong taon na kami ni Drake. Sya ang mundo ko, alam ni Papa kung gaano sya kahalaga sa'kin!" "Alam niya," pagtatama ni Ninong Chandler, sa wakas ay nag-angat ng tingin. "At iyon mismo ang dahilan kung bakit binilin ka niya sa'kin. He didn't dislike the boy, Olivia. He pitied the fact that his daughter couldn't see a parasite for what it was." "He's not a parasite!" "Makikipaghiwalay ka sa kanya." Ang sarap niyang saksakin ng tinidor na hawak ko. "You're unbelievable," bulong ko, lalong humigpit ang hawak ko sa tinidor. "Akala mo ba pwede ka na lang pumasok sa buhay ko at magpanggap na bago kong Daddy?" Nagtagis ang panga niya dahil sa pinili kong salita. Biglang bumigat ang hangin sa kusina, tila lumamig ang paligid nang magtama ang mga mata namin. "Careful, Olivia," bulong niya sa tonong nagpataas ng balahibo ko sa init. "Words like that carry a weight you aren't ready to handle. If you want me to act the part as your new Daddy, I can start right now." Uminit ang pisnge ko sa hiya. Hindi ko dapat sinabi 'yun. The word 'Daddy' felt too... inappropriate, punong-puno ng tensyon na hindi ko mapangalanan. Pero hindi ko ipapakita sa kanya na apektado ako. Alam kong hindi naman 'yun ang ibig niyang sabihin. Hindi ako sumagot at pinilit ko na lang tumingin sa baba. Isinubo ko ang steak para lang hindi na makapagsalita ng kung ano pang katangahan. Masarap yung luto niya, kaya lalo akong nainis. Kumain ako sa gitna ng nakakailang na katahimikan. Wala na siyang sinabi, pinanood lang niya akong tapusin ang kinakain hanggang sa maubos ko ang huling piraso sa plato. "Tapos ka na?" tanong niya. "Oo. Matutulog na 'ko." "Good night, little one." Napatigil ako sa pamilyar na petname niya sa akin noong bata pa ako—at ang biglaang pagkasuklam na naramdaman ko rito. Sa isip na bata pa rin ang tingin niya sa akin ay nagpakulo ng dugo ko. Tumayo ak, at nagmartsa palabas ng kusina nang hindi lumilingon. Parang jelly ang mga binti ko hanggang sa makarating ako sa kwarto. Bumagsak ako sa kama, nakatitig sa kisame. Napaka-gago niya! Mayabang! Nakakairita! Isang thirty-eight years old na dinosaur na akala mo ay pag-aari niya ako. Kinuha ko ang phone ko, mabilis na nag-type ng message para kay Drake. Me: I miss you, baby. I'm coming to see you tommorow morning.***Chandler's POV*** Ikalimang araw na simula nung i-grounded ko si Olivia ngunit tila isang multo lang ito sa sarili kong tahanang. Hindi na siya sumasagot nang pabalang, hindi niya na sadyang tinatabing ang kape ko, at hindi na rin niya sinusubukang sunugin ang kusina. Hindi na rin niya ginugulo ang mga files sa opisina ko. When we sat for dinner and this morning's breakfast, she was there physically, but her eyes never left the screen of her phone. I sat in my office, the glow of the laptop screen feeling colder than usual. Kinukumbinsi ko sa sarili ko na ito ang gusto ko—katahimikan para matapos ko itong mga reports. Pero tuwing nakikita ko siyang nakayuko sa phone niya, habang mabilis na nagta-type, malamang ay inaamo yung boyfriend niya, hindi ko maintindihan ang inis na nararamdaman ko. Tuwing nagbibibrato ang phone niya ay alam kong yung lalaking iyon ang kausap niya. Tumayo lang ako para kumuha ng tubig. Pabalik na sana ako sa opisina nang madaaman ko siya sa lib
***Olivia’s POV*** Sa ika-apat na araw ng pagka-grounded ko ay nakahanap ako ng mini library sa mansyon, at dahil sa amoy ng mga lumang libro ay tila lalong bumibigat ang hangin. Sinusubukan kong mag-focus sa isang libro nang biglang mag-vibrate ang phone ko. Halos malaglag ang puso ko sa mga natanggap kong text. ~~ Drake: Liv, please. Nandito ako sa spot natin. Nag-away na naman kami ni Dad at pinalayas n'ya ko. I need you right now, babe ~~ Nagwawala ang tibok ng puso ko sa pag-aalala. Kilala ko ang tatay ni Drake. Isang taong masakit magbitaw ng mga salita at ang tingin niya sa anak niya ay tila isang makina na pwede niyang kontrolin. Hindi na ako nag-isip. Hinablot ko ang wallet ko at nagmamadaling bumaba. Nasa tapat na ako ng pinto nang pumasok si Ninong Chandler na may bibit na malaking paper bag sa kamay niya. Take out lunch namin. "Saan ka pupunta?" tanong niya agad. Mukha siyang kalmado, pero may talas ang tingin niya na naging dahilan para mapahinto ako.
***Olivia’s POV*** Nakatayo ako sa gitna ng kusina habang pinagmamasdan ang ginawa ko. Lahat ng burner ng kalan ay naka-high, kaya't nagbubuga ng makapal na usok ang kalan na may mga frozen hotdog na nakuha ko sa freezer hanggang sa masunog ang mga ito. For good measure, 'aksidente’ ko pang natabing ang isang supot ng harina, kaya kumalat ang puting pulbos sa buong counter. Tumunog nang matinis ang smoke detector. Perfect. Maya-maya la, narinig ko na ang mabibigat na yabag ng paa na papalapit sa kusina. Bumungad si Ninong Chandler sa entry way ng kusina. Napahinto siya, naguguluhang tinitingnan ang kaguluhan sa silid. "Ano ’to?" tanong niya. "Lunch," sagot ko habang nakasandal sa counter at iwinawagayway ang spatula sa direksyon ng kalan. "Gutom na ko at hindi ako marunong magluto. Sinubukan ko lang, pero diba sabi ko naman sa’yo, wala akong talent sa ganito?" Naglakad siya palapit sa kalan, bakas ang tensyon sa mukha niya. Isa-isa niyang pinihit ang mga ito para pat
***Olivia's POV*** Hindi lang basta nagising ang mundo, parang binagsakan ako ng langit at lupa. Ang ulo ko ay parang may nagtatambol sa loob na gustong kumawala, at bawat pintig ng sentido ko ay parang may pako na bumaon dito at parang masusuka ako. Where am I? Bulag kong kinapa ang nightstand, hinahanap ang tanging bagay na makakapagsabi sa akin kung pasno ako napunta sa ganitong kalagayan. Dumaplis palang ang mga daliri ko sa malamig na screen ng phone ko nang bigla itong mag-vibrate. Ang ringtone ay parang barena na bumubutas sa bungo ko. Siningkit ko 'yung mata ko para makita kung sino ang tumatawag. Si Drake. Bigla akong nakahinga nang maluwag. Tumatawag siya. Hindi niya talaga ako iniwan. The blurry memory of him walking out of the club, leaving me standing there while the world spun, must have been a mistake. Baka kailangan niya lang magpalamig ng ulo. I-si-swipe ko na sana ang screen, handang-handa na akong marinig ang boses niya at ang sorry niya— Pero b
***Chandler's POV***Ikatlong araw na simula nang bumalik ako ng Pilipinas, at unti-unti nang lumalabas ang nakakairitang pattern ng personalidad ni Olivia.Halos hindi ko siya makita. Para siyang multo sa sarili kong bahay. She returns just in time for bed, and we only share nothing but brief, quiet dinners. Pero ngayon, ipinatawag ko siya. Kailangan ko siyang makaharap, kailangan kong malaman kung anong klaseng problema ba itong pinapasok ko.We had prolonged this enough.Nakaupo ako sa corner table ng isang restaurant. Sinadya kong piliin ang lugar na ito. Tahimik, mataas ang kisame, and far too expensive for the likes of the boy she spent her days with.Nang pumasok si Olivia sa pinto, tila nagbago ang ihio ng hangin sa paligid. Saglit na napatigil ang paghinga ko sa paraang kinamumuhian ko.Naka-cream turtleneck sweater siya ngayon pero bakat na bakat ang mabibigat at bilugang kurba ng kanyang dibdib. Nakabagsak ang buhok niya, maayos na nakaipit sa likod ng kanyang mga tenga.P
***Olivia's POV*** Hawak ko ang aking heels sa dibdib. Kumakabog ang puso ko sa kaba, parang sasabog pa sa bilis ng tibok nito. 5:00 na ng madaling araw. I just need to get to the door. Naghihintay si Drake sa dulo ng driveway ng estate, malamang ay nakatago ang sasakyan niya sa dilim para hindi makita. Nakarating ako sa paanan ng grand staircase. Kalahati na lang ang lalakarin ko sa sala para makarating sa pinto. "Going somewhere?" Napasinghap ako. Muntik ko nang mabitawan ang heels ko. Nakasandal si Ninong Chandler sa isang single sofa, ang siko niya ay nasa arm rest at ang baba niya ay nakapatong sa kamao niya. Hindi na siya naka-formal na suot. Ang puting polo niya at bukas ang unang dalawang butones kaya kita ang bahagi ng dibdib niyang matitipuno. "I—I was just..." Hindi ko natuloy ang sasabihin ko. Bigla akong kinabahan. "Sneaking out," dugtong niya para sa akin. Hindi galit ang tono niya, pero mapanuya ang tingin niya na binigay sa akin. "I'm surprised, Oli







