LOGIN***Olivia’s POV***
Nakatayo ako sa gitna ng kusina habang pinagmamasdan ang ginawa ko. Lahat ng burner ng kalan ay naka-high, kaya't nagbubuga ng makapal na usok ang kalan na may mga frozen hotdog na nakuha ko sa freezer hanggang sa masunog ang mga ito. For good measure, 'aksidente’ ko pang natabing ang isang supot ng harina, kaya kumalat ang puting pulbos sa buong counter. Tumunog nang matinis ang smoke detector. Perfect. Maya-maya la, narinig ko na ang mabibigat na yabag ng paa na papalapit sa kusina. Bumungad si Ninong Chandler sa entry way ng kusina. Napahinto siya, naguguluhang tinitingnan ang kaguluhan sa silid. "Ano ’to?" tanong niya. "Lunch," sagot ko habang nakasandal sa counter at iwinawagayway ang spatula sa direksyon ng kalan. "Gutom na ko at hindi ako marunong magluto. Sinubukan ko lang, pero diba sabi ko naman sa’yo, wala akong talent sa ganito?" Naglakad siya palapit sa kalan, bakas ang tensyon sa mukha niya. Isa-isa niyang pinihit ang mga ito para patayin ang apoy. Tiningnan niya ang dumi sa counter bago tuluyang lumingon sa akin. "You’re trying too hard, Olivia." "I'm not trying at all, that's the point," sagot ko naman. Inasahan kong magagalit siya. Sasabihin na ang babaw ko o pagbabantaan na naman akong kukunin ang cellphone kahit na kakabawi ko palang nito kahapon. Pangalawang araw pa lang ng house arrest ko at halos na-i-rant ko na sa lahat ng mga kaibigan ko at kay Drake ang nararamdaman kong inis. Pinanood ko si Ninong Chandler habang kumukuha ng basahan para pang-punas sa harina sa counter na nabasa na at tumigas. "Linisin mo ’to," mahinahon niyang utos. "Kung hindi mo gusto yung luto ko, sensantihen mo na ko," biro ko, habang nilalaro pa rin ang spatula sa ere. Napatigil siya. Humarap siya sa akin, hawak pa rin ang basahan. Sobrang lapit niya kaya kitang-kita ko na ang itim ng mga mata niya. Hindi siya mukhang galit, mukha lang siyang pagod na nagparamdam sa akin ng katiting na kurot ng konsensya—na hindi ko gustong maramdaman para sa kaniya. Ako yung dehado at biktima dito, hindi dapat ako nagi-guilty! "The kitchen, Olivia. Tulungan mo akong maglinis." "O ano? Dadagdagan mo na naman ng isang Linggo ang sentensya ko?" hamon ko habang pinagkukrus ang braso sa dibdib. Hindi siya sumagot. Humakbang lang siya palapit sa espasyo ko. Itinukod niya ang mga kamay niya sa magkabilang gilid ng bewang ko sa counter kaya't nakakulong na ako sa bisig niya. Tumigil ang paghinga ko at napalunok sa lapit niya. Bakit naman ako matatakot sa gurang na 'to? "Or you’ll sit at that table and eat every single bite of what you just burned," he murmured. "You wouldn't." "Try me. I have all afternoon. Tapos na ang mga work calls ko, at wala na akong iba pang gagawin kundi panoorin kang kainin lahat ng mga pagkaing sinayang mo." Napalunol ako. "B-but it's burnt." "Exactly." Bwisit, nakakainis talaga siya! Ang sarap ihampas sa kaniya ang spatula na hawak ko! Tinitigan ko siya, nagbabakasakaling nagbibiro lang siya pero hindi siya natinag. Nawala na ang usok sa paligid, pero lalong bumibigat ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Nailang na ako sa loob ng mga braso niya. May distansya pa naman kami, pero alam ko na sinusubukan niyang iparamdam sa akin na wala akong takas. "Fine," inis kong sabi sabay hablot ng basahan sa kamay niya. "Lumayo ka nga." Umatras siya, at may bahid ng ngisi sa sulok ng labi niya. Sinadya kong banggain ang balikat niya paglampas ko. Inirapan ko siya at hindi na pinansin ang sakit—kasi grabe! Parang kasing tigas ng pader yung katawan niya. "And Olivia?" "Ano?" singhal ko nang hindi man lang lumingon. "Um-order na ako ng lunch para sa'ting dalawa," sabi niya. Napatigil ako at nilingon ko siya. "At sa susunod, sabihin mo lang kung gutom ka na. Paglulutuan kita." ————— "Do you always work in such depressing silence?" Pumasok ako sa opisina niya nang walang paalam. Gamit lang ang balakang ko, itinulak ko ang pinto habang binabalanse ang mga maalikabok na box at punong-punong ng nga folders at papeles na kinuha ko mula sa kwarto ko. Hindi man lang nag-angat ng tingin si Ninong Chandler mula sa mga papeles niya. Ang tunog lang ng paglipat ng pahina ng papel ang maririnig sa loob ng kwarto hanggang sa ibinagsak ko ang mga kahon sa gitna na lumikha ng malakas na kalabog. "Masyado pang maaga para sa mga pakulo mo, Olivia," sabi niya, pero hindi na siya kasing pikon ng unang tatlong araw. "I’m working right now. Whatever this is you’ve started, take it elsewhere." "Can't. This is the only room with enough floor space," sagot ko nang walang pakialam at sabay upo sa carpet ng sahig, mismong sa harap ng paningin niya. Nilabas ko pa ang mga lumang folder at ikinalat ang mga ito sa sahig. "Tsaka, mga lumang records ’to ni Papa mula sa opisina niya sa bahay. Naisip ko kasi, dahil grounded na rin lang naman ako rito, dapat lang na matutunan ko yung legacy ni Papa na pinipilit mo ipinangangaral sa akin." I knew mentioning my father was a low blow. To both of us. Sa wakas ay iniharap niya ang swivel chair niya, bakas ang tensyon sa panga niya. Tiningnan niya ang kalat na ginagawa ko, bago siya tumingin sa akin. Naka-oversized sweatpants lang ako at simpleng tank top, habang ang buhok ko ay nakatali lang sa magulong bun. "You’re going to get dust on the carpet," mahinang sabi niya, bagama't medyo lumambot na ang boses niya. "Lilinisin ko rin pagkatapos. Grabe, mag-enjoy ka naman sa buhay mo, Ninong." Kumuha ako ng isang makapal na ledger at nagsimulang maglipat ng pahina habang nagha-hum ng kanta sa isip. Just loud enough to be a distraction, but quiet enough that he couldn't technically tell me to stop. Sampung minuto ang lumipas. Nararamdaman ko ang tingin niya sa akin bawat ilang segundo. Tatayo lang ako para kumuha ng ballpen sa desk niya nang hindi tumitingin, o biglang kukuha ng papel sa printer niya. Pagkatapos, namalayan ko na lang ang sarili ko na nag-ii-sketch na, nakalimutan na ang mga folders na dapat kong aralin. "Olivia." "Bakit?" Hindi ako tumingin sa kanya. "The humming. Stop it." "Ay, sorry. Hindi ko napansin. Sobrang tahimik naman kasi dito, Ninong," madrama akong bumuntong hininga. "Hindi ka ba nakikinig ng music habang nagtatrabaho? O nakikipag-usap sa ibang tao?" "Nag-tatrabaho lang ako," sabi niya sabay tayo. Naglakad siya palapit sa kinauupuan ko sa sahig at tiningnan ang sketch ko. Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya. "And I don't need a soundtrack to do it." "It's Jazz, by the way," sabi ko, sa wakas ay tumingala na sa kanya. Napaigtad ako at napasinghap nang mapagtantong bumaba siya para umupo, sobrang lapit ng mukha niya sa akin habang inaabot ang papel ko. "Hey!" "Ito ba ang bago mong pakulo? Ang inisin ako habang nagtatrabaho?" tanong niya. "I’m making myself at home," sabi ko, sabay bigay ng isang tipid na ngiti na hindi naman abot sa mga mata ko. "This is good." "Hm?" "Your sketch." Inabot ko ang papel, medyo nanginginig ang mga daliri ko habang sumasagi ito sa gilid ng papel, biglang nakaramdam ng hiya. Bahagyang dumapo ang mga daliri ko sa kamay niya pero hindi niya inilayo ito. "Hindi ko alam na ginagawa mo pa rin pala ’to hangang ngayon." "I don't," bulong ko, ramdam ang bahagyang pagsikip ng lalamunan ko."Not since... Not for a long time." Tiningnan niya ulit ang sketch ko. Simple lang ito. Tatlong sunflowers, pero detalyado kahit hindi pa nangangalahati. Kakasimula ko pa lang lagyan ng details ang sunflower sa bandang kanan. "You should keep up at it," sabi niya, sabay balik sa akin ng papel. Humaplos ang mga daliri niya sa akin nang mas matagal kaysa sa dapat, na nagpadaloy ng kuryente sa braso ko. Tumayo siya at ibinulsa ang isang kamay. "Linisin mo ’to pagkatapos mo. At kapag may nahanap akong kahit na isang dumi sa carpet ko, ang isang Linggo mo ay magiging sampung araw." "Sampung araw?" tumawa ako. "Be careful, Ninong Chandler. At this rate, you're going to realize you actually like having me around to annoy you." Hindi siya sumagot. Bumalik lang siya sa desk niya, pero hindi siya agad nag-type. Nanatili lang siyang nakaupo roon, nakatitig sa mga papeles, habang bumalik naman ako sa ginagawa ko.***Chandler's POV*** Ikalimang araw na simula nung i-grounded ko si Olivia ngunit tila isang multo lang ito sa sarili kong tahanang. Hindi na siya sumasagot nang pabalang, hindi niya na sadyang tinatabing ang kape ko, at hindi na rin niya sinusubukang sunugin ang kusina. Hindi na rin niya ginugulo ang mga files sa opisina ko. When we sat for dinner and this morning's breakfast, she was there physically, but her eyes never left the screen of her phone. I sat in my office, the glow of the laptop screen feeling colder than usual. Kinukumbinsi ko sa sarili ko na ito ang gusto ko—katahimikan para matapos ko itong mga reports. Pero tuwing nakikita ko siyang nakayuko sa phone niya, habang mabilis na nagta-type, malamang ay inaamo yung boyfriend niya, hindi ko maintindihan ang inis na nararamdaman ko. Tuwing nagbibibrato ang phone niya ay alam kong yung lalaking iyon ang kausap niya. Tumayo lang ako para kumuha ng tubig. Pabalik na sana ako sa opisina nang madaaman ko siya sa lib
***Olivia’s POV*** Sa ika-apat na araw ng pagka-grounded ko ay nakahanap ako ng mini library sa mansyon, at dahil sa amoy ng mga lumang libro ay tila lalong bumibigat ang hangin. Sinusubukan kong mag-focus sa isang libro nang biglang mag-vibrate ang phone ko. Halos malaglag ang puso ko sa mga natanggap kong text. ~~ Drake: Liv, please. Nandito ako sa spot natin. Nag-away na naman kami ni Dad at pinalayas n'ya ko. I need you right now, babe ~~ Nagwawala ang tibok ng puso ko sa pag-aalala. Kilala ko ang tatay ni Drake. Isang taong masakit magbitaw ng mga salita at ang tingin niya sa anak niya ay tila isang makina na pwede niyang kontrolin. Hindi na ako nag-isip. Hinablot ko ang wallet ko at nagmamadaling bumaba. Nasa tapat na ako ng pinto nang pumasok si Ninong Chandler na may bibit na malaking paper bag sa kamay niya. Take out lunch namin. "Saan ka pupunta?" tanong niya agad. Mukha siyang kalmado, pero may talas ang tingin niya na naging dahilan para mapahinto ako.
***Olivia’s POV*** Nakatayo ako sa gitna ng kusina habang pinagmamasdan ang ginawa ko. Lahat ng burner ng kalan ay naka-high, kaya't nagbubuga ng makapal na usok ang kalan na may mga frozen hotdog na nakuha ko sa freezer hanggang sa masunog ang mga ito. For good measure, 'aksidente’ ko pang natabing ang isang supot ng harina, kaya kumalat ang puting pulbos sa buong counter. Tumunog nang matinis ang smoke detector. Perfect. Maya-maya la, narinig ko na ang mabibigat na yabag ng paa na papalapit sa kusina. Bumungad si Ninong Chandler sa entry way ng kusina. Napahinto siya, naguguluhang tinitingnan ang kaguluhan sa silid. "Ano ’to?" tanong niya. "Lunch," sagot ko habang nakasandal sa counter at iwinawagayway ang spatula sa direksyon ng kalan. "Gutom na ko at hindi ako marunong magluto. Sinubukan ko lang, pero diba sabi ko naman sa’yo, wala akong talent sa ganito?" Naglakad siya palapit sa kalan, bakas ang tensyon sa mukha niya. Isa-isa niyang pinihit ang mga ito para pat
***Olivia's POV*** Hindi lang basta nagising ang mundo, parang binagsakan ako ng langit at lupa. Ang ulo ko ay parang may nagtatambol sa loob na gustong kumawala, at bawat pintig ng sentido ko ay parang may pako na bumaon dito at parang masusuka ako. Where am I? Bulag kong kinapa ang nightstand, hinahanap ang tanging bagay na makakapagsabi sa akin kung pasno ako napunta sa ganitong kalagayan. Dumaplis palang ang mga daliri ko sa malamig na screen ng phone ko nang bigla itong mag-vibrate. Ang ringtone ay parang barena na bumubutas sa bungo ko. Siningkit ko 'yung mata ko para makita kung sino ang tumatawag. Si Drake. Bigla akong nakahinga nang maluwag. Tumatawag siya. Hindi niya talaga ako iniwan. The blurry memory of him walking out of the club, leaving me standing there while the world spun, must have been a mistake. Baka kailangan niya lang magpalamig ng ulo. I-si-swipe ko na sana ang screen, handang-handa na akong marinig ang boses niya at ang sorry niya— Pero b
***Chandler's POV***Ikatlong araw na simula nang bumalik ako ng Pilipinas, at unti-unti nang lumalabas ang nakakairitang pattern ng personalidad ni Olivia.Halos hindi ko siya makita. Para siyang multo sa sarili kong bahay. She returns just in time for bed, and we only share nothing but brief, quiet dinners. Pero ngayon, ipinatawag ko siya. Kailangan ko siyang makaharap, kailangan kong malaman kung anong klaseng problema ba itong pinapasok ko.We had prolonged this enough.Nakaupo ako sa corner table ng isang restaurant. Sinadya kong piliin ang lugar na ito. Tahimik, mataas ang kisame, and far too expensive for the likes of the boy she spent her days with.Nang pumasok si Olivia sa pinto, tila nagbago ang ihio ng hangin sa paligid. Saglit na napatigil ang paghinga ko sa paraang kinamumuhian ko.Naka-cream turtleneck sweater siya ngayon pero bakat na bakat ang mabibigat at bilugang kurba ng kanyang dibdib. Nakabagsak ang buhok niya, maayos na nakaipit sa likod ng kanyang mga tenga.P
***Olivia's POV*** Hawak ko ang aking heels sa dibdib. Kumakabog ang puso ko sa kaba, parang sasabog pa sa bilis ng tibok nito. 5:00 na ng madaling araw. I just need to get to the door. Naghihintay si Drake sa dulo ng driveway ng estate, malamang ay nakatago ang sasakyan niya sa dilim para hindi makita. Nakarating ako sa paanan ng grand staircase. Kalahati na lang ang lalakarin ko sa sala para makarating sa pinto. "Going somewhere?" Napasinghap ako. Muntik ko nang mabitawan ang heels ko. Nakasandal si Ninong Chandler sa isang single sofa, ang siko niya ay nasa arm rest at ang baba niya ay nakapatong sa kamao niya. Hindi na siya naka-formal na suot. Ang puting polo niya at bukas ang unang dalawang butones kaya kita ang bahagi ng dibdib niyang matitipuno. "I—I was just..." Hindi ko natuloy ang sasabihin ko. Bigla akong kinabahan. "Sneaking out," dugtong niya para sa akin. Hindi galit ang tono niya, pero mapanuya ang tingin niya na binigay sa akin. "I'm surprised, Oli







