LOGINChapter 6 - Ang Bagong Matriarch
SERAPHINA’S POV Pagkaalis namin sa simbahan, dumiretso kami sa city hall para doon legal na ayusin ang aming marriage contract. Pagdating namin sa Ashford Mansion, sinalubong kami ng ilang katulong sa malaking pintuan. Walang nagsalita nang pumasok ako sa loob ng mansyon kasama si Damian. Nararamdaman ko ang bigat ng hangin na humahaplos sa aking balat. Suot ko pa rin ang wedding gown habang hawak niya ang isang kamay ko. Kumapit ako sa kanyang braso. Nasa sala ang lahat ng taong inaasahan kong makikita sa pagdating namin. Kita ang galit sa mukha ni Tito Richard, na dapat sana ay magiging father-in-law ko. Sa kanyang tabi ay si Adrian. Namumula sa galit ang mukha nito at mukhang nakainom. Tumayo si Tito Richard at tiningnan ako. “What the hell is going on, Damian?!” Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi ako nagpatinag sa galit na ipinapakita niya. Humigpit ang hawak ko sa braso ni Damian. “Seraphina! Hindi ka na nakuntento sa ginawa mo kanina sa kasal, at talagang pinilit mo pa ang sarili mo sa tito ko!” Dinuro ako ni Adrian. Hindi ko alam kung paano nakakuha si Damian ng bato o kung anong gamit, pero kusang bumaba ang nakaduro na daliri ni Adrian at makikita sa mukha nito ang matinding sakit. “Fuck!” sigaw niya habang nakarehistro sa kanyang mukha ang sakit. Palihim akong napangiti. Buti nga sa kanya. Tinitigan ko si Damian. Nanatili siyang kalmado, pero may kakaibang lamig sa kanyang mga mata. Alam ko ang ganitong tingin. Tingin na kahit sino ay kusang titiklop. “Huwag na huwag mong duduruin si Seraphina nang ganyan, Adrian. Ngayong kasal na kami, kailangan mo siyang igalang gaya ng paggalang mo sa akin. At huwag mong subukang lumapit sa kanya. Sisiguraduhin kong pagsisisihan mo ang bawat maling gagawin mo. At para sa lahat, sinumang hindi rumespeto sa inyong bagong matriarch ay magkakaroon ng parusang hindi pa ninyo nararanasan. Naiintindihan ba ninyo?” Walang sumagot sa buong paligid, pero alam ng lahat na ang mga salita ni Damian ay isang batas sa pamamahay na ito. Pero hindi na ako ang dating Seraphina sa nakaraan kong buhay na tatahimik na lang sa isang sulok. “Una sa lahat, Adrian, hindi ko pinilit ang sarili ko sa tito mo, dahil may mga bagay na hindi na kailangang ipilit. Right, tito... este, Damian?” Malagkit akong tumingin kay Damian, na sa akin din nakatingin, habang nakakapit pa rin ako sa braso niya. Muli kong tiningnan si Adrian at nginitian nang may pang-iinsulto. “At pangalawa, simula sa araw na ito, matuto kang irespeto ako, because from today, I’ll be your aunt.” Nakita ko ang halong gulat at inis sa mukha ni Adrian. Alam kong nagpupuyos siya sa galit, pero pinipigilan lang niya ang sarili dahil nasa tabi ko pa rin si Damian. Sa loob-loob ko, nagdiriwang ang puso ko. Nagsimula na ang unang bahagi ng mga plano ko, at sisiguraduhin kong hindi ito matatapos sa mga simpleng bagay lang. Ipaparamdam ko sa kanya ang sakit, ang pagkabigo, at ang lahat ng ginawa niya sa akin sa nakaraan kong buhay. Natahimik ang lahat ng nasa sala. Kahit si Richard ay napakagat-labi, dahil alam niyang kahit siya ang mas matanda sa kanilang dalawa ni Damian, ang huli pa rin ang namamahala, at sa pangalan nito nakapangalan ang lahat ng ari-arian ng pamilya Ashford. “Let’s go, Seraphina.” Inaya na ako ni Damian paakyat sa eleganteng hagdan. “Tingnan natin kung saan kayo dadalhin ng palihim ninyong pagpapakasal at ng relasyon ninyo!” Iyon na lang ang nasabi ni Richard habang masama ang tingin sa akin. Habang umaakyat, tumingin ako sa mag-ama at binigyan sila ng masayang ngiti. “Saan kami dadalhin? Eh di sa langit… papunta sa kaligayahan.” Bago ako tuluyang mawala sa kanilang paningin, nakita ko pa ang matinding inis sa kanilang mga mukha. Kung hindi lang humigpit ang hawak ni Damian sa braso ko, baka lalo ko pa silang inasar. Nakarating kami sa kabilang pasilyo ng malaking mansyon. Halos lahat ng pamilya Ashford ay nakatira rito. Dito rin kami tumira noon ni Adrian sa nakaraan kong buhay. Sa kaliwang pasilyo ang kwarto namin, na tinatawag ng mga katulong na “left wing” ng mansyon. Ngayon, nasa “right wing” naman ang pinakamaster bedroom ng mansyon, kung saan natutulog ang pinakapinuno ng pamilya. Doon ang tungo namin ni Damian. Pagkapasok ko sa kwarto, simple lang ang disenyo, pero halatang mamahalin ang mga gamit. Puro itim, abo, at madilim na kulay ang paligid, na parang itinugma sa personalidad niya. Nauna akong pumasok kaya nagawa kong pagmasdan ang paligid. Hinubad ni Damian ang kanyang suit jacket at itinapon sa sofa, habang nanatili ang mga mata niya sa akin. Isinara niya ang p***o ng kwarto at ni-lock ito. “Ang pangit ng design mo, tito... Puwede ko bang baguhin ito? Ang baduy, eh!” Lumapit siya sa akin, hinawakan ang baywang ko, at pinaglapit ang aming mga katawan. “Do whatever you want with the room, but I remember what you said earlier... You owe me a trip to heaven,” mahina niyang bulong. “Ay, teka! Kailan ko sinabi—Hindi ko na natapos ang sasabihin dahil sinakop na ng labi niya ang labi ko. Inilagay niya ang isang kamay sa batok ko, habang ang isa naman ay dahan-dahang ibinababa ang zipper ng gown ko. Napaungol ako nang hilahin ng labi niya ang dila ko para s******n. Bawat halik niya ay nagdadagdag ng init sa katawan ko, at bago ko pa namalayan, hinayaan na niyang bumagsak ang gown ko sa sahig. Binuhat niya ako at inihiga sa kama. “Bakit may suot ka pa, panloob?” bulong niya matapos putulin ang halik. “Mas gusto kong wala kang underwear kapag magkasama tayo.” Hinabol ko pa ang labi niya, kaya mahina siyang natawa. Puno ng pagnanasa ang mga mata ko habang nakatitig sa kanya. “Nagmamadali ka kasi, Tito. Hindi ko tuloy nahubad. Pero hayaan mo, simula ngayon, hindi na ako magsusuot ng kahit ano para hindi ka na mahirapan.” Ngumisi siya at hindi sumagot. Yumuko siya at muli akong hinalikan, pero kinagat niya ang labi ko kaya naitulak ko siya. “Ouch!” angil ko. Muntik na akong mawalan ng gana dahil nalasahan ko ang sarili kong dugo, pero nagawa pa rin niyang maibalik iyon nang simulan niya akong halikan mula sa panga pababa sa aking leeg. Muling uminit ang katawan ko nang s******n niya ang balat ko, habang gumagapang ang mga kamay niya sa bawat kurba ng aking katawan. Wala nang saysay ang mga panloob ko dahil sinira niya ang mga iyon. Mukhang ayaw talaga niyang magsuot pa ako ng kahit ano. Napakagat ako ng labi nang maramdaman ko ang bibig niya sa dibdib ko, at napaliyad ako nang dumausdos ang kamay niya pababa. “OMG! Ang sarap,” hindi ko napigilang sabihin. Mukhang ginanahan siya sa pag-ungol ko. Bumaba ang halik niya sa tiyan ko, pababa nang pababa, hanggang sa maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa balat ko, lalo na sa outer lips ng aking kepyas. Sinimulan ng kanyang dila na laruin ang aking klitoris. Ang maliit at sensitibong bahagi ng aking sekswal na kaligayahan. Lalo tuloy akong nasasabik sa puwedeng ibigay niya sa akin na kaligayahan. “Shocks, tito! Hindi ako nakapaghugas.” Mahina siyang tumawa, at maya-maya lang, napaliyad ako at halos tumirik ang mga mata ko. Binrotsa niya ang aking klitoris, saka hinagod. Kahit sino siguro ay ganoon ang magiging reaksyon sa ‘trip to heaven’ na ito. “Oh, tito...” Tumigil siya at ipinantay ang mukha niya sa akin. Muli niyang sinakop ang labi ko at bumulong siya sa tainga ko. Ang init ng hininga niya ay nagbigay ng kakaibang kiliti sa buong katawan ko. “Akin ka lang, Seraphina. Hinding-hindi na kita papakawalan.” Saglit akong nalito nang marinig ang tinig niya. Parang narinig ko na ang boses na iyon. Pero nalimutan ko iyon nang tuluyan niya akong angkinin. Saglit ko nakalimutan kung paano siya bumulong sa akin kanina. “Oh. I’m yours, Tito!”Chapter 12- ANG KAIBIGAN NI GABRIEL VALESeraphina’s POV“May problema ba dito?”Nakataas ang kilay ni Damian. Ang tono ng kanyang pagsasalita ay hindi pasigaw, pero napakalamig. Kahit sinong makakarinig ay makakaramdam ng kakaibang kilabot. Hinawakan niya ang aking kamay at bahagyang inilayo sa dalawa.“Wala naman, Sir Damian.” Mabilis na sagot ni Elena. Bumalik ang ngiti sa mga labi niya na para bang may naiisip na naman na kalokohan. Akala mo talaga santo kung ngumiti, halos kanina, gusto nang lumabas ng mga ugat niya sa leeg sa pagmumura sa akin. “May pinag-uusapan lang kami ni Seraphina.”Tumingin sa akin si Damian. “Is that true?”Ngumiti ako kay Elena. Ipinapakita ko sa kanya na hindi ako apektado sa presensya niya. “Yes, my dear husband. Pinag-uusapan kasi namin, iyong tungkol sa diary ko daw.”Kumunot ang noo ni Damian, “Diary? What diary?”Napatingin ako kay Elena na bahagyang naging malikot ang kanyang mga mata. Halata sa kanyang mukha ang pagkabalisa nang mabanggit ko ang
CHAPTER 11: ANG PEKENG DIARYSERAPHINA’S POVNapaatras ako mula sa bintana. Humawak ako sa dibdib ko at saka ko lang napansin na kanina pa pala ako hindi humihinga nang maayos. Hindi mawala sa isip ko ang ngisi ni Elena Vancamp, pati ang notebook na sadya niyang itinaas para makita ko mula sa backseat ng kotse niya.Paano napunta sa kaniya ang diary ko?Nandoon ang lahat ng pangarap ko noong bata pa ako. Nasa huling mga pahina rin ang pirma ni Papa bago siya pumanaw, mga pirmang nakaipit doon at nagpapatunay na akin ang mga iniwan niyang ari-arian. Kung hawak ‘yon ni Elena, sino ang nagbigay sa kaniya? Sinong hayop ang nangahas na iabot ‘yon sa babaeng ‘yon?Paikot-ikot ako sa sala habang kagat-kagat ang hinlalaki ko. Bigla akong napahinto dahil alam kong may mali.I was reborn. Natatandaan ko pa kung saan ko iniwan ang totoong diary bago ako pinatay ni Adrian noon. Itinago ko ‘yon sa isa sa mga lihim na vault sa opisina ni Papa, na pag-aari na ngayon ng mga Ashford. Hindi ‘yon basta
CHAPTER 10: TRANSMIGRATOR OR REBORN?SERAPHINA’S POVNabitawan ko ang cellphone ko sa kama. Nanlalamig ang buong katawan ko habang nakatitig sa screen nito. Sa totoo lang, naguguluhan ako.‘…baka nakalimutan mo na kung paano ka namatay noon?’Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang huling salita ng unknown sender. Paano nalaman ng kung sinumang nag-text na nagbago ang takbo ng buhay ko? Paano niya nalaman na inunahan ko si Adrian sa Greenfield Project gamit ang mga alam ko mula sa dati kong buhay? Sa mundong ito, ako lang dapat ang nakakaalam na muli akong isinilang o bumalik mula sa nakaraan.Ngunit ang taong ito… siya ang nagpadala ng message sa akin. Parang alam na alam niya ang mga mangyayari o gagawin ko. Nababasa kaya niya ang nasa isip ko?Teka, may nabasa ako dati, bukod sa reborn, may tinatawag pang transmigrator. Hindi kaya ang nagpadala sa akin ng message ay isang transmigrator—pumasok siya sa mundong ito kaya alam niya ang nangyayari?Naguguluhan na talaga ako. Halo-halong
Chapter 9: Ang Pagkawala ng Greenfield Project kay AdrianSERAPHINA’S POV“Gagawin mo talaga iyon, Tito?” hindi makapaniwalang tanong ni Adrian.“Oo,” madiin na sagot ni Damian.“Tito! Kumpanya natin ang pinag-uusapan dito!” sigaw ni Adrian. Alam kong pilit niyang itinatago ang kaba. Bakas sa mukha niya ang takot na baka hindi na siya pakinggan ng tiyuhin. “Sa akin ang Greenfield Project! Kinabukasan ng Ashford Corporation ang nakasalalay dito! Alam kong sinabotahe ako ng babaeng ‘yan! Ginamit niya ang mga pribado kong dokumento!”“Hindi sa iyo ang Greenfield Project. Pag-aari ito ng kumpanya,” mariing sagot ni Damian, sabay hakbang palapit sa kaniya.Awtomatikong napaatras si Adrian. Unti-unting naglaho ang tapang niya habang nakatingin sa tiyuhin.“Mula sa araw na ito, wala ka nang karapatan sa Greenfield Logistics Hub. May ibang manager na hahawak sa operasyon. At ang limang porsyento mong share sa Ashford Corporation, kukunin ko rin bilang kabayaran sa pambabastos mo sa asawa ko,”
CHAPTER 8: ANG UNANG GANTIPinihit ko ang hawakan ng pinto ng study room ni Damian. Pumasok ako sa loob at agad kong naamoy ang mamahaling pabangong panlalaki. Pumunta ako sa likod ng malaki niyang desk at umupo. Pinagmasdan ko ang buong paligid. Alam ko kung paano pumasok sa study room niya, kaya hindi ko na kailangang hintayin pa si Damian para magpaalam at sabihin ang binabalak ko. Kabisado ko ang lugar na ito. Sa nakaraan kong buhay, ako ang nagprisinta na maglinis dito. Nakita ko ang isa sa mga laptop ni Damian, at tulad ng inaasahan ko, iniwan na naman niya ito.Kinuha ko ang laptop at binuksan. Sinubukan kong i-type ang password niya na kagaya ng sa penthouse: 05-16-2019, ang petsa ng debut ko. Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin kung nagkataon lang bang ang password niya ay ang mismong araw ng debut ko, o may nangyaring napakahalaga sa kanya noong araw na iyon.Bumuntong-hininga ako at muling nag-focus sa pakay ko. Ilang minuto akong nagkalikot sa laptop niya hanggang sa makit
Chapter 7 - Ang Pagtuklas sa Lihim na Pagnanasa ni TitoKinaumagahan, nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Tumingin ako sa tabi ko. Wala na roon si Damian. Bumangon ako at hinawakan ang balakang kong sumasakit dahil sa walang sawang pag-angkin sa akin ng lalaki. Pambihira ang stamina niya. Halos hindi niya ako pinatulog. Kahit sinabi ko nang pagod na ako at alas-tres na ng madaling-araw, hindi pa rin niya ako tinigilan. Pakiramdam ko, tuloy, ginamit niya nang husto ang katawan ko. Ang ‘trip to heaven’ na ginawa namin ay literal na nakakapagod.Kinuha ko ang cellphone ko at nakita ko ang message mula sa isang ‘unknown’ number. Kumunot ang noo ko nang makitang galing kay Damian ang message. Nakakapagtaka, paano niya nalaman ang bago kong number? Iniisip ko, pinakialaman kaya niya ang cellphone ko habang tulog ako? Eh, ang tanong, natutulog ba ang lalaking iyon?‘Maaga akong umalis. May mga papeles lang akong kailangang ayusin sa kumpanya. Magpahinga ka muna sa ng







