"Anong masamang hangin ang nagdala sayo dito? Gusto mo bang magpagawa sa akin nang-customize na dress?" Pinaikot ni Yuna ang kanyang mga mata.Tumingin si Rowena kay Yuna nang walang ngiti sa kanyang mukha, "Yuna, anong gusto mo?Anong binabalak mo ha?"tanign ni Rowena, nang scroll ito s phone at binuksan sng IG at ipankita kay Yuna."Bakit ka pumunta sa golf course kaninang umaga? Para ba akitin si Robert? Tama ba?" Galit nasabi ni Rowena.Tumingin si Yuna sa kabyang IG post, kinukot ang kanyang mga labi at ngumiti, "Ano bang masama sa ginawa ko?""Walang masama?nagmamaang maangan ka pa!plinano mo ba na pagkalabas mo sa kulungan, ay manggugulo ka. Gusto mong maghiganti sa akin dahil galit ka sa akin, di ba?" Susog ni Rowena kay Yuna."Hulaan mo." Pangiinis ni Yuna. Hindi niya sinabi kay Rowena kung ano ang kanyang mga balak. Hindi siya nang dent pero hindi rin umamin.Napangiti si Rowena at sinabing, "Walang kwentang gawin ito. Hindi gusto ni Robert ang tipo mo. Kahit akitin mo pa
Natigilan si Felix nang marinig niya ito, at biglang naging parang estatwa. Parang na realize niya na mali ang sinabi niya. Ngunit tumalikod si Yuna at umalis. Nadurog ang puso ni Felix at lumapit at lumakad ng mabilis para maabutan ito,"Yuna...!" Pero pinandilatan siya ni Yuna na may malungkot na mukha, "Naiinis ako sa iyo, Felix, pwede ba? huwag mo na akong sundan pa."Lumipat lang nang upuan si Yuna. Hindi pa siya makakaalis dahil kailangan pa niyang makausap si Robert. Kinagat ni Felix ang kanyang mga labi at sinabing, "Pasensya na, hindi ko dapat sinabi ang mga iyon ngayon lang, ngunit talagang ayaw kong malagay ka ulit sa gulo, tulad ng kung ano ang nangyari sa nakaraan gusto kong bayaran ang pagkakamaling iyon..."Sasabihin na sana niya na gusto niya ng kabayaran, ngunit pinutol siya ni Yuna ang sasabihin pa sana niya,"Magkano ang plano mong bayaran?""Magkano ang ibig mong sabihin?""Dahil gusto mo ng kabayaran, bigyan mo ako ng pera. Magkano ang plano mong ibigay sa akin?
Hindi nakayanan ni Robert ang malalagkit na tingin at kaakit - akit na ngiti ni Yuna, at ang kanyang tingin ay hindi namamalayan na lumipad sa kabilang panig. Kung nasaan si Felix.Nakatayo si Felix roon, ang kanyang mga mata ay laging nakatitig kay Yuna, na may matangkad at tuwid na pigura at pambihirang guwapong hitsura.Hindi masyadong naiintindihan ni Robert kung bakit ayaw ni Yuna sa lalaking ito. Ang kanyang reputasyon nito ay walang kayang maaabot sa mataas na lipunan, at kung ito ay ibang tao, hinding hindi ito magaaksaya ng oras na titigan nag isang babae tulad ng ginagawa nito ngayon. Pero ngayon halos hindi nito maalis ang tingin kay Yuna kahit pa barilin sa kinatatayuan nito. Bakit bInabalewala lang lahat ito ng isang ordinaryong babae lamang na si Yuna. Sa kanyang pagmamasid ay nabubuhay ang kuryusidad ni Robert sa pagkatao ni Yuna. Si Felix ang tipo ng lalaking pagaagawan ng lahat at papangarapin ng lahat, pero bakit ganito si Yuna?Hindi man lang ito nilingon ni Yuna
Isang araw, bigla siyang nakaramdam ng hindi komportable sa pakiramdam.Marahil nagsimula ito sa sandaling naramdaman niyang narating na ni Yuna ang isang destinasyon sa magkaibang landas.Nang makita ni Lester si Patrick, lumabas ito ng kotse, dire-diretsong naglakad palapit sa kanya at nagtanong,"Boss Patrick, maaari ba akong magtanong sa iyo?" Walang sinabi si Patrick kaya tinanong ito ni Lester ng deretso. "Ano ang relasyon mo ngayon sa asawa ng amo ko?"Itinaas ni Patrick ang kanyang mga labi at ngumiti, "Inutusan la na ni Felix para magtanong ng ganyan?""Hindi, gusto ko sanang itanong sa sarili ko." Tumayo ng tuwid si Lester at magiliw na nagpayo,"Si Boss Patrick ay isang matalinong tao. Dapat niyang makita kung gaano kalaki ang pagpapahalaga ng aking Boss sa asawa niya. Kung si Boss Patrick ay may kaalaman sa sarili, dapat niyang layuan ang aming Madam. Pagkatapos ng lahat, ang sinumang makasakit sa aming Madam ay magdurusa." Sabi nito."Ang dapat na lumayo kay Yuna ngayo
Pero anumang pilit niYuna mapait talaga ang kape amerikani sa kanya epro hindi niya iyong iponahalata kay Felix. Sa harap nito ay hindi siya magpakita ng kahinaan at hinding-hindi siya dapat maakit sa kaguwapuhan nito ngayon.Dati siyang isang simpleng tao, kung saktan siya ng iba, nakakalimutan niya agad, at nagpapatuloy sa pagiging masaya. Dahil ayaw niyang parusahan ang kanyang sarili dahil sa pagkakamali ng iba.Pero simula nang maipasok ang kanyang ama sa ICU, at ayaw ni Felix na parusahan si Rowaena, nagpasiya si Yuna na parusahan ang kanyang sarili.Pinaparusahan niya ang kanyang sarili sa pagmamahal sa taong hindi niya dapat mahalin. Pinaparusahan din niya ang kanyang sarili dahil sa kanyang pagkamakatuwiran, dahil sa kanyang pagkamakatuwiran, nasaktan ng ganito ang kanyang ama. Mula noon, ayaw na niyang maging masaya.Parang naunawaan din ni Felix ang ibig niyang sabihin, at naging bahagyang malalim ang kanyang boses,"Ano ang gusto mong gawin?" Tumingin siya, at n
Kinabukasan ay maagang nangtungo si Yuna sa Shop.Naabutan niyang abala si Myca sa pagpili ng ibat ibang sample ng tela. Pagbukas ng pinto ay nagtaas ito ng tingin at nakita siya .Nabakas niya ang kaligayan pero pagkagulat sa mga mata nito."Yuna...""Boss, nakabalik ka na!" Sabi naman ni Lin na katuwang ni Myca."Magandang araw sa lahat!" Bati ni Yuna sa ilang tauhan at ngumiti kay Lin, at pagkatapos makipag-usap ng sandali, inalalayan niya si Myca paakyat sa opisina sa ikalawang palapag.Namumula ang mga mata ni Myca habang tinitingnan siya, "Yuna, natutuwa akong makita ka, kakalabas mo lang mula roon, hindi ka ba magpapahinga kahit lang araw man lang ?" Sabi ni Myca. Labis nipang ikinalungkot ng makulong si Yuna."Hindi na, wala naman akong gagawin." Tumingin si Yuna sa matambok na tiyan ni Myca."Sino ba ang nahihirap ha, ilang linggo na lang ba bago lumabas ang baby pero nagtatrabaho ka pa rin?"Tumingin si Myca sa kanyang tiyan, at naglabas ng dila, "Ganyan din ang sinasabi n
Medyo natulala si Yuna, hindi niya maintindihan ang nababasa sa mga mata ni Patrick. Pero para kay Yuna dapat ay wala ng madamay pa, dapat ay siya ang gumawa upang mapanatag ang kalooban niya. Sa kanya may atraso si Rowena kaya dapat sa mga kamay niya rinamgbayad ang babae. Kaya sa huli ay umiling siya,"Hindi na, Kuya Patrick, alam kong hindi ka rin masaya sa pamilya mo at may mga sarili ka ring problema, ikaw at ang iyong kuya ay magkalaban din diba. Mahirap din ang iyong buhay."Sinabi na sa kanya ni Myca dati, na si Petrick ay dumating lang sa pamilya Perez, at parang anak lamang sa labas, ang kuya nito ang tagapagmana, kaya't si Patrick, ang bagong ikalawang anak na lalaki, ay hindi masaya sa pamilya Perez.Yumuko si Patrick na tila napahiya at nainsulto bago muling tumingin kay Yuna."Okay lang, kaya kitang tulungan." Pero ilang ulit pa ring umiling muli si Yuna, at bahagyang lumabas ang kanyang mga dimples, sinabi niya kay Patrick,"Kuya Patrick, ayaw kong maging pabi
"Yuna!" Nag-iba ang tono ni Felix, at hinabol siya."Mr. Felix, itigil mo yan, hindi na tayo ganoon na magkakilala pa baka nakakalimutan. Mo wala na tay9ng konektion pa, huwag mo akong sundan pewde ba?" singhal nibYuna.Nang makarating si Yuna sa gilid ng kalsada, huminto ang isang sasakyan. Bumaba ang bintana, at muli niyang nakita ang nakakainis na mukha ni Patrick, binuksan nito ang pinto ng sasakyan at sinabi kay Yuna,"Yuna, nandito ako para sunduin ka." Ngumiti si Yuna ngvubod ng tamis, at sasakay na sana sa sasakyan, ngunit hinawakan na naman siya ni Felix sa kamay, ang kanyang guwapong mukha ay parang isang walang buhay na estatwa,"Huwag kang sumama sa kanya Yuna." "Sino ka ba para bawalan ako?" Sarcastic na ngumiti si Yuna, garapal niyang sinabi, "Hindi tayo magkakilala, huwag kang kumilos na parang aso na palaging nakasunod sa akin, nakakainis na." Pagkatapos sabihin iyon, sumakay na si Yuna sa sasakyan.Ngunit bagi isara ang pinto ay tumingin ulit kay Felix, bakas ni Yu
Sa oras na iyon, ang dalawa sa dance floor ay nasa punto na ng pagsusuot ng singsing. Kukunin na ni Robert ang nakahandang singsing na nasa tray para ibigay kay Rowena, at isusuot na ito sa manipis na palasingsingan ni Yuna.Biglang nagdilim ang tingin ni Felix sa panibugho, binangga niya ang karamihan at pumasok sa gitna ng bulwagan at hinila ang kaliwang kamay ni Yuna.Gusto sanang isuot ni Yuna ang singsing, pero nang hilahin siya ay hindi na siya makagalaw, kumunot ang kanyang noo at tumingin sa taong humila sa kanya. Si Felix pala.Malamig ang kanyang mukha, at bigla siyang hinila patungo sa dibdib nito, parang isang ari-arian na kanyang pinoprotektahan. "Kuya, ano ba ang ginagawa mo?" Kumunot ang noo ni Robert, at hindi masaya ang hitsura, kakahawak lang niya sa kamay ng babae, ang kanyang kamay ay parang makinis na tofu, at hindi niya maibaba ang kanyang kamay. "Hindi siya ang kasintahan mo." Malamig na sagot ni Felix at pagkatapos ay tinanggal niya ang maskara ni