Share

Chapter 11

Author: EL Nopre
last update Last Updated: 2025-12-29 23:59:12

"NANAY, masakit po."

"Faith, anak?"

"Nasaan ka po, Nay? Dito ka po sa tabi ko! Hindi po kita makita, Nay! Nasaan ka po? Nasaan ka po?"

"Faith, anak. Nandito lang ako lagi sa tabi mo. Hinding-hindi kita iiwan."

"Nanay!"

"FAITH!"

Napabalikwas si Thea mula sa pagkakahimbing dahil sa malakas na sigaw ng ina. "Nay?"

Habol ang paghinga ni Nanay Berna habang pawisan ang noo. Tutop niya ang baba-taas na dibdib na naninikip sa sakit.

"Nay, okay ka lang?" sabay hagod nito sa likod ng ina.

Pinagala niya ang tingin sa madilim na paligid na tanging ang bilog na buwan lang sa kalangitan ang nagbibigay tanglaw sa loob ng munti nilang silid.

"Nay, nanaginip ka po ba?"

"Si Faith," mahina niyang sambit habang hinihilot ang harap ng dibdib.

"Ho?"

"Napanaginipan ko na naman si Faith."

"Nay -"

"Hinahanap niya ako." Hindi na napigil ni Nanay Berna ang mga luha. "May masakit sa kanya. At umiiyak siya."

Agad pinigil ni Thea ang ina na binayo ang dibdib. "Nay, tatlong buwan na pong wala si Ate Faith. Hindi na siya makakaramdam pa nang sakit."

Tuluyan nang napahagulhol si Nanay Berna. "Tinatawag niya ako! Hinahanap niya ako! Faith, patawad, anak! Kung mayaman lang sana tayo, hindi ka dadanas ng hirap!"

"Nay..." Niyakap nito ang ina, "Naiintindihan po 'yon ni Ate. Huwag niyo pong sisihin ang sarili niyo. At huwag niyo na po siyang isipin pa. Tahimik at maayos na ang lagay niya ngayon."

"Paano kung -"

"Mabuting tao po si Ate. Kaya alam ko na nasa maganda siya ngayong lugar."

"Tinatawag niya ako! Hinahanap niya ako! Kailangan ako ng anak ko!"

"Nay, tama na po. Panaginip lang po 'yon. Wala na po si Ate. Tama na po. Wala na siya."

Dinaan lang muna ni Nanay Berna ang pangungulila na nararamdaman sa pag-iyak. Matapos ang ilang sandali ay kumalma na siya. Tinuyo niya ang mga luha.

"Sige na, sige na. Bumalik ka na sa pagtulog," wika niya kay Thea.

"Ikaw po?"

"Hindi na rin naman ako makakatulog."

Napasulyap si Thea sa oras sa screen ng cellphone nito. "Alas dos pa lang po. Masyado pang maaga. Pilitin niyong makatulog ulit."

Tumango-tango si Nanay Berna. "Sige na. Titingnan ko lang kung may sindi pa ang kandila sa altar. Babalik ako. Matulog ka na."

Lumabas na ng silid si Nanay Berna at tinungo ang maliit na sala. Nakapatong sa isang mesa ang larawan ni Faith. Ika-isang daang araw nito mula nang ito'y pumanaw kaya may bulaklak at nakasindi roon na mga kandila.

"Anak, may masakit pa rin ba sa iyo?"

Pinalitan niya ang paubos nang kandila na nasa loob ng dalawang baso. Inayos niya rin ang mga bulaklak.

Mahigit tatlong buwan na rin ang lumipas, pero ang pagkamatay ni Faith ay para bang kahapon lang nangyari.

"Patawad, anak. Dahil wala ako ngayon sa tabi mo. Pero nariyan naman ang Tatay mo. Sabihin mo sa kanya kung may masakit pa sa iyo."

Ang panaginip niya kanina ay malinaw sa kanyang alaala na parang totoo na buhay si Faith. Ibang tao nga lang ang kanyang nakita . Pero imposible iyon.

Umiling-iling si Nanay Berna. Binura niya ang mga bagay na pumapasok sa isip na imposible talagang mangyari.

"Anak." Masuyo niyang hinaplos ang larawan ng anak. "Nasaan ka man ngayon, gusto kong maging masaya ka. Para maging masaya rin ako. Habang malungkot ka, nasasaktan ako. Anuman ang masakit sa 'yo, nararamdaman ko."

Hindi niya napigilan ang muling pagtulo ng kanyang mga luha. Mahirap pa ring tanggapin na wala na ang panganay niya na puno sana ng mga pangarap sa buhay.

"Kasalanan ko, anak. Dahil hindi ako naging mayaman. Patawad. Patawad kung hindi ko tutuparin ang ipinangako ko sa iyo. Kung sakali man na may pangawalang buhay, huwag ako ang piliin mo na ina. Para hindi mo na ulit maranasan pa ang hirap ng buhay. Patawad, anak."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • REBORN AS A HEIRESS    Chapter 39

    "MISS, sandali! Hintayin mo ako! Mag-usap muna tayo!"Lalong binilisan ni Faith ang mga hakbang nang maulinigan ang pagtawag sa kanya ng makulit na lasing na lalaki na mukhang wala siyang balak na lubayan."Miss!"Lumiko siya sa ikalawang eskinita. Mabuti na lang at tanda pa niya ang pasikot-sikot sa lugar. Nang marating niya ang hilera ng magkakadikit na bahay kung saan sa likod niyon ay naroon ang riles ng tren, bumagal na siya.Nalingunan niya na natumba at sumubsob na sa lupa ang sumusunod na lalaki dahil sa kalasingan nito.“Manang Josie, sige na po! Maawa na po kayo sa amin!”Itinulos sa kinatatayuan si Faith nang makita si Thea na hinahabol ang kanilang landlady. It excites her to see her sibling. And she missed her so much. Malapit kasi silang magkakapatid sa isa’t isa."Huwag mo na nga akong kulitin! Hindi na magbabago ang isip ko!"“Kahit kaunting palugit pa po. Makakabayad din po kami.”“Ilang beses ko na ‘yang narinig sa inyo, pero lalo lang kayong lumulubog sa utang!”“La

  • REBORN AS A HEIRESS    Chapter 38

    "LET!"Napahinto ang tinawag na katulong na may bitbit pang balde at mop."Halika."Lumapit naman si Let nang nakakunot ang noo. "Señorita, bakit po parang may pinagtataguan kayo?"Napasuyod naman sa kinaroroonan si Faith. Nakakubli nga siya sa isang sulok ng ikalawang palapag ng mansiyon."At bakit ang hina ng boses niyo na parang bumubulong? May sakit po ba kayo?""Ah, wala." Tumuwid siya nang tayo at saka umalis sa pinagtataguan. "Huwag mo na lang akong pansinin.""May kailangan ka po ba, señorita?"Pinagala uli ni Faith ang mga mata sa paligid at tumanaw rin siya sa ibaba. Malapit sila sa may hagdan. "Umalis na ba ang mag-asawa?""Ho? Sino pong mag-asawa?""Uhm, ibig kong sabihin sina Mama at Papa.""Ah. Opo, señorita. Maaga po talaga silang umaalis kapag weekends para maglaro ng golf."Tumango-tango si Faith. It's a good sign to make a move. May tutuklasin siya sa araw na iyon na magpapatahimik sa kanyang magulong isip."Gusto niyo po bang sumunod sa kanila?""Bakit? Marunong ba

  • REBORN AS A HEIRESS    Chapter 37

    "DARN!""Oh!" bulalas din ni Ollie nang magkagulatan sila ni Ponce."Anong ginagawa mo rito?"Napasulyap naman muna si Ollie sa ibabang katawan na natatapisan lang ng puting tuwalya. Kalalabas lang nito ng banyo nang magbukas ang pinto at iluwa niyon si Ponce na kauuwi din lang mula sa trabaho."Mas masarap matulog dito kaysa sa ospital."Naibigay ni Ponce kay Ollie ang password sa pinto ng bagong condo niya nang dalhin niya si Fate sa ospital after her breakdown with her allergy. Pinauna niya nang uwi ang kaibigan para tingnan ang mga naiwan niyang bisita noong birthday party niya. And it's his big mistake."Get out! This is invading private property!"Hindi man lang kinabakasan ng takot o pag-aalala sa mukha ni Ollie. Nilagpasan pa nito si Ponce habang tinutuyo ng isa pang bitbit na tuwalya ang basang buhok. "Nagluto na ako. Sabay na tayong kumain.""Hoy, Olliquiano! Umalis ka na bago pa uminit ang ulo ko!""Aalis ako bukas nang umaga. Kumain na tayo."Inis niyang sinundan ang kaibi

  • REBORN AS A HEIRESS    Chapter 36

    "LOOK. You're even checking yourself."Ibinaba ni Faith ang pagkakasapo niya sa ulo. At least pinakalma ng nakapa niyang makapal na buhok ang kaba na bigla na lang bumangon sa kanya sa pag-aakala na wala na siya sa katawan ni Fate."Muntik nang masira ang kutis ko dahil sa allergy.""So, who's fault is it?""Of course, you.""At bakit ako?""Naghanda ka nang hindi pang-masa."Kumunot ang noo nito. "What do you mean?""Sana inisip mo rin ang mga magiging bisita mo na may allergy. It's usually nuts, chicken, and seafood. Marami namang puwedeng ihanda.""Like what?""Pancit, spaghetti, biko, puto, lumpia, macaroni salad without chicken, and so on."Lumalim ang pagkakakunot ng noo ni Ponce. "So, that's what you called, pang-masa.""Right. Everyone can eat it. Basta walang sahog na nuts, chicken, and seafood. Wala sana ako rito at tahimik mong nairaos ang birthday party mo.""Jeez!" Napailing si Ponce. "Those foods you mentioned na pang-masa are the foods na hindi mo kinakain.""No way.""

  • REBORN AS A HEIRESS    Chapter 35

    "ANAK...""Nay?"Masayang tinakbo ni Faith ang nakangiti rin na ina. Nakabukas na ang mga braso nito kaya dumiretso na siya nang yakap dito.Yes. That's the warmth she's been longing. Walang papantay o hihigit sa init na iyon."Miss na miss na po kita, Nay.""Miss na miss na rin kita, anak."Humiwalay siya sa yakap at pinagmasdan ang ina. "Nay, huwag niyo pong pabayaan ang sarili niyo. Baka hindi ko na po kayo makilala niyan.""Anak, huwag kang mag-alala. Alam mo bang mas makapangyarihan ang puso kaysa sa mga mata?""Nay, kapag nagbago po ba ang hitsura ko, makikilala niyo pa rin ako?""Oo naman. Anak kita. Makikilala kita kahit nakapikit ako.""Hindi po, Nay.""Ha?""Hindi niyo po ako dapat na makilala.""Bakit?""Dahil mamamatay ulit ako.""Huwag mong sabihin iyan. Malayo ka man, buhay na buhay ka lang lagi para sa akin.""Nandito lang po ako. Hindi ako lalayo.""Anak, tandaan mo na maghihintay ako."Napalingon si Faith. Ayaw niya pang umalis, pero may humihila na sa kanya pabalik s

  • REBORN AS A HEIRESS    Chapter 34

    NATAWA ang mga bisita na nakarinig sa sinabi ni Faith. At hindi na niya iyon mababawi pa. Kaya patay-malisya na lang siya."Mahal mo si Ponce? Wake up, girl! Kahit anak ka pa nang pinakamayaman sa buong mundo o ikaw pa ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa, hindi mo siya mapipilit na mahalin ka!"Napataas siya ng kilay sa nang-uuyam na babae. "Hindi ko sinasabi na mahalin niya rin ako. Because I know that true love can't be forced. So, hahayaan ko na lang siya. Mas gusto kong mahalin na lang ang sarili ko.""What do you mean? Ang taong katulad mo na walang puso, hindi marunong magmahal.""Kung wala akong puso, bakit ako humihinga? Kailangan mo ba ng logic explanation?""B*tch! You're still the same even though you fell into a coma for months. At kahit yata ilang karayom o gamot ang iturok sa 'yo, wala nang magbabago sa ugali mo.""Hindi ako pumunta rito para makipag-away, okay? Nagbabagong-buhay na ako."Muling umugong ang nakakainsultong malakas na tawanan sa paligid."Bakit?" p

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status