Share

Kabanata 6 - Pagbabanta

Third Person's Point of View

"Oh! Fvck me harder, Elijah."

Ungol iyon ng babaeng nakilala ni Elijah sa bar. Anak ito ng isang mayor ngunit hindi niya inaasahan na wild pala ito pagdating sa kama. Hindi na nakapagtatakang hindi siya ang nakauna sa babae.

Kanina pa niya kaniig ang babae ngunit hindi pa rin siya nilalabasan. Hinigit niya paitaas ang babae upang magpalit sila ng pwesto. Ang babae na ngayon ang nasa ibabaw. Dahan-dahan nitong iginiling ang katawan hangang sa nagpaitaas-baba na ito sa kanyang ari.

"Uhg! That's it baby.." Unti-unting nabuhay muli ang kanyang pagkalalaki. "Aah.. fuck! It feels so good."

Mas lalo pang binilisan ng babae ang pagtaas-baba niya sa malaking ari ng lalaki. "Oh Elijah, hinding hindi ako magsasawang magpa-angkin sa'yo."

"Fvck! Lalabasan na ako." Napamura si Elijah. Hindi maikakailang mahusay ang babae pagdating sa kama. Ngunit katulad lamang ito ng ibang babae na matapos niyang gamitin ay iniiwan na niya.

"Aaahh.. lalabasan na rin ako, Elijah. Ugh!"

Ilang sandali pa ng kanilang pagniniig ay sabay nilang naabot ang kasukdulan.

"You're so hot, Sofia." Ani Elijah.

Pak!

Isang malakas na sampal ang natanggap ni Elijah mula sa babae. Umawang naman ang isang sulok ng kanyang labi.

"How dare you, Elijah. Ako ang kaniig mo pero ibang babae ang nasa isip mo." Galit na saad ng babae.

Mapakla niyang nginitian ang babae. Ilan na ba ang nakaniig niya simula ng umuwi siya ng Pilipinas. Hindi na niya mabilang. At isa doon ang babaeng kaharap niya ngayon. Ni hindi ko nga alam ang pangalan nito.

"Sino ka ba?" Walang ka emo-emosyon na tanong ni Elijah. Isinuot na niya ang kanyang pantalon. Wala siyang oras para sa drama ng babae.

Nag-init naman ang pisngi ng dalaga. Anak siya ng mayor kaya imposibleng hindi siya nito kilala.

"Brynne ang pangalan ko, Elijah. Tandaan mo yan!" Mabilis nang nagbihis ang babae. "Dahil may nangyari na sa atin, simula ngayon boyfriend na kita."

Dumilim ang kanyang paningin dahil sa sinabi ng babae. Hindi ang tulad ng babaeng ito ang gugustuhin niyang maging girlfriend. Isa pa, wala sa isip niyang seryosuhin ang mga babaeng naikama niya.

"Huwag mong bigyan ng malisya ang nangyari sa atin, babae. Hindi lang ikaw ang naikama ko. Isa pa, ikaw ang kusang lumapit sa akin. Pang kama ka lang!"

Halos sumabog naman sa galit si Brynne. Hindi siya makakapayag na pangkama lang siya ng lalaki. Matagal na siyang may gusto sa lalaki kaya naman noong nakita niya ito sa bar na lasing na lasing ay ginawa niya ang lahat para maakit ito.

"Alam mo naman anak ako ng isang mayor. Wala akong gugustuhin na hindi ko makukuha."

Kumuha ng isang sigarilyo si Elijah at sinindihan iyon habang pinagmamamasdan niya ang babae. Maganda naman ito at sexy. Ngunit hindi niya gusto ang babae.

Marahas niyang ibinuga ang usok sa harap ng babae. "Hindi mo rin ako kilala, kaya wag mo akong susubukan. Kilala ko ang baho ng iyong ama."

Sandaling natigilan si Brynne, ngunit hindi ito nagpasindak sa lalaki. Lihim niyang naikuyom ang kanyang mga kamay. Hindi niya akalain na napaimbestigahan na agad ng lalaki ang kanyang ama. Mukhang hindi niya kayang takutin ang lalaki. "Maghahabol ka din sa akin, Elijah Montereal, sinisigurado ko yan sa'yo!"

"Good luck! Makakaalis ka na!" Walang ka emo-emosyon saad ni Elijah.

Galit naman lumisan ang babae sa kanyang condo.

****

"Bro, Hindi ko alam na naka-uwi kana pala ng Pilipinas, kung hindi ko pa nabalitaan kay Rheigh hindi ko pa malalaman." Nakangising bungad ni Logan kay Elijah.

Kunot-noo na napatingin si Elijah sa lalaking kapapasok lamang ng kanyang opisina. Si Logan iyon, ang kanyang pinsan. Balita niya ay broken-hearted ito matapos siyang iwanan ng isang babae.

"What's bring you here? I'm busy." Masungit na saad ni Elijah.

"Whoa! Ipinagtatabuyan mo ba ako, bro?" Kunwa'y nagtatampong tanong ni Logan sa kanya. "Sayang, may balita pa naman ako tungkol kay Sofia."

Napaangat naman ang tingin ni Elijah kay Logan. Pagdating kay Sofia ay wala siyang pinalalagpas.

"Ano ang tungkol sa kanya?" Nakataas ang kilay na tanong ni Elijah.

Natatawa naman si Logan sa naging reaksyon ng kanyang pinsan. Hindi pa rin ito nagbabago. Patay na patay pa rin sa babae.

"Hiwalay na sila ng asawa niya."

Nagulat naman si Elijah. Hindi niya inaasahan ang balitang iyon. Kung gayon, may pag-asa na ulit siya kay Sofia.

"Huwag mong sabihin na makikipagbalikan ka pa sa kanya bro?" Saad ni Logan. Hindi naman sa ayaw niya kay Sofia para sa kanyang pinsan ngunit nakasisiguro siyang may makikilala pa itong mas higit sa babaeng iyon.

Natigilan naman si Elijah. Mahal niya si Sofia ngunit hindi na katulad ng dati, nabawasan na iyon simula noong nakilala niya ang isang babae sa isang bar sa Canada.

Hindi niya makalimutan ang babaeng iyon pati na rin ang gabing kanilang pinagsaluhan. Pinipilit niyang kalimutan iyon sa pamamamgitan ng makikipagtal*k sa iba't ibang babae ngunit maging sa kanyang panaginip ay naroroon pa rin ang dalaga.

"Bakit hindi? Wala na naman siyang asawa." Seryosong saad ni Elijah.

Hindi naman makapaniwala si Logan. Hindi niya akalain na tatanggapin pa rin ng kanyang pinsan ang babae sa kabila ng ginawa nito sa kanya.

"Iba ka talaga, bro!" Nakangising saad ni Logan. "Mukhang mabisa ang ipinakain niya sa iyo."

Binigyan naman ng masamang tingin ni Elijah si Logan.

Nakangiti namang sumusuko si Logan sa kanyang pinsan.

Maya-maya pa ay kumatok ang kanyang secretary. "Sir Elijah, hinahanap ho kayo ni Ms. Brynne. Papapasukin ko po ba?"

Isa pa niyang problema ang babaeng iyon. Mukhang hindi talaga siya nito titigilan. "Pakisabi may mahalaga akong meeting ngayon, bumalik na lang kamo siya sa ibang araw."

Tumango lang ang secretary at umalis na ito.

"Whoa! Hanep ka talaga bro. Ano bang anting-anting ang gamit mo at lapitin ka ng chicks?" Nagbibirong tanong ni Logan.

Napailing na lamang si Elijah. "Puro na lang kalokohan ang nasa isip mo kaya naman iniiwan ng babae."

Natawa naman ng malakas si Logan. Tila hindi ito naapektuhan sa kanyang sinabi.

'May mali ba sa sinabi ko?' Sa isip-isip ni Elijah

"Bro, baka nakakalimutan mo, parehas lang tayong iniwan." Natatawa pa rin saad ni Logan.

Isang malamig na tingin ang ibinigay ni Elijah kay Logan. Hindi niya gusto ang tabas ng dila nito. "Makakaalis ka na!"

Napawi naman ang tuwa sa mukha ni Logan. Mukhang seryoso na ang kanyang pinsan. "Relax lang, bro! Aalis na rin naman ako eh."

Hindi naman siya pinansin ni Elijah dahil nakatuon na ang atensyon nito sa mga papeles.

Bogsh!

Sabay silang napatingin ng biglang bumukas ang pintuan.

Ang galit na si Brynne ang nagbukas niyon. Habang ang kanyang secretary ay halos mamutla naman sa kaba.

"Pasensya na sir, mapilit ho siya. Nagwawala ho kase siya sa labas."

Sinenyasan naman ni Elijah ang kanyang secretary na umalis na ito at siya na ang bahala sa babae.

"Anong ginagawa mo dito, babae?" Mariin na saad ni Elijah. Marami pa siyang gagawin ngayon kaya hindi siya pwedeng maabala.

Biglang lumabot naman ang mukha ni Brynne. Hindi niya gustong gumawa ng gulo doon. Nais lamang niyang makita ang lalaki. Namimiss na agad niya ito.

Mabilis na lumapit ang dalaga kay Elijah at marahas niyang hinalikan ang lalaki. Hindi siya nahiya kahit na may ibang taong naroroon sa opisina ng lalaki.

"Whoa! Get a room, bro!" Nakangiwing saad ni Logan.

Marahas namang itinulak ni Elijah si Brynne. Halos tumalsik ito, mabuti na lamang at nakakapit ang babae sa upuan na naroroon.

"Baby, hindi mo ba ako namimiss?" Lumapit siya ulit sa lalaki upang yakapin ito. "Miss na miss na kasi kita."

"Pwede bang lumayo ka sa akin, kung ayaw mong ipakaladkad kita sa guard!" Galit na asik ni Elijah.

Hindi niya inaasahan na baliw ang babaeng ito.

Si Logan naman ay napailing-iling na lamang. Naupo siya sa sopa at matamang pinanuod ang dalawa. Ngayon lang siya nakakita ng babaeng mas desperada pa kaysa kay Vera.

"Elijah, baby.. please! Huwag mo naman akong ipagtabuyan. Ayaw mo ba akong makita?"

Napahawak na lamang si Elijah sa kanyang ulo. Baka hindi na siya makapagtimpi kung hindi pa aalis ang babaeng ito.

"Get out!" Ani Elijah sabay turo nito sa pintuan.

Halos mamula naman sa inis ang dalaga. Napahiya siya sa tinuran sa kanya ni Elijah. Hindi niya akalain na ipagtatabuyan siya nito. Napansin naman niyang nagdidilim na ang paningin ng lalaki, kahit paano ay nakaramdam siya ng takot dito. Wala siyang nagawa kundi ang umalis doon.

"Hindi mo na ako kailangan ipagtabuyan. Aalis na ako. Tandaan mo ito Elijah, makakahanap ka din ng babaeng magpapaiyak sayo." Hindi siya makakapayag na bastusin na lamang ng lalaki. Kahit paano ay isa sa tiningila ang kanilang pangalan.

"Hindi ko alam na ang anak ng mayor ay baliw na baliw sa'yo? Sabagay, maganda naman siya at sexy." Natatawang saad ni Logan pagkaalis ng dalaga.

Binalingan ni Elijah si Logan. Isa pa itong istorbo sa kanyang trabaho. "You.. Get Out!"

Nakangising tumayo na si Logan. Mukhang wala sa mood ang kanyang pinsan.

"Ito na. Aalis na, bro!" Sumisipol-sipol pa ito habang palabas ng opisina.

Pagkaalis ni Logan ay kinuha ni Elijah ang kanyang cellphone.

"Kumusta ang pinapagawa ko sa iyo? Nahanap mo na ba?" Saad niya sa kanyang kausap sa kabilang linya. Isa itong detective. Pinapahanap niya ang babaeng nakilala niya sa bar. Hindi niya makontak ang numerong ibingay nito sa kanya kaya ipinahanap na lang niya ito.

"Hindi pa boss, walang trace ng babae kahit saan. Wala din nakakakilala sa babae sa bar na iyon. Mukhang hindi na rin siya pumunta doon."

Halos mapamura naman ang lalaki. Lumiliit ang pag-asa niyang makita ang babae. Si Lynnox na lamang ang pwede niyang mahingan ng tulong dahil malawak ang koneksyon nito sa Canada. Ngunit hindi ito papayag na walang malaking kapalit.

"Pwes! Huwag kayong tumigil hanggat hindi ninyo siya nahahanap." Galit na ibinagsak niya ang kanyang cellphone.

Ilang minuto na ang dumaan ay nakatitig lang sa kawalan si Elijah. Hanggang sa tumunog ang kanyang cellphone hudyat na may nagmessage dito.

'Magkita tayo. Hihintayin kita sa dati nating tagpuan.' -Sofia

Kailan pa ito umuwi ng Pilipinas?

Mabilis niyang kinuha ang kanyang coat at mabilis na pinuntahan ang babae.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status