Share

Sweet Obsession 2

NEW SEATMATE

"Ano 'yon?" tanong ko kay Athena.

I heard a continuous ring of bell, I think. Magsisimba ba kami? Tunog kampana ng simbahan, eh.

Nasa loob pa kami ng classroom at hinihintay namin ang indikasiyon na pupunta na kami sa field para sa flag ceremony namin. Akalain mo? Wala kaming flag ceremony kahapon dahil nakalimutan daw i-ring ang bell ng isang guro? Isn't it amazing? Sa school namin, wala kaming flag ceremony or flag retreat sa field kung may ulan, at doon sa loob ng classroom namin ginagawa kasama ng mga kaklase at guro ko. So weird, right?

"May simba ba tayo tuwing umaga?" usisa ko kay Athena nang ngumisi lang siya bilang sagot sa una kong tanong.

She laughed giddily and I felt a little bit annoyed from the way she giggled. What's the funny, by the way?

"Psst! Sav, hindi alam ni Adrielle ang ring ng bell," sabi niya kay Savannah na hindi pa rin tumigil sa katatawa.

Gaga! Alam ko ang tunog ng kampana, what I was asking, are we going to have a church mass?

Savannah raised her eyebrow and smiled.

"Hindi mo alam? Punta na tayo sa field, flag ceremony na," aniya.

What? Flag ceremony? At ang tunog ng kampana ang buzzer nila?

"Saang bundok ka ba nag-aaral, Adrielle?" patuyang tanong ni Athena.

Naaasar na talaga ako sa kanya. Saang bundok sila nag-aaral! Iyan dapat ang tanong. Ako pa talaga ang ginawang ignorante ng mga ito.

"Sorry, but I am expecting a buzzer," mataray na tugon ko sa kanila.

"Buzzer?" balik-tanong ni Athena na ngayon ay napawi na ang ngisi.

"Yes. You need to push a button para tumunog iyon," dagdag ko.

"Ah! Iyong parang nasa Game Ka Na Ba? Iyong sinasabi ni Kris Aquino na kamay sa dibdib," sabad ni Glen na ginaya pa talaga ang ginagawa ng mga contestants sa game show na iyon.

"No! Ibang buzzer iyon. In our school, one of the staff–"

"H'wag kang mag-english, hindi pa English subject ngayon," putol ni Razyl sa akin sabay kamot sa ulo.

Paano ko ba sila pakikisamahan? They don't know anything!

"Ito kasi iyon, something like a button ang dapat na pindutin para tumunog ang buzzer. Super lakas n'yon kaya naririnig sa buong kampus, hudyat iyon na dapat nang tumungo sa field para sa flag ceremony. Gets?"

Tumango-tango lang ang apat, ewan ko lang kung naiintidihan nila. Hmp!

Palabas na kami ng classroom nang biglang naramdaman ko ang pamimigat ng pantog. Naiihi ako!

"Mauna na kayo, girls," sabi ko sa apat.

"Sosyal ang girls na tawagan kaysa sa bruha," tugon ni Glenn na kinalabit ang braso ni Savannah.

Nakangiti akong napapailing sa ka-jolog-gan nila. And honestly, I like their company. Feeling ko, ang talino ko kung sila ang kasama ko.

Well, sa school ko rati, if magkakasama kami nina Venus at Summer, ang dalawang iyon ang matalino pakinggan, nahahawa lang ako, pero dito, tila ako si Einstein, and I am beginning to like here! Not the school or the barrio, but the company of these four girls. 

Matapos kong mag-C.R. ay agad akong lumabas, naabutan ko sa isang desk ang isang lalaking kaklase ko na nagsusulat sa notebook niya.

"Hi?" bati ko sa kanya sabay pahid ng basa kong kamay sa palda ko.

Tumingala siya at ngumiti. Not too long, he eyed back to what he's doing. Ang busy naman nitong lalaking 'to at may gana pang magsulat kahit magfa-flag ceremony na.

"Ano ang ginagawa mo?" usisa ko.

"Nagsusulat."

Pilosopo!

Inismiran ko siya kahit hindi naman niya ako nakikita. Out of my curiosity, nakiusyuso ako at sinisilip ang kanyang ginagawa. Sinasagutan niya ang assignment namin sa Mathematics– multiplying decimals by ten and hundred. At kailangan ng ilang minuto, para ma-solve ito.

"Bakit ka rito nag-a-assignment? Assignment nga, 'di ba? Meaning, sa bahay–"

"Wala kaming ilaw," agad na sagot niya na hindi ako tinitingnan.

"Brown out?"

Tiningala niya ako sabay ngisi na hindi pinapakita ang mga ngipin.

"Wala kaming kuryente, wala kaming ilaw at lamparilya lang ang gamit namin. At hindi ko puwedeng ubusin ang gas ng lampara para lang sa assignment na ito. Kung hindi mo gets, meaning, wala kaming pera na pampa-kuryente," sarkastikong tugon niya at ibinalik muli ang atensiyon sa ginagawa.

Gusto kong mainis dahil sa ka-arogantehan ng pagsagot niya sa akin. But my heart melt when he was thinking for the gas. Malayo ang poblacion sa amin kaya hindi nga siguro dapat na mag-aksaya.

For some reason, it was my fault that I kept on asking. Nagmamadali siya dahil first period namin ang Math ngayon, idagdag pa ang terror naming guro na kung hindi ka makasagot o walang assignment ay tiyak, buong dalawang oras kang tatayo sa labas ng classroom.

Nakatayo lang ako sa likod niya. Ewan, I wanted to help but any time now, the flag ceremony will start.

"Last question..."

Tumingala muli siya sa akin at mabilis na binawi ang tingin para tapusin ang ginagawa– no, simulan ang ginagawa.

"Hindi ka sasali sa flag ceremony?"

Umiling siya habang ginagamit ang mga kamay sa pagso-solve.

Gusto ko siyang tulungan pero ayaw kong i-compromise ang sarili para lang sa kanya.

I ran to my desk and opened my bag. I took my Mathematics notebook and scanned the pages. Nang nahanap ko ang sinagutan ko kagabi ay napaisip muna ako.

Tama ba itong gagawin ko? Sa school namin dati, ako iyong tipo na estudyante na ayaw magpakopya dahil ayaw kong nalalamangan.

Sinulyapan ko siya at saka muling nilapitan.

"Hindi ka ba mahuhuli rito? Paano kung makita ka ni Sir Sergio?"

Bumuga siya ng malalim na hininga bago ako sinagot, "Hindi. Hindi nag-aaga si Sir Sergio kung alam niyang hindi siya first period. Nagpapakain pa ng manok iyon."

Yeah, sabungero ang guro namin.

"Okay!"

Inilapag ko ang notebook sa harap niya kaya nagtataka siyang tiningala ako.

"Copy my answers. But make sure, no one will catch you. Pareho tayong malalagot."

Napatitig siya sa notebook ko at tiningala na naman ako.

I bit my lower lip when I saw his white teeth. Sana all maputi at pantay-pantay ang ngipin.

"Sure ka?" tanong niya pa.

"Oo, basta 'wag kang–"

"Sure ka na tama 'to, ha?"

Wow, ha! Siya na nga itong nangungupya.

"Joke lang. Salamat, ha? Bobo ko talaga sa Math, eh!" nahihiya pa niyang sabi. He rubbed his nape and smiled at me.

"Sige na! Sagutan mo na iyan. Siguraduhin mong hindi ka mahuhuli... ano bang pangalan mo?"

Of course, I need to ask his name! Nagpapakopya ako sa hindi ko kilala?

Ngumiti siyang muli sa akin sabay abot ng kamay niyang may hawak na ballpen. Kaliwete siya, ha.

"Braden."

Oh, Braden. Siya iyong pinag-uusapan nina Savannah kahapon na pinsan nitong umabsent.

"Ikaw si Adrielle, hindi ba? Nakuwento ka sa akin ni Savannah. May bago raw kaming kaklase."

Tumango-tango ako at nagpaalam na sa kanya. Hinabilin ko na rin na ilagay sa bag ko ang notebook kung tapos na siya.

Agad na hinanap ng mga mata ko sina Glen pero hindi ko sila makita. Mga kinse minutos yata ako sa loob pero bakit ang gulo ng linya namin? Hindi ko nga alam kung nasa tamang linya ba ako.

Napataas ang kilay ko nang nakitang nakikipag-usap si Athena at Razyl sa ibang mga estudyante. Sa tingin ko ay mga Grade six ang mga ito dahil nasa hulihan sila.

Bakit sila naroon?

Dismayado kong inilibot ang mga mata. Hindi ko kayang ikuwento ito kina Summer at Venus. They will really laugh at me!

Nagsitigil ang paglalaro ng ibang estudyante sa flagpole nang tumungtong na ang isang guro.

After a short prayer, she conducted the beat of the National Anthem, followed by the Panunumpa sa Watawat. Right after, we sang the hymn, "Ako ay Pilipino". Mabuti na lamang  ay alam ko ang kantang iyon.

Kinalabit ako nina Athena na naghahagikhikan sa likuran ko.

"Marunong kang sumayaw?" tanong ni Athena.

"Hindi."

"Ma'am!" tawag niya sa guro sa harap.

"Kami ni Adrielle magle-lead sa morning warm up!"

"Ano?"

Mabilis niya akong hinila sa harap. Sa totoo lang, kahit na ang liit lang ng mga estudyante rito ay nakakalula pa rin, lalo na halos sa akin nakatutok ang lahat.

Athena pulled me again. Nakapatong na siya sa sementadong stage na kasya lang ay dalawa.

"Hoy, hindi ako marunong!"

Humalakhak siya. "Sabayan mo lang ako."

The intro of the music started and my eyes widened when I heard Johnny Tillotson song, "Send Me the Pillow You Dream On". Alam ko ang kanta na ito dahil palagi itong pinapatugtog ni Papa tuwing umaga no'ng nasa Davao pa kami nakatira.

Wala bang mas bago? Iyong gaya sa amin na, Stupidisco ni Junior Jack o hindi kaya ay Funky Town ng Lipps, Inc para mas hype sayawin.

Athena began to dance with a big smile. Inapakan niya pa ang paa ko para gumalaw sa kinatatayuan.

I lazily moved my feet and followed her boring dance step na kaway-kaway lang ang marami.

Tila nakaraos naman ako nang natapos. And I warned her not to drag me again just to lead the morning warm up. I don't like it!

We transfered a classroom, katabi lang naman dahil ang Grade six adviser ang guro namin sa Math.

Kaunti lang ang teacher dito. Dalawang section ang grade one at Grade two, the rest, tag-iisa na lang kaya ipon kaming lahat. In one section, we are all fifty yata kaya masiyadong magulo.

"Adrielle!"

Nilingon ko ang nagtawag sa akin at si Braden iyon bitbit ang notebook ko.

Nanlalaki ang mga matang hinablot ko ang kwaderno sa kanya. I told him to put it in my bag!

"Ano ka ba, baka may magsumbong na pinakopya kita!" sabi ko sa kanya na pilit na hinihinaan ang boses para walang makarinig.

Braden burst his laughter and moved my headband.

For the first time, hindi ako naiinis na hinawakan niya ang headband ko. Naiinis ako sa tawa niya.

Pinameywangan niya ako at ngingiti-ngiti. "Sa totoo lang..."

"Adrielle, salamat sa answer, ha? Mukhang mape-perfect ako ngayon!" bulalas ng isa kong kaklase na si Kenith yata ang pangalan.

"Ako rin, feeling ko rin!" sabad ng isa pa na si Reynaldo.

Teka lang...

"Eh, pinakopya ko na rin sila para matuwa si Ma'am Nila sa amin," ika pa ni Braden.

Nanlalaki ang mga butas ng ilong ko sa inis! I shared my answer to him but it doesn't mean, he will share it to his friends!

"Tss!" I hissed  and turned away.

Inis na inis talaga ako sa kanya! Ngayon lahat ng solution na pinaghirapan ko kagabi ay kalat na kalat sa mga estudyanteng walang effort sa pag-aaral.

"Adrielle! Galit ka?" tanong niya sa akin at hinabol ako.

"Hindi. Ang saya ko!" sarkastiko kong sagot.

He rubbed his nape and beamed. H'wag niya akong idaan-daan sa ngiti. Alam kong gwapo siyang ngumiti pero hindi ako marupok para ipain iyan.

"Sorry. Akala ko okay lang. Dito kasi, nagkokopyahan kami," pakli niya.

"Well for me, hindi puwede! Kanya-kanya tayong ng sikap sa pag-aaral." Inismiran ko siya at tinalikuran. Asar ako sa kanya at hindi na siya makakatikim ng tulong ko.

Dahil sa nakalat na sagot ko ay halos kaming lahat ay perfect. Hindi natuwa si Ma'am Nila. Malamang, magugulat talaga siya sa biglaang pagtalino ng mga estudyante niya, lalong-lalo na ang mga lalaki.

"Ngayon, sino ang source ng sagot?"

Tahimik kaming lahat. Wala ni isa ang gumawa ng ingay, takot na matawag.

"Savannah?" tawag ni Ma'am.

"Ma'am, may mali akong dalawa. Imposible na sa akin galing ang sagot," depensa niya.

"Athena?"

"Ma'am, imposible rin dahil iba ang solusyon ko. Tingnan ninyo po."

Tiningnan nga ni Ma'am ang papel ni Athena at kinumpara sa isang papel.

Ma'am Nila was convinced kaya lumipat ang tawag niya kay Razyl.

"Naku, Ma'am! Lima yata ang mali ko."

Sumasakit ang ulo ko dahil alam kong mahuhuli na kami. Tss!

Ma'am eyed to Glen.

"Dalawa lang ang tama ko, Ma'am!"

Nagtawanan ang mga kaklase ko sa sinagot ni Glen.  Ang talino nila, ha? May gana pang pangantiyaw.

"Walang aamin? Ngayon..."

Ma'am skimmed the papers and randomly chose a lucky student. Kinakabahan na sila kung sino ang matatawag.

"Kenith! Ngayon, sagutan mo ito sa pisara." Sinulat ni Ma'am Nila ang unang tanong.

Kamot-ulong tumayo si Kenith sa harap. Halos matunaw na ang blackboard dahil ni isang numero ay wala siyang masagot.

"Upo!" sigaw ng aming guro kaya halos mapalundag kami sa gulat.

"Ngayon, sino ang kinopyahan mo?"

Nanlulunok na itinuro ni Kenith si Reynaldo.

Like what Kenith did, he was also asked to answer the same question but didn't get the right one.

"Reynaldo, sino ang kinopyahan mo?"

Tinuro ni Reynaldo si Braden. And I know, ako na ang ituturo nito. Lintik!

"Braden, ang paborito kong estudyante dahil mahilig umabsent." Tunog sarkastiko iyon.

"Sagutan mo ito, iho..."

Tumalima nga siya at tinitigan ang mga numero sa harap.

Fine! Ako na ang aamin. Baka sakaling lumiit ang sentensiya ko kung aamin ako ng totoo.

I suddenly stood up when Braden started to write the solution. Well, tumama siya. Did he memorize it?

"Ano'ng atin?" mataray na tanong ni Ma'am Nila sa akin.

Bubuka na sana ang bibig ko nang magsalita si Braden.

"Ma'am tapos na po."

Nawala ang atensiyon ni Ma'am sa akin at namamanghang tumatango. She wasn't satisfied and gave Braden another question. At ang mokong, nasagot talaga!

"So, sa iyo kumopya ang mga kaklase mo?"

Braden eyed at me and smiled. "Opo."

Hindi niya ako trinaydor?

Braden stayed outside for the whole period. Ma'am Nila will also give him a special quiz tomorrow. Dahil mabait naman daw  na guro si Ma'am Nila, na galing din sa bibig ng guro ay bibigyan nito ng oras si Braden na mag-aral. Parusa ito sa pagpapakopya niya sa mga kaklase namin.

"You should point me. Madali lang naman ang parusa, eh!" sabi ko kay Braden.

Mahina siyang tumawa at pumasok sa loob ng classroom.

"Braden! Tutulungan kitang mag-aral. Gusto mo?" presinta ko.

After all, it was supposed to be my punishment. And it was my fault for letting him copy my answers. Ika nga, walang nangungupya kung walang nagpapakopya.

"Talaga? Eh, ang layo mo sa akin," sabi niya sabay turo ng mga upuan namin.

"After class."

"Hindi puwede. Marami akong gagawin sa bahay."

Iyon lang.

Braden pouted his lips, tila nag-iisip.

He suddenly went to my desk and talked to Glen. Ano ang pinag-uusapan nila?

Nakita ko ang pagtango ni Glen at pagkuha ng bag at libro. Saan ito pupunta?

Braden also went to his desk and took all his things. Lilipat sila ng upuan?

Nagtataka akong lumapit sa desk ko. Tatabi siya sa akin?

"Oh, ayan! Seatmate na tayo. Mas madali mo na akong matuturuan," ika niya sabay lapag sa bag niya sa ibabaw ng lamesa.

Seriously? He will be my new seatmate, then.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status