Share

Chapter NINE

“Ayaw ko hong magpaka-ipokrita. Nandito na ho yung pagkakataon, isinusubo na sa akin ang biyaya, tatanggi pa ba ako, Tang, Nang? Alam ko, iniisip ninyo ang sinasabi ng ibang tao pero mapapakain ba nila tayo? Matutulungan ba nila tayong umangat?”

Huminga nang malalim si Tatang.

“Mahal mo ba siya?”

“Gusto ko siya, Tang. Kung mahal ko siya, hindi ko alam pero sa kagaya ni Jayson, hindi siya mahirap mahalin.”

“Sa tingin mo anak, magiging masaya ka ba sa kanya?” tanong ni Nanang na mukhang nag-aalala.

“Oo Nang. Magiging maayos at masaya ako sa kanya.”

“Okey. Kung ganoon na rin naman pala. Anong pang pagtataluhan natin. Sigurado ka bang mabuting tao ‘yan?”

“May masama bang tao na gagawa ng lahat ng ito?”

“Sige papasukin mo at maipaghahanda ng makakain.”

“Ano bang handa ninyo?”

“Patupat saka pancit lang.”

“May dala naman ho kaming pagkain. Puno rin ang sasakyan niya Nang ng mga kasangkapan sa bahay. TV, Ref, iba pang appliances. Nang, Tang mga ading (kapatid, bunso) ko, may TV na tayo sa wa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status