LOGINNakapikit si Alessandra habang hinihintay ang paglapat ng mga labi ni Rafael sa kaniya. Ilang beses siyang napalunok ng laway habang nag-aabang sa pagdampi niyon, ngunit ilang segundo na ang lumipas ngunit wala. Hanggang sa marinig niya ang impit na tawa ng lalaki.
Idinilat niya ang kaniyang mga mata at ganoon na lamang ang kaniyang pagkadismaya nang makita itong sapo ang tiyan at halos mangiyak-ngiyak na sa katatawa. “You thought . . . I’d kiss you? Oh, Alessandra! You made my day,” sabi nito sa pagitan ng pigil na pagtawa. Mariin niyang kinagat ang pang-ibabang labi dahil sa sobrang pagkainis. Inis dahil inaasar siya nito o inis dahil hindi natuloy ang iniisip niyang balak nitong gawin? Ano man ang dahilan, hindi niya batid. “You bastard!” Sinabunutan niya ito at pinagsusuntok sa bandang balikat. Panay naman ang sangga nito gamit ang braso, hindi pa rin mapatid sa pagtawa. “A-Alessandra, stop, or else you’ll regret it!” may pagbabanta nitong sabi ngunit hindi siya nagpatinag. Nagpatuloy siya sa paghampas dito, ngunit natigilan nang mahawakan nito ang kaniyang kamay kasunod ang paghapit nito sa kaniyang balakang. “Bitawan mo ako! Bwisit ka talaga!” singhal niya sa lalaki. Kumawag siya para makawala ngunit lalo lang nitong hinigpitan ang yakap sa kaniya. “I told you, you’ll regret it.” Ngumisi ito na tila may binabalak na masama, at hindi nga siya nagkamali. Napatili siya nang bigla siya nitong pasanin sa malapad nitong balikat. “Rafi, ano ba? Ibaba mo ako!” Pinagsusuntok niya ang likod nito. “Masusunod kamahalan!” Muli siyang napasigaw nang ibalibag siya nito sa kama. “Ang sama talaga ng ugali mo, Rafael Villareal! Humanda ka, makagaganti rin ako sa ’yo!” Pinagbabato niya ito ng mga unan ngunit walang hirap na nailagan lang nito ang lahat ng iyon. “Wow, I’m so scared, Alessandra Delos Reyes. Get out now, unless you want to see me naked. I actually prefer an audience when I get dressed.” Akmang hinawakan nito ang nakatapis na tuwalya sa baywang. Mabilis niyang natakpan ang mga mata nang tangkain nitong tanggalin iyon. “Pervert!” hiyaw niya bago patakbong lumabas ng silid. Ngunit bago pa maabot ang pinto ay nahablot nito ang kamay niya. “C’mon, Ale! You might like the view,” muling pang-aasar nito. Pumitik ang kaniyang paa na tumama sa pagitan ng mga hita nito. “U-ugh fuck, Alessandra! T-that’s fucking hurts!” nakangiwing daing nito habang sapo ang nasa pagitan ng mga hita. Bago pa ito makahuma ay kumaripas na siya ng takbo. Pulang-pula at hinihingal siya nang makarating sa dining area. Sapo niya ang dibdib na sobrang bilis ang pagtibok. “Bwisit ka talaga, Rafael! Buti nga sa ’yo! Mabaog ka sana!” gigil niyang sabi. Sa inis ay hindi niya na ito hinintay. Nauna na siyang maghapunan, at tapos na siyang kumain nang bumaba ito. Sinadya niyang bilisan ang pagkain para hindi na ito makasabay pa. “Tapos ka na agad?” Umupo ito at kumuha na rin ng pagkain na parang walang nangyaring sipaan kanina sa silid nito. Mukhang naka-recover agad ito sa ginawa niya. “Obvious ba?” balagbag niyang tugon na sinundan niya ng pamatay na irap. “Wow, those eye rolls are really something! Kinikilabutan ako! Para kang sinasapian ng isang masamang espiritu. Tatawag na ba ako ng albularyo?” pang-aasar nitong lalo habang yakap ang sarili. “Mabulunan ka sana! Labasan sana ng maraming kanin ang ilong mo!” sabi na lang niya dahil alam niyang hindi siya mananalo rito. Niligpit na niya ang ginamit niyang pinggan at hinugasan na rin. Dumeretso siya sa living room kung nasaan ang sixty-five inches na T.V. Pinanood niya ang bagong update na episode ng korean drama series na inaabangan niya. Ngunit, hindi pa natatagalan ay nakaramdam na siya ng pamimigat ng talukap ng mga mata. Napangiti si Rafael nang makita nito si Alessandra na mahimbing nang natutulog sa couch. Umupo ito sa harapan niya para mapagmasdan nang husto ang kaniyang mukha. “Look at you . . . You look like a total angel when you’re asleep. But the second you wake up, you turn into this little devil I can never win against. Still cute though.” Nakangiting kinalabit nito ang tungki ng kaniyang ilong bago siya binuhat patungo sa kaniyang silid. Marahan na inihiga siya ni Rafael sa malambot na kama, saka maayos na tinakpan ng kumot. Pagkakuwa’y marahang hinaplos ang kaniyang ulo. Wala siyang kamalay-malay na ang lalaking palaging nang-aasar sa kaniya ay ang tunay na siyang kakampi niya sa lahat. “Goodnight, little monster.” Akmang papaalis na si Rafael nang biglang hawakan ni Alessandra ang kamay nito. Napatingin ito sa kaniya ngunit nananatiling nakapikit ang mga mata ni Alessandra. Ang mga mata niyang iyon ay may bahid ng luha; bakas sa ekspresyon ang pagkatakot. “Alessandra, what’s wrong?” tanong nito sa kaniya. Sinapo nito ang kaniyang noo para damahin ang kaniyang temperatura ngunit normal naman iyon. “D-don’t leave me here . . . I-I’m scared . . . ” mahinang usal niya habang humihikbi. Sa kaniyang panaginip, naroon siya sa isang silid, mag-isa. Lalong humigpit ang hawak niya sa kamay ni Rafael nang magpakita sa kaniyang panaginip si Lilian at Fredrinn, tila mga demonyong nakangisi. May mga hawak itong tig-isang kutsilyo, dilat ang mga matang nakatunghay sa kaniya. “H-help . . . H-help . . . P-papatayin nila ako . . . ” Marahang sumampa si Rafael sa kaniyang kama. Niyakap siya nito at marahang hinaplos ang kaniyang buhok. “I’m here, Alessandra. I will protect you.” Doon lamang siya kumalma at mahimbing na nakatulog. Ang kaniyang bangungot ay napalitan ng isang magandang panaginip kung saan mayroon siyang kasamang isang modelo na mala-Adonis sa ganda ng katawan. Sinasayawan siya nito. “Can I touch it? Those abs look like they need a good massage,” kagat-labi niyang sabi habang nakaturo sa six-packed abs nito. “Sure, honey . . . ” Hinawakan nito ang kamay niya at dinala patungo sa bato-bato nitong sikmura. Tumitili siya habang hinahaplos ang katikasan ng lalaki sa kaniyang panaginip. Ngunit natigilan siya nang ang mukha ng lalaki ay unti-unting napalitan ng mukha ng kaniyang stepbrother. “Keep touching me, Alessandra. I like it,” mapang-akit na sabi ni Rafael sa kaniya. Pinalandas nito ang kaniyang dalawang palad mula sa leeg, sa malalaman na dibdib, at sa solido nitong mga pandesal. Napakagat siya ng labi, nag-e-enjoy sa pantasyang iyon. Not until she felt it as if it were real. “Hmm . . . M-matigas . . . M-mainit?” Patuloy niyang kinapa-kapa. Parang hindi panaginip lang! She opened her eyes at ganoon na lang ang panlalaki ng kaniyang mga mata kasunod ang pagbagsak ng kaniyang panga nang mapagtantong ang sikmura pala ng stepbrother niya ang hinihimas-himas kanina pa. “Stop it. You’re playing a dangerous game with that touch, and you have no idea what you’re igniting,” banta nito, sabay lingon sa kaniya. Matalim ang mga mata, tila nais manlamon nang buo. Naramdaman niyang may tumibok na matigas sa kaniyang bandang hita na nakasanday sa puson nito. Umbok na umbok iyon nang tingnan niya. Malakas siyang tumili, ang boses niya ang pumuno sa buong silid na iyon. “Pervert! Why are you hugging me?” Malakas niyang tinadyakan ang lalaki dahilan para mahulog at tumilapon sa sahig. Tumama ang puwet nito kaya napadaing ito sa sakit. Hawak nito ang balakang nang tumayo. “Seriously? Me? Pervert? You’re the one manhandling my poor, defenseless abs while I’m sleeping! I’m the victim here!” giit nito. Nahihiyang napatungo na lang siya at napasabunot sa sarili. Kung puwede lang manapak ng sarili ay ginawa na niya. Binigyan siya ng pagkakataon para itama ang kaniyang mga pagkakamali, ngunit bakit sa tuwing nakakasama niya ang stepbrother ay puro kapalpakan niya sa buhay ang lahat ng nangyayari. Napaatras siya nang biglang sumampa sa kama si Rafi. Itinuon nito ang dalawang kamay sa magkabila niyang gilid. Halos magdikit na ang kanilang mga mukha dahil sobrang lapit nito. “W-what are you planning to do now? I-I am warning you, Rafael! I’m gonna kick your eggs again!” banta niya ngunit ngumisi lang ito, lalong inilapit ang mukha. “So, stepsister . . . What kind of fantasies are you having about me? Is it . . . dirty?” Umakyat ang dugo niya sa mukha. Akmang tutuhudin niya ito ngunit mabilis nitong nahawakan ang kaniyang hita. Sumeryoso ang mukha habang titig na titig sa kaniya. “Too slow, stepsister . . . ” Tumingin ito sa kaniyang labi kasunod ang pagtaas-baba ng adams apple nito, na para bang isang nakatatakam na pagkain ang tinitingnan. Nasa ganoon silang posisyon nang biglang bumukas ang pinto ng silid. Iniluwa noon ang kaniyang nobyo na si Fredrinn. Katulad niya, nanlaki ang mga mata nito dahil sa hindi inaasang tagpo. Kabaliktaran naman sa reaksyon ni Rafael na tila masaya pa sa nakita ni Fredrinn. Hinaplos nito ang kaniyang hita pataas habang nakatingin at nakangisi kay Fredrinn. “A-ano’ng ginagawa ninyong dalawa?” nalilito nitong tanong habang palipat-lipat ang tingin sa kanila. “What do you think, Cortez? We are having fun,” mapang-asar na tugon ni Rafael. Galit na sinugod ng lalaki ang kaniyang stepbrother. “Damn you, Villareal! I will kill you!” Dinambahan ni Fredrinn si Rafael. Nagbuno ang mga ito hanggang sa nagpagulong-gulong ang dalawa sa sahig.“A-anong ginagawa mo rito?” tanong ni Alessandra sa lalaki. Mula kasi nang tumungo ito noon sa bahay nila ay hindi na niya ito nakitang muli. Lihim siyang napangiti nang mapait nang maalala kung paano ito pinagselosan ni Rafael noong bigyan siya nito ng mga bulaklak.“Ano pa ba? E, ’di para makita ka.” Luminga-linga ito sa paligid. “Mag-isa ka lang?”“Yeah.” Taka niya itong tiningnan. “W-what can I do for you?”Nangalumbaba ito sa kaniyang harapan, tila isang batang nagpapa-cute.“I came to ask you something important, Sandy . . . I’m looking for a companion to my half-brother’s engagement party, and I was hoping you’d be my date. Would you be willing to come with me? I am sure na invited ka rin naman ng kapatid ko, ‘di ba?”Nag-iwas siya ng tingin at tumanaw sa malayo. Walang alam ang mga ito sa tunay na estado ng relasyon nila ni Rafael, at ang hidwaan sa pagitan nilang dalawa. Isang masalimuot na alaalang pilit niyang nililimot. Binigyan siya ng tadhana ng ikalawang pagkakataon pa
Mahigpit na hinawakan ni Rafael ang kamay ni Alessandra at tinanggal iyon sa pagkakahawak sa kaniya. Mabilis na lumabas siya sa kotse, iniwan mag-isa sa loob ang babae. Iniwasan ang kung ano mang bagay na maaaring mangyari sa kanila sa loob. Lalo pa’t malakas ang hatak sa kaniya ng tukso pagdating kay Alessandra.Dinukot niya ang sigarilyo at lighter na nakatago sa bulsa ng kaniyang jacket, at saka iyon isinubo at sinindihan. Pinakalma niya ang sarili. Nang muli niyang tingnan ang babae ay mahimbing na itong natutulog. Lihim siyang napangiti habang pinagmamasdan ang kagandahan nito.“You’re beautiful, always have been . . . and even more so now that I'm seeing you again. I still love you more than anything. My feelings for you never really went away, I’ll admit that. But there’s a weight I’ve been carrying, something I haven’t told you yet . . . I don’t think I could ever bring myself to tell you what’s been weighing on me either. Some things are better left unsaid, even if it means c
Sa isang sikat na nightclub dinala ni Shamy si Alessandra.“May I see your I.D. ma’am?” sabi ng security sa entrance ng club na iyon. Kaagad naman silang pinapasok nang makita ang kanilang pagkakakilanlan.“S-sure ka ba na ayos lang suot nating dalawa, Shamy?” Nag-aalangan siyang pumasok. She’s wearing a short, form-fitting midnight blue dress with tiny shiny threads that sparkle under the lights. It has thin straps and a lace-trimmed V-neck. Habang black shiny platform heels na may straps naman ang suot sa paa. She also carries a small silver crossbody bag, wears a thin crystal choker, and silver hoop earrings. Makapal na makeup at pulang-pula rin ang kaniyang nguso.“Oo naman! Ganiyan talaga ang usually sinusuot ng mga pumupunta rito!” Palibhasa’y hindi naman siya iyong tipo ng tao na mahilig mag-party. Bukod kasi na wala siyang mga kaibigan bukod kay Shamy, aksaya lamang din iyon ng oras.Malakas na tugtog ang sumalubong sa kanila. Katulad ng sinabi ng kaibigan, ganoon din ang mga
Lumuhod si Rafael sa harapan ng ama. Mawala na ang lahat . . . wag lang ang taong mahal niya. Batid niya kung gaano kahalang ang kaluluwa nito; wala itong sinasanto. “No, please. D-don’t harm her. G-gagawin ko ang lahat ng gusto mo, h-huwag mo lang saktan si Alessandra,” pagmamakaawa niya. Nakangising itinago nito ang maliit na remote control. Prenteng umupo ito sa harapan niya, tila isang hari na nasa trono. “Umalis ka sa poder ng mga Delos Reyes. Nais kong pamunuan mo ang mga negosyo ko. Dahil kung hindi mo gagawin, titiyakin kong mawawala ang lahat sa ’yo . . . Kasama na ang taong mahal mo.” Mabigat man sa dibdib, sinunod niya ito. Kinagabihan, nadatnan niya ang babaeng hinihintay siya sa sala. Malalim na ang gabi ngunit gising pa ito. Napatayo ito mula sa kinauupuan nang makita siya. “Rafi! Mabuti naman at nakauwi ka na! Kumain ka na ba?” Mabibilis ang hakbang na lumapit ito at yumakap sa kaniya nang mahigpit. “I miss you. Bakit hindi mo sinasagot ang mga text at tawag ko.”
After two weeks, nag-decide silang bumalik muna sa Manila dahil sa mga trabahong naghihintay. Magkasabay na silang umuwi sa bahay kaya nagulat pa si Julie nang makita silang magkasama.“Oh? Bakit napaaga yata ang uwi mo, hija? Magkasama ba kayo?”Nagkatinginan silang dalawa. Senenyasan niya si Rafael na ito ang sumagot.“H-hindi. S-sinundo ko lang siya sa terminal.”Mabilis naman siyang tumango. “O-opo! Nagpasundo ako sa kaniya. A-ayaw ko na po kasi kayong abalahin.” Nakumbinsi naman kaagad ng mga ito si Julie.“Ganoon ba? Sige na . . . Rafael, tulungan mo na si Alessandra na itaas ang mga gamit niya sa kuwarto.” Sumunod naman agad ang lalaki.“Kumain ka muna bago umakyat, Alessandra. Malapit nang maluto ang pananghalian natin, hintayin mo na.”“Salamat, Tita . . .”Hinintay lang nilang makauwi ang amang si Romualdo bago kumain. Maselan sa pagkain ang kaniyang ama, gusto nito ay sa bahay lamang kakain.“How’s your vacation, Alessandra? Bakit umuwi ka kaagad?” tanong ng kaniyang ama ha
Hey everyone! Could I ask you all for a little favor, pretty please? 🥺 If you’ve got a moment to spare, would you consider leaving a comment or giving my story a rating? It would mean the absolute world to me and help get it out there to more readers! Help me promote my story, jebaaallll 🙏 I’d be so incredibly grateful for your support! Thank you all so much in advance, you’re the best! ❤️✨ God Bless you all 💋







