NEW SCHOOL
Tumayo ako at pairap na humalukipkip nang sabihan ako ni Dodoy, ang kaedad ko lang na pinsan na umalis na sa laro dahil matatalo sila.
"Hindi ka naman pala marunong, h'wag ka na lang sumali!" hiyaw niya sabay tapon ng tsinelas sa gitna.
Naglalaro kami ng tinatawag nila na tumbang-bahay na laro gamit ang mga tsinelas. Para siyang tumbang preso na kailangan mong umilag at ayusun ang mga unassembled na tsinelas.
So, odd! Kailan pa naging bahay ang tsinelas?
Natamaan kasi ako kaya lahat kami ay out.
"Intindihin mo, ngayon lang ako nakalaro ng ganito!" asar na sagot ko sa kanya.
"H'wag ka na kasing sumali!" sigaw niya sa mukha ko.
"Turuan mo kasi ako para manalo tayo! Bugok ka pala, eh!"
Nanlalaki ang mga butas ng ilong niya at aakmang susuntukin ako.
"Sige, sige!" hamon ko pa sa kanya at mas inilapit ang sarili. Tapang niyang manuntok ng babae, subukan niya.
Akala siguro niya ay uurungan ko siya. Sisiga-siga siya rito tapos 'pag nasaktan o natalo sa laro ay umiiyak at magsusumbong sa nanay niyang kumakampi agad sa kanya.
"Hoy! H'wag kayong mag-away! Dodoy! Malaman iyan ni Tiyang Emma ay baka hindi na tayo bigyan ng tubo, anihan pa naman din ng mangga." Matutuwa na sana ako sa pag-awat ni Kim pero mas naiinis ako sa rason bakit nila ako pinapakisamahan.
I gritted my teeth and took my slippers. Ayaw ko ng makipaglaro sa kanila! Nakakaasar! Tatlong araw pa lang ako rito ay parang mababaliw na ako sa lungkot. Isabay pa ang lihim nilang pambu-bully sa akin at ang pagbabait-baitan 'pag nasa harap ang mga magulang ko.
Dahil harvest ng mangga ngayon ay nasa lote sina Mama at Papa para asikasuhin at ayusin ang mga ide-deliver sa Davao na mga mangga. Minsan, kung malaki ang bili ng Montefalco ay roon nila binebenta ito.
"Ading!"
Napapikit ako nang tawagin ako ng isa kong tiyahin sa palayaw na ayaw ko.
"Adrielle po!" Pagod akong lumingon sa kanya.
"Tumawag ang mama mo, magbihis ka raw at ipapakita sa iyo ang eskwelahan na papasukan mo sa susunod na araw," aniya.
Pasukan na pala! I mean, papasok na pala ako sa bago kong paaralan.
"Tiyang, puwedeng next year na ako papasok? Kahit mahuli ako. Nakakahiya naman dahil nasa kalagitnaan na ng pasukan ako papasok," tugon ko na binuksan ang gripo at hinugasan ang madumi kong mga paa.
"Ay, naku hindi puwede! Pumayag naman si Sir Sergio na sumali ka sa klase nila. Ninong kasi ng mama mo iyon kaya napakiusapan."
I hissed when I heard it. Kailangan pa pala ng backer para makapasok ako?
"Tiyang, bukas na lang. Ang baho ko po," protesta ko.
"Aba! Hindi nga puwede. Habilin ni Manang Emma na tingnan mo raw ang iskol mo. Para na rin makilala mo ang mga bago mong kaklase, at ano ang gagawin mo bukas na sabado naman?" sagot ni Tiyang Nene na halatang nauubusan na ng pasensiya sa akin.
"What's so special to that school? Bakit kailangan pa ng tour talaga? Malaki ba iyan at baka maligaw ako?"
Pinanlakihan ako ng mga mata ng tiyahin ko. Asar na asar na talaga siya sa akin, alam ko iyon. Hindi lang nila magawang pagalitan ako dahil ayaw nilang may masabi si Mama.
Sa lahat ng siyam nilang magkakapatid, si Mama ang mas nakaaangat. Galante rin ang nanay ko lalong-lalo na sa kanyang mga kapatid.
"Fine," sabi ko na lang para matapos na ang usapan.
Agad kaming nagpunta sa paaralan. And my jaw dropped when I saw the area of the school.
Like, seriously? Malaki pa ang lupain ng tubuhan namin, ah kaysa sa espasyo ng field nila.
May flagpole sa gitna na tinabihan ng rebulto ni Rizal. May maliit na stage na gawa sa kahoy at nasa gilid ng H.E room kuno na halatang pinaglumaan na rin. Ang mga silid-aralan naman ay lumang-luma na dahil sa natatanggal na mga puting pintura.
I can say, it's only a very simple school. Sa tingin ko nga lang ay hindi aabot ng limang daan ang mga estudyante rito.
"Ito na ba si Adrielle?" biglang tanong ng isang matandang lalaking nakasuot ng puting polo.
Sa tingin ko, nasa sixty na siya dahil sa kulubot na masiyado ang mukha at puting-puti na ang mga iilang buhok sa ulo.
"Sir Sergio!"
Siya ang teacher ko? Eh, kaedad lang yata siya ni Lolo at sa tingin ko, mas malakas pa ang abuelo ko kaysa sa kanya.
"Oho, si Adrielle Lyn. Ady, ito ang magiging grade five teacher mo. Mabait iyan at magaling magturo," pakilala ni Tiyang.
Tipid akong ngumiti. How can he teach us well? Halos nakapikit na nga ang mga mata niya dahil sa sobrang tanda.
"Ay, halika. Pakita ko sa iyo ang magiging classroom mo."
Iginiya niya ako sa isang silid-aralan na napailaliman ng puno ng kayimito. Dalawang magkadikit na classroom iyon. Ayon sa basa ko sa gilid ng pintuan, sa grade six ang unang silid-aralan. Malamang, sa susunod ang sa amin.
"Hoy! Hoy! Hoy!" sigaw ni Sir Sergio sabay turo sa mga estudyanteng hindi naka-uniporme at nakalambitin sa sanga ng puno.
Naghahagikhikan sila habang pumapasok ng classroom, na magiging classroom ko!
Tss! Classmate ko talaga ang mga iyon?
Sir Sergio murmured but I didn't understand it.
Ayaw ko rito! May iba pa bang eskuwelahan na matino maliban dito?
"Sir, si Monika at Bianca nagsasabunutan!" sumbong ng isang babaeng estudyante na nakasuot nga paldang uniform, pero naka-pink t-shirt lang din naman, ang masaklap, naka-tsinelas pa.
Bahagyang tumingin sa akin ang estudyante at saka ngumiti.
"Sino ka?" tanong niya pa.
Tiningala ko si Tiyang na nagkibit-balikat lang at saka muling hinarap ang batang babae.
"Mag-aaral-"
"Athena!" sigaw ng isa pang estudyante sa loob.
"Teka lang, Savannah! Nakikipag-usap pa, eh!" reklamo niya sabay irap.
"Ano nga ulit ang sinabi mo?"
"Mag-aa-"
"Bruha! Dali! Dali!"
Hindi na niya ako pinansin at patakbong pumasok sa loob. Ano ba ang ginagawa nila? Naawat ba ang nagsabunutang mga estudyante?
"Tiyang, ayaw ko rito-"
"Pasensiya na, ha? Away-bata," ani Sir Sergio na napakamot sa panot niya.
Away-bata? Nasa sampu o onse na yata ang edad ng mga estudyante sa grade five, tapos away-bata?
"Sa lunes ka na papasok, Adrielle, okay? Saan mo gustong umupo? Sa harap o likod?" tanong ni Sir Sergio sa akin.
"Front."
Tumango-tango siya at nakangiting tinapik ang ulo ko.
I secretly rolled when he touched my headband.
Please, hands-off!
"Sir! Sir!" tawag ng isang batang lalaking lumapit kay Sir.
Napatingin siya sa akin at kumaway. He even smiled at me, revealing his two dimples on both side of his cheeks.
I smiled back to him. Mukhang mabait, at in fairness, cute siya.
"Oh, Athan?"
"Sir, si Kenith, sumuka sa sahig."
Napangiwi ako sa narinig. Ito ang masasaksihan ko araw-araw sa loob ng classroom nila? Mga magugulong classmates? Mga nag-aaway na estudyante at nagdudumi sa loob? Seryoso?
"Ady, anak, balita ko raw mukhang excited ka sa pasok mo sa lunes," sabi ni Mama habang naghahanda ng hapunan namin.
Kunot-noo ko siyang tiningnan? Sinong bunganga ang nagmamagaling ang naghatid na naman ng fake news sa kanya?
"Sabi ni Nene ay mukhang marami kang makakaibigan doon," dagdag niya.
Inis na itinusok ko ang manok na ulam namin gamit ang tinidor. Gigil na gigil ako sa tiyahin kong iyon! Una niyang sabi kay Mama ay ang saya ko at enjoy na enjoy sa pakikipaglaro sa anak niyang pikon na si Dodoy! At ngayon, excited akong pumasok?
"Teka, matigas ba? Eh, pinakuluan ko iyan, ah!" takang-tanong ng nanay ko nang nakitang gigil kong dinakma ang manok na nakalutang sa sabaw.
"Sumusubra na!"
"Ha?"
"Sobrang tigas!"
I hate how Summer and Venus react when I told them the lack of etiquette in my new school, how small it is and how simple.
"Sus, over ka talaga mag-react, Adrielle. Natural, expect a provincial style school. But same curriculum lang naman," sagot ni Summer sa akin nang una ko siyang tawagan.
Well, she knows that stuff since her mother was a principal kaya matalino pakinggan.
"Ewan ko sa 'yo! Basta ang mangga, ha kung dadalawin mo kami." Ang walang kwenta na tugon ni Venus.
So, wala akong mapapalang kakampi sa mga kaibigan ko. They like here as much as I hate this place.
First day of school, for me.
And look how my classmates welcomed me with their gazes. Head to toe, toe up to head ang titig nila sa akin.
May masama ba sa suot ko na complete uniform?
Suot ang favorite headband na skyblue na may ribbon sa gilid, ayos na ayos din ang pagkakasuklay sa medyo wavy kong buhok. I dressed a very clean and white uniform with my mother's Avon perfume scent. The pleats of my navy blue skirt were well-ironed by my own mother and a pair of white socks and new black shoes worn by my feet, of course.
So, what is wrong of being decent?
Napahigpit ang hawak ko sa dalang lunchbox, ako lang yata may ganito, eh!
"Adrielle!" tawag ni Sir Sergio sa likod ko.
"Pasensya na na-late ako," aniya at nagmamadaling tinungo ang sariling lamesa sa harap.
"Nagpapakain pa siguro ng manok," bulong ng isang estudyanteng nakaupo sa gilid ng pintuan.
I glared at him. How disrespectful! Ganito ba sila rito?
Teka, wala bang flag ceremony? Kanina pa kami rito sa loob, ah!
"Okay, class!" Tumayo si Sir Sergio sabay senyas sa akin.
I walked gracefully kahit hindi naman kailangan. When I reached in front, all my classmates' eyes focused on me. Nahihiya tuloy ako sa biglaang katahimikan nila.
"Pakilala ka," mahinang sabi ni Sir Sergio sa akin.
"H-Hi, my name is Adrielle Lyn Santos, ten years old and I came from Bangoy Central School."
"Teka, anak ka ba ni Emmang tubo?" biglang tanong ng lalaking estudyante na nakaupo malapit sa C.R.
Emmang tubo? Iyan tawag nila sa mama ko?
"Yes, and why?" The natural beast in me wants to come out when I heard how they nicknamed my mother like that.
"W-Wala lang..." Agad siyang umupo.
Nadadaan naman pala sa masamang tingin ang kaklase ko kaya hindi na niya dinugtungan ang sasabihin pa sana.
My invisible hand tried to stop my eyebrow from raising up.
Huwag magminaldita, Adrielle. Remember, I need to gain friends muna. This is my life now, isn't it?
Itinuro ni Sir Sergio ang nasa harap na upuan. Katabi ko ang isang may kaliitan na babae, her face is too small. Cute siya dahil sa maliliit niyang mga mata at ilong.
"Hi," bati niya. Mukhang mabait naman.
"Hello," ganting-bati ko rin.
"Hello, Adrielle!" bati pa ng isa pang estudyante sa likod ng katabi ko, beside her is the girl named Athena, as I remembered. Nakatalikod itong nakikipag-usap sa kapwa kamag-aral. Mukhang madaldal ang Athena na ito, literally maybe because of her big mole on the top of her upper lip? That's nonsense!
"Ako si Glen Allen, siya si-"
"Ako na! Pangalan ko ito," reklamo ng nasa likod ni Glen Allen.
She's a bit chubby, may kakapalan din ang buhok niya pero maayos naman. Among the three, siya ang pinakamaputi.
"I'm Savannah. Call me Sav for short."
Ngumiti ako sa kanya. She's approachable, too. I think, I like her.
I eyed to Athena who was really busy chit chatting.
"Hoy!" untag ni Savannah sa kanya.
"Uy, bakit?" Gulat pa siya talaga.
Sav pouted her lips, pointing to me.
"Oh, hi? Adrielle, right?" she asked.
"Yes."
"I'm Athena. Teka lang, ha? May pinag-uusapan kami ni Razyl. Ito pala si Razyl," pakilala niya sa likod ko.
I waved to Razyl and she waved back naman.
Well, as for these girls, they looked fine. Mga mababait sila, so far.
Pasado alas nuwebe na at hindi pa kami nagka-klase. Saan nga ba si Sir? Biglang nawala, ah!
"May meeting daw. Ewan," sagot ni Athena nang nagtanong ako.
"Adrielle, ano'ng honor mo sa inyo?" tanong ni Sav.
Honor? As in ranking sa class?
"With honors lang," sagot ko.
Kahit naman sabihin nating matalino ako, but our school has six sections in one grade level. Nasa first section ako kaya expect na hirap na hirap makuha ang top one sa amin.
"Ako kasi, first honor," pagmamalaki niya.
Hindi naman siya tunog nagmamayabang pero somehow, like a kid showing her new toy? Gano'n.
"Ikaw?" baling ko kay Athena.
"Second. Kaming dalawa ni Razyl. Minsan, third siya," sagot din ni Athena.
Tumango-tango ako. Mga matatalino pala sila. Good influence for me.
"Eh, ikaw Glen?"
Glen smiled and winked. "Katabi ng mga honors!" aniya sabay halakhak.
I genuinely laughed to what she said. Nakisabay rin sa tawanan sina Athena at Razyl. Naiiling naman si Sav habang nilulukot ang papel at sinubo sa bibig ni Glenn.
"Sira ulo!"
I can say for now, mukhang makaka-move on ako ng slight dahil sa kanila.
In fairness, one point for having humorous and good, new friends in my new school.
My messanger notification popped up to my screen.It was a message from Braden.Nakangiti kong binuksan ang mensahe niya.A caption was written under the photo he sent.'Si Sossy lang ang sakalam.Malakas kumain ng gadgad ng niyog.'Kahit kailan talaga itong dalawa ito! Kung magsasama ay kung ano-anong kalokohan ang ginagawa.Braden was scraping the coconut while Sossy was busy eating the grated coconut.I replied, 'Baka utot nang utot iyang si Saoirse mamaya, ha?'"Miss Reesha, labas na po, naghihintay na sila," pahayag sa akin ng isa sa mga admin at staff ng mall.I will be having my first book signing today! Hindi ko akalain na bebenta ang kwento nina Aden at Ady sa lahat.It was just an ordinary story. Two young hearts met when they were still young, became friends but ended like strangers. However, I don't want my characters to end with no happiness. Dapat ay happy ending naman.I was known in my pen name Reesha, kabaliktaran sa pronunciation sa pangalan ng anak ko na si Saoirse.
BRADEN RION CASTRO PART II"Paano ba natin makukuha iyong lupain na iyan? Ang dami nating kompetensiya. Tiyak na mas bibigyan nila ng mas mataas na presyo ang may-ari!" pahayag ni Harry.Hindi ko mawari bakit ba napakalaking problema sa kanya ang hindi makuha ang lupa ni Adrielle. I know that the investor told us about the offer but what could we do if Adrielle doesn't want to sell her land to us?"Aden? Hindi ka lang ba gagawa ng paraan? Punta del Sol is your place, alam kong kilala mo si Miss Adrielle Santos," aniya."Teka? Si Adrielle? Si Ady ba kamo?" biglang sulpot ni Kurt bitbit ang isang can ng beer.Namumula na ang mukha niya, halata na marami na siyang nainom. At ano na namang masamang hangin at napadpad na naman siya sa shop ko?Nagtatakang tumango si Harry sabay sulyap sa akin. Hindi niya alam na may pinsan akong pakno (baliw)."Pinsan ko nga pala, si Kurt," walang ganang pakilala ko."Hindi mo ba alam na si Adrielle at itong pinsan kong si Aden ay magkaklase noong elementa
BRADEN RION CASTRO PART I"Huwag mo akong iiyak-iyakan, Braden. Maraming nagkakahiwalay na mag-asawa tuwing umiiyak ang groom sa kasal. Babaero daw ang mga iyon," pairap na turan ni Adrielle nang inihatid siya ng kanyang Tiyong Cito sa altar.Nagulat, hindi lang ako, pati na rin ang tiyuhin sa sinabi ni Adrielle. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya dahil walang ngising nakasilay sa kanyang mga labi.I glanced to Tiyong Cito, nagkibit-balikat lamang siya kaya napakurap ko ang mga mata dahil na baka hindi nga nagloloko si Adrielle.Is she really serious?Mayamaya ay narinig ko ang mahina niyang halakhak at kinalabit ang braso ko."Hindi tayo magkakahiwalay, promise mo iyan, ha?" puno ng paglalambing niyang sabi."Of course, love... never."Simple lamang ang kasal namin. Nais lang din ni Adrielle ng pribadong kasalan, iyong kami lamang kapamilya at malalapit na mga kaibigan ang makakasaksi sa pag-iisang dibdib namin.Sa simbahan kung saan pareho kaming nagdasal noon na sana, makatagpo n
TREASURENakahalumbaba ako sa lamesa habang pinapakinggan ang sinasabi ni Ate Sandy sa kabilang linya.Inilapag ko sa ibabaw ng mesa ang cellphone at hinayaan ko lang na i-loudspeak ito para marinig ko lahat ng pinagsasabi ni Ate.Kailangan ko na palang bumalik ng Punta del Sol dahil marami na raw pending na transaksiyon ang manggahan.Anihan pa sa susunod na linggo kaya kailangan ko na talagang ipunin lahat ng nagkapira-piraso kong puso para kahit naman papaano ay makapagtrabaho ako."Ady? Nakikinig ka ba?" untag ni Ate sa kabilang linya.Wala sa sarili akong nagsalita, "Ate, ano ang feeling no'ng nalaman mong buntis ka kay Scarlet?""Ano?" bulalas niya sa kabilang linya."Masaya ka ba? Natakot? Kinakabahan?" dagdag ko."Ano ba ang pinagsasabi mo, Ady? Ano'ng buntis-buntis? Ikaw ba'y..."I heard her gasp. Ang OA ng reaksiyon, ah!Natural na maaari akong mabuntis. Alam niya rin na parati kong kasama si Braden kaya alam kong hindi sila mag-iisip na nagrorosaryo lang kami sa loob ng bah
PUSIT"Alam mo iyong tipong gusto mong kumain ng pusit pero hindi ko mahanap-hanap ang gusto ko sa palengke? Tapos iyong itlog, feeling ko ang tabang ng pagkakatimpla ko at ito pa... hindi ko maiwasang maiyak tuwing nakikita ko ang hitsura ko, Hector," kwento ko sa doktor na kasintahan ni Sav.Savannah gently caressed my back. Napahagulhul ako sa 'di na naman alam na dahilan. Depress na depress na talaga ako!"Gusto ko lang naman mag-stress-eating pero ako ang naste-stress sa mga kinakain," iyak ko."This is getting out of hand, Hector. What shall we do?" tarantang wika ni Sav sabay haplos sa balikat ko para tumahan ako.Hector rubbed his nape and smiled, dahilan para sabay kaming napakunot-noo ni Sav sa reaksiyon niya.Anong klaseng doktor siya? Nginingitian niya lang ang mga seryosong problema at dinaramdam ng mga pasyente niya? Na-offend ako kay Hector, promise!"B-Babe... stop smiling," saway ni Sav na pilit hinihinaan ang boses at pinandilatan pa ng mga mata ang kasintahan."Oh,
WEIRDPara akong tangang naghihintay sa kanya na bumalik siyang muli at kausapin ako.Baka... baka mapatawad ko pa siya. Baka pipikit na lamang ako at kakalimutan ang lahat. Kaya naman iyon, 'di ba?Ngunit natapos ang buong araw at walang Braden na dumating. Napagtanto kong wala akong mapapala sa kahihintay at kakaasa na muli siyang magbalik sa piling ko. It would never happen. I already chased him away."Get up, Adrielle! Day-off ko ngayon, tara! Clubbing tayo," yaya ni Venus sa akin sabay hila sa akin patayo sa kinahihigaan.I groaned, still closing my eyes."I'm tired..." pagod kong tugon sa kanya sabay yakap-yakap sa bolster pillow.Tatlong araw na ako rito sa condo ni Venus simula nang umalis ako ng Punta del Sol.Hindi ko kayang mag-isa at para akong mababaliw. Ayaw ko rin namang sa bahay nina Ate Sandy dahil baka ako pa ang mas babantayan niya at hindi ang sariling anak. Wala rin akong ibang kamag-anak na puwedeng mapuntahan dahil ayaw kong may masabi na naman ang mga iyon. Mah