Share

CHAPTER 15

Ibinagsak niya ang kanyang katawan sa kama. Tumitig siya sa aking mga mata habang umiiyak ako. Gusto ko siyang pagsampal-sampalin ngunit pakiramdam ko wala akong lakas na gawin iyon sa kanya. Para akong nanghina sa pambababoy niya at habang nakangisi siyang nakatitig sa akin, alam kong hindi na siya si Jason na nasa aking pangarap. Hindi na siya yung Jason na mahal na mahal at pinagsisilbihan ako. Ibang Jason na ang nakikita ko sa kanya. At doon, doon na nagsimula ang aking kalbaryo sa buhay. Doon ko na itinuring ang sarili ko bilang… battered wife.

Nauna siyang nakatulog kaysa sa akin ng gabing iyon. Dinig ko na ang kanyang paghilik. Mabilis kong kinuha ang aking cellphone at pumasok ako sa CR. Gustro kong sabihin kina Nanang at Tatang ang nangyaring ito sa akin. Kailangan nilang malaman ang lahat. Hindi pwedeng masadlak ako sa ganitong kalagayan. Habang kaya ko pa at wala pa kaming anak, babalik na lang ako sa aking mga magulang at tanggapin na nagkamali ako ng des
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status