Share

Healing

Author: Ely
last update publish date: 2026-07-06 19:00:19

Chapter 58

Evie’s POV

“Oh, Mr. Carlo Madrigal. Ano na namang paglalambing iyan, ha?”

Napailing ako habang marahang sinisiko siya. Nasa bangketa kami, naglalakad patungo sa isang sikat na mall sa Mandaluyong. Maaliwalas ang gabi, malamig ang simoy ng hangin, at makulay ang mga ilaw ng siyudad. Maraming tao ang naglalabasan matapos ang trabaho, kaya halos bawat ilang hakbang ay may nakakasalubong kaming magkakapamilya, magkakaibigan, o mga magkasintahan.

Ngunit sa dami ng tao, tila wala iyong pak
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • RED HAVEN, TOUCHED BY A BILLIONAIRE   Yesterday

    Chapter 59Evie’s POV“Totoo? Bigla mo na lang naisip si Marco?”Halos malaglag ang hawak na mug ni Aika sa sobrang gulat habang ka-video call ko sila ni Lida. Pare-pareho kaming nasa kani-kaniyang bahay, pero parang bumalik kami sa dati naming tambayan noong magkakasama pa kami.Napangiti ako.“Bigla ko lang naman siyang naalala,” paliwanag ko. “Hindi naman ibig sabihin no’n na nami-miss ko siya.”Seryoso ang mga tingin nila sa akin.“Alam mo,” sabi ni Lida, “kung tutuusin, akala talaga namin noon siya na ang makakatuluyan mo.”Tumango si Aika.“Grabe ka kay Marco noon. In love na in love ka talaga.”Napabuntong-hininga ako.Hindi ko maitatanggi iyon.May panahon talaga na umiikot ang mundo ko kay Marco. Akala ko noon, sapat na ang pagmamahal para manatili ang dalawang tao sa isa’t isa.Pero mali pala ako.May mga pagmamahal na kahit gaano kalalim, hindi pa rin nakatakdang magtagal.“Tell us honestly,” nakangiting sabi ni Lida habang nakasandal sa sofa.“Halimbawa lang ha…”“Bigla ka

  • RED HAVEN, TOUCHED BY A BILLIONAIRE   Healing

    Chapter 58Evie’s POV“Oh, Mr. Carlo Madrigal. Ano na namang paglalambing iyan, ha?”Napailing ako habang marahang sinisiko siya. Nasa bangketa kami, naglalakad patungo sa isang sikat na mall sa Mandaluyong. Maaliwalas ang gabi, malamig ang simoy ng hangin, at makulay ang mga ilaw ng siyudad. Maraming tao ang naglalabasan matapos ang trabaho, kaya halos bawat ilang hakbang ay may nakakasalubong kaming magkakapamilya, magkakaibigan, o mga magkasintahan.Ngunit sa dami ng tao, tila wala iyong pakialam si Carlo.Nakayakap pa rin ang isang braso niya sa balikat ko habang paminsan-minsan ay pinipisil ang kamay kong hawak niya.“Bakit? Masama ba na magpakita ako ng pagmamahal sa girlfriend ko?” inosente niyang tanong.Napailing ako at napatawa.“Okay lang naman sana, Carlo. Kaso nasa kalsada tayo, oh.”Agad siyang tumingin sa paligid na parang ngayon lang niya napansing maraming taong nakatingin sa amin. Ngunit sa halip na mahiya, lalo pa siyang natawa.“Ay oo nga pala,” natatawang sabi niy

  • RED HAVEN, TOUCHED BY A BILLIONAIRE   Shielding

    Chapter 57Carlo's POVNang makauwi na kami ni Dad mula sa dinner party, halos alas-onse na ng gabi. Tahimik ang buong bahay. Pagod kaming dalawa, ngunit alam kong may gusto pa siyang sabihin sa akin. Pagkapasok pa lamang namin sa loob ng bahay, agad niyang tinanggal ang kanyang coat at napatingin sa ikalawang palapag."I'll just check on your mom," sabi niya. "Hintayin mo ako. Mag-uusap tayo."Tumango lamang ako."Okay, Dad."Habang siya ay nagtungo sa silid nila Mom, umakyat naman ako sa aking kuwarto. Pagkatapos ng isang mainit na shower upang maibsan ang pagod, nagsuot ako ng komportableng damit. Sinubukan kong humiga, ngunit hindi ako dinalaw ng antok.Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang eksena kanina.Ang pagkikita nina Dad at Suzane.Ang kakaibang katahimikan ni Dad.Ang pamumutla ni Mom sa tuwing maririnig ang pangalan ng babaeng minsan niyang naging karibal.At si Evie...Hindi ko rin maalis sa isip ko na alam pala niya ang tungkol kay Suzane. Matagal na pala niyang alam

  • RED HAVEN, TOUCHED BY A BILLIONAIRE   Mending

    ChapterCarlo's POV“Mukhang maganda ang pagpapalakad mo sa negosyo natin.”Napangiti ako habang pinagmamasdan si Dad na dahan-dahang umiikot sa loob ng aking opisina. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang paghanga habang sinusuri niya ang bawat detalye—mula sa modernong interior, mga floor-to-ceiling glass windows, minimalist na mga kasangkapan, hanggang sa digital wall display na nagpapakita ng kasalukuyang performance ng kumpanya.“Ibang-iba na ito kaysa noong iniwan ko,” dagdag pa niya habang marahang hinihimas ang ibabaw ng conference table. “Mas moderno... mas elegante. Mukhang top-notch company na talaga. Ganito ang pinangarap kong marating natin noon.”Napangiti ako.“Salamat, Dad. Sinubukan ko lang ipagpatuloy ang mga nasimulan ninyo.”Umiling siya.“Hindi, Carlo. Hindi mo lang ipinagpatuloy. Mas pinalago mo pa.”Hindi ko maitago ang saya sa narinig.Bihira lang magbigay ng papuri si Dad. Lumaki akong mas sanay makarinig ng mga puna kaysa sa mga papuri mula sa kanya. Kaya an

  • RED HAVEN, TOUCHED BY A BILLIONAIRE   Reason

    Chapter 54Evie’s POV“Ang ganda naman ng batang ito.”Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ang mahimbing na natutulog na anak ni Lida.Maputi ang balat nito, matangos ang maliit na ilong, at mahahaba ang pilikmata na para bang manika. Paminsan-minsan ay kumikibot pa ang maliliit nitong labi na tila nananaginip.Parang ang sarap lang pagmasdan.Hindi mo namamalayang napapangiti ka na rin.Napansin iyon ni Lida, kaya napahalakhak siya.“Oh, di ba? Tama lang talaga na nagpabuntis ako sa AFAM.”Napailing ako.“Lida!”“Ano?”“Malay mo, Evie,” natatawa niyang dugtong. “Ang batang ito ang magaahon sa akin sa kahirapan.”“Aba, ang aga mo namang magplano para sa anak mo.”Nagkatawanan kami.Ganoon talaga si Lida.Kahit ilang beses siyang subukin ng buhay, hindi nawawala ang kakayahan niyang ngumiti at gawing biro ang mabibigat na sitwasyon.Pero alam kong sa likod ng mga biro niyang iyon...Marami siyang kinikimkim.Napatingin ako sa kanya.“Alam mo ba ang sandwich generation, L

  • RED HAVEN, TOUCHED BY A BILLIONAIRE   Love is Forgiving

    Chapter 53Evie’s POVPagkahatid ko kay Lida sa kanyang bahay ay kasunod ko naman ang sasakyan ni Carlo.Tahimik lang kaming bumabyahe. Paminsan-minsan ay sumusulyap ako sa rearview mirror at nakikita kong hindi siya lumalayo sa sasakyan ko. Para bang sinisigurado niyang ligtas akong makakauwi.Bago kami umalis sa resto ay kinausap ko muna siya.“Honey, ihatid ko muna si Lida, sumunod ka na lang o magkita na lang tayo sa bahay.”“Susundan kita,” maikli niyang sagot.Hindi man iyon ganoon kalambing, sapat na iyon para gumaan ang loob ko.Kahit papaano ay alam kong humupa na ang galit niya. Hindi pa tuluyang nawawala ang sakit na nararamdaman niya, pero handa na siyang makinig at unti-unting maghilom ang sugat sa pagitan naming dalawa.At para sa akin, malaking bagay na iyon.Pagdating sa bahay, agad akong nagtungo sa kusina.“Coffee?” tanong ko habang lumilingon sa kanya.Tumango lang siya.Tahimik siyang naupo sa sala habang ako naman ay naghanda ng dalawang tasa ng mainit na kape. Ka

  • RED HAVEN, TOUCHED BY A BILLIONAIRE   Acceptance

    Chapter 16Evie’s POVPagkatapos kong tanungin siya kung nakapagpakasal siya sa Amerika, nagulat ako sa sagot niya.“Honestly, I’m about to, things we’re prepared by the family. Hindi ko alam na may plano silang ganoon. Akala ko anniversary celebration lang ng parents ni Mitch. Pinagsuot nila ako

  • RED HAVEN, TOUCHED BY A BILLIONAIRE   Late Conversation

    Chapter 13Carlos’ POVTinatantiya ko ang oras. Siguro ay nakauwi na ito sa bahay. Sinubukan kong tawagan siya, baka sakaling gising pa ito.Nakailang tawag na naman ako. Nang pangatlong beses na, nasabi ko sa sarili ko na kapag hindi pa siya sumagot ay bukas ko na lamang siya tatawagan.“Hello,

  • RED HAVEN, TOUCHED BY A BILLIONAIRE   Dreaming

    Chapter 5Carlo’s POVHinintay kong makasakay si Evie sa motor niya. Humanga na naman ako dito dahil bihirang may makilala siyang ganito kagandang babae , pero isang rider ng big bike, walang pakialam sa hitsura at sa sasabihin ng mga tao. Hindi katulad ng mga babaeng nakilala na niya, mga sophis

  • RED HAVEN, TOUCHED BY A BILLIONAIRE   Grateful

    Chapter 4Carlo Madrigal’s POVBiglang humina ang tuhod niya, kaya dali-daling akong lumapit. Mabuti na lamang at nasalo ko siya.“Evie, are you okey?” may pagaalalang tanong ko sa kanyaNapaiyak na lamang siya. Maraming nakakatakot na pangyayari sa buhay niya ang bigla niyang naalala.“Don’t worr

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status