공유

Scaping from the Past

작가: Ely
last update 게시일: 2026-04-23 06:04:09

Chapter 2

Evie’s POV

Dalawang  linggo ang makalipas mula ang charity event.

Rush hour, napakadaming tao sa station ng MRT. Nasa West Avenue ako patungo sa Shaw Blvd. Ang haba ng pila. Naubos na pala ang laman ng Beep Card ko. Wala na akong nagawa. Kailangan ko na talagang  pumila at makipagsiksikan sa mga tao sa istasyon.

“Naku, late na ako sa presentation ko.

May nagtext, “Saan ka na? Yari tayo.”

Hindi ko na muna  sinagot iyon. Wala sa character ko ang mahuli sa appointment.  Pero dahil sa di-inaasahang pangyayari, malalate na ako.

Nag-ready na rin ako ng booking para sa Angkas, para kahit papaano mabawasan ang pagkalate ko.  Medyo malayo-layo pa ang ibyahe ko.

Pagkababa ko sa station, binaybay ko ang daan tungo sa Shangrila, may naghihintay na duon na Angkas Rider

“Ms. Evie Gutierrez” tanong ng rider

“Yes Kuya, sa DLB building po”

Sumakay na ako, at habang nasa biyahe, iniisa-isa ko sa isip ang presentation na gagawin ko. Mabuti na lang at hindi pa mainit ang panahon. Masarap ang hangin dahil sa katamtamang bilis ng motorsiklong sinasakyan ko.

Pagbaba ko ay dalidali na akong tumungo sa lobby ng building. Kilalang-kilala na ako dito sa nasa reception kaya nginitian ako ng receptionist.

Tinanong ko, “Andiyan na ba si Ms. A?”

“Wala pa, natraffic siguro,” sagot nito.

Nakahinga ako nang maluwag, at ang laking pasasalamat ko, at dahil may panahon pa akong mag-compose ng sarili at ayusin ang sarili.  Mabuti na lang at low maintenance ako, konting pulbos, konting lipstick ay ayos na dahil may natural akong kaakit-akit na ganda“ natatawa akong sinasabi sa sarili.

Pagdating ko sa 18th floor, nag-aabang na si Lida.

Napasigaw ito, “Girl, ang tagal mo, inatake na ako ng anxiety.” Nakakatawang sabi nito.

Okey na ba yung printables natin? tanong ko.

Ano ang sabi ni Ms. A? darating ba si A. B? tanong ni Evie

“Ang confirm pa lang is yung 12 members ng board, with or without A.B magproceed daw tayo sa presentation, according kay Ms. A. from there malalaman natin ang next step.”sabi ni Lida

“Ganuon ba, sige lets nail this” postibo kong sinabi sa kanya

Sa conference room.

Nagpalakpakan ang lahat sa board meeting.

“That was impressive, good job everyone.” Complimented by VP for Sales & Marketing

Hihintayin pa ba natin ang decision ni A.B. dito? Tanong ng isang member ng board.

“Of course, he still has the last say.” Sagot ni Ms. A

“Well, I guess yun na lang talaga, ang ilap-ilap kasi ng boss mo.  He should be visible at these hours.  How can he let these ladies wait?  Anyway, let us know agad if ok na, please write our decision on this and take note that it is highly recommended.

Isa-isa nang nagtayuan ang mga board members; nilalapitan ako at si Lida. Isa-isang nakikipagkamay, tinatapik ang aming braso.

Sa office ni Ms. A, tumungo kami ni Lida. Nagpunta na sa cafeteria ang mga staff namin. Kahit papaano, nakahinga-hinga na kami mula sa aming preparation at  presentation.

“I’ll be honest with you girls, para sa board members.  I think approved na ang proposal.  But knowing A.B., he will go against them.  That’s why I arranged na makapasok kayo sa event last time, para ma-corner niyo siya.  It is too bad na sinumpong siya that day at hindi pumunta sa event.  Inaway pa niya ako at bakit ko daw siya pinipilit.  He is such a brat.  A Billion Contract kasi ito, girls, kung nasa 10M below lang ito. I can easily award this to you, after all, outstanding din talaga ang profile ninyo.

“I know this is not about the money, right, Evie? It’s a vindication.” Sambit niya

Tumahimik na lamang ako sa sinabi ni Aika. Matagal na kaming magkakilala at alam niya ang kuwento ng buhay ko.

Lumapit si Lida sa aming dalawa at inakbayan kami, larawan ng magkakaibigan na handa sa laban.

“Hoy babae nasa office tayo, nirerespeto ako ng mga tao dito, may pagbibirong sabi ni Ms. A kay Lida

Nagkatawanan na lang kami sa mga sitwasyon namin.

“Don’t worry, I will think of something that will turn this page to our winnings,” positibong sinabi ni Aika.

“Patiently waiting,” mahinang sagot ko.

Pagkatapos noon, tumungo na kami sa aming opisina. Nagche-check na ako ng mga accomplishment report sa mga ongoing project namin. Habang masinsing binubusisi ko ang mga papel na hawak ko.  May biglang tumawag sa akin, ang aking ina.

“Anak, kumusta ka na? Kailan ka ba uuwi?” tanong ni Nanay.

“Naku, Nay, pasensya na po, medyo tambak ang trabaho po. Pero huwag kayong mag-alala, subukan ko pong dumalaw sa weekend. Kamusta na kayo ni Tatay?” pagtatanong ko.

“Ayos lang naman ako, pero ang tatay mo ay hindi mabuti. Bigla kasi niyang naalala at iniisip pa rin ang mga nangyari,” kuwento ni Nanay. 

Napabuntong-hininga na lang ako sa narinig ko kay Nanay. Wala akong masabi para mapagaan ang loob niya.”

“Pasensya ka na, anak, at kung ano-ano pa ang sinasabi ko. Huwag ka nang mag-isip.  Kakayanin namin ito basta gawin mo lang ang magpapasaya sa iyo ha.

Nagbalik-tanaw  ako sa madilim na kahapon  ng aming pamilya.  Napakasaya namin noon; may kasaganaan at may kapayapaan.  Pero sa isang dagok sa buhay na dumating sa amin, nawala ang lahat.

Hindi ko na makayanan ang matinding emosyon habang iniisip ko ang mga nangyari sa aking buhay.  Kaya ibinaling ko na lang  sa mga papel na nasa harap ko.  Positibo kong  sinabi sa sarili ko na makakabangon din ako balang araw.  Kaya ko itinataguyod ngayon ang sariling kumpanya para manumbalik ang minsang nawala sa amin. Ang maningning na katayuan sa lipunan at ang mataas na estado ng pamilya.

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • RED HAVEN, TOUCHED BY A BILLIONAIRE   MY CEO

    Chapter 38Evie's POVPagkatapos ng lahat ng unos na pinagdaanan ni Lida, nagkaisa kaming lahat na huwag muna siyang bigyan ng mabibigat na responsibilidad sa trabaho. Hindi dahil nagdududa kami sa kakayahan niya, kundi dahil alam naming mas mahalaga ngayon ang kanyang kalusugan at ang batang dinadala niya.Nakita namin kung paano siya lumaban sa mga nakaraang buwan. Nakita namin ang mga gabing halos hindi siya makatulog sa kaiisip, ang mga araw na pilit siyang ngumingiti kahit mabigat ang dinadala sa loob. Kaya bilang mga kaibigan at kasamahan, panahon naman para kami ang sumalo sa kanya.“Lida, huwag ka nang mag-alala,” seryoso kong sinabi isang umaga habang nasa pantry kami.“Tulungan nating lahat ang magiging anak mo.”Napangiti siya ngunit agad ding namasa ang kanyang mga mata.“Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sa inyo.”“Wala kang dapat ipagpasalamat. Pamilya tayo rito.”At iyon ang naging paninindigan naming lahat.Kapag may kailangang tapusin na report, kami ang gum

  • RED HAVEN, TOUCHED BY A BILLIONAIRE   My Friend, My Problem

    Chapter 37Evie’s POVIlang araw nang hindi pumapasok si Lida, kaya unti-unti nang natambakan ang opisina namin ng trabaho. Sanay kasi ako na lagi siyang nasa tabi ko—hindi lang bilang manager kundi bilang kaibigan, kapatid, at kakampi sa bawat pagsubok na dumaan sa buhay ko.Nang mapansin kong ilang araw na siyang wala, agad ko siyang tinawagan.“Lida, may problema ba?”“Naku, wala. Masama lang talaga ang pakiramdam ko,” sagot niya sa kabilang linya.May kung anong kakaibang bigat sa boses niya, pero hindi ko iyon masyadong pinansin noon. Akala ko simpleng pagod lang.“Sige, magpagaling ka ha. Miss na kita.”Ngumiti ako habang sinasabi iyon dahil totoo naman. Kapag wala si Lida, parang kulang ang buong opisina.“Okay, baka bukas try ko nang makapasok.”“I love you, darling,” biro kong sabi.“I love you too, Evie,” sagot niya.Napangiti ako bago ko ibinaba ang telepono.Hindi ko alam na iyon na pala ang isa sa pinakamahalagang pag-uusap namin.Dahil wala si Lida, ako muna ang humawak

  • RED HAVEN, TOUCHED BY A BILLIONAIRE   Love Is Always The Sweetest

    Chapter 36Evie's POV“Carlo, hindi ka ba papasok ngayon?”Mahina kong tanong habang nakadagan ang ulo niya sa balikat ko.“Mamaya na.”Mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin na para bang kapag binitiwan niya ako ay mawawala ako.“Carlo...” natatawa kong reklamo.“Hmmm?”“Nahihirapan na akong huminga.”“Masasanay ka rin.”Napailing ako.Parang bata talaga minsan ang lalaking ito.“Hindi ako puwedeng mag-absent ngayon. Marami akong pupuntahan.”“Cancel mo.”“Carlo!”“Try mo lang.”Natawa ako habang bahagya siyang kinurot sa braso.“Hindi lahat puwedeng i-cancel gaya ng meetings mo.”“Puwede naman.”“Hindi.”“Puwede.”“Hindi.”Napabuntong-hininga siya na parang talunan sa isang malaking laban.“Sige na nga.”Mabigat ang katawan niyang bumangon mula sa kama.Para siyang estudyanteng pinipilit pumasok sa unang araw ng klase.Napatawa tuloy ako.“Ang tanda-tanda mo na, parang ayaw mo pa ring magtrabaho.”“Kasalanan mo.”“Bakit kasalanan ko?”“Kasi mas gusto kitang yakapin k

  • RED HAVEN, TOUCHED BY A BILLIONAIRE   It Is Too Late

    Chapter 35Evie's POVDumating ang isang napakalaking bouquet ng bulaklak sa opisina ko.Hindi lang basta bouquet.Para iyong pangkasal sa laki.Halos matakpan na nito ang kalahati ng reception area.Napangiti agad ako nang makita iyon."Ay, ang sweet naman ni Carlo."Agad kong naisip ang boyfriend ko.Wala namang espesyal na okasyon.Hindi anniversary.Hindi rin birthday.Kaya lalo akong kinilig.Mukhang nag-level up na naman ang pagiging romantic niya.Lumapit ako sa bulaklak at agad na hinanap ang card.Ngunit nang mabasa ko ang nakasulat, para akong binuhusan ng malamig na tubig.Thank you, Evie, for everything. You are such a blessing.Love,AndrewNanlaki ang mga mata ko."Ano?"Parang kusang bumitaw ang mga daliri ko sa card.Nahulog pa ito sa sahig.Napalingon si Lida na abala noon sa kanyang laptop."Ay, bakit? Ano iyon?"Kinuha niya ang card at binasa.Ilang segundo lang ay napahagalpak siya ng tawa."Naku!"Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa."Iba ka rin talaga, gir

  • RED HAVEN, TOUCHED BY A BILLIONAIRE   Trying Harder to Keep the Secret

    Chapter 34Eve’s POV“Eve, dalawin mo naman ako.”“Sige po Tita Su, this weekend po subukan ko po kayong dalawin.”Naglalambing si Tita Su. Umalis kasi ng bansa si Andrew. At inip na inip na siya. Kaya ipinasiya namin nina Aika at Lida na dalawin siya. Nagpaalam naman ako kay Carlo at pumayag din siya. Isang convention lang ang attend-an nila ni Andrew.“Finally, you are all here,” sabi ni Tita Su na tuwang-tuwa sa pagdalaw namin.Nagdala kami ng mga sweets for dessert.“Oh, bakit nagabala pa kayo?”“Siempre po, para mas maraming pagkain,”sabi ni Lida.“Nakakatuwa din kayo hindi kayo tumataba kahit madami kayo kung kumain”“Unlike me” habang tinituro ang sarili.“You still look very beautiful, Tita,” sabi ni Aika.“I know” pagyayabang ni Ms. SuPagkatapos naming maghapunan ay nagsimula ang pinakamasayang bahagi ng gabi.Habang abala si Tita Su sa pagpapalagay ng tsaa at kape sa mesa, kaming tatlo naman nila Aika at Lida ay nakatambay sa malaking sala. Napansin namin ang isang lu

  • RED HAVEN, TOUCHED BY A BILLIONAIRE   I Won Against The Beast

    Chapter 33Evie's POVPagkatapos ihatid ni Lynel si Mitch aka “Lucy Johnson” palabas ng opisina, halos hindi na ito makahinga kakatawa pagbalik sa loob.“Madam!” tili niya habang hawak ang tiyan niya. “Winner ka talaga! Grabe ka! Para akong nanonood ng eksena sa pelikula!”Napataas lang ako ng kilay habang kunwari nag-aayos ng mga dokuments sa mesa ko.“Ano na naman bang drama iniisip mo?”Lumapit siya sa akin habang kunwari may hawak na mikropono.“‘The Legal Wife and The Mistress!’” arte niyang sabi. “‘Huwag mong tikman ang asawa ko!’ Ganern!” sabay tawang-tawa siya sa harapan ko.Napailing na lang ako pero hindi ko rin napigilang matawa.Sa totoo lang, kanina pa nanginginig ang tuhod ko.Hindi ko lang ipinahalata kay Mitch.Hindi ko rin akalaing kakayanin niyang puntahan ako mismo sa opisina para kumprontahin. Siguro iniisip niya na kapag nagsalita siya nang maayos at nag-drama nang kaunti, kusa ko na lang ibibigay sa kanya si Carlo.Ano siya, sinuswerte?Pero isang bagay ang napat

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status