LOGINChapter 4
Carlo Madrigal’s POV
Biglang humina ang tuhod niya, kaya dali-daling akong lumapit. Mabuti na lamang at nasalo ko siya.
“Evie, are you okey?” may pagaalalang tanong ko sa kanya
Napaiyak na lamang siya. Maraming nakakatakot na pangyayari sa buhay niya ang bigla niyang naalala.
“Don’t worry, Evie, wala na siya,”paggarantiya ko sa kanya.
“Can you stand?” tanong ko sa kanya
Hindi siya sumagot, kaya nagpasya akong isakay na lamang ito sa aking kotse. Dinala ko siya sa isang 24-hour convenience at drug store. Bumaba ako sa kotse at bumili ng pampakalma.
Naisip kong kapag nanatili pa kami sa lugar na iyon ay magpatuloy ang takot niya. Pagkatapos niyain ang pampakalma, tinanong ko ito kung saan ito nakatira. Hindi pa rin ito nagsalita, kaya kinuha ko na ang kanyang bag at nakita ko ang address nito. Taga San Benisa QC pala siya
Nakatulog ito sa sobrang stress. Kinuha ko ang aking jacket na nasa likuran ko at ikinumot ko ito sa kanya.
Evie’s POV
Halos alas 10 na ng umaga ako nagising. Ang daming missed calls sa aking phone, mula sa opisina, kay Lida at iba pa.
Bigla akong napatayo at tiningnan ang sarili ko. Suot ko pa rin ang itim na damit mula sa kahapon na meeting. Binabalikan ko ang mga nangyari noong gabi. Kinalibutan ako sa takot.
May ilang detalye na di ko na maalala. Kung paano ako nakauwi, hindi ko na rin ma-recall.
Pumunta ako sa parking space at nakita ko naman ang aking kotse doon. “Pero papaano, ano ang mga nangyari? Nakapag-drive ako?”
Pumunta ako sa lobby ng aking condo, nagtanong-tanong. Ayon sa report, inihatid ako ng isang lalaki at nagpasama ito ng isang admin para ihatid ako sa aking unit. May naghatid din ng kotse ko. Nagiwan na lamang ito ng calling card at umorder ng pagkain para sa akin. Para sakaling magising ako ay kailangan kong makakain, yung ang bilin nito. Inabot sa akin ng personnel ang calling card.
“Ma'am Evie, ito po oh” sabi ng staff
Itim na card ito at may gold na mga letters, pagkakita sa card, CARLO MADRIGAL CEO/ CBM Holdings
Di ako makapaniwala, of all people, siya talaga. Kaya ngayon, ang dating pagkainis ko ay napalitan ng malaking utang na loob sa taong nagligtas ng buhay ko.
Nakatanggap ako ng message sa isang di-kilalang number. Binasa ko ito.
Kumain ka na?
Palaisipan pa rin sa akin kung sino ito, kaya para hindi na maging palaisipan ito sa akin, nag-text back ako sa kanya.
“Sino po ito?” reply ko.
Hindi na muling nag-message ito.
Pagkatapos kong ayusin ang sarili, nagtungo na ako sa aking opisina mag-alas-3 na iyon ng hapon. Malapit lang naman ito sa aking unit, kaya ipinasyang gamitin na lang ang 600 cc motor bike para mabilis akong makarating.
“Ma'am Evie, ito po yung accomplishment report ng unit 509,” inabot ng isa sa mga admin niya na si Lynel, na isang binabae.
“Salamat, kamusta yung sa San Jose, Bulacan? Parang di ko nakita ang weekly report nila. May problema ba? tanong niya
“Wala naman po, Ma'am, nagkasakit lang yung anak ni foreman kaya di siya nakapasok at di naasikaso ang mga reports, pero nabisita naman po iyon noong Huwebes, at lahat naman maayos. May nagrereklamo lang na tenant kasi nag-decide si foreman na mag-overtime ang mga tao para matapos yung sa kitchen. Medyo may drills po kasi eh. Tinapos lang nila. Gusto na po kasing lumipat agad ni Mrs. Smith at parating na daw yung AFAM niya” report ni Lynel
“Okay, make sure na quality yung gawa nila. Ayaw kong mapahiya kay Mrs. Smith, ang laki pa namang magpaayuda nun,”pabirong sagot ko.
“Eh yung anak ni foreman, kumusta? Nakalabas na ba ng hospital? Pakiassist na lang, put in my tab. And also padalhan mo ng sweets yung tenant na nagrereklamo, babae ba? Tanong ko.
“Ay hindi Ma’am, it’s a boy,” patawa nito.
“Sige, ako na lang, daanan ko siguro mamaya after work.” sagot nito
“Akin na yung plano sa San Jose” utos nito
“Kunin ko lang po,”nagmamadaling tumungo sa kanyang mesa para hanapin ito.
Pagkatapos busisiin ang ilang dokumento at pirmahan ang mga papel, nag-log off na rin ako sa aking computer. Inayos ko na ang sarili ko para tumungo sa SJDM. Dumaan muna ako sa liquor store at bumili ng mga prutas sa daan. Mabuti na lamang at maraming tindahan sa babaybayin niyang kalsada. Mabilis akong nakarating sa unit ni Mrs. Smith 403. Kinatok ko ang unit 402. Lumabas doon ang isang lalaking nasa 50s, pagtatantiya ko. Malaki ang tiyan, balbasarado, at mukhang may kasungitan.
“Yes? Tanong nito.
“Hi po, ako po si Evie. Ako po ang nag-handle sa renovation sa unit ni Mrs. Smith.”
Ang ganda ng ngiti niya sa akin. Na halos matulala ang lalaki . Pero dahil sa karakter nito at sa walang inferiority, taas-noo itong nagreklamo pa rin sa akin.
“Ah, ikaw ba. Sabihan mo ang mga tao mo, hatinggabi na, nag-iingay pa rin. Istorbo, natutulog na ang mga tao, I can stop the renovation if I want to” malakas na sagot na reklamo nito
Ang totoo, siniguradong soundproof ang unit ni Mrs. Smith; sadyang maselan lang ang kapitbahay niya sa konting ingay o vibration.
“Huwag naman po, we apologize po talaga. Don’t worry po, it won't happen again.” paliwanag niya
Inabot ko ang box ng alak na nabili ko at prutas sakaling hindi ito umiinom.
“Sir, pasensiya na po talaga. I hope na hahabaan ninyo pa po ang inyong patience sa amin. Konti na lang po at matatapos na ang renovation namin,” pakiusap ko.
“Well, ano pa ba ang magagawa ko? Thank you for this. Maganda ang taste mo. Siguro dahil sa maganda ka din.” pagdiga nito
Nakahinga na ako nang maluwag, at pagkatapos, nag-check na ako sa unit ni Mrs. Smith. May mga natirang tao na naglilinis pagkatapos magtrabaho.
Nasabi ko sa sarili ko. “All good,” napangiti ako na may pagkakuntento.
Naghanda na ako para makauwi. Pasakay na ako ng motor at inaayos ko na ang helmet ko para isuot. Biglang narinig ko ang tinig ng isang pamilyar na boses.
“Evie” tawag nito
Nilingon ko ito, isang lalaking naka-casual na polo at maong. Ang ganda ng ngiti nito sa akin.
“Carlo, anong ginagawa mo dito? Tanong ko.
“I went to your office, kaso wala ka na daw. Kaya, I ask kung saan ka pupunta kaya ibinigay nila. Kaya ito ako.” itinuturo niya ang kanyang sarili
Hindi ko maiwasang mapagmasdan ang kanyang buong katauhan. At napangiti ako nito.
“At bakit naman, Mr. Madrigal?”tanong ko.
“Actually, I was worried sick. I’m checking if ok ka na talaga. I guess yes, you seem ok na.” saad nito
“Thanks to you.” pasasalamat ko
“Uy, first time kong makarinig ng maganda sa iyo ah. Kinikilig ako.” pagbibiro nito
“Grabe ka naman, siguro laging wrong timing lang, that’s why,” sagot ko.
“Siguro nga, at nagsisisi na ako.” sagot ni Carlo
“Evie, may malapit na coffee shop dito. If you like, puede tayong magkape? tanong ni Carlo
Tiningnan ko ang relo ko. Nag-isip muna ako, pero dahil sa pag-aalaga sa akin nito noong isang gabi, hindi ko na ito tatanggihan.
“Sige.”sagot ko.
Hinintay niyang makasakay ako sa motor ko. At nagtungo na kami sa coffee shop.
Chapter 66Evie’s POV“Huwag... huwag mo akong iwan!”Halos mawalan ako ng boses sa kakasigaw.Nakapaluhod ako sa sementadong kalsada habang yakap-yakap ko ang duguang katawan ni Kuya Oswald. Nanginginig ang mga kamay ko habang pilit kong tinatakpan ang sugat niya gamit ang punit kong damit.“Kuya... pakiusap... huwag kang matulog...”Ngunit ang lalaking kanina lamang ay matapang na ipinagtatanggol ako ay unti-unti nang nawawalan ng lakas.Samantala, ang taong naging dahilan ng lahat...Si Marco.Tumakbo palayo.Hindi man lamang niya ako nilingon.Hindi man lang niya sinubukang tulungan ang kuya ko.Takot na takot siyang mahuli.Takot na managot.Iniwan niya akong mag-isa sa pinakamadilim na sandali ng buhay ko."Marco!"Humagulgol akong muli."Bumalik ka!"Pero tuluyan na siyang naglaho.Mas masakit pa roon...Maraming tao ang nakapaligid sa amin.May mga nakatingin lamang.May mga nagbubulungan.May mga nagvi-video pa gamit ang kanilang cellphone.Ngunit...Walang lumapit.Walang tu
Chapter 65Evie's POV"Bitawan mo siya!"Parang kulog ang boses ni Carlo nang bigla niyang sunggaban si Marco sa kuwelyo. Sa isang malakas na hila, naialis niya ito sa harap ko bago pa man ako muling maabot ng mga kamay nitong ayaw kong maramdaman kahit kailan.Napasubsob ako sa sahig habang nanginginig ang buong katawan ko.Hindi pa man ako tuluyang nakakahinga ay nagbanggaan na ang dalawang lalaki.Bam!Tumama ang kamao ni Carlo sa mukha ni Marco.Pero mabilis din itong nakabawi.Isang malakas na suntok ang gumanti kay Carlo.Nagkabalyahan sila sa sala ng condominium.Para silang dalawang mababangis na tigre na parehong handang mamatay upang manaig.Nagbagsakan ang mga upuan.Nabasag ang center table.Lumipad ang mga dekorasyon sa dingding.Ang buong unit ay napuno ng ingay ng kanilang paghaharap."Carlo!""Marco!""Tama na!"Halos mapunit ang lalamunan ko sa kakasigaw."Wag!""Tama na!"Pero para bang wala silang naririnig.Nawala na sa kanila ang paligid.Tanging galit na lamang a
Chapter 64Evie's POVTuwang-tuwa si Carlo nang ibalita niya sa akin na napakaganda ng naging feedback ni Mr. Devon sa sampung condominium units na ipinarenovate nito sa amin. Halos hindi ito mapakali sa saya habang ikinukuwento sa akin ang lahat."Honey, sobrang impressed si Mr. Devon. Sabi niya, hindi niya inaasahang ganito kaganda ang kalalabasan. At alam mo ba? Irerekomenda pa raw niya tayo sa mga business partners at mga kaibigan niya."Napangiti ako. Hindi lang dahil sa bagong project na posibleng dumating, kundi dahil ramdam ko kung gaano kasaya si Carlo sa bawat tagumpay ko. Hindi niya kailanman inangkin ang credit. Lagi niyang ipinagmamalaki ang trabaho ko."Honey," natatawa kong sabi, "dapat may komisyon ako diyan ha.""Oo ba. Ikaw pa. Kahit kalahati pa ng kita ibigay ko sa'yo."Napailing ako habang natatawa.Pambihira rin talaga itong CEO na ito... nanghihingi pa ng komisyon sa sarili niyang recommendation.Napuno ng tawanan ang usapan namin.Ilang oras ang lumipas ay tumaw
Chapter 63Carlo’s POVHindi ko pa rin maalis sa isip ko ang naging reaksiyon ni Evie nang minsang mapag-usapan namin ang tungkol sa pagmimina ng ginto.Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa alaala ko ang pagbabago ng ekspresyon niya noong araw na iyon. Mula sa masayang pakikipagkuwentuhan ay bigla siyang natahimik. Ang mga mata niyang laging puno ng sigla ay tila nabalot ng takot at sakit na hindi niya maitago.Parang may sugat na bigla kong nasagi nang hindi ko namamalayan.Maraming beses kong naisip na tanungin siya.Maraming beses kong gustong alamin ang dahilan.Ano ba ang mayroon sa pagmimina at bakit ganoon na lamang ang naging epekto nito sa kanya?Ngunit sa bawat pagkakataong bubuksan ko na ang usapan, may kung anong pumipigil sa akin.Takot.Hindi takot na baka magsinungaling siya.Kundi takot na baka ang katotohanang matuklasan ko ay hindi ko kayaning tanggapin.Paano kung may taong nasaktan?Paano kung may nawala sa kanya?Paano kung ang pagmimina ang dahilan kung bakit hang
Chapter 62Evie’s POVPagpasok ko sa unit, agad kong isinara ang pinto.Click.Parang kasabay ng tunog na iyon ay tuluyan nang bumigay ang matagal kong pinipigilang emosyon.Napasandal ako sa pinto.Unti-unti akong naupo sa sahig habang mahigpit na niyayakap ang sarili.At tuluyan na akong umiyak.Hindi ko na mapigilan.Akala ko...Matagal ko nang nalibing ang lahat ng alaala.Akala ko, matapos ang pitong taon, natuto na akong tanggapin ang lahat.Pero nagkamali ako.Sa isang salita lamang...Mining.Parang may malaking kamay na muling dumukot sa puso ko at piniga iyon nang buong lakas.Si Carlo...Gusto rin niyang mag-invest sa pagmimina.Hindi ko siya maaaring diktahan.Wala akong karapatang pigilan ang mga pangarap niya.Pero bakit ganoon?Bakit ang dalawang lalaking pinakamahal ko sa buhay...Parehong nahumaling sa pagmimina ng ginto?Ano bang mayroon doon?Kayamanan?Kapangyarihan?O isang sumpang unti-unting lumalamon sa mga taong lumalapit dito?Napapikit ako.At muli kong nari
Chapter 61Carlo’s POVNapakasarap sa pakiramdam na kasama ko si Evie.Hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ko man lang siya nakakausap. Kahit simpleng tawag lang sa telepono, isang maikling video call, o kahit isang "Good morning" at "Have you eaten?" sapat na iyon para gumaan ang buong araw ko.Nakakatawa nga dahil dati, trabaho lang ang umiikot sa isip ko. Ang pinakamahalagang sukatan ng tagumpay para sa akin ay kung gaano kalaki ang kinita ng kumpanya, kung ilang proyekto ang naisara, at kung gaano kabilis lumago ang negosyo.Pero ngayon...Isang ngiti lang ni Evie ang kayang higitan ang lahat ng iyon.Siya ang naging pahinga ko sa gitna ng magulong mundo ng negosyo.Siya ang naging tahanan ng puso kong matagal na ring naligaw."Mahal na mahal ko na talaga ang babaeng ito."Hindi ko na kailangang ikaila pa.Si Evie ang babaeng bumago ng buhay ko.Hindi niya ako binago sa pamamagitan ng pamimilit.Unti-unti niya akong tinuruan kung paano maging mas mabuting tao.Mas responsable.
Chapter 5Carlo’s POVHinintay kong makasakay si Evie sa motor niya. Humanga na naman ako dito dahil bihirang may makilala siyang ganito kagandang babae , pero isang rider ng big bike, walang pakialam sa hitsura at sa sasabihin ng mga tao. Hindi katulad ng mga babaeng nakilala na niya, mga sophis
Chapter 3Evie’s POVBiyernes alas 7:00 ng gabi, sa wakas pumayag si Mr. A.B sa isang friendly meeting. Hindi ko alam ang buong detalye, pero bigla akong minessage ni Ms. A at nag-arrange agad ng meeting.Magkahalong damdamin ang nararamdaman ko noong araw na iyon. “This is it” ang sabi ko sa sar
Chapter 2Evie’s POVDalawang linggo ang makalipas mula ang charity event.Rush hour, napakadaming tao sa station ng MRT. Nasa West Avenue ako patungo sa Shaw Blvd. Ang haba ng pila. Naubos na pala ang laman ng Beep Card ko. Wala na akong nagawa. Kailangan ko na talagang pumila at makipagsiksikan
Chapter 1Evie Gutierrez POVHinding-hindi ko malilimutan ang mga nangyari limang taon na ang nakakaraan.Bumuhos ang napakalakas na ulan at ayaw tumigil nito. Kasabay ng pagpatak ng mga luha ko. Walang nakakarinig sa paghiyaw ko ng pagmamakaawa. Walang may pakialam sa mga salitang lumalabas sa bi







