Compartilhar

Chapter 12

Autor: EL Nopre
last update Última atualização: 2025-12-30 01:16:24

A FAMILIAR masculine scent awakened her drowsy spirit. His tone was sarcastic just like the first time she heard it, cursing her again to death.

Ilang araw na naman siyang tulog. Naririnig lang niya ang mga tinig sa paligid. But she can't open her eyes nor move. Wala siyang lakas. Naghihina pa rin ang kanyang buong katawan.

Marami sana siyang gustong itanong dahil mayroong patuloy na gumugulo sa isipan niya.

Mula nang una siyang magkamalay, hindi pa niya nakikita ang kanyang ina. Isa iyon sa ipinag-aalala niya. Hindi ito kailanman nawawala nang matagal sa tabi niya.

"Gumising ka na rin."

Nang maikondisyon niya ang mga mata ay tinitigan at kinilala muna niya ang lalaking nakaupo sa may tagiliran ng higaan niya na animo'y bumisita lang sa bahay dahil nakataas pa ang mga paa nito sa ibabaw ng kanyang kama habang kumakain ng kornik.

Arrogant and cocky. He's the perfect resemblance of those villains na napapanood niya sa mga Kdrama.

"I think I was gifted with this healing power."

She hates him when he smirks like a devil. But damn! He is too handsome just to be the prince of hell.

"Alam mo bang dalawang beses na kitang ginising? You owe me big-time in this lifetime."

Hindi umimik si Faith. Naiirita siya hindi lamang sa angkin na kakisigan ng lalaki kundi sa ingay nang kinakain nito.

"At apat na araw ka na naman palang tulog. You're weaving dreams while others are busy making money just to live. Tsk!What a spoiled brat!"

"Sino ka ba? Bakit parang ang bigat ng loob ko sa 'yo?"

Natawa si Ponce. "Jeez! Look, who is talking? I should be the one saying those lines."

"Kung mabigat pala ang loob mo sa akin, bakit nandito ka? Kahit tulog ako, ramdam ko na pabalik-balik ka rito."

"I want to see with my own eyes how you pay your sins."

"Ako ba ang kausap mo? Hindi ako ang tipo ng taong nangongolekta ng mga kaaway. For your information, I am very friendly."

Lalong lumakas ang pagtawa ng binata. "Malaki nga yata talaga ang tama sa ulo mo."

Napahawak naman si Faith sa bahagi ng katawan na tinukoy ng kanyang kausap. At napangiti siya nang masapo na tumubo na ang buhok niya na dati ay nalagas dahil sa kanyang sakit. Magaling na nga talaga siya tulad nang sinabi ng doktor at nurse.

"Okay, fine!" sabay baba nito ng mga paa. "Let me tell you something in case it triggers your memory. After that, saka mo sabihin sa akin kung tama ba talaga na gamitin mo ang salita na 'friendly' sa sarili mo. Una, lahat ng katulong ninyo ay kaaway mo."

Napakunot ng noo si Faith. Mahirap na para sa kanila ang maghanap ng pambili kahit bigas, paano pa ang sahod sa katulong? And he used a plural word. So, ibig sabihin ay marami.

"Secondly, pagkatapos mong muntikan nang mapatay ang mayordoma namin, dumami ang mga katulong na nagalit sa 'yo. Balak na nga nila na bumuo ng anti-fan club."

Napailing si Faith. That can't be true. She has a soft heart pagdating sa kanyang kapwa lalo na sa mabababa ang estado sa buhay; bata man o matanda.

"Thirdly, lahat nang naging kaklase mo mula kinder to tertiary ay walang gustong makipagkaibigan sa 'yo. Do you want to know why?"

Hindi ulit umimik si Faith. She's starting to doubt him. Mukhang ito ang may malaking sira sa ulo.

"Matapobre at bully ka. Masama ang ugali mo.

"Huh! Mister, ako ba talaga ang kausap mo o sarili mo?"

Pinagala naman ni Ponce ang mga mata sa paligid gayundin si Faith. At sila lang dalawa ang naroon.

"Ako ba ang tinawag mong MISTER?"

"Mukhang mas matanda ka kaysa sa akin kaya kuya na lang ang itatawag ko sa 'yo kung ayaw mo ng mister."

Napaawang ang bibig ni Ponce. Malayo talaga sa Fate na nakilala nito ang kausap ngayon na tila ibang tao.

Kung hindi nito alam na mayroong mental disorder ang dalaga katulad ng sinabi ng doktor, iisipin nito na mayroong naligaw na kaluluwang sa loob ng katawan ng mortal nitong kaaway.

"Wait. Noong mga nakaraang buwan lang, before your accident, sinabihan kita na UNCLE ang itawag mo sa akin dahil mas matanda ako sa iyo ng fifteen years. But you keep on resisting telling me na hindi mo ako tatawagin nang ganoon dahil ako ang first and true love mo."

"Haist! Kung fifteen pala ang age gap natin, MANONG dapat ang itawag ko sa iyo. At anong sinasabi mong first and true love? Pinatay ko na sa puso ko ang manlolokong iyon!"

Muling napakunot ng noo si Ponce.

"And let me tell you also a thing about me." Hindi pinansin ni Faith ang madalas na paggamit niya ng mga salitang Ingles na hindi naman niya dating ginagawa. Baka epekto lang iyon ng kanyang mga gamot. "I'm not a bully at lalo na ang magmatapobre."

Nakangising naiiling si Ponce. "Hindi ka talaga patas. How can you repay me kung wala ka na ngayon sa katinuan?"

"Hey! Tinawag mo ba akong baliw? Ikaw ang mas mukhang may tama sa ulo!"

"Psychosis is a mental illness. Ayon sa doktor, inilalayo mo ang sarili mo sa reyalidad. And you're acting like somebody else."

"At bakit ko naman 'yon gagawin, ha?"

"Para makaiwas sa mga ginawa mong kasalanan lalo na sa akin."

"Walang tao na perpekto. Kung may nagawa man akong mali ay ihihingi ko iyon ng tawad."

"Are you saying that you know what your sins are?"

Binalikan naman sa isip ni Faith ang mga nagawa niyang kasalanan. "I cheated once sa final exam namin noong high school."

Lumalim ang pagkakakunot ng noo ni Ponce.

"Pero hindi ko na inulit 'yon. Once is enough and twice is too much. Namitas din ako ng malunggay sa kapitbahay namin nang hindi nagpapaalam. Noong eleven ako, nangupit ako ng sampung piso sa tatay ko. At hindi ko na rin inulit 'yon."

"Your brain really has a big problem," sabay ngumuya uli ito ng kinakain na kornik.

"Puwede ba?" Tinakpan niya ang tainga, "Wala ka sa loob ng sinehan o bahay mo!"

Binalewala naman ng binata ang narinig na reklamo. Mas lalo pa itong nanudyo dahil nilakasan nito ang pagnguya.

"Presko!" mahinang saad ni Faith. "Tama ba talaga ang pasyente na binisita mo? Baka naligaw ka lang ng silid? Hindi kita kilala."

"Pero kilalang-kilala kita."

Nakipagtitigan si Faith sa lalaki. Hinahanap niya sa anggulo ng mukha nito ang pagkakakilanlan nito. Pero ngayon lang talaga niya ito nakita.

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • REBORN AS A HEIRESS    Chapter 40

    ITINULOS sa posisyon si Nanay Berna gayundin si Faith. Ilang segundo rin na nagkatitigan ang dalawa nang halos hindi kumukurap ang mga mata.Para bang sa mga oras na iyon ay huminto muna sandali ang pag-ikot ng mundo. At wala silang ibang nakikita sa paligid kundi ang isa't isa.Their heart beats like that moment were designed for them to meet again."Ate, tuloy ka. Halika sa loob."Saka lang natauhan si Faith sa pagkatulala sa mahinang dampi ng hawak sa kanya ni Thea sa braso. "Uhm, salamat."Nakatayo lang sila sa may bukana ng pinto at saka lang siya humakbang sa mismong looban ng maliit na bahay."Nay," sambit na pagtawag ni Thea.“Sino siya, anak?” lakas-loob na tanong ni Nanay Berna.Hindi pinahalata ng ginang ang kabog na nararamdaman sa dibdib. But that feeling is too familiar to her. It's the same when she meets Faith on her dreams.“Kaibigan po ni Ate.”Napakunot ng noo si Nanay Berna na nakita naman ni Thea."Kaibigan po ni Ate Faith," pag-uulit nito."Ah, gan'on ba.""Halik

  • REBORN AS A HEIRESS    Chapter 39

    "MISS, sandali! Hintayin mo ako! Mag-usap muna tayo!"Lalong binilisan ni Faith ang mga hakbang nang maulinigan ang pagtawag sa kanya ng makulit na lasing na lalaki na mukhang wala siyang balak na lubayan."Miss!"Lumiko siya sa ikalawang eskinita. Mabuti na lang at tanda pa niya ang pasikot-sikot sa lugar. Nang marating niya ang hilera ng magkakadikit na bahay kung saan sa likod niyon ay naroon ang riles ng tren, bumagal na siya.Nalingunan niya na natumba at sumubsob na sa lupa ang sumusunod na lalaki dahil sa kalasingan nito.“Manang Josie, sige na po! Maawa na po kayo sa amin!”Itinulos sa kinatatayuan si Faith nang makita si Thea na hinahabol ang kanilang landlady. It excites her to see her sibling. And she missed her so much. Malapit kasi silang magkakapatid sa isa’t isa."Huwag mo na nga akong kulitin! Hindi na magbabago ang isip ko!"“Kahit kaunting palugit pa po. Makakabayad din po kami.”“Ilang beses ko na ‘yang narinig sa inyo, pero lalo lang kayong lumulubog sa utang!”“La

  • REBORN AS A HEIRESS    Chapter 38

    "LET!"Napahinto ang tinawag na katulong na may bitbit pang balde at mop."Halika."Lumapit naman si Let nang nakakunot ang noo. "Señorita, bakit po parang may pinagtataguan kayo?"Napasuyod naman sa kinaroroonan si Faith. Nakakubli nga siya sa isang sulok ng ikalawang palapag ng mansiyon."At bakit ang hina ng boses niyo na parang bumubulong? May sakit po ba kayo?""Ah, wala." Tumuwid siya nang tayo at saka umalis sa pinagtataguan. "Huwag mo na lang akong pansinin.""May kailangan ka po ba, señorita?"Pinagala uli ni Faith ang mga mata sa paligid at tumanaw rin siya sa ibaba. Malapit sila sa may hagdan. "Umalis na ba ang mag-asawa?""Ho? Sino pong mag-asawa?""Uhm, ibig kong sabihin sina Mama at Papa.""Ah. Opo, señorita. Maaga po talaga silang umaalis kapag weekends para maglaro ng golf."Tumango-tango si Faith. It's a good sign to make a move. May tutuklasin siya sa araw na iyon na magpapatahimik sa kanyang magulong isip."Gusto niyo po bang sumunod sa kanila?""Bakit? Marunong ba

  • REBORN AS A HEIRESS    Chapter 37

    "DARN!""Oh!" bulalas din ni Ollie nang magkagulatan sila ni Ponce."Anong ginagawa mo rito?"Napasulyap naman muna si Ollie sa ibabang katawan na natatapisan lang ng puting tuwalya. Kalalabas lang nito ng banyo nang magbukas ang pinto at iluwa niyon si Ponce na kauuwi din lang mula sa trabaho."Mas masarap matulog dito kaysa sa ospital."Naibigay ni Ponce kay Ollie ang password sa pinto ng bagong condo niya nang dalhin niya si Fate sa ospital after her breakdown with her allergy. Pinauna niya nang uwi ang kaibigan para tingnan ang mga naiwan niyang bisita noong birthday party niya. And it's his big mistake."Get out! This is invading private property!"Hindi man lang kinabakasan ng takot o pag-aalala sa mukha ni Ollie. Nilagpasan pa nito si Ponce habang tinutuyo ng isa pang bitbit na tuwalya ang basang buhok. "Nagluto na ako. Sabay na tayong kumain.""Hoy, Olliquiano! Umalis ka na bago pa uminit ang ulo ko!""Aalis ako bukas nang umaga. Kumain na tayo."Inis niyang sinundan ang kaibi

  • REBORN AS A HEIRESS    Chapter 36

    "LOOK. You're even checking yourself."Ibinaba ni Faith ang pagkakasapo niya sa ulo. At least pinakalma ng nakapa niyang makapal na buhok ang kaba na bigla na lang bumangon sa kanya sa pag-aakala na wala na siya sa katawan ni Fate."Muntik nang masira ang kutis ko dahil sa allergy.""So, who's fault is it?""Of course, you.""At bakit ako?""Naghanda ka nang hindi pang-masa."Kumunot ang noo nito. "What do you mean?""Sana inisip mo rin ang mga magiging bisita mo na may allergy. It's usually nuts, chicken, and seafood. Marami namang puwedeng ihanda.""Like what?""Pancit, spaghetti, biko, puto, lumpia, macaroni salad without chicken, and so on."Lumalim ang pagkakakunot ng noo ni Ponce. "So, that's what you called, pang-masa.""Right. Everyone can eat it. Basta walang sahog na nuts, chicken, and seafood. Wala sana ako rito at tahimik mong nairaos ang birthday party mo.""Jeez!" Napailing si Ponce. "Those foods you mentioned na pang-masa are the foods na hindi mo kinakain.""No way.""

  • REBORN AS A HEIRESS    Chapter 35

    "ANAK...""Nay?"Masayang tinakbo ni Faith ang nakangiti rin na ina. Nakabukas na ang mga braso nito kaya dumiretso na siya nang yakap dito.Yes. That's the warmth she's been longing. Walang papantay o hihigit sa init na iyon."Miss na miss na po kita, Nay.""Miss na miss na rin kita, anak."Humiwalay siya sa yakap at pinagmasdan ang ina. "Nay, huwag niyo pong pabayaan ang sarili niyo. Baka hindi ko na po kayo makilala niyan.""Anak, huwag kang mag-alala. Alam mo bang mas makapangyarihan ang puso kaysa sa mga mata?""Nay, kapag nagbago po ba ang hitsura ko, makikilala niyo pa rin ako?""Oo naman. Anak kita. Makikilala kita kahit nakapikit ako.""Hindi po, Nay.""Ha?""Hindi niyo po ako dapat na makilala.""Bakit?""Dahil mamamatay ulit ako.""Huwag mong sabihin iyan. Malayo ka man, buhay na buhay ka lang lagi para sa akin.""Nandito lang po ako. Hindi ako lalayo.""Anak, tandaan mo na maghihintay ako."Napalingon si Faith. Ayaw niya pang umalis, pero may humihila na sa kanya pabalik s

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status