Share

Kabanata 5 - Paghihinala

Eloise's Point of View

Isang buwan na ang nakalilipas simula nang makipaghiwalay ako kay Atticus. Patuloy lang ang bawat araw ko ng hindi siya iniisip.

"Eloise, sama ka? Buong department natin pupunta mamaya diyan sa malapit na bar." Eksayted na saad ni Aurora sa akin.

Umiling-iling ako. Isang linggo nang masama ang aking pakiramdam. Kaya mamaya ay dadaan ako ng hospital upang magpacheck-up.

"Hindi ako makakasama, pupunta ako ng hospital mamaya. Isang linggo na kasing masama ang pakiramdam ko."

Tumaas naman ang isang kilay ni Aurora pagkatapos ay humalukipkip ito sa harapan ko.

"Masyado ka kasing subsob diyan sa trabaho mo, mag-enjoy ka din girl paminsan-minsan."

Tama si Aurora. Masyado akong naging subsob sa trabaho. Sinadya ko iyon dahil gusto kong makalimutan ang ex-boyfriend ko.

"Sa susunod sasama na ako, promise." Nakangiti kong saad kay Aurora.

Sa totoo lang, ayaw ko nang bumalik ulit sa bar. Oo. Masaya at nakaka-enjoy ngunit muntik na akong mapahamak sa isang matandang lasing. Mabuti na lang at may lumapit na lalaki sa akin upang tulungan ako.

Ngunit hindi ko inaasahan na maibibigay ko ang aking sarili sa estranghero na lalaking iyon.

Hanggang ngayon ay wala pa rin nakakaalam tungkol sa nangyaring one night stand sa amin ng lalaki. Wala akong ibang pinagsabihan.

Napailing-iling na lamang ako nang maalala ko ang lalaki at ang gabing aming pinagsaluhan. Lasing ako noong mga panahong iyon ngunit naalala ko pa ang bawat detalye ng aming pagniniig ng lalaki.

"Sige na nga. Basta sa susunod sumama ka sa amin, hah?"

Tumango na lamang ako dito bilang pagsang-ayon. Si Aurora naman ay bumalik sa kanyang pwesto at hindi na ako pinilit pa.

Ilang saglit pa ang dumaan. Mas lalong sumasama ang aking pakiramdam. Nakararamdam ako ng hilo. Marahan kong hinilot-hilot ang aking sintido.

"Are you okay, Ms. Eloise?"

Tanong sa akin ni Mr. Ford, ang may-ari ng kumpanya. Nakita ako nitong halos masubsob na ako sa aking lamesa nang mapadaan ito sa aking pwesto.

"Y-yes, Boss." Pilit kong pinakalma ang aking boses. Ayaw kong isipin nitong hindi ko ginagawa nang maayos ang aking trabaho.

"But you look pale."

Halata sa mga mata ng lalaki ang pag-aalala. Ngunit hindi ko iyon binigyan nang malisya. Malamang nag-aalala siya dahil empleyado niya ako.

"I'm fine, boss." Nakangiti kong saad dito.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang umalis na ito.

"Uy! Girl. Mukhang concern sayo si boss pogi. Siguro, type ka niya."

Halos masamid naman ako sa sinabing iyon ni Aurora. Imposible ang sinasabi nito.

"Ano ka ba! Baka may makarinig sayo. Bigyan nila nang malisya." Saway ko kay Aurora. Madalas pa naman pasmado ang bibig nito.

Saka paanong magkakagusto sa akin ang boss namin? Isang hamak lamang akong empleyado nito.

"Hindi naman nila naintindihan ang pinag-uusapan natin eh." Nakangusong saad ni Aurora. Saglit itong tumahimik at tila may pilit na inaalala.

Hindi ko na lang pinansin si Aurora.

Napangiti naman ako ng lihim. Matagal ko ng crush si mr. Ford, ngunit hindi ko pinansin ang nararamdaman ko para sa kanya dahil sa boyfriend kong si Atticus.

Hindi naman nahuhuli si Mr. Ford kung pagwapuhan lang din ang pag-uusapan. Gwapo ito. May iilan pa nga na nagtangkang pikutin siya ngunit walang nagtagumpay.

"Pero alam mo, girl. Noon ko pa napapansin na iba 'yong trato niya sa'yo. Mas mahalaga ka sa kanya kaysa sa amin na empleyado din naman niya. Naalala mo, noong minsan nag-overtime tayo. Hinatid ka pa niya samantalang kami ay hinayaang maka-uwi mag-isa."

Biglang usal ni Aurora matapos nitong manahimik ng ilang minuto at halos malukot naman ang mukha niya.

Natawa naman ako nang maalala ko iyon. Nakiusap si Aurora na kung pwede rin siyang makisabay ngunit hindi siya pinayagan ni Mr. Ford.

"Huwag mong bigyan nang malisya ang kabaitan noong tao. Mabait lang si mr. Ford."

Hindi na naman ito nakipagtalo sa akin. Ngunit alam kong hindi ito nakumbinsido.

Nagpunta muna ako comfort room dahil pakiramdam ko ay masusuka ako. Pagkarating ko sa loob ay sinigurado kong walang ibang taong naroroon. Nilock ko ang pinto at tinungo ko ang lababo.

Halos maubos ko na ang aking kinain kaninang tanghalian dahil halos lahat ay naisuka ko na. Nang matapos na akong sumuka ay inayos ko muna ang aking sarili.

Nagdududa na ako sa aking nararamdaman. Isang linggo ng late ang aking regla. Ngunit kailangan kong makasigurado.

Nang makita kong maayos na ang aking hitsura ay lumabas na ako at bumalik na sa aking lamesa.

"Ms. Eloise, Mr. Ford needs you in his office, now."

Saad iyon ng assistant ni Mr. Ford.

Bigla naman akong kinabahan. Bakit kaya niya ako pinapatawag? Wala naman akong matandaan na nagawa kong kasalanan.

Nanginginig ang aking mga kamay nang kumatok ako sa kanyang pintuan. Nakabukas naman iyon kaya pumasok na ako.

"S-sir?" Nauutal kong tawag dito.

Nag-angat naman sa akin nang tingin ang lalaki. Pinaupo niya ako sa malambot nitong sopa.

"You can rest there. Finish your work tomorrow."

Awang ang mga labing napatingin ako sa lalaki. Nagbibiro ba ito? Hahayaan lamang niya akong maupo dito habang nagtatrabaho ang mga kasama ko?

"But sir-"

Pinutol nito ang iba ko pa sanang sasabihin. "I am your boss, you need to follow my order."

Wala na akong nagawa kundi ang sundin ang sinasabi nito. Masama talaga ang pakiramdam ko kaya kailangan ko talagang nakapagpahinga.

Lumapit ito sa akin at inayos nito ang sopa. Kanina ay pwede mo lamang itong maupuan ngunit ngayon ay pwede ka nang mahiga dito.

"Now, you can sleep there."

Magsasalita pa lamang ako ngunit mabilis na itong bumalik sa kanyang lamesa.

Pinagmasdan ko ang lalaki. Seryoso itong nakatutok sa mga papeles.

Nahihiyang humiga ako. Nang maramdaman ng aking katawan ang malambot na sopa ay nakaramdam ako ng antok.

Balak ko lang sana mahiga saglit pero hindi ko namalayan na mahimbing na pala akong nakatulog.

Nagising na lamang ako nang may mahinang tumatapik sa aking pisngi. Bumalikwas ako ng bangon nang makita ko ang mukha ng aking boss.

"B-boss, I'm sorry. I didn't realize that I fell asleep." Nahihiya kong paumanhin dito. Tiningnan ko ang aking orasan. Halos lumaki ang aking mga mata nang makit ko ang oras. Mag-aalas onse na ng gabi.

"I'm sorry if I woke you up from your deep sleep, but we have to go home." Mukhang inaantok na rin ito.

Sabay na kaming bumaba ng building. Wala ng mga tao roon. Tanging kami na lamang ang naiwan. Nakayuko lamang ako habang naglalakad. Walang gustong magsalita sa amin.

Nakakahiya.

Pagkarating namin sa ibaba ay muling nagsalita ang aking boss.

"I will take you home."

Nahihiwagaan talaga ako sa aking boss. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na may gusto siya sa akin.

"Hmm. Thank you so much boss, but-"

"Get in the car." Matigas na utos nito.

Wala na akong nagawa kundi ang sumakay sa sasakyan nito. Isang oras pa ang lumipas at nakarating na rin kami sa aking condo.

"Thank you so much, Mr. Ford." Nakangiti kong saad dito.

Tumango lamang ito sa akin at mabilis nang pinatakbo ang kanyang sasakyan.

Hindi na tuloy ako nakadaan ng hospital.

May malapit naman na botika kaya dumaan muna ako doon para bumili ng pregnancy test kit.

Sana hindi totoo ang aking hinala.

Pagkapasok ko sa aking kwarto ay agad akong pumunta ng banyo dala-dala ko ang pregnancy test kit. Hindi na ako makapaghintay ng madaling araw upang malaman ang resulta.

Tatlong kit ang aking binili para makasigurado ako.

Naghintay lamang ako ng ilang segundo at lumabas na agad ang resulta.

"Oh My God! It's positive. I'm fvcking pregnant!" Halos matutop ko ang aking bibig. Tama nga ang hinala ko. Kaya pala isang linggo ng halos masama ang aking pakiramdam.

Ngunit hindi pa rin ako makapaniwala na mabubuntis ako agad, gayong isang gabi lang may nangyari sa amin.

Paano ko ngayon hahanapin ang lalaking nakabuntis sa akin. Ni pangalan nito ay nakalimutan kong itanong sa kanya. Wala sa sariling nasabunutan ko ang aking sarili.

Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na umiiyak. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Kinabukasan, maaga akong pumasok na parang walang nangyari. Wala akong balak na sabihin sa kanilang buntis ako ngunit alam kong malalaman din nila iyon.

Ngunit saka ko na muna iyon iisipin. Hindi pa naman halata ang tiyan ko. Magre-resign na lamang ako kapag mahahalata na ang aking tiyan.

Malaki na rin naman ang aking naipon. Magtatayo na lamang siguro ako ng sariling negosyo.

"Uy! Mare.. ikaw hah! Umuwi na kami lahat-lahat kahapon pero hindi kana lumabas sa opisina ni boss." Bungad ni Aurora.

Umagang-umaga gusto na agad nitong makitsismis. Inaasahan ko na rin naman itong magtatanong sa akin.

"Alisin mo na sa iyong isipan kung ano man iyang iniisip mo, Aurora." Wala akong panahon para magpaliwanag dito. "Hinayaan lamang akong matulog ni boss, dahil napansin niyang masama ang pakiramdam ko kahapon."

Makahulugang ngumiti naman ito sa akin.

"Para magtatanong lang eh. Pero tama ang hinala ko, may gusto talaga sa'yo si boss."

Mapakla naman akong tumawa.

Sa ngayon ay wala na sa isip ko ang mga ganyang bagay. Mas mahalaga sa akin ngayon ang aking ipinagbubuntis.

"Magtrabaho ka na nga. Pumasok ka lang ata para makipagtsismisan eh." Natatawa kong saad kay Aurora.

Nakanguso naman itong naglakad papunta sa kanyang pwesto.

Hinimas-himas ko ang aking tiyan.

"I love you, baby." Mahina kong bulong

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status