Se connecterCHAPTER 5 - Ang Iskandalo sa Altar
SERAPHINA’S POV
Ilang oras na ang nakalipas mula nang pumirma ako sa kontrata ng kasal na inihanda ni Damian. Ngayon, nakatayo na ako sa harap ng simbahan kung saan gaganapin ang kasal namin ni Adrian. Suot ko pa rin ang wedding gown na pinili ko para sa kasal na ito.
Nakakatawa, ‘di ba? Dati, halos hindi ako makatulog sa sobrang pananabik sa araw na ito. Ilang buwan kong pinaghandaan ang kasal na akala ko’y simula ng masayang buhay naming dalawa. Hindi ko inakalang darating ako sa puntong ako mismo ang mag-iisip ng paraan para hindi na ito matuloy.
Bumukas ang malaking p***o ng simbahan. Sabay-sabay na tumingin sa akin ang mga bisita. Sa magkabilang gilid ng aisle, nakahanay ang mga kilalang personalidad, mga kaibigan ng pamilya, at mga reporter na inimbitahan upang masaksihan ang kasal ng dalawang pamilyang kilala sa buong siyudad.
Nagsimulang tumugtog ang wedding march. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa altar. Sa dulo ng aisle, naroon si Adrian, nakasuot ng mamahaling tuxedo habang naghihintay. May ngiti sa mga labi niyang tila nagpapakita ng kaligayahan sa tuwing nakikita ako.
Pero sa mga oras na ito, gusto kong wasakin ang ngiting iyon. Nasusuka ako tuwing naaalala kong pagkukunwari lang pala ang lahat ng pinagsamahan namin. Ngumiti ako sa ilalim ng aking belo, at inalis ko ito bago ako makarating sa harap ng altar.
Nagsimula ang bulung-bulungan sa buong simbahan. Ang mahihinang usapan kanina ay napalitan ng mga singhap. May isang babaeng napahawak sa kanyang dibdib. Ang lalaking katabi niya ay napalapit upang mas makita ang mga pulang markang nakalitaw sa aking leeg at balikat, na litaw na litaw sa magarbo kong wedding gown.
“Diyos ko! Ano ‘yang nasa leeg niya?”
“Mga hickey ba ‘yan? Sa mismong araw pa talaga ng kasal niya?”
“Hala, sino kaya ang kasama niya kagabi?”
Hindi ko sila pinansin. Sa totoo lang, inaasahan ko na ang ganitong reaksiyon nila. Nang makalapit ako sa altar, nakita ko si Adrian. Wala na sa kanyang mga labi ang kaninang mapagkunwaring ngiti.
“Ano ito, Seraphina?” tanong niya pagkalapit ko, nakatitig ang kanyang mga mata sa leeg kong puno ng mga marka.
“Alin bang tinutukoy mo, Adrian?” patay-malisya kong tanong.
“Huwag ka nang magkunwari pa, Seraphina!” madiin niyang bulong sa akin. “Sino ang gumawa niyan sa ‘yo?”
Tumingin ako sa kanya. “Kailangan ba nating pag-usapan ‘yan dito?”
“Of course! Kasal natin ngayon!”
Tinaasan ko siya ng kilay. “Kung kasal pala natin ngayon, e ‘di ayusin mo ang sarili mo. Lahat sila nakatingin sa atin.”
Halatang lalo siyang nainis sa sagot ko. Sinubukan niyang ngumiti sa mga bisita, pero hindi pa rin niya maitago ang hindi kumportableng sitwasyong kinahaharap namin.
“Sabihin mo nga sa akin, sino ang lalaking gumawa niyan sa ‘yo?”
“Hindi na mahalaga ang bagay na iyon.”
“Anong hindi na mahalaga? Seraphina, nakikita mo ba ang itsura natin ngayon? Alam mo ba ang sitwasyong kinahaharap natin?” Mataas na ang boses niya, at mukhang nauubos na ang natitira niyang pagtitimpi.
“So?” maang-maangan ko pa ring sagot.
“Seraphina! I’m warning you!” Naiinis siyang hindi niya ako makausap nang pribado, pero wala siyang magagawa. Hindi niya ako puwedeng basta hilahin palabas ng simbahan nang hindi napapansin ng lahat.
“Hindi mo puwedeng gawin ito sa akin,” dugtong niya.
“Bakit? Ano ba ang ginawa ko?”
Hindi siya agad nakasagot. Sa halip, hinawakan niya ang braso ko. “Sumama ka sa akin. Mag-uusap tayo sa labas.”
Inalis ko ang kamay niya sa braso ko, pero lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakahawak. “Ano ba? Nasasaktan ako! Wala tayong dapat pag-usapan.”
Doon siya tuluyang nawalan ng pasensiya.
“You fucking bitch!” Itinaas niya ang kamay niya para sampalin ako, pero may humawak sa pulso niya bago pa niya ako masaktan.
“Adrian.”
Pareho kaming napalingon.
Nasa tabi namin si Damian. Hindi ko namalayang nakalapit na pala siya. Mahigpit ang hawak niya sa pulso ni Adrian habang nakatingin sa kanyang pamangkin.
“Tito Damian?” gulat na tanong ni Adrian.
“Bitawan mo na siya,” mahinahong sabi ni Damian, ngunit may bahid ng pagbabanta.
“Hindi mo naiintindihan ang nangyayari dito, Tito,” naiinis na sabi ni Adrian.
“Kung ganoon, ipaliwanag mo. Pero huwag mo siyang sasaktan.”
Nang bitawan ni Adrian ang braso ko, saka lang siya binitawan ni Damian. Umatras si Adrian nang kaunti at inayos ang nalukot na manggas ng kanyang tuxedo.
“Tito, personal na problema namin ito.”
“Personal na problema?” tanong ni Damian. “Kaya may karapatan kang sampalin siya? Hindi pa kayo kasal, pero naiisip mo na siyang saktan?”
Napatingin si Adrian sa mga bisita. Marami sa kanila ang nakasaksi sa nangyari, at patuloy pa rin ang pagkuha ng litrato ng mga reporter.
“Siya ang may kasalanan nito!” sabi niya, sabay turo sa akin. “Tingnan mo ang ginagawa niya sa kasal namin!”
“Hindi pa kayo kasal,” mariing sabi ni Damian.
Saglit na natahimik si Adrian.
Lumapit sa akin si Damian. “Okay ka lang?”
Tumango ako. “I’m fine.”
Pagkatapos, inilagay niya ang kamay niya sa baywang ko at tumingin kay Adrian.
“Hindi na matutuloy ang kasal na ito.”
“Ano?” agad na tanong ni Adrian. Ang kaninang naiinis niyang mukha ay napalitan ng pagkakunot ng noo, tila may narinig siyang hindi niya nagustuhan.
“Hindi ikaw ang ikakasal kay Seraphina,” dagdag ni Damian.
Nagkatinginan kami ni Adrian. Halata sa mukha niya ang pagkalito. Hindi ko napigilang mapangiti nang bahagya. Kahit napag-usapan na namin ni Damian ang gagawin sa araw na ito, iba pa rin ang makita ang reaksiyon niya nang marinig iyon mismo mula sa lalaki.
“Ano’ng ibig mong sabihin?” tanong ni Adrian.
Hinarap ni Damian ang mga bisita at reporter.
“May kailangan akong linawin. Si Seraphina at ako ay ikinasal na.”
Biglang umingay ang buong katedral.
“Don Damian, kailan po kayo ikinasal?”
“Totoo po ba ito?”
“Miss Seraphina, bakit hindi po ito ipinaalam sa publiko?”
Sunod-sunod ang mga tanong. May ilang bisita pang tumayo upang makita nang mas malinaw ang nangyayari.
Hindi na alam ni Adrian kung sino ang kakausapin.
“Hindi totoo ‘yan,” sabi niya. “Imposible. Ikakasal kami ngayon!”
“May mga dokumento kaming nagpapatunay sa kasal namin,” mahinahong sagot ni Damian. “Kung gusto ninyo ng ebidensiya, ipapakita ko iyon sa inyo.”
“Pero bakit? Bakit mo ito ginawa sa akin, Tito?”
“Hindi ko kailangang ipaliwanag sa iyo ang desisyon naming mag-asawa.”
Napatingin si Adrian sa akin. “Seraphina, sumagot ka. Totoo ba ito?”
“Oo,” maikli kong sagot.
“Bakit hindi mo sinabi sa akin?”
“Bakit, nagtanong ka ba?” masungit kong sabi.
“Are you serious right now?” hindi makapaniwalang sabi niya.
Mula sa unang hanay ng upuan, tumayo ang ama ni Adrian at lumapit sa amin.
“Damian, puwede ba tayong mag-usap muna?” tanong niya. Halatang hindi siya komportable sa dami ng matang nakatutok sa kanila.
“Hindi na kailangan. Aalis na kami.” Hinawakan ako ni Damian sa baywang.
“Hindi mo puwedeng basta dalhin si Seraphina!” singit ni Adrian, at lumabas na ang mga ugat sa kanyang leeg.
“Hindi mo siya pag-aari,” matalim siyang tiningnan ni Damian.
Wala nang naisagot si Adrian. Sa halip, napatingin siya sa mga reporter na patuloy sa pagkuha ng litrato. Alam niyang sa loob lamang ng ilang oras, malalaman na ng buong siyudad ang nangyari sa kasal niya.
At hindi na niya iyon mapipigilan.
Humarap ako sa kanya bago kami umalis.
“Goodbye, Adrian.” Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Hinawakan ko ang kamay ni Damian, at sabay kaming lumabas ng simbahan.
Pagdating namin sa sasakyan, binuksan ng driver ang p***o para sa amin. Nauna akong sumakay, saka umupo si Damian sa tabi ko. Tinitigan ko siya at inilapit ang mukha ko sa mukha niya.
“Hmm... Akala ko matatagalan ka pa bago dumating.”
Tinitigan niya ako. “May inasikaso lang ako.”
Umayos ako ng upo at napabuntong-hininga. Nang umandar na ang sasakyan, saka lang ako nakahinga nang maluwag. Saglit kaming hindi nag-imikan sa loob.
“May plano ka na ba sa susunod?” binasag niya ang katahimikan sa pagitan namin.
Lumingon ako sa kanya. “Marami.”
“Gaya ng?”
Ngumiti ako nang kaunti. “Hindi ko muna sasabihin.”
Bahagya siyang natawa. “Fine. Sabihin mo na lang kapag handa ka na.”
Sumandal ako sa upuan at muling tumingin sa bintana. Hindi pa tapos ang lahat. Ang nangyari sa altar ay simula pa lamang. At sa pagkakataong ito, hindi na ako ang babaeng kailangang magdusa para manatili sa isang kasal na uubusin lang ako sa huli.
CHAPTER 5 - Ang Iskandalo sa AltarSERAPHINA’S POVIlang oras na ang nakalipas mula nang pumirma ako sa kontrata ng kasal na inihanda ni Damian. Ngayon, nakatayo na ako sa harap ng simbahan kung saan gaganapin ang kasal namin ni Adrian. Suot ko pa rin ang wedding gown na pinili ko para sa kasal na ito.Nakakatawa, ‘di ba? Dati, halos hindi ako makatulog sa sobrang pananabik sa araw na ito. Ilang buwan kong pinaghandaan ang kasal na akala ko’y simula ng masayang buhay naming dalawa. Hindi ko inakalang darating ako sa puntong ako mismo ang mag-iisip ng paraan para hindi na ito matuloy.Bumukas ang malaking pinto ng simbahan. Sabay-sabay na tumingin sa akin ang mga bisita. Sa magkabilang gilid ng aisle, nakahanay ang mga kilalang personalidad, mga kaibigan ng pamilya, at mga reporter na inimbitahan upang masaksihan ang kasal ng dalawang pamilyang kilala sa buong siyudad.Nagsimulang tumugtog ang wedding march. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa altar. Sa dulo ng aisle, naroon si Adria
CHAPTER 4 - ADULTERYSERAPHINA'S POVDahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata nang maramdaman ang sinag ng umaga sa aking mukha. Ang unang bumungad sa akin ay ang bisig na mahigpit na nakapulupot sa aking baywang. Bahagya akong lumingon at natagpuan ang mukha ni Damian, mahimbing na natutulog sa tabi ko. Sa ilalim ng malambot na liwanag ng umaga, higit na litaw ang kaniyang malalapad na balikat at ang matikas na hubog ng kaniyang katawan. May mga bakas pa sa kaniyang likod na nagpapaalala sa naganap sa pagitan namin kagabi. Kahit natutulog, hindi pa rin nawawala sa kaniyang mukha ang likas na awtoridad at lamig na kinatatakutan ng marami. Para bang kahit sa panaginip ay walang sinumang maaaring sumuway sa kaniya. Si Damian Ashford, ang tatlumpu't limang taong gulang na tiyuhin ng lalaking balak sirain ang buhay ko. Ang tiyo niya ay tuluyan ko nang nakuha. At tulad nga ng inaasahan ko, mula sa nakaraang buhay ko, madali ko siyang maaakit. Bago pa man ako makagalaw, marahan nang
Chapter 3 - ANG PAG-AKIN SA AKIN NI TITOSERAPHINA'S POVAng hangin sa loob ng penthouse ay tuluyan nang napuno ng nag-iinit na tensyon at mabibigat na paghinga. Walang patid ang marahas na paghalik ni Damian sa akin, para siyang uhaw na uhaw sa bawat paghalik sa akin, mga labi na ayaw na nitong tigilan. Binuhat niya ako mula sa pagkakaupo sa sofa. Ang malalaki nitong kamay ay nanatiling nakakapit sa aking puwet sa ilalim ng pulang bistida. Habang ang aking mga binti ay nakapulupot pa rin sa matitigas nitong balakang. Habang naglalakad si Damian patungo sa malawak niyang master bedroom, hindi tumitigil ang marahas pero nakakabaliw niyang pag-angkin sa aking mga labi.Dahan-dahan niya akong nilapag sa kama, pero hindi lumalayo sa akin. Bagkus, umibabaw pa siya sa akin. Ang kanyang mga mata ay nanatiling madilim, nanunuri at nag-aalab na puno ng pagnanasa na parang matagal na niyang ikinikimkim. "You have no idea how long I've watched you from the shadows," bulong ni Damian, gumagara
CHAPTER 2 - ANG NAGAALAB NA APOYSERAPHINA'S POVMabilis akong nakarating sa penthouse ni Damian Ashford. Ginamit ko ang password na minsang nabanggit ni Adrian noong nalasing siya. Marahan kong binuksan ang pinto ng pribadong penthouse, saka maingat na pumasok sa loob. Madilim ang malawak na silid, tanging ang maputlang liwanag ng buwan at mga kumikislap na ilaw ng siyudad sa likod ng malalaking glass window ang nagbibigay-liwanag. At doon ko siya nakita. Nakaupo ang Don sa isang mamahaling leather sofa, may hawak na kristal na baso ng whiskey. Bahagyang nakasandal ang matikas niyang katawan, tila walang pakialam sa mundong ginagalawan niya.Tatlong butones ng itim niyang polo ang nakabukas, sapat upang masilip ang matipuno niyang dibdib na bahagyang natatakpan ng maitim na balahibo. Bawat mabagal niyang paghinga ay tila lalo pang nagbibigay-diin sa lapad ng kaniyang mga balikat at sa lakas na nakatago sa ilalim ng mamahaling tela. Hindi ko maiwasang mapalunok. 'Ilang abs kaya an
CHAPTER 1 - ANG PAGBABALIK SERAPHINA'S POV Napasinghap ako at biglang napabalikwas nang bangon mula sa aking pagkakahiga.Mabilis na umaangat at bumababa ang aking dibdib habang pilit kong hinahabol ang aking paghinga. Basang-basa ng malamig na pawis ang aking likod, at nanginginig ang mga daliri kong nakakapit sa aking leeg.Nararamdaman ko pa rin ang mga kamay ni Adrian na mahigpit na nakapulupot sa aking lalamunan. Ang malamig niyang mga daliri, ang unti-unting pagkawala ng aking paghinga, at ang mapanuyang tingin niya habang pinapanood akong unti-unting nawawalan ng lakas.Iyon ang mga naalala ko bago ang huling sandali ng buhay ko. Pinatay ako ng sarili kong asawa para kamkamin ang natitirang kayamanang iniwan sa akin ng aking mga magulang. Ngunit nang ibaba ko ang tingin sa aking mga kamay, wala akong nakitang dugo. Wala ring sugat o anumang bakas ng karahasan. Maging ang aking leeg ay makinis, walang pasa o marka ng mga daliring minsang dumurog sa aking huling pag-asa. Ano







