Compartilhar

Chapter 24

Autor: EL Nopre
last update Última atualização: 2026-01-04 03:47:10

"HEY!"

Natuon ang tingin ni Ponce sa bumati na kaibigang nurse na naupo sa may tapat niya.

Kasalukuyan siyang nasa malawak na cafeteria ng Chinese Hospital. Tinawagan niya si Ollie at sinabi nito na magkita na lang sila roon.

"Kanina ka pa?"

Itinuro ng tingin ni Ponce ang apat na cups ng kape na naubos na niya sa paghihintay rito. Nainip na nga siya at gusto na sana niyang umalis.

"Pasensiya na. Biglang nagkaroon nang emergency sa E.R. Hindi ako makapuslit."

"Okay lang. So, nakalabas na nga siya?" pagkumpirma ni Ponce sa nakarating sa kanyang balita.

"Oo. Dumaan ako roon. Wala na siya. Na-discharge na raw kaninang umaga."

"Magaling na siya?"

"Cleared na siya sa sakit niya sa puso. Milagro nga. Alam mo ba ang sinabi ni Dr. Mardaue nang makita ang latest result ng CT scan niya? Para raw hindi dinapuan ng long-term heart disease si Fate."

"Milagro ba iyon?"

"Anong puwede mong itawag doon? Milagro o himala, pareho lang na pinagaling niyon si Fate."

"Wala ka bang napansin sa kanyang kakai
Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App
Capítulo bloqueado

Último capítulo

  • REBORN AS A HEIRESS    Chapter 40

    ITINULOS sa posisyon si Nanay Berna gayundin si Faith. Ilang segundo rin na nagkatitigan ang dalawa nang halos hindi kumukurap ang mga mata.Para bang sa mga oras na iyon ay huminto muna sandali ang pag-ikot ng mundo. At wala silang ibang nakikita sa paligid kundi ang isa't isa.Their heart beats like that moment were designed for them to meet again."Ate, tuloy ka. Halika sa loob."Saka lang natauhan si Faith sa pagkatulala sa mahinang dampi ng hawak sa kanya ni Thea sa braso. "Uhm, salamat."Nakatayo lang sila sa may bukana ng pinto at saka lang siya humakbang sa mismong looban ng maliit na bahay."Nay," sambit na pagtawag ni Thea.“Sino siya, anak?” lakas-loob na tanong ni Nanay Berna.Hindi pinahalata ng ginang ang kabog na nararamdaman sa dibdib. But that feeling is too familiar to her. It's the same when she meets Faith on her dreams.“Kaibigan po ni Ate.”Napakunot ng noo si Nanay Berna na nakita naman ni Thea."Kaibigan po ni Ate Faith," pag-uulit nito."Ah, gan'on ba.""Halik

  • REBORN AS A HEIRESS    Chapter 39

    "MISS, sandali! Hintayin mo ako! Mag-usap muna tayo!"Lalong binilisan ni Faith ang mga hakbang nang maulinigan ang pagtawag sa kanya ng makulit na lasing na lalaki na mukhang wala siyang balak na lubayan."Miss!"Lumiko siya sa ikalawang eskinita. Mabuti na lang at tanda pa niya ang pasikot-sikot sa lugar. Nang marating niya ang hilera ng magkakadikit na bahay kung saan sa likod niyon ay naroon ang riles ng tren, bumagal na siya.Nalingunan niya na natumba at sumubsob na sa lupa ang sumusunod na lalaki dahil sa kalasingan nito.“Manang Josie, sige na po! Maawa na po kayo sa amin!”Itinulos sa kinatatayuan si Faith nang makita si Thea na hinahabol ang kanilang landlady. It excites her to see her sibling. And she missed her so much. Malapit kasi silang magkakapatid sa isa’t isa."Huwag mo na nga akong kulitin! Hindi na magbabago ang isip ko!"“Kahit kaunting palugit pa po. Makakabayad din po kami.”“Ilang beses ko na ‘yang narinig sa inyo, pero lalo lang kayong lumulubog sa utang!”“La

  • REBORN AS A HEIRESS    Chapter 38

    "LET!"Napahinto ang tinawag na katulong na may bitbit pang balde at mop."Halika."Lumapit naman si Let nang nakakunot ang noo. "Señorita, bakit po parang may pinagtataguan kayo?"Napasuyod naman sa kinaroroonan si Faith. Nakakubli nga siya sa isang sulok ng ikalawang palapag ng mansiyon."At bakit ang hina ng boses niyo na parang bumubulong? May sakit po ba kayo?""Ah, wala." Tumuwid siya nang tayo at saka umalis sa pinagtataguan. "Huwag mo na lang akong pansinin.""May kailangan ka po ba, señorita?"Pinagala uli ni Faith ang mga mata sa paligid at tumanaw rin siya sa ibaba. Malapit sila sa may hagdan. "Umalis na ba ang mag-asawa?""Ho? Sino pong mag-asawa?""Uhm, ibig kong sabihin sina Mama at Papa.""Ah. Opo, señorita. Maaga po talaga silang umaalis kapag weekends para maglaro ng golf."Tumango-tango si Faith. It's a good sign to make a move. May tutuklasin siya sa araw na iyon na magpapatahimik sa kanyang magulong isip."Gusto niyo po bang sumunod sa kanila?""Bakit? Marunong ba

  • REBORN AS A HEIRESS    Chapter 37

    "DARN!""Oh!" bulalas din ni Ollie nang magkagulatan sila ni Ponce."Anong ginagawa mo rito?"Napasulyap naman muna si Ollie sa ibabang katawan na natatapisan lang ng puting tuwalya. Kalalabas lang nito ng banyo nang magbukas ang pinto at iluwa niyon si Ponce na kauuwi din lang mula sa trabaho."Mas masarap matulog dito kaysa sa ospital."Naibigay ni Ponce kay Ollie ang password sa pinto ng bagong condo niya nang dalhin niya si Fate sa ospital after her breakdown with her allergy. Pinauna niya nang uwi ang kaibigan para tingnan ang mga naiwan niyang bisita noong birthday party niya. And it's his big mistake."Get out! This is invading private property!"Hindi man lang kinabakasan ng takot o pag-aalala sa mukha ni Ollie. Nilagpasan pa nito si Ponce habang tinutuyo ng isa pang bitbit na tuwalya ang basang buhok. "Nagluto na ako. Sabay na tayong kumain.""Hoy, Olliquiano! Umalis ka na bago pa uminit ang ulo ko!""Aalis ako bukas nang umaga. Kumain na tayo."Inis niyang sinundan ang kaibi

  • REBORN AS A HEIRESS    Chapter 36

    "LOOK. You're even checking yourself."Ibinaba ni Faith ang pagkakasapo niya sa ulo. At least pinakalma ng nakapa niyang makapal na buhok ang kaba na bigla na lang bumangon sa kanya sa pag-aakala na wala na siya sa katawan ni Fate."Muntik nang masira ang kutis ko dahil sa allergy.""So, who's fault is it?""Of course, you.""At bakit ako?""Naghanda ka nang hindi pang-masa."Kumunot ang noo nito. "What do you mean?""Sana inisip mo rin ang mga magiging bisita mo na may allergy. It's usually nuts, chicken, and seafood. Marami namang puwedeng ihanda.""Like what?""Pancit, spaghetti, biko, puto, lumpia, macaroni salad without chicken, and so on."Lumalim ang pagkakakunot ng noo ni Ponce. "So, that's what you called, pang-masa.""Right. Everyone can eat it. Basta walang sahog na nuts, chicken, and seafood. Wala sana ako rito at tahimik mong nairaos ang birthday party mo.""Jeez!" Napailing si Ponce. "Those foods you mentioned na pang-masa are the foods na hindi mo kinakain.""No way.""

  • REBORN AS A HEIRESS    Chapter 35

    "ANAK...""Nay?"Masayang tinakbo ni Faith ang nakangiti rin na ina. Nakabukas na ang mga braso nito kaya dumiretso na siya nang yakap dito.Yes. That's the warmth she's been longing. Walang papantay o hihigit sa init na iyon."Miss na miss na po kita, Nay.""Miss na miss na rin kita, anak."Humiwalay siya sa yakap at pinagmasdan ang ina. "Nay, huwag niyo pong pabayaan ang sarili niyo. Baka hindi ko na po kayo makilala niyan.""Anak, huwag kang mag-alala. Alam mo bang mas makapangyarihan ang puso kaysa sa mga mata?""Nay, kapag nagbago po ba ang hitsura ko, makikilala niyo pa rin ako?""Oo naman. Anak kita. Makikilala kita kahit nakapikit ako.""Hindi po, Nay.""Ha?""Hindi niyo po ako dapat na makilala.""Bakit?""Dahil mamamatay ulit ako.""Huwag mong sabihin iyan. Malayo ka man, buhay na buhay ka lang lagi para sa akin.""Nandito lang po ako. Hindi ako lalayo.""Anak, tandaan mo na maghihintay ako."Napalingon si Faith. Ayaw niya pang umalis, pero may humihila na sa kanya pabalik s

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status