SHARE
Hanggang ngayon ay naninibago pa rin ako sa lugar, sa paaralan at sa paraan ng pagtuturo ng mga guro dito sa Punta del Sol. Ang layo-layo sa kinagisnan ko.
Katulad ngayon, ang mismong adviser namin ang nagtuturo sa amin na puro sa test paper niya kinukuha ang mga itinuturo. Ang masaklap pa, pinapasulat sa amin lahat ang mga tanong at pinapasagutan pagkatapos.
"Ganito ba talaga araw-araw?" bulong ko kay Braden na abalang nagsusulat.
"Hindi ko alam. Hindi naman ako araw-araw pumapasok," sagot niya.
Isa rin 'to! Matalino pala siya sa Mathematics, eh tamad namang pumasok. Useless din!
Kahit labag sa loob ko ay kinopya ko na lang ang nakasulat sa pisara. Sa tingin ko nga ay magkakakalyo ang mga daliri ko rito.
I hissed when our elbows bumped. Ang hirap kung kaliwete ang katabi mo.
"Ops! Sorry," sabi pa Braden pero hindi naman sincere pakinggan.
Nauubos na ang pasensiya ko– sa pagsusulat na napakarami at minsang sinasadyang pagbangga ni Braden sa aking siko para lang mapikon ako.
"Puwede bang bumalik si Glen dito?" asar kong tanong sa kanya.
"Hindi puwede," tipid niyang sagot na hindi man lang ako nililingon.
"So, ako ang mag-a-adjust sa siko mo?"
Savannah laughed at our back. Tila nag-e-enjoy sila na nakikitang napipikon ako.
"Okay na po, Madam?" tanong niya nang tumagalid siya ng upo na ngayon ay nakaharap sa akin habang nagsusulat.
Better! Dapat siya ang mag-adjust at hindi ako.
Sinipat ko ang loob ng bag kung saan may limang bayabas akong nakuha galing sa likod ng faculty kanina. Mini forest ang tawag nila roon at isang puno ng bayabas na nakatanim. Halos mahogany tree at mangga kasi ang naroon kaya ang cute tingnan dahil ang maliit na puno ng bayabas na iyon ay nag-iisa lamang at may sobrang dami ng bunga kahit hindi naman ito gaanong malaki pa.
Nakakain na ako ng dalawa kanina habang naglilinis kami sa likod, ang limang nasa bag ko ay mamaya na sa bahay ko kakainin at lalagyan ng asin at suka. I hid and kept these guavas for me, dahil masiyadong palahingi sina Glen at Athena. Hindi ako maramot, pero parang gano'n na nga kung bayabas ang pag-uusapan.
I shook my right hand. Namamanhid na ang kamay ko pagsusulat. Fifty items pa talaga ang pinasulat ni Sir Sergio para maubos ang isang oras namin, okay ka lang ba, Sir?
Padabog kong binaba ang ballpen sa lamesa at nag-unat. Umiinit na rin ang puwet ko sa buong oras na pag-upo, tiyak hindi lang kamay ko ang magkakalayo, pati ang aking pang-upo!
"Masanay ka na, Adrielle, ganito talaga si Sir, kung hindi spelling by alphabetical ang ipapagawa ay pinapasulat tayo," saad ni Razyl sa akin.
"Hindi ba kayo nagsusulat sa paaralan mo rati?" tanong ni Braden.
"Nagsusulat, pero hindi ganito!" tugon ko sabay turo sa tatlong punong pisara.
Malaya kong mapipintasan ang pinapagawa ni Sir dahil umalis siya saglit.
"Matanong ko lang, ano ba ang ginagawa ng mga batang siyudad? Katulad ng mga laro ninyo?" kuryuso ni Glen na tumabi kay Athena para lang makipagdaldalan sa amin. Nagsisisiksikan tuloy silan tatlo sa isang upuan.
Nag-isip ako. Ano nga ba? Sa village namin, wala akong masiyadong kaibigan, iilan lang at hindi naman kami naglalaro. Sina Summer at Athena lang ang laging kalaro ko noon.
"We usually played chinese garter, hula hoop, bahay-bahayan..."
"Ang boring!" sabad ni Athena.
Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi boring ang larong iyon!
Hindi nga ba?
"Eh, ano pala ang mga laro ng mga batang probinsiya?" tanong ko naman.
The four girls giggled, something like, they are thinking the same thought.
"Naaalala mo no'ng grade three kami tapos, grade four ka, Aden?" Si Savannah na tumingin kay Braden.
"Ano? At saan? Marami tayong ginawa noong grade three kayo at grade four ako, Sav kaya hindi ko maaalala lahat," patuyang tugon ni Braden.
Napairap si Savannah sa kapilosopo ni Braden. Sabagay, may point din naman siya. Hindi naman isang buong pangyayari lang ang ginawa nila sa buong taon sa grade three.
"Iyong may PTA meeting tapos naglaro tayo sa kakahuyan?"
"Tapos?"
Athena cracked up, tila sira-ulong bigla na lamang tumatawa.
"Wala pa nga!" saway ni Savannah na natatawa na rin.
Ano ba ang ginawa nila noon at tuwang-tuwa silang gunitain iyon?
"Iyong si Kenith ang taya sa tagu-taguan. Tapos.... tayong lima ang nagtago sa iisang lugar. Natatae ka no'n, Aden, hindi ba?" pagpapaalala ni Athena.
Nagtaka pa si Braden at tila iniisip. He eventually smiled and nodded.
"Oo naman!" aniya.
Ang saya, ha?
"Tapos... hindi mo na mapigilan dahil gusto mo na talagang tumae!" dagdag ni Razyl.
Ano ang nakakatuwa roon? Ang babaw ng kaligayahan ng mga ito!
Sabay silang apat na napahalakhak.
"Tapos... ang daming buto ng bayabas ng...".
"Stop! Kadiri ninyo, ha!" pagpapatigil ko sa kanila. May bayabas pa naman ako rito sa bag tapos nagkukwento sila ng ganyan.
"Teka, Adrielle! Ito ang mas exciting!" Si Savannah ulit.
"Tumae iyang si Aden sa likod ng faculty, iyong malapit sa may tangke ng tubig..."
They are so disgusting!
"Guys, please!"
Braden just smiled. Hindi ba siya naaasar dahil pinapahiya siya ng mga kaibigan niya?
"Alam mo ba, Adrielle. Nakikita mo iyong puno ng bayabas doon sa likod ng faculty na tabi ng tangke?" tanong ni Razyl.
"O-Oo..."
Doon ko kinuha ang mga bayabas ko.
Nagtawanan na naman sila kaya napipikon na ako!
"Alam mo bang si Braden ang nagtanim, no'n?"
"Talaga, Athena?" 'di makapaniwalang tanong ko.
"Oo! Dahil no'ng tumae siya na may maraming buto ng bayabas ay tinabunan niya lang ng lupa iyong... alam mo na... tapos ayon, tumubo ang mga buto at naging puno ng bayabas! Kaya nga hindi namin kinakain iyon dahil alam namin na sa tae ni Braden galing iyong puno!" kwento ni Athena.
Awtomatiko akong napahawak sa bibig. So meaning...
"Hindi ba, ang bait ko sa kalikasan-"
"Stop!" sigaw ko sa kanila kaya nagulat silang lahat. Napatingin din ang iba kong mga kaklase dahil sa lakas ng hiyaw ko.
Kung gayon... kinain ko ang...
"Ah! I hate you!" sabi ko sa kanila at padabog na umalis ng classroom.
Nagtungo ako sa may likod ng silid-aralan namin at pumatong sa sementadong tangke ng tubig.
Sumisigaw akong walang tunog! Ayaw ko talaga rito! I hate this place. They are so disgusting!
Namumula ako sa inis kaya hinilumusan ko ang mukha ng tubig, mabuti na lamang at may gripo rito.
I breathed deeply. Relax. Relax self...
Hindi pa nawawala ang inis ko sa kanila pero may naisip ako para makabawi.
I smirked at my good idea. Ano ang akala nila, ako lang ang kaya nilang paglaruan?
They all eyed at me. Puno ng pagtataka sa biglaang galit ko.
I fakely smiled and sat back.
"Okay ka lang?" tanong ni Savannah.
"Yeah!" nakangiti kong sagot.
Hindi ko muna pinahalata na may gagawin ako at hindi agad isinagawa ang plano. Dapat ay pag-isipang mabuti para makaganti ako.
Natapos sa wakas ang boring na klase namin kay Sir Sergio at tumungo kaming lahat sa H.E. room.
Napahawak pa ako sa balikat ni Braden dahil nang inapakan ko ang kahoy na sahig ng H.E room ay tila tumutunog at mukhang magco-collapse.
"Relax..." natatawang sabi niya at hinawakan ako sa braso para alalayan.
Ang lamig ng kamay niyang dumapo sa balat ko. At sa totoo lang, kinikilabutan ako sa lamig na iyon. Multo ba itong si Braden?
"Matibay ba ito?" tanong ko.
"Oo naman! Classroom pa nina Mama 'to," sagot niya.
Seryoso? So, hindi na ito matibay, ah! At sigurado ako na may mas nauna pa kaysa sa nanay niya rito.
Mas lalo akong nangamba nang halos sabay-sabay na pumasok ang mga kaklase ko sa loob kaya mas lumalakas ang paglangitngit ng marupok na sahig.
Napapalunok ako sa bawat lakad nila kaya ngingiti-ngiting nakatingin ang katabi ko.
"Ang saya mong kinakabahan ako, Braden!" sabi ko sa kanya.
Hindi na niya ako pinansin at bumaling sa katabi niyang kaklase namin.
Huling pumasok si Athan. Ang una kong crush sa klase namin. Sa totoo lang, sa lahat dito, siya lang yata ang mukhang matino. Mabait, tahimik at hindi matabil! Hindi katulad ni Braden na ang daldal kaya lagi kaming napapagalitan ni Mrs. Nimfa sa English time namin.
Ang gusto ko kay Athan ay ang dalawa niyang biloy sa pisngi. Ang lalim pa nito at idagdag ang makinis niyang mukha. And when he laughed, oh! It's so impossible not to overlook.
He sat on the third row beside me kay medyo namula ako sa hiya, binati niya pa ako kaya kiming kumaway lang ako bilang sagot. Ang arte ko!
Nagsiayos na rin kami ng upo dahil pumasok na si Mrs. Trillanes.
After checking the attendance, she instantly discussed our topic. It was all about kitchen utensils, table napkins and table setting.
She roamed her eyes. Naghahanap yata ng tatawagin.
"Ikaw," turo niya sa akin.
"Ano ang pangalan mo?"
"Adrielle Lyn po."
She asked me to read the one paragraph. Akala ko iyon na pero pinanatili niya ako sa pagtayo.
"Sa lahat ng mga gamit sa kusina, Adrielle. Alin ang unang dapat sabunan?" tanong niya.
Ang dali ng tanong! Lagi kong nakikita si Mama na naghuhugas at kahit na sino ay makakasagot dahil parating ginagawa iyan sa bahay, ah!
"Lababo," I confidently answered.
Nagsitawanan ang lahat kaya taka ko silang tiningnan. Kahit ang guro namin ay natatawa sa sagot ko.
Lababo naman talaga ang unang sinasabunan ni Mama bago ang mga plato at baso.
"Naghu– teka!"
Mrs. Trillanes went to her table and grabbed her handkerchief, tumulo pa yata sipon niya sa katatawa.
I rolled my eyes because of the embarrassment. Ano ang nakatatawa sa sagot ko?
"Naghuhugas ka ba sa inyo?" tanong niya.
"Minsan." Kahit hindi.
"Upo," utos niya sa akin na nakangisi.
Naaasar ako sa kanila! I crossed my arms on my chest. Bahala sila mamatay sa katatawa.
"Braden, ano ang unang sinasabunan?"
"Baso. Baso po." Nakangisi pang tumingin si Braden sa akin.
I made a face to him. May gana pang manukso!
"Very good. Adrielle, iha, ang unang sinasabunan ay baso, ha? Hindi lababo."
Fine! Matalino na kayong lahat!
Bad mood ako sa kanila pero hindi ko nakakalimutan ang plano ko. Akala nila gano'n-gano'n na lang?
Nakatambay kaming lahat sa ilalim ng kayimito at hinihintay na ihulog ni Braden ang bunga. Nagpresinta siyang umakyat kaya kaming lima ay nakaabang at nakatingala sa kanya.
Ibinuka ni Razyl at Glen ang mga laylayan ng t-shirt nila para masalo ang mga bungang nahuhulog.
When we were satisfied, we asked Braden to come down, para makauwi na rin kami.
"Teka, may ibibigay din pala ako sa inyo!" sabi ko sabay bukas ng bag ko.
I took the five guavas and handed it to them.
"Wow!" bulalas ni Athena.
"Saan 'to galing?" tanong ni Sav na hinugusan ng tubig na galing sa tumbler niya ang bayabas.
I shrugged. "Pananim namin," sagot ko.
Unang kumagat si Braden at saka si Athena.
Napaawang ang bibig ko nang nakitang takam na takam si Braden. Ano? Masarap ba ang sarili mong dumi?
"Sarap! Ang tamis pa," saad ni Athena na ninanamnam pa talaga.
"Oo nga, next time magdala ka ulit, ha?"
The evil inside of me was laughing by watching them eating Braden's shit. At least, hindi lang ako ang nakatikim. What friends are for, right?
"Walang problema, Raz. I will make sure, I will share it with you..."
My messanger notification popped up to my screen.It was a message from Braden.Nakangiti kong binuksan ang mensahe niya.A caption was written under the photo he sent.'Si Sossy lang ang sakalam.Malakas kumain ng gadgad ng niyog.'Kahit kailan talaga itong dalawa ito! Kung magsasama ay kung ano-anong kalokohan ang ginagawa.Braden was scraping the coconut while Sossy was busy eating the grated coconut.I replied, 'Baka utot nang utot iyang si Saoirse mamaya, ha?'"Miss Reesha, labas na po, naghihintay na sila," pahayag sa akin ng isa sa mga admin at staff ng mall.I will be having my first book signing today! Hindi ko akalain na bebenta ang kwento nina Aden at Ady sa lahat.It was just an ordinary story. Two young hearts met when they were still young, became friends but ended like strangers. However, I don't want my characters to end with no happiness. Dapat ay happy ending naman.I was known in my pen name Reesha, kabaliktaran sa pronunciation sa pangalan ng anak ko na si Saoirse.
BRADEN RION CASTRO PART II"Paano ba natin makukuha iyong lupain na iyan? Ang dami nating kompetensiya. Tiyak na mas bibigyan nila ng mas mataas na presyo ang may-ari!" pahayag ni Harry.Hindi ko mawari bakit ba napakalaking problema sa kanya ang hindi makuha ang lupa ni Adrielle. I know that the investor told us about the offer but what could we do if Adrielle doesn't want to sell her land to us?"Aden? Hindi ka lang ba gagawa ng paraan? Punta del Sol is your place, alam kong kilala mo si Miss Adrielle Santos," aniya."Teka? Si Adrielle? Si Ady ba kamo?" biglang sulpot ni Kurt bitbit ang isang can ng beer.Namumula na ang mukha niya, halata na marami na siyang nainom. At ano na namang masamang hangin at napadpad na naman siya sa shop ko?Nagtatakang tumango si Harry sabay sulyap sa akin. Hindi niya alam na may pinsan akong pakno (baliw)."Pinsan ko nga pala, si Kurt," walang ganang pakilala ko."Hindi mo ba alam na si Adrielle at itong pinsan kong si Aden ay magkaklase noong elementa
BRADEN RION CASTRO PART I"Huwag mo akong iiyak-iyakan, Braden. Maraming nagkakahiwalay na mag-asawa tuwing umiiyak ang groom sa kasal. Babaero daw ang mga iyon," pairap na turan ni Adrielle nang inihatid siya ng kanyang Tiyong Cito sa altar.Nagulat, hindi lang ako, pati na rin ang tiyuhin sa sinabi ni Adrielle. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya dahil walang ngising nakasilay sa kanyang mga labi.I glanced to Tiyong Cito, nagkibit-balikat lamang siya kaya napakurap ko ang mga mata dahil na baka hindi nga nagloloko si Adrielle.Is she really serious?Mayamaya ay narinig ko ang mahina niyang halakhak at kinalabit ang braso ko."Hindi tayo magkakahiwalay, promise mo iyan, ha?" puno ng paglalambing niyang sabi."Of course, love... never."Simple lamang ang kasal namin. Nais lang din ni Adrielle ng pribadong kasalan, iyong kami lamang kapamilya at malalapit na mga kaibigan ang makakasaksi sa pag-iisang dibdib namin.Sa simbahan kung saan pareho kaming nagdasal noon na sana, makatagpo n
TREASURENakahalumbaba ako sa lamesa habang pinapakinggan ang sinasabi ni Ate Sandy sa kabilang linya.Inilapag ko sa ibabaw ng mesa ang cellphone at hinayaan ko lang na i-loudspeak ito para marinig ko lahat ng pinagsasabi ni Ate.Kailangan ko na palang bumalik ng Punta del Sol dahil marami na raw pending na transaksiyon ang manggahan.Anihan pa sa susunod na linggo kaya kailangan ko na talagang ipunin lahat ng nagkapira-piraso kong puso para kahit naman papaano ay makapagtrabaho ako."Ady? Nakikinig ka ba?" untag ni Ate sa kabilang linya.Wala sa sarili akong nagsalita, "Ate, ano ang feeling no'ng nalaman mong buntis ka kay Scarlet?""Ano?" bulalas niya sa kabilang linya."Masaya ka ba? Natakot? Kinakabahan?" dagdag ko."Ano ba ang pinagsasabi mo, Ady? Ano'ng buntis-buntis? Ikaw ba'y..."I heard her gasp. Ang OA ng reaksiyon, ah!Natural na maaari akong mabuntis. Alam niya rin na parati kong kasama si Braden kaya alam kong hindi sila mag-iisip na nagrorosaryo lang kami sa loob ng bah
PUSIT"Alam mo iyong tipong gusto mong kumain ng pusit pero hindi ko mahanap-hanap ang gusto ko sa palengke? Tapos iyong itlog, feeling ko ang tabang ng pagkakatimpla ko at ito pa... hindi ko maiwasang maiyak tuwing nakikita ko ang hitsura ko, Hector," kwento ko sa doktor na kasintahan ni Sav.Savannah gently caressed my back. Napahagulhul ako sa 'di na naman alam na dahilan. Depress na depress na talaga ako!"Gusto ko lang naman mag-stress-eating pero ako ang naste-stress sa mga kinakain," iyak ko."This is getting out of hand, Hector. What shall we do?" tarantang wika ni Sav sabay haplos sa balikat ko para tumahan ako.Hector rubbed his nape and smiled, dahilan para sabay kaming napakunot-noo ni Sav sa reaksiyon niya.Anong klaseng doktor siya? Nginingitian niya lang ang mga seryosong problema at dinaramdam ng mga pasyente niya? Na-offend ako kay Hector, promise!"B-Babe... stop smiling," saway ni Sav na pilit hinihinaan ang boses at pinandilatan pa ng mga mata ang kasintahan."Oh,
WEIRDPara akong tangang naghihintay sa kanya na bumalik siyang muli at kausapin ako.Baka... baka mapatawad ko pa siya. Baka pipikit na lamang ako at kakalimutan ang lahat. Kaya naman iyon, 'di ba?Ngunit natapos ang buong araw at walang Braden na dumating. Napagtanto kong wala akong mapapala sa kahihintay at kakaasa na muli siyang magbalik sa piling ko. It would never happen. I already chased him away."Get up, Adrielle! Day-off ko ngayon, tara! Clubbing tayo," yaya ni Venus sa akin sabay hila sa akin patayo sa kinahihigaan.I groaned, still closing my eyes."I'm tired..." pagod kong tugon sa kanya sabay yakap-yakap sa bolster pillow.Tatlong araw na ako rito sa condo ni Venus simula nang umalis ako ng Punta del Sol.Hindi ko kayang mag-isa at para akong mababaliw. Ayaw ko rin namang sa bahay nina Ate Sandy dahil baka ako pa ang mas babantayan niya at hindi ang sariling anak. Wala rin akong ibang kamag-anak na puwedeng mapuntahan dahil ayaw kong may masabi na naman ang mga iyon. Mah