Mapait akong napangiti habang hinahaplos ang lapida ng mga magulang ko. Ilang taon na rin ang lumipas simula nang mawala sila pero ‘yung kirot sa puso ko ay hindi pa rin nawawala. Isang napakasakit na trahedya para sa isang anak ang sabay na bawian ng buhay ang mga magulang. Hindi ko lubos maisip kung paano ko nalampasan ang lahat ng ‘yon.
“Ma, Pa, kamusta na po kayo d’yan?” mahinang sambit ko. Kinagat ko ang ibabang labi para pigilan ang pagtulo ng luha na pilit kumakawala sa aking mga mata. Ang kirot sa dibdib ko ay mas lalong tumindi habang nakatingin sa lapida.
Kinuha ko ang dalawang bugkos ng bulaklak at inilagay iyon sa ibabaw ng lapida. Siyam na taon ko na silang hindi nakikita at naririnig, at loob ng mga taon na iyon, araw-araw akong nagdarasal para sa mga kaluluwa nila. It's the least that I can do for them.
“Ako, okay lang po ako. Mahirap po mamuhay ng mag-isa pero kinakaya ko naman po. Si kuya Elmer hindi ko na po alam kung nasaan siya. Nababahala na po ako dahil ilang taon na po siyang nawawala at wala po akong balita tungkol sa kan’ya.” Bumuga ako ng malalim na hangin para maibsan ng kahit kaunti ang bigat ng dibdib ko. Ipinikit ko ang mga mata at umusal ng dasal. m
Pinahid ko ang isang butil ng luha na nakatakas sa mata ko. “Kung nandito sana kayo ma, pa, makikita niyo po na pumapasok ako sa pinagtratrabuhuan ko, kahit na masungit ang amo namin ay carry ko pa rin ang ugali niya. Malakas yata itong bunso niyo ma, pa.” Natawa ako na naiiyak.
“Huwag po kayo mag-alala sa akin, kaya ko po ang sarili ko. Malapit na po ako gru-maduate at matutupad na po ang mga pangarap natin na magiging flight stewardess. Tutuparin ko po ‘yun para sa inyo.” Tumingala ako at bumuga ng hangin. Ang bigat-bigat ng dibdib ko sa tuwing dadalawin ko sila dito sa sementeryo.
Masakit talaga sa loob ko ang maaga nilang pagpanaw. Masyado pa silang bata para mamatay, hindi pa nila ako nakikitang matupad ang mga pangarap. Siguro iyon ang nakatadahana. Ang pagkawala nila ng maaga, ang biglang paglaho ng kapatid ko, at itong pag-iisa ko, alam ko na may dahilan ang lahat ng ito.
Kinuha ko ang panyo sa bag ko at pinahid ang luha sa pisngi. Pinaypayan ko ang sarili para kahit papaano ay kumalma ako bago pumasok sa trabaho.
Tumingin ako sa relo sa kaliwang braso, kailangan ko na talagang umalis at baka ma-late pa ako sa trabaho, nakapasungit pa naman ng amo namin.
“Ma. Pa. Aalis na ako, ha? Bibisitahin ko po ulit kayo dito sa susunod na buwan. Mahal na mahal ko po kayo.” Hinaplos ko ang lapida nila. Sa tuwing nalulungkot ako ay dito ako napapadpad, dahil kahit papaano ay mailalabas ko ‘yung bigat na dinadala ko kapag nakakausap ko sila.
Bigla akong nataranta nang malakas na tumunog ang cellphone ko sa bag. Dali-dali ko itong kinuha at nang tingnan ko kung sino ang tumatawag ay nag-wala bigla ang puso ko. Iyong executive secretary ang tumatawag.
Bakit tumatawag si Miss Cindy?
“Hello po, Miss Cindy.” Magalang na bati ko sa Executive secretary ni Mr. Samaniego. Hindi maawat ang puso ko sa malakas na pagkabog nito. Sa tuwing tumatawag kasi si miss Cindy ay palaging masamang balita ang hatid nito.
“You have to come to office right now. Mr. Samaniego is looking for you, Ms. Ocampo. Don’t let him wait.”
“Po?” Napatayo ako ng matuwid sa sinabi niya. Anong kailangan ng CEO sa akin? May mali na naman ba sa trabaho ko? Diyos ko! Huwag naman sana.
“Pumunta ka dito ngayon din. This is urgent.” Pinal na saad nito bago ibinaba ang tawag.
Napahawak ako sa dibdib. Masakit ang bawat kabog nito at tila pinangangapusan ako ng hininga. Alam ko na may mali. Masyado pang maaga para dumating si Mr. Samaniego sa opisina. Mag-a-alas otso pa lang ng umaga at kadalasan ay alas-dyes na ito dumadating.
Diyos ko, may nagawa na naman ba akong kasalanan?
Pumara ako ng taxi para magpahatid sa Diamond Tower. Hindi ako mapakali sa loob ng taxi. Paulit-ulit kong inisip kung may mga nakalimutan ba akong gawin kahapon? Wala naman siguro ‘di ba?
Parang ayaw ko yata pumunta sa opisina, siguradong sermon na naman ang aabutin ko kay Mr. Samaniego. Ang sungit-sungit pa naman no’n, palaging magkasalubong ang mga kilay at paliging nakabulyaw.
Bahala na!
Nagmamadaling akong pumasok sa Diamond Entertainment Building or Diamond Tower. Namamanhid ang mga kamay ko sa kaba. Ibang klase pa naman manermon iyong si Mr. Samaniego. Nanlilisik ang mga mata at masyadong masakit magsalita. At ako ang paborito niyang sermonan nitong mga nakaraang buwan.
Nagbuga ako ng hangin nang marating ko ang opisina namin. Ang nakasanayan kong magulo at maingay na opisina ay napakatahimik ngayon. Lahat ay subsob sa trabaho at walang empleyado na nagtsi-tsimisan sa isang gilid.
“Bree, ang aga ni sir ngayon, wala na naman sa mood. Kanina pa malakas ang boses. May malaking problema yata sa business deal.” Iyon sa balita na isinalubong ni Cheska sa akin, mahina ang boses nito at halatang nag-iingat na hindi marinig ang sinabi.
Mas lalo lamang nanlamig ang buong katawan ko. Diyos ko! Pakiramdam ko kakatayin ako! Tulong po!
Lakas loob akong naglakad patungo sa cubicle namin. Nakasara ang window blinds.
Tinulak ko ang glass door ng opisina namin pero bigla akong naitulos sa kinatatayuan ko. Napanganga ako dahil ang sumalubong sa akin ang malademonyo niyang mga titig. Napakaseryoso ng mukha nito. He stood tall in front of miss Cindy and Rachelle, my co-assistant secretary.
Napalunok ako nang salubungin ko ang nakakatakot niyang titig. Lalo na’t halos magdikit na ang mga kilay niya. a
“Good morning, Mr. Samaniego.” Pilit kong pinapatatag ang mga binti kong gusto nang bumigay. Napalunok ako ng masama niya akong tiningna.
Nakita kong sinenyasan ako ni Chelle pero hindi ko maintindihan kung ano ang ibig niyang iparating.
“Are you the one who talked to Mr. Lao’s secretary?” His voice is stern. It was laced with annoyance.
Napalunok ako at unti-unting tumango. “Yes po, sir. Ako po ‘yung kumausap ng sekretarya ni Mr. Lao.”
Mariing itong pumikit at tila nagtitimpi sa galit. Ang mga ugat sa leeg nito ay nagsilabasan. Hinilot nito ang sintido na parang may iniindang sakit.
May nagawa ba akong mali?
Nanlaki ang mga mata ko nang maalalang hindi ko pala na logged ang appointment ni Mr. Lao. Kahapon dapat iyon pero dahil sa sobrang dami ng trabaho at dahil na rin na nalalapit na death aniversary ng mga magulang ko, ay nawala iyon sa isip ko.
Nabaling ang tingin ko kina miss Cindy at Chelle. Umiling lang ang dalawa. Ngayon dapat ang breakfast meeting ni Mr. Lao kay Mr. Samaniego. Para akong nahilo dahil sa lakas ng kabog ng puso ko.
“In my office.” Iyon lang ang sinabi nito at walang lingon-likod na umalis. He even slammed the glass door. Napahawak ako sa dibdib kong gusto nang kumuwala sa hawla. Nakakatakot talaga siya!
Nakagat ko ang ibabang labi. Napadako ang tingin ko kay Miss Cindy na seryosong nakatitig sa akin.
“Miss Cindy, sorry po! Nakalimutan ko pong e-logged ang schedule ng meeting.” Naiiyak kong saad.
“Go. Sa office. And goodluck.” Utos nito.
Bagsak ang balikat kong tumango at nagmamadaling sumunod. Wala naman akong ibang p’wedeng gawin. Ihahanda ko na lang ang sarili kung sakaling sesesantihin ako ngayon. Pero huwag naman sana, kailangan ko pa ng pera para pang-tuition next semester, kulang pa iyong ipon ko.
Nag-buga ako ng hangin at pinaypayan ang sarili bago ko binuksan ang pinto ng opisina ni Mr. Samaniego.
Impit akong napasigaw nang biglang may lumipad na paper weigh sa direksyon ko pagkapasok ko pa lamang sa opisina ni Mr. Samaniego. Mabuti na lamang at nakaiwas ako, o baka mas lalo ko lamang ginalit ang amo ko dahil hindi ako tinamaan ng ibinato niya.
“Do you have any idea how important that meeting is? Huh?!” Sigaw nito.
Napapikit ako nang dumagondong ang boses niya sa bawat sulok ng opisina. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Katapusan ko na yata ngayon araw!
“Sir, I’m so sorry -
Hindi natapos ang dapat kong sasabihin nang ibato niya naman ang isang ballpen holder, mabuti at hindi iyon umabot sa kinaroroonan ko. Nagkalat ang mga ballpen sa sahig.
“Shut up! Incompetent bitch! I will not allow this kind of dumbness inside my company. Alam mobang napakalaki ng nalugi ko dahil d’yan sa katangahan mo? I will charge that loss into your account! Hindi mo lang ako pinahiya kay Mr. Lao, now they even questioned my credibility as a businessman. Get out!”
Nagulantang ako nang bigla na lang niyang ibinato ang laptop niya sa direksyon ko. Napanganga ako sa mga nagkalat na parte ng nawasak niyang laptop. Dali-dali ko iyong pinunot at sa nanginginig na mga kamay ay inilagay ko iyon sa office table niya.
He was breathing hard. Nakayuko ito at tila isa iyong paraan para pakalmahin ang sarili.
“Sir, kakausapin ko po ulit ang sekretarya ni Mr. Lao. Huwag po kayong mag-alala, si hihingi po ako ng tawad may Mr. Lao, sasabihin ko po na ako ang may kasalanan. Pasensya na po talaga kayo, sir.” Kung puwede lang ako lumuhod sa harapan niya, ginawa ko na.
Nag-angat ito ng tingin mula sa pagkakayuko at matalim akong tingnan. Hindi niya yata nagustuhan ang sinabi ko. Aakuin ko na nga lahat ng kasalanan at hihingi ng tawad kay Mr. Lao. Kakapalan ko na talaga ang mukha ko.
“Jackson, just spare her. It not her fault, I shouldn’t have let her handle that deal.”
Para akong nakahinga ng maluwag nang biglang pumasok si miss Cindy. Bumaling si Miss Cindy sa akin at sinenyasan akong lumabasa. “Labas ka na,” utos nito.
“Opo.” Hidni ko na hinintay pa na makapagsalita si Mr. Samaniego. Nagmamadali kong tinungo ang pinto.
Nang maisara ko ang pinto ng opisina ay gusto kong humiga sa sahig. Nawalan ako ng lakas bigla. Araw-araw talaga stress ang hatid ni Mr. Samaniego sa buhay ko. Guwapo sana nakak-stress naman.
Napatigil ako nang makita ang isang bugkos ng bulalak na nakapatong sa mesa ko. Rosas na kulay pula at napakaganda ng pagkaka-ayos nito, halatang mamahalin ang bouquet. Napalinga ako sa buong silid, maaga pa at wala pa masyadong tao sa opisina. Alas-seite pa lng ng umaga at ako pa lang ang empleyado sa palapag na ‘to. Sinadya ko talaga na mag-maaga ngayon para ayusin ‘yung trabaho ko na palpla, nangako pa naman ako na personal kong kakausapin ang si Mr. Lao at humingi ng kapatawaran sa katangahan ko. Sana lang talaga at hindi kasing sungit ni sir Jax iyong si Mr. Lao. “Sino naman kaya ang naglagay nito dito?” bulong ko. Nasa isang silid lang kami ni Chelle habang nasa kabila naman si miss Cindy, siya iyong Executive Secretary at kami ni Chelle ang kaniyang mga alalay. Kinuha ko ang card na nakasabit at binasa iyon. “Dear Bree, I hope this flower brightens up your day. Always smile, you have a very beautiful smile. Your secret admirer.” Napataas ang kilay ko sa nakasulat sa mali
“What the f*ck are you doing?!” “Ay! Titi mo malaki!” Napatili ako sa sobrang pagkagulat nang dumagundong ang malakulog na boses mula sa likod ko. It reverberated through the kitchen walls. Pakiramdam ko ay lumindol sa sobrang lakas ng boses niya. Sa sobrang gulat ko at sa kagustuhang hawakan ang aking dibdib ay muntik ko nang mabitiwan ang pinggan sa kamay ko. Mabuti na lang at maagap ko itong nahawakan, kun’di yari na naman ako. I turned around only to see a scowling Jackson Samaniego standing at the door of the kitchen. Pulang-pula ang mukha nito at humuhingal pa. His massive physique almost occupied the whole door making him look larger than life. Sa tangkad nito ay talagang matatakot ka kapag gano’n kabangis ang itsura nito. Para itong isang mabangis na halimaw na handang sunggaban ang kaniyang agahan, at ako iyong agahan niya. Pero imbes na matakot sa itsura nito ay hindi ko maiwasan na pasadahan ng tingin ang hubad nitong katawan. Wala itong suot na pang-itaas at ang suot
Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko habang naghihintay kay miss Cindy. Halos hindi na ako humihinga kakatitig sa glass door ng cubicle namin ni Chelle dahil sa lakas ng tibok ng puso ko. Namamawis na ang noo at palad ko at pakiramdam ko ay katapusan ko na talaga ngayong araw. Katapusan mo na talaga! Sa tingin mo ba palalampasin ni sir Kax ang ginawa mo? Gusto kong bulyawan ang isang bahagi ang utak ko na palaging kontrabida. Kung anu-ano na lang ang sinasabi nito na nagpapawala ng tiwala ko sa sarili. Paano kung magdedemanda si sir Jax? Diyos ko po, saan ako kukuha ng pera para doon? Paano kung patatalsikin ako sa trabaho? Malaki siguro ang sisingilin nito sa akin dahil muntik na masunog ang bahay nito. Nasapo ko ang sariling noo. Kung anu-ano na lang ang naiisip ko, at sigurado naman ako na mangyayari ang isa sa mga iyon. Narinig kung nagbuga ng isang malalim na hininga si Chelle. Pati siya ay hindi rin mapakali. Pareho namin hinihintay si miss Cindy na makabalik, kinakausap
“Sus! Denial pa itong babaita na ito! Gumalaw ang ilong mo ibig sabihin kinilig ka rin!” Hindi pa nakuntento si Chelle at malakas itong humalakhak na akala mo kami lang ang tao sa opisina. “Basta! Iba ang kutob ko d’yan kay sir Jax. May duda nga ako na siya iyang secret admirer mo na palaging nagbibigay ng mga bulaklak. Grabe! Ganda mo talaga, girl!” Dagdag na saad ni Chelle. Gusto kong takpan ang mukha ko sa kahihiyan ng sinasabi nito. Imposible kasi na mangyari iyo dahil sa bikod na nakikita ko kung gaano nito kamahal ang yumaong asawa, ano ba ako kumpara sa mga babaeng dini-date nito ngayon? Muli kong hinampas si Chelle nang akma itong magsasalita. Kung anu-ano na lang ang sinasabi. Hindi ba ito natatakot na marinig ng ibang kasama namin? “Ewan ko sa’yo. Punta muna ako ng cafeteria. Nagutom ako bigla.” Lumabas ako at iniwan na si Chelle doon. Ayokong makipag-usap sa kan’ya kapag iyon ang topic niya. Nakakahiya na nakakainis. Napaka-imposible kasi base sa kung paano ako tratu
Huminga ng malalim si Bree para pakalmahin ang naghuhuramentado niyang puso. Dumuble ang kaba niya noong nakaharap na niya talaga si sir Jax at nakita sa mga mata nito kung gaano ito kagalit sa kaniya. Nag-aapoy iyon ng pang-aakusa. Napalunok ng wala sa oras si Bree. “Jax, darling, what took you so long?” Biglang lumitaw si Elise mula sa likod Jax na nakabusangot ang mukha. Pero nang makita nito na karga ni Jax si Amy ay biglang nagbago ang itsura nito. Umaliwalas ang mukha at ngumiti ng pagkatamis-tamis sa bata. Hindi mawari ni Bree kung totoo iyon o pakitang-tao niya lamang. “Amy, baby! Oh, my... I’m so worried about you! Where have you been? Are you alright?” Maarte nitong sigaw sabay lapit at yakap sa bata. Napangiwi si Bree sa arte ng boses nito. Okay. Confirmed! Pakitang-tao lang iyon. Napataas ang kilay ni Bree nang sinadya ni Elise na idikit ang katawan kay Jackson nang yakapin nito ang bata. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng mga empleyado ni Jackson ang relasyon
Jax was pulled from his train of thought when a soft and small hand caressed his face. It was Amy. Nakatingin ito sa kaniya na may nagtatanong na mga mata. Nagbuga ng isang malalim na buntong-hininga si Jax at pilit na ningitian ang anak. “What is it, baby?” “Daddy, please don’t fire ate Vicky. It's not her fault, it was my fault.” If there is someone who has the ability to bend Jackson’s decision, it’s his daughter Amy, aside from Cindy, of course, who is one of his trusted friends since college. He just loves his daughter dearly. She resembled his late wife’s face so much that it became hard for Jax to live with her. Kaya pansamantala itong nakatira sa mga magulang ni Jax. Besides, he’s a total mess right now, and Jax doesn’t want Amy to witness how wrecked he is. “Sir, pasensya na po talaga kayo. Pangako po pagbubutihin ko po ang trabaho ko.” Nagsalita ang yaya ni Amy na si Vicky na nasa gilid lang, nagsusumamo ang boses nito at mukha ng maiiyak dahil sa kaba. “Amy, baby,
Spartan. The high-end bar owned by the infamous Andrei Morotov. It's Friday night, and as usual, the place was jammed-pack. People from the high society were swarming the bar like hungry bees. Some were dancing and bouncing their bodies to the upbeat music. Everybody was having a good time; some were out to search for a good fuck, while others just wanted to have some booze and enjoy. Malaki ang ngisi ni Andrei nang makitang paparating si Jax sa inuukopa nilang mesa sa VIP section. And as usual, Jackson’s face was scowling like the whole world was his enemy. Hindi mawawala sa mukha nito ang pagkakakunot ng mga kilay at ang walang emosyon na mga mata. Sila na magkakaibigan ay naiintindihan naman kung bakit naging ganoon ang ugali ng lalaki. He doesn’t talk too much anymore; he’s always scowling and he fucks hard. Ang buong akala nga nila ay hindi sila nito sisiputin. Simula kasi noong mamatay ang asawa nito ay hindi na ito masyadong nagpapakita sa kanila, maliban na lamang kung mg
Monica, on the other hand, busied herself seducing Jax. She would press her huge boobies to Jax's arms, caressed him anywhere on his body. Hinayaan lamang ni Jackson ang ginagawa ng babae, hindi naman kasi iyon napapansin ni Jax kaya naging malaya ang babae. Hinaplos ni Monica ang panga ni Jax, dahilan para bumalik si Jax sa kasalukuyan. With brows knitted, he looked down at the woman beside him. Ngumiti ito ng kaakit-akit habang bumababa ang kamay nito patungo sa sentrong bahagi ng katawan ng lalaki. Mas lalong nangunot ang noo ni Jax nang sapuhin ni Monica ang kaniyang pagkalalaki. She gave it a little squeezed before she rubbed the pad of her palms on the fabric. Paulit-ulit nitong hinaplos ang ngayong tumitigas na na pagkalalaki ni Jax. He grabbed her hand with the intention to stop her. Pero nagmamatigas ang babae. Hindi makapapayag si Monica na hindi niya muling matitikman ang lalaki ngayong gabi. She waited for this opportunity, and she can’t let this go to waste. “What
Ten years passed, and the memory of their wedding was still fresh inside Bree’s mind. Pati ang nararamdaman niya noong araw na iyon ay sariwa pa rin sa kanyang puso. Sampung taon na ang nakalipas pero ang nararamdaman niya para sa asawa ay hindi man lang nagbago, kung nagbago man ay dahil mas minahal niya pa ito ng husto. Pinahid ni Bree ang kaunting luha na nasa gilid ng kanyang mga mata. Kahit na ilang beses niya pa na napanuod ang video recording ng kanilang kasal ay hindi pa rin nagsasawa si Bree. “Jackson Samaniego, hindi ko kahit kailan maisip na makikilala kita at mamahalin ng ganito katindi. Lahat ng babae sa mundo ay nangarap na makatagpo ng isang prinsipe, pero hindi ko talaga akalain na makakatagpo nga ako ng isang prinsipe, medyo masungit nga lang.” Nagtawaawanan ang mga tao na dumalo sa kasal nila. Si Bree rin ay natawa sa mga sinasabi nia. It was the most romantic event that ever happened to her.
Sophia Marie Samaniego. Iyon ang pinangalan ni Bree sa bunsong anak nila ni Jackson. At kagaya ng mga Samaniego, may asul na mga mata din ang bata. She’s like the female version of Jackson. Kaya panibong inis na naman ang umusbong sa puso ni Bree. Naiinis siya dahil ang lakas ng kapangyarihan ng katas ni Jackson para nakuha ng dalawang anak nila ang itsura nito. Walang ni isa na mula sa kanya ang nakuha nina Lennox at Sophia. “Oh, my god! She looks exactly like Jackson! Parang batang Jackson na naging babae.” Masayang bulalas no Madeline nang dumalaw ang mga ito sa ospital. Nandsoon ang lahat, sina Tyler at ang nobya nitong si Jane, si Lucian na ngayon ay nobya na rin si Keira, at ang mga magulang nila. Ang mga bata ay naiwan sa mansyon dahil bawal sila sa ospital, pero pinadala ni Lennox ang favorite stuffed toy nito para raw hindi malulungkot ang mama niya. Masayang-masaya ang lahat sa pagdating ng
Sinipat ni Bree ang itsura sa full-lenght body mirror. Kanina pa siya papalit-palit ng damit na susuotin pero hindi niya talaga gusto ang kinalalabasan ng itsura niya. Para siyang balyena! Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilin ang pagluha. She hates this feeling. Iyong pakiramdam niya ay ang pangit niya, tingin niya sa sarili ay isang siyang hippopotamus. “Ang pangit ko talaga,” naiiyak na bulong niya sa sarili. Idagdag pa ang hindi niya katangkaran na height at napakalaki na tiyan niya, gusto na lang talaga ni Bree magtago sa silid niya at huwag na lumabas kahit kailan. Kabuwanan na niya ngayon kaya sobrang laki na ng tiyan niya, hirap na hirap na siya sa pagkilos at hingal na hingal siya. Hindi naman siya ganito noong pinagbubuntis niya si Lennox. Hindi naman siya nabahala na malaki na ang tiyan niya, kung tutuosin ay umitim nga ang balat niya
Sa Maldives ang destinasyon nila ni Bree at Jackson para sa kanilang honeymoon. Silang dalawa lang dahil hindi pumayag si Jackson na kasama sina Lennox at Amy. Ang rason nito? Iyon lang daw ang panahon na masusulo siya nito, at kapag nakauwi na sila ay mahahati na raw ang kanyang atensyon. Napailing na lamang si Bree dahil parang bata ito kung maka-angkin sa kanya, nakikipagkompetensya sa mga anak nila. Niyakap ni Bree ang sarili habang dinadama ang mainit na simoy ng hangin mula sa dagat. Ikalawang araw na nila ngayon dito at ngayon lang siya nakapasyal ng maayos dahil hindi siya hinahayaan ni Jackson na makalabas sa silid nila. Jackson had been very possessive and protective of her since he learned that she was carrying his child again. He’s much more attentive to her needs. “Hindi kita naalagaan noong pinagbubuntis mo si Lennox, kaya babawi ako sa’yo ngayon. Gagawin ko ang lah
Puspusan ang paghahanda ng buong mansyon ng mga Samaniego para sa kasal nina Bree atJackson. Kahit ang buong Diamond Entertainment ay walang pagsidlan ang tuwa para sa kanilang masungit na amo na sa wakas ay nakatagpo din ng babaeng kaya itong pabaitin. Masaya ang lahat dahil sa wakas ay nakatagpo na rin ng babaeng pakakasalan ang isa sa pinakamasungit na CEO sa buong bansa. Kahit na ang mga netizens ay excited na makita sa national television ang live coverage ng kasal nito. Puno ng paghanga ang mga ito sa katapangan ni Bree. Naging hot topic sa buong bansa ang nangyaring pagkidnap at pag-hostage kay Bree at nagawa nitong makaligtas sa tiyak na kamatayan. The topic was trending on all social media sites. Ang iba ay kinikilig dahil parang fairytale raw ang lovestory nina Bree at Jax, may iba naman ang nanghihinayang dahil ikakasal na ang isa sa pinakaguwapong negosyate sa bansa. “Hija, ang ganda mo talaga. Sigu
Ang huling nakita niya bago siya nawalan ng malay ay ang pagbagsak ng kaibigan sa sahig. Chris also shot Chelle! Kahit na buntis ang babae at dinadala nito ang anak niya ay hindi pa rin naging hadlang para barilin ang kaibigan niya. Lumukob ang takot sa puso ni Bree. She need to know what happened to Chelle. Hindi siya mapapakali hangga’t hindi niya malalaman na nasa ligtas ito kalagayan. At hindi niya matatanggap kapag may nangyaring masama sa inosenteng anak niya. Nagpupumilit na bumangon si Bree at pilit na tiniis ang sakit ng kanyang mga sugat, pero hindi niya talaga kaya. “Bree! Thank god you’re awake!” Napalingon si Bree sa nakabukas na ngayon na pinto ng kanyang silid. Nagmamadaling pumasok si Tyler at
The baby had a striking blue eyes, just like the Samaniegos. Tyler tapped Jax on his shoulder. “She’s going to make it, kuya. Huwag kang mag-aalala sa kanya. We all know that Bree’s a figther. Ang tapang ng babaeng iyon, sigurado akong malalampasan niya ang lahat ng ito. And she’s pregnant, I know she will fight for you and the baby.” Ipinikit ni Jackson ang mga mata. He’s willing to trade his life just so Bree could live. Gusto niyang magwala dahil namatay si Chris. Death was way much better for an evil person like him. Ang gusto sana ni Jackson ay magdusa ito sa loob ng bakal na rehas. He even want to torture that man himself. Chris dies because of multiple gunshot. One fatal shot the killed him was a straight shot to his heart. “I’m so scared, Ty. Just thinking that door would open and the doctor would give me a bad new makes me want to shout in frustration.” Sinabunutan nito a
Napamura na lamang si Samuel nang marinig ang tatlong magkasunod na mga putok. Umalingawngaw iyon sa buong bodega. Otomatikong napatingin siya sa gawi ni Bree, nalingat lang siya na ilang segundo pero ang babae ngayon ay nakahandusay na sa sahig at kumakalat ang pulang likido sa sahig. Sa isang banda ay nandoon ang buntis na kaibigan ni Bree, at duguan din ito at walang malay ''Fuck!'' Sunod-sunod na ang naging putokan, si Chris ang target. Chris dropped on the ground, dead and covered with his own blood. Kaagad na binawian ito ng buihay sa dami ng tama ng baril sa katawan. Kaagad na kumilos ang mga tauhan ni Samuel. They all move to check whether Bree and Chelle were still alive. Isa sa mga tauhan ni Samuel ang nagcheck sa pulso ng dalawang babae. Pagkatapos ng ilang minuto ng pagsusuri ay malungkot itong nag-angat ng tingin kay Samuel at umiling.
Ang alam ni Bree ay gabi na. Hindi man lang siya itinali si Chris, kaya mas lumaki ang pag-asa ni Brew na makatakas siya mamaya. Hindi siya binigyan ng pagkain kanina, siguro para manghina siya. Pero hindi iyon hadlang para kay Bree, mahinap malakas ay tatakas siya sa lugar na ito. Alam niyang ito na ang magiging lugar kung saan siya babawian ng buhay kung hindi siya tatakas ngayon. Noong umalis si Chris kasama si Chelle na walang imik ay hindi na bumalik ang mga iyon, ilang oras na din ang lumipas. Ang tanging ipinagdarasal ni Bree ay sana hindi na bumalik si Chris para may tyanaa siyang makatakas ngayon. Mayroong tatlong lalake na nagbabantay sa loob ng silid. Good thing she's not tied. Mas madali sa kanya ito. Inilibot ni Bree ang tingin sa buong silid. Walang gamit, mayroong isang mesa na ginagamit ng mga lalake at ang silya na inuupuan niya. Ang nak