LOGIN"Sige na po, Aling Maring. Kahit dalawang itlog lang po at dalawang noodles."
"Bakit ba ang kulit mo? Sinabi nang hindi na muna ako magpapautang sainyo dahil ang haba na nang listahan niyo!" "Pasensiya na po. Inuuna po kasi namin ang mga gamot ni Ate Faith." "Hindi ko na iyan problema!" "Bigyan niyo na. Ako nang magbabayad. Isama niyo na ang lahat nang utang nila." Napatingin si Thea sa tumabi sa kanyang babae. "Ate Daisy!" "Kumusta na ang Ate mo?" "Okay lang po. Kailan ka pa po dumating?" Naglabas ito ng pera sa pitaka at inabot sa tindera. "Kaninang umaga lang. Bisitahin ko si Faith mamaya. May nilakad kasi ako kaya medyo pagod pa ako. Magpapahinga lang muna ako." "Sige po." "Aling Maring, kung kulang pa iyan, sabihin niyo na lang sa akin mamaya." Bumaling ito kay Thea, "Dagdagan mo na ang kukunin mo. Ako nang bahala." "Salamat po, Ate Daisy." Nakangiting sinundan ng tingin ni Thea ang papalayong babae. Isa ito sa mga malapit na kaibigan ng kanyang kapatid na ilang taon ding nanirahan at nagtrabaho sa ibang bansa. "Siguradong matutuwa si Ate Faith kapag nalaman niyang dumating na si Ate Daisy." Matapos makuha ang mga kailangan sa tindahan ay umuwi na siya. At malayo pa lang ay dinig na dinig na niya ang malakas na pagsigaw ng bunsong kapatid. "Ate Thea! Ate Thea!" Tumakbo na siya. "Bakit? Anong nangyari?" "Si Ate Faith, bilis!" Tinungo ng dalawa ang silid ng kanilang nakatatandang kapatid. Inabutan nila ito na naghahabol ng hininga. "Ate!" sambit ni Thea nang makalapit sa higaan ni Faith matapos maibaba ang mga bitbit. "Anong gagawin natin?" pag-aala ni Theo. Inalog ni Thea ang tanke na nasa ulunan ng higaan na ang hose at mask ay nakakabit sa hingahan ni Faith. "Wala na itong laman. Naubusan na siya ng oxygen." "Ate, anong gagawin natin?" pag-uulit na tanong ni Theo. "Nasaan si Nanay?" "Hindi pa umuuwi. Naglabada siya kina Tiya Judith." Pinunasan ng palad ni Thea ang namumuong mga pawis sa noo ni Faith. "Ate, dadalhin ka na namin sa ospital." "H-Huwag na..." "Ha?" "Ano raw?" usisa ni Theo. "Ate, may sinasabi ka?" sabay yukod nito malapit sa mukha ni Faith. "S-Si Na...nay..." "Ate Thea, hinahanap niya si Nanay." "Puntahan mo siya." "Sige." "Teka!" pagpigil ni Thea. "Mas mabuti sigurong puntahan mo na lang si Kuya Pido," pagbanggit niya sa kapitbahay nila na may tricycle. "Magpapasama ba ako sa kanya kina Tiya Judith?" "Hindi. Kailangang madala na natin siya sa ospital." Mabilis namang tumalima si Theo habang inayos ni Thea ang suot na damit ni Faith. "Ate, sandali lang. Dadalhin ka namin sa ospital. Huwag kang bibitaw." "T-Thea..." "Huwag ka nang magsalita. Baka lalo kang manghina." "H-Hu...wag mong paba...bayaan si Nanay," bilin nito sa pagitan ng paghahabol pa rin nang hininga. "Ate." Napahagulhol na si Thea, "Huwag ka munang umalis. Hindi pa handa si Nanay. Akala mo lang okay siya, pero lagi siyang naiyak kasi ayaw ka pa niyang mawala." "P-Pagod na ako. At a...lam ko na pa...god na rin kayo..." "Hindi, ate. Hindi kami mapapagod para sa iyo." "T-Thea, salamat. I...kaw na ang panganay sa pa...milyang ito. Sorry kung maii...wan ko sa iyo ang res...ponsabili...dad na iyon..." "Ate, huwag ka na lang munang magsalita." "Nandito na si Kuya Pido!" Hindi pinansin ni Thea ang pagpigil ni Faith sa kanyang braso. Ilang beses kasi nitong ibinilin sa kanila na huwag na itong dadalhin pa sa ospital kapag naghingalo na ito. Pero hindi niya kayang tiisin na makita ang kapatid na naghahabol ng hininga. "Kuya, tulungan niyo po kami!" Binuhat na ni Pido si Faith. Ilang sandali pa ay nasa biyahe na sila. Pinaiwan na lang ni Thea si Theo upang abisuhan ang ina sa oras na umuwi ito. "Ate, kapit ka pa! Huwag mo muna kaming iwan!" Napatingin si Thea sa driver nang bumagal ang takbo ng tricycle. "Bakit, Kuya Pido?" "May nakahandusay na tao sa kalsada. Teka muna at titingnan ko." Tumigil ang tricycle at agad na tinungo ni Pido ang tao na nakita nito sa daan. "Kuya, bilisan na po natin!" sigaw ni Thea nang makita na unti-unti nang bumabagal ang paghinga ng kapatid. Bumalik si Pido na buhat na ang isang duguan na babae. "Anong nangyari sa kanya?" "Mukhang biktima ng hit and run! Lumipat ka, paupuin mo 'to!" Inayos muna ni Thea ang posisyon ng kapatid bago naupo sa harapan. "Humihinga pa ba?" "Oo. Alalayan mo. Bibilisan ko ang pagpapatakbo." Ipinagpatuloy ni Pido ang pagmamaneho patungo sa pinakamalapit na ospital. Nahahawakan naman ni Thea ang dalawang pasyente na magkatabi sa upuan at parehong naghahabol ng hininga. Pero bago pa huminto ang tricycle sa tapat ng ospital, isa na sa sakay niyon ang tuluyan nang namaalam."YES!"Napapitlag at napamura si Ponce nang bigla na lang tumayo si Fate. "What? Why?" pagtataka nito."Five na. Tapos na ang trabaho ko."Napabuga ito ng hangin sa bibig. "Ginulat mo ako sa pagtayo mo dahil lang oras na nang uwi mo?""Oo.""Late ka na ngang laging pumasok, pero kahit isang segundo hindi ka pahuhuli sa pag-uwi.""Magkaiba 'yon." Iniligpit na niya ang mga gamit sa mesa. "I have to go somewhere.""It's a date?""Ano naman kung mag-date ako? Single naman ako." Ibinaling niya ang tingin kay Ponce at saka nanunudyo itong nginitian. "Nagseselos ka ba?""Dream on. Not a slightest. I just asked you dahil may date rin ako ngayon with Trixie.""And so?"Pigil na pigil ulit ni Fate ang nararamdaman niyang selos. She's been like that for three executive days dahil walang ibang bukambibig si Ponce kundi si Trixie."Baka gusto mo nang double date para makatipid ako sa gastos.""Jeez! Makikipag-date ka nang short ka sa budget? Puro ka lang talaga yabang!"Napansin ni Fate ang pagtit
NASA harap na ng pinto ng opisina ni Ponce si Fate nang bumalik ito sa mga kasama. Abala na ang lahat sa kanilang mga trabaho."Hhmmm!" tikhim nito."Miss Fate, may kailangan ka pa?""Well, you know, after a heavy meal, mas maganda siguro if we can have a tea. What do you think?""Miss Fate, working time na po. At masyado mo nang pinaghihintay ng matagal si Sir Ponce. Baka tanggalin ka niya sa trabaho.""He can't do that. Malakas kaya ang backer ko."Nagkatawanan ang lahat."Anyway, dahil siya pa rin ang boss ko rito, I'll comply with it. Pero sa labas, he's just a mere commoner.""Naku, mukhang hindi na talaga siya ang type mo.""Jeez! Masyado akong maganda at perpekto para sa kanya!" sabay hawi nito sa mahabang buhok na muli namang nagpatawa sa mga kausap nito. "Let's grab our lunch together, okay? May malapit dito na resto na bagong bukas lang. It's my treat."Naghiyawan ang lahat."See you later," paalam nito na may kasama pang pagkindat.Nang makatalikod si Fate sa mga kausap ay
"MANONG, just stay there."Napatigil naman sa akto na sanang paglabas sa sasakyan ang driver na naghatid kay Fate sa kompanya ng Boston. "H-Ho?""I can manage. May mga kamay naman ako.""Uhm, sige po."Nagtatakang sinundan ng tingin ng driver ang paglabas ni Fate nang hindi na pinagbuksan ng pinto ng kotse."Anong nangyari sa kanya? Kahapon lang ay para siyang dragon at tigre. Ngayon naman parang maamong tupa. Animal lover na ba siya? Tsk!" sabay iling nito. "Malabo. Baka bukas ibang hayop na naman siya."Tuluy-tuloy na si Fate sa entrada ng gusali ng Boston. Masaya niya pa na binati ang guwardiya na nagbukas sa kanya ng pinto. Nagpasalamat din siya rito."Haist!" mahina niyang sambit sa sarili. "Hindi naman pala masyadong mahirap magpanggap. I think papasa agad ako sa audition kung sakali na mag-artista ako. But wait..." Tumigil siya sa paghalalakad nang may maisip, "Hindi ko na kailangan na mag-audition pa. My family has lots of connections in the entertainment industry. I can even
"GET out! Get out!"Nakasalubong ni Lanie ang pagtakbuhan ng mga katulong palabas ng silid ng anak."Anong nangyayari rito?""Sorry po, Madam. Hindi na po talaga namin kaya ang ginagawa niya.""Aalis na po kami rito.""No, no. Let's talk about this later. Okay?""Madam -""Tataasan ko ang sahod niyo," maagap na saad ni Lanie. "Just stay. Kakausapin kong mabuti ang anak ko. I'll make sure na hindi na ito mangyayari pa."Nagpalitan ng tingin ang mga katulong na ang iba ay makikita sa mukha na gusto na talagang umalis."I promised. Okay? This won't happen again."Sa loob ng isang linggo ay ilang beses na silang nagpapalit-palit ng mga katulong. May datihan pa naman na natira. At ang mga ito ang gusto niyang ingatan na huwag umalis dahil kabisado na ng mga ito ang trabaho. Hindi tulad ng mga baguhan na kailangan uling turuan.Lanie even settled some compensation as there are maids complaining about abuse. Ang isa nga rito ay naospital pa matapos matamaan ng gamit sa noo na ibinalibag ng k
"I WAS at the middle of the meeting kaya hindi ko masagot ang tawag mo. May problema ba? Ang dami mong miss call sa akin.""Hindi ko maalala, pero alam kong pamilyar sila sa akin...""Sino?" usisa ni Matthew sa kabilang linya habang kausap si Ponce."Laliene and Kiel. Kilala mo ba sila?""Yes."Naghanap muna si Ponce nang puwedeng pagtigilan niya ng kotse para mas malinaw niyang marinig ang sasabihin ng kaibigan."Why do you ask about them?""Who are they?""Well, Laliene's father is our distant relative. We are not that close to them before, but eventually, they come to us.""Asawa niya si Kiel?""Yes. I think you met him once or twice. Hindi ko lang matandaan ang okasyon. But it's a family gathering.""Right. Their name just ring a bell to me. Pero hindi ko maalala ang hitsura nila.""Bakit mo nga pala naitanong?""It's nothing. May nagbanggit lang sa akin," pagsisinungaling niya. "Anyway, after Fate's coma, nagkita na ba sila nina Laliene at Kiel?""Uhm, yes. Once. Ate Lanie invite
"WAIT. Gusto ko lang linawin. Baka kasi nagkamali lang ako nang pagkakadinig. Do you want me to file a leave for you?""Okay lang ba ang verbal agreement? Or we could record this conversation.""No. It's not allowed. There must be a physical document.""Kaya nga nakikisuyo ako sa iyo na ikaw na ang gumawa niyan.""You must filed a leave a month before. Alam mo iyan.""Unless it's urgent, right?""What's the urgency?""It's personal. So, can you do it for me?""No.""Why not?""BECAUSE I AM THE CEO!"Bahagyang inilayo ni Ponce ang cellphone sa tainga nang sumigaw si Matthew sa kabilang linya. "Do you need to boast it now?""Pumasok ka! Ngayon na! Alam mong marami tayong trabaho! We're at the peak season!""I just really need a week to sort things out.""If it's not urgent -""It is. Nakasalalay rito ang buhay ng isang tao lalo na kaligayahan ko.""Are you pursuing Trixie now? I thought you two agreed for space and time?""It's not her.""What? May bago ka na ba? Bakit hindi ko yata ala







