Home / Romance / REMEMBER ME MR. BILLIONAIRE / Kabanata 23 - I Love You

Share

Kabanata 23 - I Love You

Author: Maryahuwana
last update Last Updated: 2024-01-27 14:35:26

Eloise's Point of View

Ilang mga hakbang ang aking ginawa papunta sa aking kwarto upang magpalit ng damit. Naiwan naman sa sala ang aking anak at si Elijah.

"Dito na po kayo matulog, daddy." Narinig kong usal ni Avery kay Elijah bago pa man ako tuluyang makapasok sa aking kwarto.

Saglit akong natigilan at bahagyang napalingon sa gawi ng aking mag-ama.

Hindi ko naman nagustuhan ang sinabing iyon ni Avery. Dalawa lamang ang aming kwarto at walang matutulugan ang lalaki.

Hindi naman pwedeng sa kwarto ng aking anak ito matulog dahil doon rin natutulog si Nicole.

Sinamaan ko nang tingin ang aking anak.

Agad naman itong nag-iwas nang tingin sa akin at saka sumiksik sa kanyang daddy.

Alam niyang galit ako pero patay-malisya lamang ito dahil naroroon ang kanyang ama. Pilit ko naman pinakalma ang aking sarili at humiling na sana'y hindi pumayag ang lalaki.

Napansin ko na natigilan din si Elijah ngunit agad din naman itong nakabawi. Kunwa'y nag-isip muna ito bago malapad na ngumisi sa ak
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Pricilla Legarte
Upload po!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • REMEMBER ME MR. BILLIONAIRE    Kabanata 27 - "Kailangan Mong Parusahan"

    Eloise's Point of View Magkahalong kaba at pag-aalala ang aking nararamdaman ngayon. Katatapos lamang nang aming pag-uusap ni Brynne sa telepono. Umiiyak ito dahil sa kanyang natuklasan. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang tungkol sa aking anak. Paano kung malaman niyang ako ang ina ni Avery? Tiyak na malaking gulo ito. "Oh ate, okay ka lang? Bakit tila namumutla ka diyan?" May pag-aalalang tanong sa akin ni Nicole. "O-okay lang ako, Nicole." Pilit kong pinapakalma ang aking sarili. Mabilis akong tumayo mula sa aking pagkaka-upo at tinungo ang aking kwarto. Nagtataka namang sumunod sa akin si Nicole. "Saan ka pupunta, ate?" Usisa nito nang maabutan niya akong nagbibihis. "May pupuntahan lang ako, Nicole. Pakisabi na rin kay Elijah na wag na nila akong intaying umuwi mamaya." Usal ko dito habang ina-ayos ko ang suot kong damit. Simpleng bestida lamang ang sinuot ko dahil doon ako mas kumportable. "Pero ate, alam ba ni sir Elijah kung saan ka pupunta?" Isang b

  • REMEMBER ME MR. BILLIONAIRE    Kabanata 26 - She is my daughter

    Third Person's Point of View"I love you too, Elijah." Ani ni Eloise sa kabilang linya.Malapad naman na napangiti si Elijah sa naging tugon ni Eloise. Tila isang musika iyon sa kanyang pandinig. Nararamdaman niyang unti-unti na rin nahuhulog sa kanya ang dalaga kaya naman hindi niya palalagpasin ang pagkakataon na iyon upang mabuo ang kanilang pamilya."Good morning, sir Elijah. Remind ko lang po ang appointment ninyo kay Mr. Sandoval mamayang Ala una." Ani ni Mary na bahagya lamang nakasilip ang kanyang ulo sa pintuan. Hindi siya nag-atubiling pumasok sa opisina dahil tila malalim ang iniisip ng kanyang boss kaya hindi nito narinig ang kanyang pagkatok. "Cancel mo na lahat ng meeting ko ngayon, Mary. Susunduin ko ang aking anak sa school niya mamaya." Walang ka emo-emosyong usal ni Elijah sa kanyang secretary.Bahagya namang nagtaka si Mary dahil sa kanyang narinig. 'Anak? May anak na pala si sir Elijah?' Usal ni Mary sa kanyang isipan.Hindi na nagtanong pa si Mary dahil natatako

  • REMEMBER ME MR. BILLIONAIRE    Kabanata 25 - Miss me?

    Eloise's Point of ViewNaramdaman ko ang kanyang dila na pilit pinaghihiwalay ang aking mga labi kaya naman inawang ko iyon ng bahagya.At tuluyan na nga niyang naangkin ang aking mga labi. Ang mga dila nito ay unti-unti nang nilalaro ang aking dila sa loob. Tila nawalan na ako nang lakas na pigilan siya dahil trinaydor na ako ng sarili kong katawan. Kusa na akong tumugon sa maiinit niyang mga halik. Mahigpit akong napayakap sa lalaki ng mas lumalim pa ang mga bawat halik nito. Kakaibang kiliti ang dulot ng mga halik niya na tila ba mawawala na ako sa aking sarili."Ahhmm.. t-teka lang." Pigil ko kay Elijah nang ipasok niya ang kanyang kamay sa loob ng aking damit. Sandaling bumalik ang aking katinuan dahil doon.Hindi dapat ako magpadala sa bugso ng aking damdamin.Kunot-noo naman na napatingin ang lalaki sa akin ngunit maya-maya ay napabuntong hininga na lamang ito."I'm sorry, Sweetheart. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko." Hinging paumanhin nito. "Matulog na tayo."Nakaramdam

  • REMEMBER ME MR. BILLIONAIRE    Kabanata 24 - Can I Kiss You?

    Eloise's Point of ViewAwang ang aking mga labing napatitig na lamang sa kanya. God! Seryoso ba siya? At sa harap pa ng aming anak sinabi."N-nagbibiro ka ba? Hindi mo naman kailangan sabihin iyon dahil gusto ng anak-" Napatigil ako sa aking sasabihin nang ilapat niya ang kanyang daliri sa aking bibig."Shhh.. I love you, baby." Mahinang bulong ni Elijah sa akin. "Mahal ko kayo ng anak natin." "Pero Mr. Montereal-" Hindi ako nakagalaw nang bigla niyang idampi ang kanyang mga labi sa aking mga labi. Mabilis lamang ang pangyayaring iyon ngunit nag-iwan iyon sa aking katawan ng libo-libong kiliti."Yey! Love nila mommy at daddy ang isa't isa." Kinikilig na usal ni Avery nang makita niyang hinalikan ako ni Elijah.Hindi ko naman mapigilan ang pamulahan ng pisngi dahil sa nakaramdam ako nang kaunting hiya."Love na love ka namin ng mommy mo, My Princess." Nakangiting usal naman ni Elijah saka mahigpit na niyakap si Avery. "Gusto mo bang makiyakap sa amin?" Baling naman nito sa akin.Wala

  • REMEMBER ME MR. BILLIONAIRE    Kabanata 23 - I Love You

    Eloise's Point of View Ilang mga hakbang ang aking ginawa papunta sa aking kwarto upang magpalit ng damit. Naiwan naman sa sala ang aking anak at si Elijah. "Dito na po kayo matulog, daddy." Narinig kong usal ni Avery kay Elijah bago pa man ako tuluyang makapasok sa aking kwarto. Saglit akong natigilan at bahagyang napalingon sa gawi ng aking mag-ama.Hindi ko naman nagustuhan ang sinabing iyon ni Avery. Dalawa lamang ang aming kwarto at walang matutulugan ang lalaki. Hindi naman pwedeng sa kwarto ng aking anak ito matulog dahil doon rin natutulog si Nicole.Sinamaan ko nang tingin ang aking anak. Agad naman itong nag-iwas nang tingin sa akin at saka sumiksik sa kanyang daddy. Alam niyang galit ako pero patay-malisya lamang ito dahil naroroon ang kanyang ama. Pilit ko naman pinakalma ang aking sarili at humiling na sana'y hindi pumayag ang lalaki. Napansin ko na natigilan din si Elijah ngunit agad din naman itong nakabawi. Kunwa'y nag-isip muna ito bago malapad na ngumisi sa ak

  • REMEMBER ME MR. BILLIONAIRE    Kabanata 22 - I don't care. Nobya Kita!

    Eloise's Point of ViewPagkalabas ko ng opisina ni Elijah ay nakita ko si Mary na namumugto ang mga mata. Halatang galing ito sa pag-iyak. Kanina lang ay pinagalitan siya ni Elijah kahit hindi naman niya sinasadyang makita ang ginagawa namin ni Elijah.Umangat ang tingin niya sa akin nang dumaan ako sa tapat niya. Nag-aalangan naman akong ngumiti dito.Lalagpasan ko na lamang sana ito ngunit mabilis niya akong tinawag."Ms. Eloise, gusto ko lang ho sanang humingi ng pasensya sa nangyari kanina. W-wala naman ho akong nakita." Nakayukong usal ni Mary."Huwag mo nang alalahanin iyon. At saka, kung ano man ang nakita mo kalimutan mo na lang 'yon." Mahinahon kong usal dito. Isang malapad na ngiti ang binigay ko dito bago ako umalis.Ilang sandali pa ang lumipas at hindi ko namalayan ang oras. Kailangan ko nang makauwi dahil tiyak na naghihintay na sa akin si Avery.Inayos ko muna ang aking sarili bago lumabas ng aking opisina.Nakita ko si Mary na nag-aayos na rin ng kanyang sarili. Nakang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status