LOGINAgad na umalis si Lira matapos matanggap ang mensahe tungkol kay Lucian. Hindi niya sinabi sa apat na lalaki ang kaniyang plano dahil ayaw niyang madamay pa sila kung sakaling bitag iyon.
Habang nagmamaneho papunta sa lokasyong nakita niya sa litrato, napansin niyang may itim na kotse na sumusunod sa kaniya. Ilang beses siyang lumiko, pero hindi ito nawawala.
“May sumusunod talaga sa akin,” bulong niya.
Sa halip na bumalik, ipinagpatuloy niya ang biyahe. Hindi niya kayang pabayaan na lang basta si Lucian.
Pagdating sa isang abandonadong gusali, ipinarada niya ang kotse at pumasok. Ilang sandali siyang naghanap hanggang makita niya si Lucian na nakatali sa isang upuan, may sugat sa noo at halatang nanghihina. “Lucian!” Agad siyang lumapit at kinalas ang tali.
“Lira?” paos na tanong nito.
“Oo, kaya mo bang tumayo?”
“Hindi ko alam kung alin ang mas nakakagulat. Ang makita kang nandito o ang malaman na nag-aalala ka sa akin.”
Hindi na pinansin ni Lira ang sinabi nito at tinulungan niya itong tumayo.
“May nagdala sa akin dito,” sabi ni Lucian. “Sinabi niyang may kailangan daw akong malaman tungkol sa iyo.”
“Ano iyon?”
Bago pa makasagot si Lucian, may nagsalita mula sa pintuan. “Hindi ko akalaing ikaw mismo ang sasagip sa isa sa mga lalaking pinahirapan mo.”
Agad na humarap si Lira. Isang lalaking nasa katandaan ang edad ang nakatayo roon. “Adrian?”
Ngumiti ang lalaki. “Sa wakas, naalala mo rin ako.” Si Adrian ang dating kanang-kamay ng ama ni Lira na bigla na lamang nawala ilang taon na ang nakalipas.
“Ikaw ba ang nagpadala ng mga mensahe sa akin?” tanong ni Lira.
“Oo, kailangan kitang makausap, at alam kong pupunta ka rito kapag nalaman mong nasa panganib si Lucian.”
“Kung gusto mo akong makausap, hindi mo siya kailangang saktan!”
“Hindi mo pa rin naiintindihan ang lahat,” sagot ni Adrian. “May dahilan kung bakit pinili ng ama mo ang limang lalaking ito para maging asawa mo, hindi lang para protektahan ka.”
“Anong ibig mong sabihin?”
“Matagal nang may kasunduan ang pamilya mo at ang mga pamilya nila. Bago ka pa ipinanganak, napag-usapan na ang lahat.”
“Anong kasunduan?”
“Ang sumpang dugo.”
Napatingin si Lira kay Lucian bago muling humarap kay Adrian. “Akala ko paraan ‘yon para mapalaya kaming lahat.”
Kumuha si Adrian ng documents mula sa mesa. “Kapag ginamit niyo ang sumpang dugo para putulin ang kasunduan, may isang taong kailangang umako sa lahat ng kaparusahan na nakatali sa mga buhay niyo.”
Nanlamig si Lira. “Sino?”
“Hindi ko alam kung sino ang pinili ng ama mo pero kapag ginamit niyo ‘yon ng hindi alam ang buong kondisyon, maaaring may mamatay.”
“Kung alam mo ang lahat ng ito, bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?”
“Dahil ngayon ka lang nagpakita ng motibo na gusto mong baguhin ang lahat.”
Bago pa makapagtanong si Lira, biglang may umalingawngaw na putok ng baril.
Napahawak si Adrian sa tagiliran bago bumagsak sa sahig. “Adrian!”
Mabilis na nagtago sina Lira at Lucian sa likod ng isang kabinet. Makalipas ang ilang segundo, bumukas ang p***o at pumasok sina Jace, Silas, Caleb, at Yohan.
Hawak ni Yohan ang baril habang nakatingin kay Lira. “Bakit ka umalis ng hindi nagsasabi sa amin?” malamig nitong tanong.
“Paano niyo ako nahanap?”
“Hindi ‘yan ang mahalaga ngayon.”
Lumapit si Silas kay Adrian upang tingnan ang kalagayan nito. “May pulso pa siya, kailangan siyang madala sa ospital.”
Tinulungan naman ni Caleb si Lucian na makaupo ng maayos. Samantala, napansin ni Lira ang dokumentong nahulog mula sa kamay ni Adrian, pinulot niya iyon at agad na sinuri.
Nandoon ang pangalan ng kanyang ama at ang mga pangalan ng limang lalaki ngunit may isang pirma na nagpahinto sa kaniya, kay Yohan.
Dahan-dahan siyang humarap sa lalaki. “Bakit may pirma mo rito?”
Hindi agad nakasagot si Yohan. “Alam mo ba ang tungkol sa kasunduang ito bago pa tayo ikasal?” tanong ni Lira.
Ibinaba ni Yohan ang baril at lumapit sa kanya. “Hindi mo pa rin alam ang buong katotohanan.”
“Kung may alam ka, sabihin mo sa akin!”
Tumingin si Yohan sa dokumentong hawak niya bago muling tumingin sa kaniya. “May dahilan kung bakit kami napunta sa buhay mo. Hindi nagsimula ang lahat noong araw na ikinasal tayo.”
Lalong humigpit ang hawak ni Lira sa papel. “Anong ibig mong sabihin?”
Huminga ng malalim si Yohan bago sumagot. “Dahil bago ka pa ipinanganak, Lira, alam na naming balang araw ay magiging asawa ka namin.”
Hindi inaasahan ni Lira na si Lucian pa ang unang mag-aaya sa kaniya na lumabas ng bahay. Simula nang matanggap niya ang mga sunod-sunod na mensahe mula sa hindi kilalang numero, mas naging maingat siya sa bawat kilos niya. Hindi na rin siya basta lumalabas nang walang kasama, lalo na't hindi pa nila alam kung sino ang taong patuloy na nakikialam sa buhay nilang lima.Kaya nang makita niya si Lucian na nakasandal sa may pintuan ng sala isang hapon, nakangiti habang hawak ang susi ng sasakyan, agad siyang nagtaka.“Lira, may ginagawa ka ba ngayon? Kung wala, samahan mo naman akong lumabas. May gusto akong ipakita sa iyo,” sabi nito.Napatingin siya sa mga papel na nasa mesa bago ibinalik ang tingin kay Lucian. “Saan naman tayo pupunta? At bakit parang ang saya mo? May ginawa ka bang kalokohan na kailangan mong ilayo ako sa bahay para hindi ko malaman?”Napatawa si Lucian. “Grabe ka naman. Hindi ba puwedeng yayain lang kitang lumabas nang walang masamang dahilan? Hindi naman lahat ng gi
Halos hindi pa nakakatulog si Lira nang makarinig siya ng malakas na kalabog mula sa ibabang palapag. Napabalikwas siya sa kama at agad na napatingin sa pinto. Ilang segundo siyang nakinig, umaasang baka may nahulog lang na gamit, pero nang marinig niya ang sunod-sunod na yabag sa pasilyo, mabilis siyang bumangon at lumabas ng silid.Naabutan niya si Jace na pababa ng hagdan habang may hawak na flashlight. Nakasuot lamang ito ng itim na T-shirt at pantalon, halatang nagising din sa ingay. Nang makita siya, bahagya itong napakunot-noo.“Bakit ka lumabas? Bumalik ka na sa kuwarto mo. Titingnan ko lang kung ano ang nangyari,” sabi ni Jace habang patuloy na bumababa.“Paano ako makakatulog kung may narinig akong malakas na kalabog? Baka may pumasok na naman dito. Hindi ba natin dapat gisingin ang iba?”“Hintayin muna natin kung ano ang nangyari. Kung wala namang panganib, hindi na kailangang guluhin sila. Pero kung may makita akong kahina-hinala, tatawagin ko agad sila. Dito ka lang muna
Napansin ni Lira na may kakaiba kay Silas nitong mga nakaraang araw. Hindi ito tulad nina Caleb at Lucian na halatang nagbabago na ang pakikitungo sa kaniya. Si Silas ay nananatiling tahimik at maingat sa bawat kilos, pero mas madalas na itong mapansing nakaupo nang mag-isa, nakahawak sa braso, o napapapikit na parang may tinitiis na sakit.Noong una, inakala ni Lira na pagod lang ito sa kakahanap ng impormasyon tungkol sa sumpang dugo. Halos lahat naman sila ay abala sa paghahanap ng sagot, at hindi rin madali ang sitwasyon nila. Pero nang mapansin niyang ilang beses nang tinatanggihan ni Silas ang mga gawaing dati naman nitong kayang gawin, nagsimula siyang mag-alala.Isang umaga, nadatnan niya si Silas sa maliit na silid na ginagamit nitong pansamantalang opisina. Nakaupo ito sa harap ng laptop, pero hindi gumagalaw ang mga daliri sa keyboard. Nakapikit ito at nakasandal sa upuan, habang ang isang kamay ay mahigpit na nakahawak sa kaliwang braso.“Silas?” tawag ni Lira mula sa pint
Hindi na mapakali si Lira mula nang matanggap niya ang sunod-sunod na mensahe mula sa hindi niya kilalang numero. Kahit anong pilit niyang ituon ang isip sa mga dokumentong nasa harapan niya, bumabalik pa rin sa kaniya ang larawang kuha sa mismong pasilyo ng bahay. Ibig sabihin, may taong nakakakita sa bawat galaw niya. Mas nakakabahala pa, alam ng taong iyon na nagsisinungaling siya kay Yohan at may nalaman na siya tungkol sa simbolong nasa lumang kasunduan.Gusto niyang sabihin ang lahat sa limang lalaki, pero naaalala niya ang huling babala. Kapag nagsalita siya, maaaring isa sa kanila ang mapahamak. Hindi niya alam kung totoo ang banta o ginagamit lang iyon ng kalaban para kontrolin siya. Ang problema, wala siyang sapat na ebidensiya para isugal ang kaligtasan ng mga ito.Kaya nang lumabas siya ng silid at makitang nasa sala sina Caleb at Lucian, pinilit niyang kumilos na parang walang nangyari. Si Lucian ay abala sa kaniyang cellphone habang si Caleb naman ay nakaupo sa sofa, haw
CHAPTER 6 — Ang Mensaheng Itinago“May tinatago ka sa amin, hindi ba?”Hindi agad nakasagot si Lira sa tanong ni Yohan. Nakatayo ito sa harap niya, naghihintay ng sagot habang pilit naman niyang itinatago ang papel na natanggap niya kanina. Gusto niyang sabihin ang totoo, pero hindi niya alam kung ano ang mangyayari kapag nalaman ng limang lalaki ang banta. Paano kung lalo silang malagay sa panganib dahil sa kaniya?“Wala naman akong tinatago. Marami lang akong iniisip ngayon,” sagot niya habang iniiwasan ang tingin nito.“Lira, ilang araw na kitang napapansing parang may gusto kang sabihin pero palagi kang umaatras. Hindi kita pipilitin na sabihin sa akin ang lahat, pero sana huwag mong kalimutan na hindi mo kailangang harapin ang problema nang mag-isa. Kung may nagbabanta sa iyo o may nangyayari na hindi mo kayang ayusin, sabihin mo lang. Hindi mo kailangang magpanggap na kaya mong gawin ang lahat dahil lang ayaw mong madamay kami.”Napatigil si Lira. Hindi niya inaasahang maririnig
Hindi makapaniwala si Lira sa rebelasyon ni Yohan. Matagal nang may kasunduan ang mga pamilya nila, at pinilit lang silang ikinasal dahil sa mga nalaman niya, mas lalo niyang gustong palayain ang limang lalaki. Pero bago nila maisagawa iyon, kailangan muna nilang malaman ang tunay na dahilan sa likod ng kasunduan.Makalipas ang ilang araw, tumawag ang ospital. Nagkamalay na raw si Adrian, kaya agad na nagpunta roon si Lira kasama si Yohan ngunit pagdating nila, wala na si Adrian sa silid nito. Ayon sa nurse, may dumalaw rito at hindi na ito bumalik pagkatapos.Bago umalis, may iniwang sobre si Adrian sa ilalim ng unan. Sa loob nito ay isang maikling sulat. “Ang pagkamatay mo sa dati mong mundo ay hindi aksidente. Hanapin mo ang nawawalang pahina kung gusto mong malaman kung bakit ka narito.”Hindi mapakali si Lira, paano nalaman ni Adrian ang tungkol sa dati niyang buhay? Samantala, napansin niyang nagbabago na ang pakikitungo ng limang lalaki sa kaniya. Hindi lang sa simpleng pag-a







