แชร์

Chapter 102

ผู้เขียน: Deigratiamimi
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-02-15 01:06:03
Luna’s POV

Makalipas ang isang linggo, natagpuan ko ang sarili kong nakaupo sa gilid ng kama, hawak ang uniform ko bilang flight attendant. Matagal kong pinagmasdan ang tela, pilit inaalala ang pakiramdam ng pagiging nasa ere—malaya, hindi nakakulong sa sakit ng nakaraan.

Pero kahit anong gawin ko, hindi ko matakasan ang katotohanang babalik pa rin ako sa lupa… sa realidad kung saan galit pa rin sa akin si Alexus.

Hindi ko siya masisisi.

Sinira ko ang tiwala niya.

Itinago ko ang anak namin.

Itinago ko ang sikreto tungkol sa pagkamatay ng ama niya.

Kaya kahit ilang beses niyang sinasabi na hindi niya ako kayang iwan para kay Bella, ramdam kong may distansyang unti-unting namamagitan sa amin.

Ayokong dumating ang araw na tuluyan niya akong itulak palayo.

At ayokong maging pabigat sa kanya.

Kaya heto ako ngayon, handang bumalik sa trabaho.

***

“Are you sure about this?” tanong ni Ate Brielle habang tinutulungan akong ilagay ang huling gamit ko sa maleta.

“Of course,” sagot ko
Deigratiamimi

Good morning 🌞

| 13
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก
ความคิดเห็น (4)
goodnovel comment avatar
Deigratiamimi
salamat po
goodnovel comment avatar
Deigratiamimi
Salamat po
goodnovel comment avatar
Neht Vicente
Hiram nun..
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 103

    Luna’s POV Mula sa likuran, narinig ko ang malakas na pagsara ng pinto. Hindi ko alam kung sinadya iyon ni Alexus para iparamdam sa akin ang galit niya, pero kahit anong pilit kong palakasin ang loob ko, hindi ko maitatangging parang may kung anong mabigat na bumagsak sa puso ko. Tumingala ako at pumikit ng mariin, pilit na pinipigilan ang luhang kanina pa nagbabadyang bumagsak. Ilang hakbang lang ang layo ko mula sa bahay na iyon, pero pakiramdam ko, isang buong mundo ang pagitan namin ngayon. Nagpaalam ako kay Ate Brielle at Kuya TJ bago sumakay sa taxi na naghihintay sa akin. Tahimik lang ako habang binabaybay namin ang daan patungo sa condo unit na pansamantala kong uupahan. Nang makarating ako roon, agad akong bumagsak sa kama at hinayaan ang sariling malugmok sa katahimikan. Akala ko magiging madali ang lahat. Akala ko, kapag nakabalik na ako sa trabaho, unti-unti kong mabubuo muli ang sarili ko. Pero bakit parang mas lalo lang akong nawawala? Napalingon ako sa maleta ko

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-02-15
  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 104

    Luna’s POV Imbes na sagutin ang mga tanong ni Alexus, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Walang pag-aalinlangan, lumapit ako sa kanya at mahigpit siyang niyakap. “Luna—” Hindi niya natapos ang sasabihin dahil mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya. Para bang kung bibitawan ko siya, tuluyan na siyang mawawala sa akin. Ramdam ko ang paninigas ng katawan niya, ang paraan ng paghinto ng kanyang paghinga. Alam kong naguguluhan siya, galit pa rin, pero wala akong pakialam. Hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang ipagpatuloy ang pagpapanggap na kaya kong mabuhay nang wala siya. “Sorry,” bulong ko, nanginginig ang boses ko sa pagitan ng hikbi. “I’m so sorry, Alexus...” Hindi ko alam kung ilang beses kong inulit ang salitang iyon, pero pakiramdam ko, kahit ilang ulit ko pang sabihin, hindi pa rin sapat para burahin ang sakit na naidulot ko sa kanya. Naramdaman ko ang marahang pag-angat ng kamay niya. Napaawang ang mga labi ko nang maramdaman kong lumapat iyon sa likod ko—hindi upan

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-02-15
  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 105

    Luna’s POV Pagkalipas ng halos dalawang linggong pamamahinga dahil inaalagaan ko si Bella, bumalik na ako sa trabaho ko bilang flight attendant. Isang parte sa akin ang nasasabik bumalik sa ere, pero hindi ko rin maitanggi ang bigat na nararamdaman ko sa dibdib. Mula nang mangyari ang lahat—ang rebelasyon tungkol kay Bella, ang galit ni Alexus, at ang matinding emosyon na pinagdaanan namin—ramdam ko ang pagbabago. Hindi lang sa pagitan namin, kundi pati na rin sa sarili ko. Dati, tuwing may flight ako, sabik akong umaalis. Sabik akong makatakas, makalayo sa mga problema. Pero ngayon, ibang pakiramdam. Mas gusto kong manatili. Mas gusto kong nariyan lang siya… si Alexus, at si Bella. Ngunit kailangan kong gawin ito. Hindi lang para sa sarili ko, kundi para rin kay Bella. *** “Luna!” Tawag sa akin ni Trina, isa sa mga matagal ko nang kasamahan. “Oh my God, you’re finally back! We missed you!” Niyakap niya ako nang mahigpit, at hindi ko mapigilang mapangiti kahit na may bumabagabag

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-02-15
  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 106

    Luna’s POV Pagkatapos ng gabing iyon sa rooftop, hindi ko na maitatanggi—may bahagi sa akin na gustong bumalik ang lahat sa dati. Pero alam kong hindi ganoon kadali ang lahat. Ngayong gabi, wala akong flight. Nasa bahay ako, nakaupo sa sofa, at nagbabasa ng libro habang si Bella naman ay mahimbing nang natutulog sa kwarto niya. Tahimik ang paligid, pero hindi ang isip ko. Dahil kay Alexus. Napaungol ako sa frustration at ipinatong ang libro sa dibdib ko. Bakit kasi ang lakas ng tama ko sa lalaking ‘yon? Bigla na lang nag-ring ang cellphone ko. Nang makita ko kung sino ang tumatawag, agad akong napaupo nang maayos. Alexus. Napalunok ako bago sinagot ang tawag. “Hello?” “Bukas ang pinto mo.” Napakunot ang noo ko. “Ano?” “Bukas ang pinto mo, Luna,” ulit niya, mas mababa ang tono ng boses niya. Dahil sa sinabi niya, agad akong tumayo at naglakad papunta sa pinto. Pagbukas ko, halos mabitawan ko ang cellphone ko sa nakita. Si Alexus. Nakatayo sa harap ng pinto ko, suot ang isan

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-02-15
  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 107

    Luna’s POV Pagpasok ko pa lang sa lounge ng crew, agad kong napansin ang kakaibang atmospera. Tahimik. Lahat ng mga kasamahan ko ay tila nakatingin sa akin, ang iba ay bumubulong-bulong sa isa’t isa, habang ang ilan ay diretsahang nakatingin na para bang may malaking mali sa akin. Napakunot ang noo ko. Anong nangyayari? Lumapit sa akin si Mia, isa sa mga flight attendants na matagal ko nang nakatrabaho. May pag-aalalang nakasulat sa mukha niya habang hinawakan ang kamay ko. “Luna...” mahina niyang tawag. “Ano’ng problema?” naguguluhan kong tanong. Bago pa siya makasagot, isang malakas na tawa ang umalingawngaw sa loob ng lounge. “Wow, ang kapal ng mukha mo para pumasok pa, Luna.” Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Si Tricia, isa sa mga hindi ko gaanong kasundo sa trabaho. Naka-cross arms siya, nakataas ang isang kilay, at puno ng pang-aalipusta ang tingin sa akin. “Anong sinasabi mo?” malamig kong tanong. Nagkatinginan ang iba pang nasa loob, tila sabik sa susunod n

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-02-15
  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 108

    Luna’s POV Mabilis ang bawat hakbang ko palabas ng lounge. Ramdam ko ang matinding paninikip ng dibdib ko habang pilit kong nilalabanan ang mga luhang nagbabadyang bumagsak. Hindi ko dapat ipakita sa kanila na apektado ako. Hindi ko dapat ipakita kay Stephanie na nanalo siya. Pero Diyos ko, ang bigat. Gusto kong sumigaw. Gusto kong sumabog sa galit. Napaka-unfair! Wala silang alam sa pinagdaanan ko! Wala silang alam kung bakit ko ginawa ang lahat ng iyon! At ngayon, sila ang huhusga sa akin? Pagkalabas ko ng lounge, agad akong naglakad nang mabilis papunta sa restroom. Hindi ko na inalintana ang mga nakakasalubong ko. Hindi ko na rin pinansin ang ilang crew na napatingin sa akin habang nagbubulungan. Alam kong pinag-uusapan na nila ako. Alam kong ako na ang usap-usapan sa buong airline. Pagkapasok ko ng restroom, mabilis kong sinara ang pinto ng cubicle at sumandal doon. Saka ko lang hinayaang tumulo ang luha ko. Bakit ganito? Bakit sa tuwing sinusubukan kong bumangon, may

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-02-16
  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 109

    Luna’s POV Madilim na nang tuluyan akong lumabas ng airport. Bitbit ko ang aking maliit na bag habang hinahanap ang taxi stand. Pagod ako mula sa biyahe, at ang tanging gusto ko lang ay makauwi at makasama si Bella. Ngunit bago pa ako tuluyang makatawid sa kalsada, isang pamilyar na boses ang tumawag sa akin. "Miss Luisa Natasha Reid." Napahinto ako. Mabilis na bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi… Hindi maaari… Dahan-dahan akong lumingon, at halos hindi ako makahinga nang makita kung sino ang nakatayo sa harapan ko. Si Wilfredo Chavez. At kasama niya ang walang iba kung 'di ang pinsan kong si Cara. Nanigas ang katawan ko sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang totoong pangalan ko. Hindi ko inaasahan ang pagkikita naming ito—hindi sa ganitong sitwasyon, hindi sa ganitong paraan. "It’s been a while, Miss Reid," wika ni Mr. Chavez, may mapanuksong ngiti sa kaniyang labi. "Hindi mo ba ako na-miss?" Pakiramdam ko ay biglang nanlamig ang paligid. Mula sa gi

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-02-17
  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 110

    Luna’s POVNang maisara ang pinto ng kotse, hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng mga luha ko.Gusto kong pigilan, gusto kong manatiling matatag, pero hindi ko na kaya. Ang takot, hiya, at pangamba na matagal ko nang kinikimkim ay parang isang malaking alon na biglang bumagsak sa akin.Napayuko ako, itinakip ang mga palad sa mukha ko habang tuluyang bumigay ang emosyon ko."Luna..."Narinig ko ang boses ni Alexus—mababa, puno ng pag-aalala. Ilang saglit lang, naramdaman kong may dumampi sa likod ko. Dahan-dahan niyang hinagod ang likuran ko gamit ang malalakas pero malambot niyang palad.Hindi ko pa rin maialis ang kamay ko sa mukha ko. "A-Alexus..." humikbi ako. "Paano kung kumalat ang sinabi ni Cara? Paano kung malaman ng lahat? Baka hindi na ako makabalik sa trabaho... Baka kamuhian ako ng lahat..."Muli kong naalala ang nakangising mukha ni Cara at ang panunuya ni Mr. Chavez. Ang paraan ng pagtawa nila, na parang isa akong bagay na puwedeng ipagbili at gamitin. Diyos ko, hindi ko

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-02-17

บทล่าสุด

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 50

    Bella's POV Nakangiti si Brent habang hawak ang cellphone, pero may bahagyang bakas ng pag-aalala sa kanyang mga mata. Nakaupo siya sa gilid ng kama at bagong paligo. Mukhang nagmamadali."Who's that?" tanong ko, kahit alam kong hindi na ako dapat magtanong.“It’s Claudia,” sagot niya, iwas ang tingin. “She’s in the hospital. She said she needs someone to pick her up. Walang ibang pwedeng sumundo.”Tumango ako, pinipilit ang sarili kong huwag mag-react. Pero may kung anong kumirot sa dibdib ko—‘yung parang kinukurot na hindi mo maipaliwanag kung bakit.“She asked you?”“I guess I’m the only one she can call,” sagot niya, at muling kinuha ang jacket niya.“I see,” mahinang sabi ko.“I won’t take long,” dagdag niya. “Promise.”Hindi ako sumagot. Tiningnan ko lang siya habang inaayos ang buhok niya sa salamin. Ilang hakbang pa ay palabas na siya ng kwarto, at naiwan akong nakatayo lang roon.Pero sa totoo lang, hindi ko mapigilan. Hindi ko kayang umupo lang dito at maghintay na bumalik

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 49

    Bella's POV Tahimik ang buong bahay habang naglalagay ako ng mga hinugasan sa dish rack. Naririnig ko pa ang patak ng tubig mula sa gripo, at ang mahinang huni ng radyo sa background. Ilang araw na rin simula nang alagaan ko si Brent matapos siyang mawalan ng malay. Sa bawat araw na lumilipas, tila unti-unti rin niyang binubura ang distansyang matagal ko nang inilagay sa pagitan naming dalawa.Kaya’t nang marinig ko ang tunog ng telepono niya sa living room, hindi ko inakalang babasag iyon sa katahimikan ng araw naming dalawa.“Hello?” tanong niya, medyo groggy pa ang boses dahil kagigising lang.Napalingon ako mula sa kusina. Tahimik akong nanood habang unti-unting nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Brent. Mula sa pagiging walang pakialam, naging alerto siya. Nanlisik ang mga mata, at nanigas ang mga balikat.“What happened? Where is she now?” sunod-sunod niyang tanong.Napapitlag ako sa tono ng boses niya—halatang may urgency. Parang may masamang nangyari.“I’ll be there in twenty

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 48

    Bella's POV Tahimik kaming nakaupo sa loob ng sasakyan habang bumabaybay sa kahabaan ng EDSA. Nasa passenger seat si Brent, nakahilig sa salamin, at tila ba sinasadyang magmukhang kaawa-awa. Wala pang limang minuto ang lumilipas, ay bigla siyang umubo, malakas, parang lalagnatin.Napalingon ako. “Are you okay?”“No,” aniya habang nakakunot ang noo. “I think I’m dying.”Napairap ako. “You’re not dying, Brent. You just fainted from drinking too much and not sleeping.”“But my head hurts, and I’m cold… and my chest feels heavy,” aniya pa, sabay buntong-hiningang para bang siya ay may taning na.Halos mapatawa ako. Kung hindi ko lang siya kilala, baka napa-praning na talaga ako. Pero malinaw ang intensyon niya—gusto lang niyang maalagaan.Pagdating namin sa bahay, hindi na ako nag-aksaya ng oras. Kinuha ko agad ang gamot na inireseta ng doktor at nagtimpla ng lugaw. Pagbalik ko sa kwarto niya, nakahiga na siya sa kama, may unan sa ilalim ng paa, at nakasiksik sa comforter na para bang g

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 47

    Bella's POV Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Parang biglang tumigil ang oras sa pagitan naming dalawa habang nakatitig ako sa lalaking ilang segundo lang ang nakalilipas ay mapusok akong hinalikan. Ramdam ko pa rin sa labi ko ang init ng labi niya, ang magkahalong alak at emosyon sa hininga niya. Hindi ko alam kung anong mas dapat kong maramdaman—galit ba? Pagkagulat? O… takot sa kung ano na ang nagiging lugar ni Brent sa puso ko. “I know I’ve been a mess,” bulong niya habang nananatili ang mukha niyang ilang pulgada lang ang layo sa akin. “But I’m trying, Bella. Even when I don’t know how.” Napakuyom ang mga palad ko. Ang tibok ng puso ko ay hindi na maipinta. Parang bigla akong nahulog sa isang bangin na wala akong ideya kung saan patutungo. “I like you,” dagdag pa niya, at sa mismong sandaling iyon ay nanikip ang dibdib ko. “I mean… I love you.” Parang sumabog ang isang kanyon sa utak ko. Sa gitna ng lamig ng hangin ay tila ako pinapawisan. Gusto kong magsalita. Gusto

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 46

    Brent's POV Mabilis ang takbo ng sasakyan ko habang binabaybay ang madilim na kalsada ng Maynila. Halos wala akong pakialam kung lampas na ako sa speed limit o kung may mga matang sumusunod sa akin. Ang tanging gusto ko lang sa mga oras na ito—ay ang makalimot.Makalimot sa mga mata ni Bella na kahit wala siyang sinasabi, ay tila paulit-ulit akong sinusumpa sa katahimikan. Makalimot sa paraan ng pagtitig niya sa akin, na parang hindi niya ako kilala tuwing bumibitaw ako ng mga salitang pinangungunahan ng panibugho. At higit sa lahat, makalimot sa takot ko… na baka isang araw, magising na lang ako at wala na siya.Huminto ako sa tapat ng pamilyar na bar—isang lugar na dati kong pinupuntahan kapag kailangan kong takasan ang ingay ng mundo. Ironikal, hindi ba? Dumidiretso ako sa lugar na puno ng ingay para tumakas sa ingay sa loob ng sarili kong ulo.Pagpasok ko, sinalubong ako ng mahinang tugtog ng jazz at masangsang na halimuyak ng alak at sigarilyo. Ilang beses na akong nakaupo sa pa

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 45

    Brent's POV Nang iwan ko si Bella sa ilalim ng punong iyon, inaasahan kong hahabol siya. Na tatawagin niya ang pangalan ko at yayakapin ako mula sa likod, gaya ng sa mga pelikula. Na papawiin niya ang lahat ng hinala’t pag-aalinlangan na bumabagabag sa puso ko sa isang sulyap, sa isang pag-amin na walang ibang lalaking iniisip ang puso niya kundi ako lang. Pero wala. Walang boses na tumawag sa pangalan ko. Walang mga yabag na humabol sa akin. Ang nakuha ko lang ay katahimikan. Malamig. Malalim. At mas nakakatakot pa kaysa sa anumang sagot na maaaring ibigay niya. Pagbalik ko sa silid ko, sinarado ko ang pinto at isinandal ang likod ko roon. Pinikit ko ang mga mata. Pero kahit pa pumikit ako, ang mukha pa rin niya ang nasa isipan ko—ang ekspresyon ng pagkabigla, ng pagtataka, at ng kung anong hindi ko mabasa. At sa ilalim ng lahat ng iyon, ang hindi ko matanggap… ay ang katahimikang pilit niyang sinagot ang mga tanong ko. She could've denied it with more fire. She could've screa

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 44

    Brent's POV Umaga na nang maalimpungatan ako. Napabalikwas ako ng bangon at dumiretso sa terrace ng villa. Natanaw ko mula roon ang tabing-dagat, kung saan unti-unti nang sumisilip ang araw sa likod ng mga ulap. Tahimik. Mapayapa. Pero hindi ako mapalagay. Sinulyapan ko ang phone ko. May isang mensahe mula sa investigator ko. "River Montemayor. Law graduate, UP Diliman. Cum laude. Currently employed at a mid-size law firm in BGC, but often freelances high-profile civil cases. Was in a relationship with a certain Dr. Bella Del Fuego during their third year. No criminal records. More to come." Napabuntong-hininga ako. So they were a thing... once. I shouldn’t be affected. I shouldn’t care. Pero ang bigat na nararamdaman ko sa dibdib ay hindi kayang itanggi ng kahit anong lohika. That man knew her long before I ever did. He had the privilege of knowing her when she was still young and untouched by the weight of expectations, before the burdens of medicine and legacy hardened her so

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 43

    Brent's POV Mula sa kinauupuan ko, damang-dama ko ang bigat ng katahimikan na sumisingit sa pagitan namin ni Bella habang tahimik naming inuubos ang huling bahagi ng dessert. Ramdam ko ang malamlam na haplos ng hangin mula sa dagat, pero mas malamig ang pakiramdam ko sa mga sulyap ni River mula sa kabilang bahagi ng restaurant. Hindi iyon basta simpleng sulyap lang—iyon ‘yong uri ng tingin na may laman, na may alaala, na parang may tinatangkang balikan kahit matagal na itong lumipas. Hindi ko na kailangang tanungin pa si Bella kung napapansin din niya. Dahil sa bawat pagtikim niya ng pagkain, sa bawat pagkunot ng noo niya kapag nasasagi ng hangin ang buhok niya, alam kong aware siya. Hindi lang siya nagsasalita, pero hindi iyon nangangahulugang hindi niya nararamdaman. "He's still looking," bulong ko habang nagkunwaring abala sa pag-ayos ng table napkin. Napatingin siya sa akin, pero wala siyang sinabi. Matalim ang tingin niya sa kawalan, tila may iniisip na malalim. Ang daliri

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 42

    Brent's POV Habang masaya silang nagkukuwentuhan sa ilalim ng araw sa tabi ng beach dito sa Batangas, palihim akong lumayo. Sa isang mas liblib na bahagi ng resort, kinuha ko ang cellphone ko at nag-dial. “Siguraduhin mong maibigay ang gamot kay Gabriel. Low dosage lang muna. Enough para hindi siya tuluyang manghina, pero sapat para mag-regain siya ng strength,” mahina kong sabi sa kausap. “Hindi ba delikado?” tanong ng kabilang linya. “Hindi kung tama ang dose. Gusto ko lang makabawi siya. Hindi ito tungkol sa kanya. Ito ay tungkol kay Bella. I want her to see that I’m not the kind of man who lets personal grudges get in the way of someone’s healing. Kahit pa siya ang dahilan ng lahat ng sakit ng kapatid ko… at ng pagkawasak ng maraming bagay.” “Noted, Doc. I’ll handle it carefully.” Binaba ko ang tawag at saglit na napatingin sa langit. There was something about the way the clouds moved—slow, unhurried, just like how I wished time would go when I’m with her. Pagbalik ko sa c

สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status