/ Romance / Rain on Your Parade / Chapter 14: Lester’s Feeling

공유

Chapter 14: Lester’s Feeling

작가: Penmary
last update 최신 업데이트: 2022-09-01 03:27:24

Pagkalabas ng banyo ni Zein, biglang tumunog ang cellphone niya. Nakatapis lang siya ng tuwalya kaya inayos niya iyon para hindi mahulog. Dinampot niya mula sa ibabaw ng kama niya ang cellphone at tiningnan ang message ni Amos.

What should I wear?

Natawa si Zein nang mahina. Sasama si Amos sa kaniya mamaya sa resto-bar. Ipakikilala niya na kasi ito sa kaniyang mga kaibigan dahil si Yvette pa lang ang nakaalam ng relasyon nila. Napangiti siya nang maalala ang reaksiyon nito nang sinabi niyang handa na siyang ipakilala ito sa mga kaibigan niya. Nataranta ang lalaki at panay ang tanong kung anong magandang suotin at dalhin sa mga ito. Tila haharap ito sa pinakaimportanteng tao sa bansa dahil sa naging asal kahapon.

Tumipa si Zein sa keyboard ng kaniyang cellphone. Mag-gown ka!

Inilapag ulit ni Zein sa kama ang cellphone. Kinuha niya ang blower at sinimulang patuyuin ang buhok. Nang matuyo ang buhok niya, pumunta siya sa cabinet niya at naghanap ng damit na masusuot. Isang gray na v-nec
이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • Rain on Your Parade    Chapter 75: Last Chapter

    Nakatayo si Amos sa mini stage sa event hall ng hotel. Kasal na sila ni Zein at reception na nila pero kinakabahan pa rin siya habang hinihintay ang asawa. Nagpalit kasi ang babae nang mas maayos na dress. “Let’s all welcome Mrs. Reolonda. Nakapagbihis na po ang ating bride,” anunsiyo ng emcee. Parang nahulog ang puso ni Amos habang pinapanood si Zein na maglakad palapit sa kaniya. Nakasuot lang ito ng simpleng infinity dress at nakalugay na ang buhok na nakatali lang kanina. Nagtagpo na naman ang mga paningin nila sa isang wedding reception katulad nang unang dumapo ang paningin ni Amos kay Zein. Sa pagkakataong iyon, sila na ang kinasal. Sa pagkakataong iyon, ang makasama ito hanggang pagtanda ang kaniyang plano. Sa pagkakataong iyon, labis na pagmamahal na ang dating atraksiyon lamang na naramdaman niya noon. “You’re so beautiful, Zein.” Hindi niya napigilang sabihin ang nilalaman ng isip nang makalapit na ito sa kaniya. Tumawa lang si Zein pero alam na alam niya ang kislap s

  • Rain on Your Parade    Chapter 74: Itatali

    “I will leave you for your own good.” Nagsalubong ang mga kilay ni Zein sa sinabi ni Amos. Wala siyang kaalam-alam na may balak palang umalis ang binata. Wala siyang kaalam-alam na iiwan siya nito at ang mga anak nila. “What did you s-say?” Nawalan ng ekspresiyon ang mukha ni Amos at kinuha sa kaniya ang plane ticket at ang titulo ng bahay na nakapangalan na sa kaniya. Natulala lang si Zein habang pinagpatuloy naman ng lalaki ang pag-aayos ng mga gamit nito. Naguguluhan siya. Hindi niya agad maproseso sa utak niya ang mga nangyayari. “Y-you’re leaving. B-bakit ka aalis?” lakas-loob niyang tanong. “Please, not now…” Nagpanting ang mga tainga ni Zein. Gusto niya ng paliwanag pero hindi kayang ibigay sa kaniya ni Amos. Gusto niya itong maintindihan pero parang wala itong naririnig sa mga tanong niya. “Not now? Kailan pa? Kapag aalis ka na? One week from now, aalis ka na! Anong balak mo?! Bakit mo binigay sa akin ang bahay na ito?! Why you’ll leave us for good?!” “Zein, p-please, d

  • Rain on Your Parade    Chapter 73: Own Good

    Dahan-dahang bumangon si Amos sa higaan niya. Ayaw niyang magising si Zein sa mahimbing nitong pagkakatulog. Napangiti siya at marahang hinalikan sa noo ang babae bago tumayo at lumabas ng kuwarto. Kahit gustong makasama ni Amos si Zein, kailangan niyang pigilin ang sarili. Kailangan niyang sanayin ang sarili na wala lagi ito sa tabi niya. Kaya ang mga panahong dapat katabi niya ito sa kama, ginugol niya sa pagtatrabaho sa study room. Kailangan niyang masanay para hindi sobrang hirap sa kaniyang iwan ang mag-iina niya. Hindi niya naman tatakasan ang responsibilidad niya sa mga anak niya. Sisiguraduhin niya pa rin na may magandang kinabukasan ang mga ito. Iyon nga lang, hindi niya kayang manatili hanggang ginugulo siya ng konsensiya niya. Para bang nag-set na sa utak niyang kapahamakan lang ang dulot niya sa pamilya niya sa dami ng pagkukulang at pagkakamali niya. Abala si Amos sa trabaho nang bigla na lang may kumatok sa pinto ng study room niya. “Come in.” Natigilan siya nang pum

  • Rain on Your Parade    Chapter 72: Childish

    Hindi na gaanong masakit ang sugat ni Zein. Nakakakilos na rin siya nang maayos kaya bumalik siya sa mga dating ginagawa. Kapag maaga siyang nagigising, siya na ang nagluluto para sa mag-ama niya. Hindi muna siya pinabalik sa shop para makapagpahinga siya nang maayos. “Zein, what are you doing?” Pinaglapat ni Zein ang mga labi nang kinuha sa kaniya ni Amos ang sandok na hawak. “Gusto ko lang namang magluto, Amos.” “Pero hindi pa masyadong magaling ang sugat mo. Isa pa, buntis ka. Huwag kang magkikilos. Baka mapaano kayo ni baby.” Nagsalubong ang mga kilay ni Zein. “Hindi naman nakakapagod ang pagluluto.” Tiningnan siya ni Amos ng masama. Napanguso si Zein at naglambing. Niyakap niya ito mula sa tagiliran. Naramdaman niyang natigilan ito saglit pero muli namang nagpatuloy sa pagluluto. “I… love you.” Bumuntong-hininga si Amos. “S-sige na, umupo ka na. Ako na rito. Dadaan pa tayo sa obgyne mo. Titingnan natin ang health ng baby.” Mas hinigpitan ni Zein ang yakap. Ayaw niyang komp

  • Rain on Your Parade    Chapter 71: So Much

    “Sir, your private investigator wants to talk to you.” Tumikhim si Amos at tumayo mula sa kaniyang swivel chair. Nang makapasok ang private investigator niya, mabilis niya itong pinaupo sa couch. Ito ang inutusan niya para mag-imbestiga sa nangyari kay Zein noon. Mukhang sa pagpunta pa lang nito, alam niya nang may impormasyon na itong dala. “Someone tried to kill your fiancée, sir.” Kumunot ang noo ni Amos. “What?” Ibinigay sa kaniya ng private investigator ang isang envelope. Bumilis ang paghinga niya. Namuo ang galit sa mukha niya nang makita ang isang larawan na kuha mula sa CCTV footage. Kuha iyon nina Zein at Thea. Nakatutok ang baril nitong hawak sa fiancée niya. “Thea…” Nanginig ang mga kamay niya sa galit. Halos mapunit ang picture na hawak niya. Ang babae pala ang rason kung bakit nawala sa kaniya si Zein. Hindi niya inasahang aabot sa ganoon si Thea. Hinding-hindi niya talaga ito mapapatawad at ipakukulong niya ito. “On CCTV, the girl everyone thought was Miss Zein wa

  • Rain on Your Parade    Chapter 70: No Hope

    Panay ang pagsusuka ni Zein. Hindi niya maintindihan kung anong nangyari sa kaniya. Ang alam niya, gusto niya lang matulog kahit wala naman siyang ginawang nakakapagod. Sigurado rin siyang wala siyang nakaing panis. “Ma'am, ayos lang po ba kayo?” tanong sa kaniya ng maid pagkalabas niya ng banyo. Tumango na lang si Zein at tinanggap ang baso ng tubig na binigay nito. Nasa kalagitnaan kasi siya ng pagluluto nang bigla na lang niyang naramdamang nasusuka siya. Ito na lang ang nagpatuloy sa pagluluto niya. “Gusto ninyo po bang tawagan ko po si Sir Amos?” Agad siyang umiling. “No need. Hindi naman malala ’to. Ipapahinga ko lang. Alam mo naman ’yang si Amos, laging O.A.” Natawa ang maid nila sa sinabi niya. Talaga namang overreacting si Amos sa lahat ng bagay lalo na pagdating sa kanila ni Pita. Kulang na lang, ikulong sila palagi sa bisig nito para maprotektahan. Kumain muna siya bago umalis ng bahay. Pupuntahan niya kasi ang photoshop niya para tingnan ang nangyayari sa negosyo niy

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status