Share

RED HAVEN, TOUCHED BY A BILLIONAIRE
RED HAVEN, TOUCHED BY A BILLIONAIRE
Author: Ely

Tragedy

Author: Ely
last update Petsa ng paglalathala: 2026-04-23 05:56:52

Chapter 1

Evie Gutierrez POV

Hinding-hindi ko malilimutan ang mga nangyari limang taon na ang nakakaraan.

Bumuhos ang napakalakas na ulan at ayaw tumigil nito. Kasabay ng pagpatak ng mga luha ko.  Walang nakakarinig sa paghiyaw ko ng pagmamakaawa. Walang may pakialam sa mga salitang lumalabas sa bibig ko.

Hatak hatak ako ni Marco papalabas ng bahay namin.  

“Sumakay ka na Evie, bilisan mo,” utos niya.

“Sandali lang, Marco. Mag-usap muna tayo,” pakiusap ko.

“Huwag ka nang lumingon pa.  Wala na tayong oras. Kailangan na tayong makaalis dito,” sigaw niya.

Pagkatapos, maisakay niya ako sa sasakyan.  Pinaandar na niya ito nang napakabilis. Mababanaagan sa mukha niya ang pagkalito at pagkatakot.

Narinig ko na lamang na may napakalakas na busina ng sasakyan na sumusunod sa amin.  Sasakyan iyon ni Kuya Oswaldo, humahabol sa amin.

“Marco, ang kuya humahabol.  Huminto ka muna. Ano ba?” pakiusap ko sa kanya.

Dahil sa pakiusap ko. Unti-unti niyang binagalan ang pagandar ng sasakyan.  Huminto kami.

Kinakatok ni Kuya Oswaldo ang salamin ng sasakyan at pilit na pinalalabas kami.

“Lumabas ka diyan, Marco.”utos nito.

Hindi siya tumitigil sa paghampas sa sasakyan.  Binuksan ni Marco ang sasakyan. 

Hinawakan ni Kuya ang kuwelyo niya. At inilabas ito sa pinto.  Sinuntok niya ito at galit na galit siya.

“Saan mo dadalhin ang kapatid ko, Marco? Nahihibang ka na ba.  Hindi kayo puwedeng tumakas?” sabi niya.

“Pabayaan mo na kami, lalayo na kami dito.  Walang puwedeng magpahiwalay sa amin.  Mahal na mahal ko si Evie,” sagot niya.

“Pero hindi sa ganitong paraan; walang maidudulot na mabuti ang pagtakas ni Marco.  Kailangang harapin niyo ito,” paliwanag niya.

“Hindi mo naiintindihan, hayaan niyo na kami,”pakiusap nito.

Sa hindi inaasahang dahilan ay may mga dumating na mga grupo ng mga tao, mang-uumog.  Napakarami nila.  Halos di ko mabilang. Kinuha nila si Marco at pilit na dinadala sa kanilang sasakyan.  Umaawat si Kuya Oswald at nakikiusap sa kanila.  

“Huwag ka nang makialam dito, Oswaldo. Napakalaki ng atraso ng pamilya nito sa amin,” sabi ng isa sa mga taong naroroon.

Nakita kong may mga baril silang hawak at itinutok na kay Marco.  Pero nagpumiglas at nakatakas ito.  Narinig ko na lang na napakalakas ng tunog ng baril. 

Bang!  Isang putok lang, pero nakakabingi ito. Dali-dali ay  lumabas na ako ng sasakyan .  

“Marco!”  Pag-aalala kong nasabi.

Pagkakita ko sa madilim na kalsada, may nakahandusay na.  

Hindi is Marco. Kundi, ang  Kuya Oswaldo.

Nabaril nila ang Kuya.  Humihingi ako ng saklolo sa bawat isa na naroon, pero walang ni isa ang nagbigay ng tulong. 

Makalipas ang ilang 5 taon.

Habang ang lahat ay nagkakasiyahan sa isang event na may magandang musika at mga pagkain, ang alak na may mataas na kalidad na inihahain lamang sa mga matataas na katayuan sa buhay. 

At ang mga naroroon ay nag-uusap tungkol sa kanilang mga negosyo, politika, karangyaan at katanyagan. 

Pero napansin kong napatigil ang lahat nang pumasok ako.  Nakasuot ako ng pulang gown na mahaba. Kapansin-pansin, may hati sa tagiliran ng bahagi ng aking  hita.  Pinili kong nakalaylay ang mahaba at itim kong buhok.

Narinig kong sinasabi nila.  “Sino ang napakagandang babaeng ito?” Ang iba sa mga babae na naroroon ay may pagkainis na naiinggit sa akin at para sa mga kalalakihan naman ay isa akong  magandang tanawin.

Dahan-dahan akong  naglakad patungo sa isang direksiyon at nakatitig sa isang lalaking matangkad at matipuno, masasabing may magandang katayuan sa lipunan at kilalang mayaman at maimpluwensiyang pamilya, si Carlo Madrigal.

Nakangiti rin ito sa akin na may pananabik habang ako ay papalapit sa kanya.  Pero biglang may narinig akong tinig ng isang babae na tumatawag sa akin. 

“Evie, dito….”

Napatingin  ako sa direksiyong iyon, isang babae na nakasuot na berdeng gown at mukhang matalino.  Dali-dali akong umalis sa harap ni Carlo at lumapit sa babaeng tumawag sa akin.

“Bakit ka lumalapit kay Mr. Madrigal?” ang sabi ni Lida.

“Ang sabi mo kasi, pagdating ko, hanapin ko yung matangkad na lalaki na nakasuot na royal blue na suit,” sagot ni Evie.

"Mafrigal?" tanong ko.

“Sorry, Evie, nagkamali ako; itim na suit pala ang suot ni Mr. Bernaldez. Iyan kasi ang sinabi ni Ms. A, kakamessage niya lang biglang nagbago ang isip ng boss niya at ngayon lang nag-update, kaso hanggang ngayon hindi pa dumarating,”paliwanag nito. 

Biglang may mensaheng dumating kay Lida. Binasa niya ito.

“Sorry, he’s not coming…” viber message ni Ms. Aika, executive secretary ni Mr. Bernaldez.

“Nakakaloka naman ito, sayang yung damit ko,” sambit ni Lida na may pagkainis.

Evie, di na raw pupunta si Mr. Bernaldez.

“Anong gagawin natin ngayon?” tanong ko.

“I suggest we make connections, dating gawi,” sagot ni Lida

“Alright, let's do this,” sagot ko naman

“Fighting!”

“Yes. Fighting” pareho naming sinabi sa isa't isa.

Sa di malayong table mula sa akin, may matalas na madilim na tingin mula kay Carlo, nakatanggap siya na pang-iinis mula sa mga kaibigan

“Pare, napahiya ka dun ah, pero hindi naman halata” pang-iinis ni Mike sa kanya.

Ang lakas ng tawanan nila, palibhasay mayayaman, sila ay may mga awtoridad sa bulwagan at walang sinuman ang maaaring sumita sa kanila.

“No one can dare to do that to me,” inis na sagot niya.

“O siya, let's just drink to that, tanggapin mo na lang pare not all the time ikaw ang pogi” sagot ni Mike

Malakas na tawanan na naman mula sa mga kaibigan.

Mula sa malayo, pinagmamasdan niya ako, nag-iisip kung paano makakaganti. Nakita niyang magiliw na nakikipag-usap ako kay Mrs. Sanders , isang mayamang CEO na nagmamay-ari ng kilalang pharmaceutical company sa bansa. Napansin niyang maraming kalalakihan na nagbabasakaling lumapit sa akin at nag-aalok na na maisayaw ako sa hall. 

Biglang tumindig si Carlo mula sa mga babaeng nagnanais na mapalapit din sa kanya.

“Excuse me, girls,” ang walang pakialam na sinabi ni Carlo.

Lumapit siya kay Mrs. Sanders.  “Hi Tita Lois” bati ni Carlo.

“Hey Carlo, how are you, darling?” bati na may lambing ni, Mrs. Sanders

“I am good, Tita,” sagot niya rito, pero nakatingin sa akin.

“Have you met Evie?” Habang itinuturo ako.

“Well, iwan ko muna siya sa iyo.  I just saw Mareng Kit may paguusapan lang kami,” sabi ni Mrs. 

Sanders

“Sure, my pleasure, Tita,”sagot ni Carlo

May naramdaman akong  pagkaasiwa habang ibinibilin niya ako kay  Mrs. Sanders. Napipilitang akong ngumiti at walang nagawa kundi manatili sa kinauupuan ko.

“So, Evie, may I have this dance?” Pagaalok niya

Hindi ako umimik at hindi man lang tinitingnan si Carlo Madrigal.  Mukhang napakaantipatiko nito.

“Am I really not that appealing to you?” may pagkainis na sabi nito sa akin.

Hindi pa man din ako nakakasagot, kinuha na nito ang aking kamay, kasabay ng pagtayo nito sa akin sa kinauupuan ko.  

Nais ko pa man ding pumiglas, pero sa lakas ng lalaking nasa aking harapan ay wala na akong  nagawa. 

Habang naglalakad kami patungo sa dance floor, parang nahawi ang mga tao sa aming dinaraanan. Ang mga kalalakihang nanghihinayang at mukhang naging talunan sa lalaking nakakuha sa akin bilang isang  malaking gantimpala.  Dahil maisasayaw ako nito. Nagtaasan din ang mga kilay sa akin ng mga kababaihang gumugol ng maraming oras sa pagpapaganda at nagsuot ng kanilang branded gowns at de-kalidad na mga alahas na nagkakahalaga ng milyon-milyon.  Pero may nanalo na…

Ang romantikong musika ay nagpatahimik sa lahat, kami ay nagmistulang nasa spotlight ng gabing iyon.  

Mahigpit na hawak sa baywang at idinikit ni Carlo ang kanyang katawan sa akin. Inilagay ni Carlo ang kamay ko sa palibot kanyang leeg.  

Napatitig ako sa kanya, sa panlabas ay parang nanlalaban ako pero sa aking  kaloob-loobang bahagi ay napapahanga sa kagandahang nasa harap ko. Sino ba namang babae ang makakatanggi sa lalaking ito?  Pero gaya ng dati, napagdesisyunan kong pigilan ang aking damdamin at mag-focus sa isang bagay.

Sa isip ko, “Hindi ito ang ipinunta ko dito.”

Hindi ko na tinapos ang saliw ng musika at inilayo ko  ang katawan  ko sa kaniya.

“I am sorry, I have to go,” mahinang salita ko sa kanya.

Naiwang mag-isa si Carlo sa dance floor, na parang binuhusan ng napakalamig na tubig dahil sa pagkapahiya.  Pero ang di niya malilimutan ay noong nagkalapit ang aming mga dibdib at narinig niya ang malakas na tibok nito. 

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • RED HAVEN, TOUCHED BY A BILLIONAIRE   Threat and Security

    Chapter 85Evie’s POV“Ano ang ginagawa mo dito, Mitch?”Hindi ko napigilang magtanong nang makita ko siya sa harap ng bahay ko. Sa dami ng mga taong maaari kong makita sa araw na iyon, bakit naman siya pa? Parang kulang na lang ay biglang umulan ng yelo para tuluyan nang maging perpekto ang araw ko.“Yeah, anong ginagawa mo dito?” sabat din ni Lida habang nakataas ang kilay at nakahalukipkip.“Hindi kayo ang gusto kong makausap. Si Evie.”Aba! Ang kapal din talaga ng mukha niya. Kung makapagsalita, para bang siya ang may-ari ng lugar na pinasok niya. Hindi man lang nag-abala na bumati o magpakita ng kaunting paggalang sa mga taong naroon.“Aba, katalas ng dila nito, ha!” salita naman ni Aika na ngayon ay nagtataboy na rin ng inis sa mukha.Nakatingin lang si Mitch sa akin, taas ang baba at naghihintay ng sagot ko. Para bang inaasahan niyang agad akong susunod sa gusto niya dahil lamang sa personal niyang pagpunta rito.Hindi ko alam kung anong problema niya. Hindi ba puwedeng manahim

  • RED HAVEN, TOUCHED BY A BILLIONAIRE   Workmode

    Continuation Ended FeudEvie's POVPagdating ko sa opisina, halos hindi pa ako nakakababa ng sasakyan ay sinalubong na ako ng mga staff ko. Naroon ang mga engineer, architect, mason, karpintero, foreman, at iba pang empleyado.Para akong isang celebrity na matagal na nawala at biglang nagbalik.“Ma'am Evie!”“Welcome back, Ma'am!”“Miss na po namin kayo!”Natawa na lamang ako sa pagka-OA nila.“Grabe naman kayo! Ilang araw lang akong nawala, parang ilang taon na tayong hindi nagkita.”“Ma'am, iba po kasi kapag wala kayo,” sagot ng isa sa mga engineer.“Talaga? Ano ang pinagkaiba?”Nagkatinginan sila bago sabay-sabay na ngumiti.“Mas tahimik po.”Napakunot ang noo ko.“Excuse me?”“Joke lang po, Ma'am!”Nagtawanan ang lahat.May nagdala agad ng kape, may nag-abot ng sweets, at may naglinis ng mesa ko. Ang iba naman ay abalang inaayos ang mga tambak na plano at dokumentong nakapatong sa aking desk.May nagbukas pa ng bintana para makapasok ang sariwang hangin.Napailing ako habang nakan

  • RED HAVEN, TOUCHED BY A BILLIONAIRE   Ended Feud

    Ended FeudChapter 84Evie’s POVHindi ko alam kung paanong nagsimula.Madalas magkausap si Carlo at Andrew sa telepono. Laging may closed-door meeting ang dalawa, at kapag tinatanong ko naman si Carlo kung ano ang pinag-uusapan nila, sasabihin lamang niyang wala lang.Totoo kaya?Kung sa bagay, mas okay nga kung gayon. Dati-rati kasi, sa tuwing nagkikita sila, lagi silang may pinagtatalunan. Minsan, kahit simpleng bagay ay nagiging malaking argumento. Malamig ang pakikitungo nila sa isa't isa, at ilang beses ko nang nasaksihang muntik na silang magsuntukan.Kaya naman ngayon, hindi ko maiwasang magtaka.Mukhang nagma-mature na sila pareho.O baka naman may malaking bagay na silang pinagkakasunduan kaya pansamantala nilang isinantabi ang kanilang mga personal na alitan.Whatever it was, I hoped it would last.“Honey, ano ba iyang transaksiyon ninyo ni Andrew? Halos araw-araw mo nang kausap iyan ah.”Nakasandal ako sa sofa habang pinagmamasdan si Carlo na abala sa pagbabasa ng ilang do

  • RED HAVEN, TOUCHED BY A BILLIONAIRE   The Friends We Keep

    Chapter 83Evie’s POVNakatingin lang ako mula sa bintana, umuulan kasi nang araw na iyon.Tahimik akong nakatanaw sa labas habang pinagmamasdan ang mga patak ng ulan na tuloy-tuloy na bumabagsak sa salamin ng bintana.Dati-rati kapag umuulan, maraming masasakit na alaala ang bumabalik-balik sa akin.At isa na rito ang pagkamatay ni Kuya Oswald.Hawak-hawak ko siya, duguan.Habang nahuhugasan ng buhos ng ulan ang kanyang katawan na nakaratay.Hindi ko kailanman makakalimutan ang araw na iyon.Ang itsura niya.Ang dugo.Ang takot.At ang pakiramdam na kahit anong gawin ko ay hindi ko na siya maibabalik.Parang kahapon lang nangyari iyon.At ang sakit.Sakit.Sakit pa rin.Kasabay ng pagpatak ng ulan, sumabay din ang mga luha ko.Hindi ko na namalayan na basa na rin pala ang pisngi ko.Mabilis kong pinunasan ang mga ito.Ayokong makita ng kahit sino.Ayokong muling maging dahilan para mag-alala ang mga taong nasa paligid ko.Ayokong ipakita na kahit lumipas na ang panahon, may mga sugat

  • RED HAVEN, TOUCHED BY A BILLIONAIRE   He Remembers

    Chapter 82Evie’s POVPagkalabas ko ng hospital, nanatili muna ako sa bahay.Ayaw pa kasi akong papasukin ni Carlo sa opisina, kaya dinadala na lamang sa akin ang mga importante na dapat ko asikasuhin.Kahit nasa bahay lang ako, hindi ibig sabihin na wala na akong ginagawa. Halos buong araw akong nakaharap sa mga dokumento, sales report, emails at mga update mula sa kumpanya.Mula noong pumutok ang balita tungkol sa minahan, tila naging matamlay ang pagpasok ng malalaking mga kliyente.Nagaalala ako kasi maraming mga empleyado ang umaasa sa kumpanya.Hindi ko kayang isipin kung paano sila maaapektuhan kung tuluyang humina ang operasyon namin.Tanging maliliit na bagong kliyente na lang ang nagtitiwala.May mga loyal clients pa naman kami.At iyon ang pinanghahawakan ko.Nagkataon na wala pa ring mga approval ang mga proyekto. Marami ang naghihintay, marami ang nagdadalawang-isip, at ang ilan ay tuluyan nang umatras.Hindi ko sila masisisi.Kung ako rin siguro ang nasa lugar nila, mag-

  • RED HAVEN, TOUCHED BY A BILLIONAIRE   The Search Isn't Over

    Chapter 81Evie’s POV“Ano ito reunion?” magaang pagbibiro ni Lida.“Sino ba naman iyang gustong manakit sa inyo?”Nagkatinginan na lamang kami ni Carlo.“I have no idea,” sinabi ko na lang.Pero si Carlo, walang tigil siya kakapindot sa cellphone niya.Magkasalubong ang mga kilay at hindi mapakali.Halatang may iniisip siya.Paminsan-minsan ay napapatingin siya sa akin, pagkatapos ay muling babalik ang atensyon niya sa cellphone.Parang may hinihintay siyang balita.Parang may sinusubaybayan.At sa totoo lang, lalo lamang akong kinakabahan sa nakikita ko sa kanya.Hindi ko alam kung ano ang nangyayari.At higit sa lahat, hindi ko alam kung bakit parang lahat sila ay may alam na hindi sinasabi sa akin.Dumating si Andrew Bernaldez.Lumapit siya kay Carlo pagkatapos ay bumulong.Hindi ko marinig kung ano ang sinabi niya.Pero base sa ekspresyon ni Carlo, mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila.Mabilis niyang itinago ang cellphone niya.Parang ayaw niyang makita ko.“Close na sila?”Tan

  • RED HAVEN, TOUCHED BY A BILLIONAIRE   Dreaming

    Chapter 5Carlo’s POVHinintay kong makasakay si Evie sa motor niya. Humanga na naman ako dito dahil bihirang may makilala siyang ganito kagandang babae , pero isang rider ng big bike, walang pakialam sa hitsura at sa sasabihin ng mga tao. Hindi katulad ng mga babaeng nakilala na niya, mga sophis

  • RED HAVEN, TOUCHED BY A BILLIONAIRE   Grateful

    Chapter 4Carlo Madrigal’s POVBiglang humina ang tuhod niya, kaya dali-daling akong lumapit. Mabuti na lamang at nasalo ko siya.“Evie, are you okey?” may pagaalalang tanong ko sa kanyaNapaiyak na lamang siya. Maraming nakakatakot na pangyayari sa buhay niya ang bigla niyang naalala.“Don’t worr

  • RED HAVEN, TOUCHED BY A BILLIONAIRE   Chances Are

    Chapter 3Evie’s POVBiyernes alas 7:00 ng gabi, sa wakas pumayag si Mr. A.B sa isang friendly meeting. Hindi ko alam ang buong detalye, pero bigla akong minessage ni Ms. A at nag-arrange agad ng meeting.Magkahalong damdamin ang nararamdaman ko noong araw na iyon. “This is it” ang sabi ko sa sar

  • RED HAVEN, TOUCHED BY A BILLIONAIRE   Scaping from the Past

    Chapter 2Evie’s POVDalawang linggo ang makalipas mula ang charity event.Rush hour, napakadaming tao sa station ng MRT. Nasa West Avenue ako patungo sa Shaw Blvd. Ang haba ng pila. Naubos na pala ang laman ng Beep Card ko. Wala na akong nagawa. Kailangan ko na talagang pumila at makipagsiksikan

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status