LOGINHindi makapaniwala si Lira sa rebelasyon ni Yohan. Matagal nang may kasunduan ang mga pamilya nila, at pinilit lang silang ikinasal dahil sa mga nalaman niya, mas lalo niyang gustong palayain ang limang lalaki. Pero bago nila maisagawa iyon, kailangan muna nilang malaman ang tunay na dahilan sa likod ng kasunduan.
Makalipas ang ilang araw, tumawag ang ospital. Nagkamalay na raw si Adrian, kaya agad na nagpunta roon si Lira kasama si Yohan ngunit pagdating nila, wala na si Adrian sa silid nito. Ayon sa nurse, may dumalaw rito at hindi na ito bumalik pagkatapos.
Bago umalis, may iniwang sobre si Adrian sa ilalim ng unan. Sa loob nito ay isang maikling sulat. “Ang pagkamatay mo sa dati mong mundo ay hindi aksidente. Hanapin mo ang nawawalang pahina kung gusto mong malaman kung bakit ka narito.”
Hindi mapakali si Lira, paano nalaman ni Adrian ang tungkol sa dati niyang buhay?
Samantala, napansin niyang nagbabago na ang pakikitungo ng limang lalaki sa kaniya.
Hindi lang sa simpleng pag-aalala ng mga ito niya napansin ang pagbabago dahil unti-unti na rin siyang nagiging komportable sa piling nila, kahit pilit niyang itinatanggi sa sarili ang nararamdaman niya.
Isang hapon, habang inaayos ni Lira ang mga documents sa sala, biglang lumapit si Caleb at kinuha ang makapal na folder sa kamay niya. “Hindi mo ba kayang magpahinga kahit sandali?” tanong nito.
“Bakit? May problema ba sa pagtatrabaho ko?”
“Wala, nakakapanibago lang na makita kang seryoso sa isang bagay na hindi tungkol sa pagpapahirap sa amin.”
Natigilan si Lira, alam niyang may dahilan si Caleb para magduda sa kaniya, kaya hindi siya nagtampo. “Kung ugali ko pa rin ang dating ako, baka matagal na kitang pinagsabihan dahil sa sinabi mo pero hindi kita masisisi kung iyon pa rin ang tingin mo sa akin.”
Saglit na natahimik si Caleb bago ibinalik ang folder. “Alam mo, mas mahirap kang kamuhian ngayon.”
Napatingin siya rito. “Compliment ba 'yan o insulto?”
Napangiti lang si Caleb sa kanya. Sa kabilang banda, mas naging malapit naman siya kay Silas. Isang gabi, nadatnan niya itong mag-isa sa garahe habang nililinis ang sugat sa kamay nito.
“Bakit hindi ka man lang magpatulong?” tanong ni Lira habang kumukuha ng first-aid kit.
“Kaya ko naman.” Malamig na boses nitong sagot.
“Alam mo, hindi kabawasan sa pagiging lalaki ang paghingi ng tulong.”
Napatingin si Silas sa kaniya. “Ganyan ka na ba talaga ngayon?” hindi siya sumagot sa tanong nito kaya tahimik siyang pinanood ni Silas habang nilalagyan niya ng benda ang kamay nito. “Kung totoo man ang pagbabago mo, sana hindi ka na bumalik sa dating ikaw,” sabi nito.
Hindi sumagot si Lira, pero tumatak sa isip niya ang sinabi nito. Kay Jace naman, hindi niya inaasahang makakahanap siya ng kakampi. Nang minsang may estrangherong sumubok na lumapit sa kanya sa labas ng bahay, si Jace ang agad na pumagitna at sinigurong ligtas siya.
“Salamat sa pagtulong sa akin kanina.”
“Trabaho kong siguraduhin na walang mangyayaring masama sa iyo.”
“Pero hindi mo na kailangang gawin iyon. Hindi mo naman ako responsibilidad kung tutuusin kahit pa asawa mo ako.”
Tumingin sa kaniya si Jace. “Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko para sayo ngayon, Lira. Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa ng dating ikaw pero hindi rin ako bulag sa mga ginagawa mo ngayon.”
Napangiti siya ng bahagya. “Sa ngayon, sapat na sa akin ang sinabi mo.”
Samantala, si Lucian ang madalas niyang nakakausap kapag gusto niyang makalimot sa mga problema. Isang gabi, magkasama silang nakaupo sa balkonahe nang bigla itong magtanong. “Kapag natapos na ang lahat ng ito, ano ang gagawin mo?”
“Hindi ko alam, siguro hahanap ako ng tahimik na buhay.”
“Wala kami sa plano mo?”
Napatingin siya rito, nakangiti si Lucian, pero may kung anong lungkot sa mga mata nito.
“Hindi ko sinabing ayaw ko kayong kasama.”
“Pero aalis ka pa rin, hindi ba?”
Hindi nakasagot si Lira. Sa halip, napatingin siya sa malayo. “Hindi ko pa kayang sagutin ‘yan.”
Sa limang lalaki, si Yohan naman ang pinakanakakagulo sa isip niya. Hindi ito mahilig magsalita, pero isang gabi, nadatnan siya nitong umiiyak nang palihim habang binabasa ang mga dokumentong kailangan para sa pagpapalaya nila.
“Bakit ka umiiyak?” tanong nito.
Mabilis niyang pinunasan ang mga mata. “Hindi ako umiiyak.”
“Lira, hindi mo kailangang magsinungaling sa akin.”
Napabuntong-hininga siya. “Paano kung sa oras na mapalaya ko kayo, wala na akong dahilan para manatili kayo sa tabi ko?”
Matagal siyang tinitigan ni Yohan bago sumagot. “Hindi mo ba naisip na baka hindi lang obligasyon ang dahilan kung bakit kami nanatili?”
Gusto niyang magtanong kung ano talaga ang ibig sabihin nito, pero natakot siyang marinig ang sagot dahil sa bawat araw na lumilipas, mas nakikilala niya ang mga ito. Kung mananatili siya, baka tuluyan siyang mahulog sa kanila pero kung aalis siya, paano niya iiwan ang mga taong unti-unti nang nagiging mahalaga sa kanya?
Dahil doon, mas nahirapan si Lira sa plano niyang umalis. Alam niyang mas ligtas kung lalayo siya sa kanila, pero hindi na ganoon kadaling talikuran ang mga taong unti-unti na niyang kinikilala.
Gusto man niyang sabihin na balak na niyang umalis, pero hindi niya kayang makita ang magiging reaksyon nito.
Ang hirap palang lumayo kapag ang mga taong gusto mong palayain ay sila ring mga taong ayaw mo nang mawala.
Kinabukasan, inilabas ni Lira ang mga dokumentong inihanda niya para sa pagpapawalang bisa sa kanilang kasal. Ilalagay na sana niya ang mga iyon sa bag nang may mapansin siyang papel sa ilalim ng p***o.
“Huwag kang aalis dahil kapag iniwan mo sila, isa sa kanila ang mamamatay.”
Nanlamig si Lira sa nabasa bago pa niya maipakita ang papel sa iba, may tumawag sa kaniyang cellphone mula sa hindi kilalang numero. “Kung gusto mong manatiling buhay ang limang asawa mo, huwag mong sabihin sa kanila ang tungkol sa mensaheng iyan.”
“Bakit sino ka ba, sabihin mo sa ‘kin kung sino ka?”
“Ang taong nakakaalam kung bakit ka napunta sa katawan ng totoong Lira.” pagkatapos ay naputol ang tawag.
Napatitig siya sa mga dokumentong hawak niya. Gusto niyang lumayo para maprotektahan sila, pero paano kung ang pag-alis niya mismo ang maglagay sa kanila sa panganib?
“I promised myself I would set them free, but why does leaving them feel like I'm the one being torn apart?”
Mula sa likod niya ay bumukas ang p***o. “Lira, ano 'yan?” tanong ni Yohan nang makita ang papel sa kamay niya.
Mabilis niya itong itinago pero huli na. Napansin na ni Yohan ang takot sa mukha niya. “May tinatago ka sa amin, hindi ba?”
Hindi nakasagot si Lira dahil sa unang pagkakataon, hindi niya alam kung alin ang mas mapanganib—ang manatili sa piling ng limang lalaking unti-unti niyang minamahal, o ang umalis nang hindi nila nalalaman ang dahilan.
Hindi inaasahan ni Lira na si Lucian pa ang unang mag-aaya sa kaniya na lumabas ng bahay. Simula nang matanggap niya ang mga sunod-sunod na mensahe mula sa hindi kilalang numero, mas naging maingat siya sa bawat kilos niya. Hindi na rin siya basta lumalabas nang walang kasama, lalo na't hindi pa nila alam kung sino ang taong patuloy na nakikialam sa buhay nilang lima.Kaya nang makita niya si Lucian na nakasandal sa may pintuan ng sala isang hapon, nakangiti habang hawak ang susi ng sasakyan, agad siyang nagtaka.“Lira, may ginagawa ka ba ngayon? Kung wala, samahan mo naman akong lumabas. May gusto akong ipakita sa iyo,” sabi nito.Napatingin siya sa mga papel na nasa mesa bago ibinalik ang tingin kay Lucian. “Saan naman tayo pupunta? At bakit parang ang saya mo? May ginawa ka bang kalokohan na kailangan mong ilayo ako sa bahay para hindi ko malaman?”Napatawa si Lucian. “Grabe ka naman. Hindi ba puwedeng yayain lang kitang lumabas nang walang masamang dahilan? Hindi naman lahat ng gi
Halos hindi pa nakakatulog si Lira nang makarinig siya ng malakas na kalabog mula sa ibabang palapag. Napabalikwas siya sa kama at agad na napatingin sa pinto. Ilang segundo siyang nakinig, umaasang baka may nahulog lang na gamit, pero nang marinig niya ang sunod-sunod na yabag sa pasilyo, mabilis siyang bumangon at lumabas ng silid.Naabutan niya si Jace na pababa ng hagdan habang may hawak na flashlight. Nakasuot lamang ito ng itim na T-shirt at pantalon, halatang nagising din sa ingay. Nang makita siya, bahagya itong napakunot-noo.“Bakit ka lumabas? Bumalik ka na sa kuwarto mo. Titingnan ko lang kung ano ang nangyari,” sabi ni Jace habang patuloy na bumababa.“Paano ako makakatulog kung may narinig akong malakas na kalabog? Baka may pumasok na naman dito. Hindi ba natin dapat gisingin ang iba?”“Hintayin muna natin kung ano ang nangyari. Kung wala namang panganib, hindi na kailangang guluhin sila. Pero kung may makita akong kahina-hinala, tatawagin ko agad sila. Dito ka lang muna
Napansin ni Lira na may kakaiba kay Silas nitong mga nakaraang araw. Hindi ito tulad nina Caleb at Lucian na halatang nagbabago na ang pakikitungo sa kaniya. Si Silas ay nananatiling tahimik at maingat sa bawat kilos, pero mas madalas na itong mapansing nakaupo nang mag-isa, nakahawak sa braso, o napapapikit na parang may tinitiis na sakit.Noong una, inakala ni Lira na pagod lang ito sa kakahanap ng impormasyon tungkol sa sumpang dugo. Halos lahat naman sila ay abala sa paghahanap ng sagot, at hindi rin madali ang sitwasyon nila. Pero nang mapansin niyang ilang beses nang tinatanggihan ni Silas ang mga gawaing dati naman nitong kayang gawin, nagsimula siyang mag-alala.Isang umaga, nadatnan niya si Silas sa maliit na silid na ginagamit nitong pansamantalang opisina. Nakaupo ito sa harap ng laptop, pero hindi gumagalaw ang mga daliri sa keyboard. Nakapikit ito at nakasandal sa upuan, habang ang isang kamay ay mahigpit na nakahawak sa kaliwang braso.“Silas?” tawag ni Lira mula sa pint
Hindi na mapakali si Lira mula nang matanggap niya ang sunod-sunod na mensahe mula sa hindi niya kilalang numero. Kahit anong pilit niyang ituon ang isip sa mga dokumentong nasa harapan niya, bumabalik pa rin sa kaniya ang larawang kuha sa mismong pasilyo ng bahay. Ibig sabihin, may taong nakakakita sa bawat galaw niya. Mas nakakabahala pa, alam ng taong iyon na nagsisinungaling siya kay Yohan at may nalaman na siya tungkol sa simbolong nasa lumang kasunduan.Gusto niyang sabihin ang lahat sa limang lalaki, pero naaalala niya ang huling babala. Kapag nagsalita siya, maaaring isa sa kanila ang mapahamak. Hindi niya alam kung totoo ang banta o ginagamit lang iyon ng kalaban para kontrolin siya. Ang problema, wala siyang sapat na ebidensiya para isugal ang kaligtasan ng mga ito.Kaya nang lumabas siya ng silid at makitang nasa sala sina Caleb at Lucian, pinilit niyang kumilos na parang walang nangyari. Si Lucian ay abala sa kaniyang cellphone habang si Caleb naman ay nakaupo sa sofa, haw
CHAPTER 6 — Ang Mensaheng Itinago“May tinatago ka sa amin, hindi ba?”Hindi agad nakasagot si Lira sa tanong ni Yohan. Nakatayo ito sa harap niya, naghihintay ng sagot habang pilit naman niyang itinatago ang papel na natanggap niya kanina. Gusto niyang sabihin ang totoo, pero hindi niya alam kung ano ang mangyayari kapag nalaman ng limang lalaki ang banta. Paano kung lalo silang malagay sa panganib dahil sa kaniya?“Wala naman akong tinatago. Marami lang akong iniisip ngayon,” sagot niya habang iniiwasan ang tingin nito.“Lira, ilang araw na kitang napapansing parang may gusto kang sabihin pero palagi kang umaatras. Hindi kita pipilitin na sabihin sa akin ang lahat, pero sana huwag mong kalimutan na hindi mo kailangang harapin ang problema nang mag-isa. Kung may nagbabanta sa iyo o may nangyayari na hindi mo kayang ayusin, sabihin mo lang. Hindi mo kailangang magpanggap na kaya mong gawin ang lahat dahil lang ayaw mong madamay kami.”Napatigil si Lira. Hindi niya inaasahang maririnig
Hindi makapaniwala si Lira sa rebelasyon ni Yohan. Matagal nang may kasunduan ang mga pamilya nila, at pinilit lang silang ikinasal dahil sa mga nalaman niya, mas lalo niyang gustong palayain ang limang lalaki. Pero bago nila maisagawa iyon, kailangan muna nilang malaman ang tunay na dahilan sa likod ng kasunduan.Makalipas ang ilang araw, tumawag ang ospital. Nagkamalay na raw si Adrian, kaya agad na nagpunta roon si Lira kasama si Yohan ngunit pagdating nila, wala na si Adrian sa silid nito. Ayon sa nurse, may dumalaw rito at hindi na ito bumalik pagkatapos.Bago umalis, may iniwang sobre si Adrian sa ilalim ng unan. Sa loob nito ay isang maikling sulat. “Ang pagkamatay mo sa dati mong mundo ay hindi aksidente. Hanapin mo ang nawawalang pahina kung gusto mong malaman kung bakit ka narito.”Hindi mapakali si Lira, paano nalaman ni Adrian ang tungkol sa dati niyang buhay? Samantala, napansin niyang nagbabago na ang pakikitungo ng limang lalaki sa kaniya. Hindi lang sa simpleng pag-a







