เข้าสู่ระบบKumunot ang noo ko at tumingin kay papa."Batay sa nilalaman ng liham, mukhang maganda ang relasyon ni Lola sa asawa ng gobernador, o kahit paano ay hindi sila magkaaway. Pero kung ganoon, bakit niya ipinadala ang babaeng iyon sa gobernador?"Mapaklang ngumiti si papa."Ganoon ba kasimple ang mga bagay sa mundo ng kapangyarihan at interes? Nahirapan si Alissa, ang matandang Aurelio sa panganganak. Pagkatapos niyang manganak, pauwi na siya mula sa ospital nang maaksidente. Nang iangat niya ang kurtina ng karwahe para tingnan ang nangyayari sa labas, nakita siya ng gobernador sa isang sulyap.""Nang malaman ng gobernador kung sino siya, ipinahiwatig niya sa kanyang ina na gusto niya ang manugang ng mga Aurelio. Noon, umaasa pa ang pamilya De Leon sa gobernador, kaya alang-alang sa pamilya, hindi nangahas ang nanay ko na tumanggi. Naipit siya sa pagitan ng gobernador at ng asawa nito. Totoong nagkamali ang pamilya De Leon, pero ang tunay na pinakamalalaking kontrabida ay ang gobernador a
Pagbalik ko sa munting tahanan namin, tumaba ang kuting sa buong taglamig. Para itong isang munting mascot—malambot, mabalahibo, at napakakyut.Wala nang ibang nanggulo sa akin. Pagkatapos kong maligo, humiga ako sa sofa at nagsimulang mag-scroll sa tablet.“Vicento, bakit ang daming disenyo ng wedding gown? Mas maganda pa ang isa kaysa sa isa.”Habang maingat na pinuputulan ni Vicento ang mga kuko ko sa paa, sumagot siya nang hindi man lang itinataas ang ulo. “Binili ko lahat. Ang kailangan mo lang isipin ay kung alin ang gusto mo. Huwag kang mag-alala sa pera.”Hindi siya nagmamalabis. Bukod sa napakarami na niyang pera, si Edmund—ang matandang iyon—ay naging napakabukas-palad at paulit-ulit akong binibiggyan ng malaking halaga. Dagdag pa roon, napakaraming gintong bar ang nakatago sa ilalim ng kama ko. Kahit wala kaming gawin ni Vicento, kaya naming mamuhay nang marangya sa loob ng habang-buhay.“Isa lang naman ako. Wala akong tatlong ulo at anim na kamay. Paano ko maisusuot lahat
Sa wakas, nakabalik din ako sa sariling bayan.Sa totoo lang, hindi naman gaanong matagal ang pagpunta namin sa El Hermosa City. Wala pang isang buwan ang lumipas.Pero sa loob ng panahong iyon, napakaraming nangyari kaya pakiramdam ko, para akong nabuhay sa ibang mundo nang makabalik ako sa Santa Catalina.Sa wakas ay nagpaalam na ang mahabang taglamig ng Santa Catalina at sinalubong ang mainit na simoy ng tag-init.Namumulaklak nang napakaganda ang mga bulaklak na nakatanim sa gilid ng mga kalsada.Humihip ang banayad na hangin, at tila umuulan ng mga talulot ng dahon, na nagbigay ng kakaibang lambing at romansa sa buong lungsod.Si Vicento mismo ang nagmamaneho. Mabagal niyang pinaandar ang sasakyan. Binuksan ko ang bintana at hinayaang yakapin ako ng banayad na simoy ng tag-init.Parang kasabay ring tinangay ng ulan ng mga bulaklak ang madugong alaala ng nakaraan.Sinamahan ako ni Vicento pabalik sa bahay ng pamilya De Leon. Pagdating namin, nakita kong nakatulala si Melissa sa sw
Medyo hindi ako komportable nang makita ang isang tapat na taong tulad niya na nakaluhod sa harap ko. “Jason, huwag kang ganyan. Alam kong wala ka ring magawa noon. Tumayo ka muna.”Namumula ang mga mata ni Jason habang tumitingin kay Vicento. Mula sa kanyang kinatatayuan, malamig siyang tiningnan ni Vicento at nanatiling tahimik.“Alam mong si Ria ang buhay ko, pero nagawa mo pa ring itago sa akin ang bagay na iyon.”“Sir… patawad po.”“Kahit alam mong hindi sasaktan ni Jander si Ria, paano kung may nangyaring hindi inaasahan sa gitna? Paano kung may nangyari sa kanya? Sa tingin mo ba mabubuhay pa ako kung mawala siya?”Malamig ang kanyang tingin.“Jason, kaya kong tiisin ang anumang uri ng pagtataksil mo. Pero si Ria ang hangganan ko. Dapat mong ipagpasalamat na hindi siya nasaktan. Kung hindi, hindi kita patatawarin.”Naglabas siya ng tseke.“Matagal na kitang nakasama. Naipasok ko na ang kapatid mo sa isang prestihiyosong paaralan. Sa kakayahan niya, magiging maayos ang kinabukasa
Bahagyang nanigas ang katawan ni Mariel, at biglang bumigat ang kanyang damdamin. “Ria… hindi ako magkakaroon ng relasyon sa kanya.”Hinila ko siya upang maupo kami sa isang bangko. Bumagsak ang mainit na sinag ng araw sa kanyang mukha.Napakaganda ng mukha ni Mariel, ngunit sa loob nito ay naroon ang isang kaluluwang dalawampung taong gulang. Sa totoo lang, ang sikolohikal na edad ni Mariel ay maaaring hindi pa nga umabot ng dalawampu.Kapag nagsasama ang inosente at mapang-akit na kagandahan sa iisang mukha, likas itong nakaaakit ng tao—ngunit hindi niya iyon namamalayan. Kahit ako, bilang babae, ay naaakit sa kanya.Hindi ako naniniwalang hindi naapektuhan si Ivan. Kung hindi, bakit siya palaging sumusunod sa kanya na parang anino at isinasantabi pa ang dignidad niya bilang isang makapangyarihang tagapagmana para lamang mapasaya siya?Yumuko si Mariel at pinaglaruan ang kanyang mga daliri. “Sa totoo lang, dati talagang galit ako sa kanya. Galit ako sa pagiging malamig at walang pak
Matapos ang lahat ng pinagdaanan, dumiretso ako sa helicopter nang hindi na lumingon. Patuloy pa ring umiiyak si mama sa likuran ko, ngunit hindi ko na iyon pinansin. Marami pa akong kailangang gawin, marami pa akong taong nais mahalin. Wala na akong panahon para ubusin ang natitirang lakas ko sa pamilya De Leon.Kung buhay pa ang dating Ria De Leon, marahil ay mananatili pa rin siya sa tabi ng pamilya De Leon bilang kabayaran sa pagpapalaki at pag-aaruga sa kanya.Ginawa pa nga nilang sabaw ang abo ko. Anuman ang utang na loob ko sa kanila, sapat na iyon.Ang tanging ipinag-aalala ko ay si Melissa.Ngunit dalawampu't anim na taong gulang na siya. Hindi na siya batang limang taong gulang na kailangan kong bantayan bawat sandali.Bilang ate, ang kaya ko na lamang ay suportahan at unawain ang lahat ng magiging pasya niya. Pinili niyang manatili sa pamilya De Leon at alagaan ang mga ito.Basta't ligtas siya at malusog, sapat na iyon para sa akin.Unti-unting umangat ang helicopter. Palay
Ilang ulit na akong nakapasok sa bahay ng mga Victorillo nitong mga nakaraang taon. Noon, ako ang childhood sweetheart ni Denver. Kahit hindi pa kami kasal, sa paningin ng lahat ay ako ang itinakdang Mrs. Victorillo. Nakakatawa lang dahil ngayon nga ay isa na akong Mrs. Victorillo pero hindi bilang
Sa loob ng maraming taon ay halos buong buhay ko ay umiikot kay Denver. Mas marami pa akong oras na ginugol sa kanya kaysa sa sarili kong mga magulang. Sa kabila ng lahat ng sakit na idinulot niya sa akin ay hindi ko magawang lumayo. At kahit sa kamatayan parang nakagapos pa rin ako sa obsession na
Simula nang una kong makita si Vicento ay hindi ko maipaliwanag ang takot ko sa kanya. Kahit wala siyang ginagawa, isang tingin lang niya sa akin, pakiramdam ko ay parang nahulog ako sa isang napakalamig na balon.Nakakailang ang presensya niya. Matalas na nga ang mga facial features niya, pero ang
Hindi lang boses niya ang nakakatakot na parang bubuga na ng apoy. Pati na rin ang mga mata niya ay nagbibigay sa akin ng hindi magandang pakiramdam. Hindi ko kayang salubungin ang mga tingin niya."Hindi ba malinaw ang batas ko para sa iyo?" tanong niya na kahit hindi naman siya sumisigaw ay bigla







