WALANG EMOSYON NA tinanggal ni Everly ang suot niyang coat na naging dahilan upang ma-reveal ang itim niyang camisole. Nadepina pa noon ang mala-porselana niyang kulay ng balat at perpektong hubog ng katawan. Kapansin-pansin ang malalim na sugat na naghilom na rin naman sa likod at ibaba ng kanang balikat ni Everly. Nakatuon ang mga mata ni Everly as if pointing na doon niya gustong ilagay ang tattoo.
“Ow—” natutop na ni Nolan ang bibig niya na para bang bago sa kanyang paningin ang peklat na iyon.
Bago pa man makasagot si Everly, naagaw na ni Monel ang kanya sanang magiging litanya doon.
“Masyado pa siyang bata noon kung kaya hindi pa gaanong magaling magdesisyon. Sa kamusmusan niya ay nakipagsapalaran siya at hindi alintana na masasaktan siya para lang iligtas ang walang utang na loob na lalaking ‘yun! Ayan ang naging resulta, nag-iwan ng bakas. Marapat lang talagang takpan ang peklat.”
Naintindihan agad ni Nolan ang ibig sabihin ni Monel. Si Roscoe ang tinutukoy nito. Alam ng lahat ang pagkakagusto ni Everly sa lalaking iyon. Except Roscoe, no one is worth risking her life for anila pa nila.
“Alright, I get it.”
Kalmadong nahiga na si Everly sa kama at kapagdaka ay tumagilid upang bigyan ng access si Nolan.
“No need to apply anesthetic, let's get started.” matapang na saad ni Everly na animo ay nagmamadali.
Binuksan ni Nolan ang bibig upang sabihin na magiging masakit iyon pero sa huli ay hindi na lang niya isinatinig. Hindi rin naman siya dito mananalo. Matigas ang ulo ni Everly at walang sinumang makakabago, maliban na lang siguro kung si Roscoe ang magsasabi noon sa kanya dahil literal na alipin siya ng asawa.
“This wound is really deep. I didn't know you had a scar on your back before, Everly. You really gave too much for that person, and what did you get in return?” diretsong english na tanong ni Nolan na inihahanda na ang kanyang mga gagamitin. “Well, naging masaya ka naman yata sa loob ng ilang taon sa piling niya.”
Ipinikit ni Everly ang mga mata, agad naman siyang hinila ng mga alaala pabalik sa scene noon four years ago. Kinidnap si Roscoe at gusto siyang patayin ng mga kidnapper. Sinundan niya ito ng mag-isa para maantala lang ang oras. Matapos siyang matuklasan na kasama ni Roscoe, ang mga kidnapper ay naakit sa kanyang kagandahan at nais siyang ipagpalit sa kaligtasan ni Roscoe. Nakipaglaban si Everly sa mga kidnapper at nasaksak siya sa likod kung kaya mayroon siyang peklat na naiwan doon. Alam ng mga kidnapper na siya ang panganay na anak ng pamilya Golloso at kung babalik siyang buhay, hindi sila mabubuhay dahil paniguradong gaganti ang mga ito, kaya gusto nila siyang patayin na lang. Iginapos, nilagyan ng bato sa katawan at tinapon siya sa dagat ng mga kidnapper! Nilamon siya ng tubig dagat, patuloy siyang nasasakal at hindi makahinga, bumagsak ang kanyang katawan, at nakaramdam ng pagkahilo hanggang unti-unting nanikip ang kanyang puso. Pasalamat pa nga siya na nakaligtas siya. Mula noon, hindi na siya nangahas na lumusong muli sa tubig at nagkaroon ng trauma na syempre, hindi alam ni Roscoe ang mga buong nangyari. Nakaramdam ng pananakit sa kanyang likod nang bumaon doon ang karayom, kinagat ni Everly ang ibabang labi. Nais niyang takpan ang bakas at burahin ang proof na sobrang mahal niya si Roscoe. At iyon ang tanging paraan. Hindi niya pinagamitan ng anesthesia para damang-dama niya ang sakit, mula rin sa araw na iyon ay nais na lang niyang mabuhay para sa sarili.
“Ano kaya pa, Everly?” may pag-aalalang tanong ni Nolan. “Pwede naman lagyan natin ng anesthesia.”
“Hindi…ayos lang ako…” sagot niyang nakangiwi at pilit na itinatago ang iniindang sakit ng karayom.
Samantala, sa hospital ay sitting pretty na nakaupo sa gilid ng kama si Roscoe. Nagbabalat ito ng apple habang pinagmamasdan ni Lizzy ang kanyang bulto. Naisip na nagtagumpay na naman siya mga plano.
“R-Roscoe, paano kung mag-break na lang tayo para wala ng problema?”
Nabaling na ang tingin sa kanya ni Roscoe na natigilan sa kanyang ginagawa. Nasa sinabi ni Everly ang kanyang buong isipan kanina tapos maririnig niya ang bagay na iyon mula kay Lizzy? Ano pa ba ang nais nito? Tinalikuran na niya ang asawa kahit pa alam niyang dapat nilang masinsinang mag-usap na dalawa.
“Anong walang kwenta iyang pinagsasabi mo? Huhwag ka ngang mag-isip ng ganyan, Lizzy.”
“Sobrang mahal ka ni Everly at ayaw kong saktan siya. Tayo na lang ang mag-adjust at magparaya. Wala rin naman itong patutunguhan. Kasal ka pa rin sa kanya.” anito pang mas nagpaawa pa doon ng mukha.
Bigla na namang pumasok sa isipan ni Roscoe ang hiling nitong mag-divorce na sila. Kung mahal siya nito, hindi ng babae magagawang sabihin iyon ng tahasan sa kanya kahit na anong galit nito sa kanya. Hindi niya tuloy mapigilang isipin kung mahal ba talaga siya ni Everly o gusto lang dahil sa kanyang hitsura. He still finds it unreal that Everly wants a divorce. Sinusubukan ba nitong gumamit ng ganitong kasuklam-suklam na paraan para patunayan na hindi niya itinulak si Lizzy sa tubig? Isa na namang kahibangan niya!
“Dadalhin ko siya dito para humingi ng tawad sa iyo mamaya kung iyon ang gusto mo. Tigilan mo ng mag-isip ng ganyan. Kailangan mong magpahinga nang maayos.” sa halip ay turan ni Roscoe nangumiti pa.
Iniabot ni Roscoe kay Lizzy ang binalatan na mansanas na may kalmado ng tono at mukha. Ang mga mata ni Lizzy ay napuno ng lungkot at awa para sa kanyang sarili na puno ng pagpapanggap lang na naman. Kinagat niya ang kanyang pink na labi at hindi sumagot para mas iparamdam kay Roscoe na aping-api.
“Roscoe…”
“Sabi ko naman sa’yo na sagot na kita. Papakasalan kita. Hindi ka ba naniniwala?”
Itinaas ni Roscoe ang kamay at marahang hinaplos ang buhok ni Lizzy, senyales iyon na huwag itong masyadong mag-isip ng tungkol kay Everly. Nang marinig ito, tumango si Lizzy na halatang nasisiyahan sa pagiging sunud-sunuran sa kanya ni Roscoe. Subalit, lihim na kinasusuklaman pa rin si Everly nang tahimik. Sa isipan niya ay ang hirap nitong itumba at patalsikin. Parang linta itong nakadikit kay Roscoe na kahit anong gawin niya, hinding-hindi pa rin kumalas at kusang lumayo.
‘Kahiya-hiya na okupahin ni Everly ang posisyon na Mrs. De Andrade na walang matinong nagawa sa sarili! Sa kanya nababagay ang apeyidong iyon at hindi sa babaeng iyon kahit maganda.’ sa loob-loob ni Lizzy.
PRENTENG NAUPO PA si Roscoe sa sofa kahit na hindi naman niya ito iniimbitahang gawin ang bagay na iyon. Ilang saglit siyang pinagmasdan ni Everly. Iniisip kung plano ba nitong magtagal? Hindi ba inutusan lang itong maghatid ng pagkain?“Salamat sa pagkain mong dala.” lapit na ni Everly sa paperbag at bahagyang sinilip ang loob upang tingnan ang laman. “Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, Everly. Nasaan na ang may gawa nito sa’yo?” ulit ni Roscoe na ayaw siyang lubayan ng tingin, iyong tingin na parang lagpasan sa kanyang katawan. Payak na nginitian na siya ni Everly. “Saan ba napupunta ang mga masasamang tao, Roscoe? Malamang nasa police station na siya.” Tumayo si Roscoe at lumapit sa kanya. Ito na ang nag-unpacked ng pagkaing kanyang dinala. May slice fruits pa iyong kasaama na mixed ng apple, peras at pineapple. Abala ang mga mata ni Everly na tingnan ang asawa habang ginagawa niya iyon. Kakakita lang niya kanina dito ng umaga pero bakit parang na-miss niya ito agad sa loob n
SUMAPIT ANG TANGHALI at naroon pa rin ang ama at Lola ni Everly. Dumating pa ang kanyang Lolo na hagas na hagas sa kanya. Walang nagawa si Everly kung hindi ang iikot lang ang mga mata niya sa kanila upang ipakitang napipikon siya. Hindi niya kailangan ang mga ito doon. Ayos lang siya. Napakalayo sa bituka ng tama niya kaya ‘di kailangang mag-alala.“I’m fine, Dad. Stop hanging around me. Uwi na kayo nina Lolo at Lola.” “Mukhang hindi ka okay, Everly. Kailangan mo kami dito.” “Dad? Nasa hospital ako kaya paanong hindi ako magiging okay? Wala kayong dapat na ipag-alala, okay?” Sa bandang huli ay nagawang itaboy ni Everly ang ama at maging ang dalawang matanda na labis ang pag-aalala. Daig pa niya ang may malaking sugat na tinamo kung makapag-alala ang kanyang pamilya. Natahimik ang loob ng silid kung saan siya naroon nang mawala sila. Napangiwi si Everly na marahan ng hinaplos ang likod niya kung nasaan ang tattoo. Hindi lang iyon, sumabay pa ang pananakit ng mga galos niya sa braso
KINUHA NI EVERLY ang kanyang cellphone at may tinawagan na police station. Humingi siya dito ng tulong. Pagkababa noon ay nakita na siya ng lalaki na mas malaks na sumigaw kung kaya naman mas nakaagaw iyon ng pansin. “Idi-discharge mo ang asawa ko ngayon din sa hospital na ‘to o may magbubuwis ng buhay sa loob ng hospitala na ito?!” Kalmadong hinarap siya ni Everly. Inutusan ang malapit na nurse na sundin ang hiling nito. “Pero Doctor Golloso—” “Makinig ka sa akin.” Nagkukumahog na sumunod ang nurse sa kabila ng kanyang takot. “Now dalhin mo ako sa asawa ko! Hindi ako naniniwala na papayagan mo kaming umuwi.” “Okay, sumunod ka s aakin at dadalhin kita sa kanya.” kalmado pa rin ang boses ni Everly pero ang iba sa kanila ay halos maihi na sa takot, may ibang plano si Everly at pinapalakad niya lang ang lalaki sa bitag bago niya ito doon ihulog.Nagdududa man ay sumunod pa rin ang lalaki kay Everly na puno ng pananantiya ang mga hakbang niya. “Subukan mo akong lokohin, ibabaon ko
SINULYAPAN NA NI Everly ang kanyang cellphone. Bahagya siyang nagtaka nang makitang wala man lang message si Roscoe sa kanya upang madaliin siyang umalis. Naisip niya tuloy na baka iniisip nitong nagdadahilan lang siya noon.“Hays, papasok na muna ako sa trabaho Mommy.” Kinuha na ni Everly ang kanyang bag at lumabas ng silid. Nawala na sa kanyang isipan ang kumain ng agahan. Hindi naman sumunod ang ina na inayos pa ang lagay ng kanyang silid. Nang mapagod ay tumawag na siya ng maid upang ituloy iyon. Nagbabaka-sakali lang siyang makikita niya ang hinahanap na ID ng kanyang anak, ngunit nabigo pa rin siya.“Nakakainis…” bulong-bulong ni Everly habang papalabas ng gate ng kanilang mansion. Natanaw na niya ang sasakyan ni Roscoe at maging ang bulto ng kanyang katawan. Pinagbuksan siya nito ng pintuan. Roscoe was dressed in a suit and tie, with an expensive watch on his wrist, his black hair was neat and tidy, and he exuded an indescribable nobility. Iyong tipong handang-handa ito sa lu
BINIGYAN SIYA NI Roscoe ng ngiting hindi man lang umabot sa kanyang mga mata na hindi nakalagpas sa paningin ni Everly. Ganun pa man ay hindi niya iyon pinansin. Nagkunwari na lang ang babae na walang nakitang ganun sa asawa.“Nine o clock?” tanong ni Roscoe na kinukumpirma kung anong oras niya ito susunduin sa kanila.Malapad ang ngiting iniiling ni Everly ang ulo. “Hindi mas maaga, eight o clock.” “Ang aga naman.” “May trabaho ako kaya maaga na akong gumigising ngayon.” “Okay sige, bukas na lang.” Naghiwalay silang dalawa ngunit hindi napansin ni Everly na nahulog ang kanyang ID na printeng pinulot naman ni Roscoe. Isinilid niya iyon sa kanyang bulsa sa halip na tawagin ang kanyang asawa upang isauli niya iyon. Isang makahulugang ngiti ang sumilay sa kanyang labi. Anuman ang mangyari ay hindi niya sasabihin sa asawa ang ID nito na nasa kanya. Maging masama man siya sa paningin nito, wala siyang pakialam. Magkukunwari siyang walang alam doon.“Talaga ba? Seryoso ka na diyan sa p
NAIKUYOM NI ROSCOE ang kanyang dalawang kamao sa ilalim ng mesa na nakapatong sa kanyang tuhod dala ng matinding tensyon na kanyang nararamdaman habang nakaupo doon. Marami siyang nais na sabihin kay Everly. Tutulan ang lahat ng sinabi nito. Pabulaanan ang lumabas sa bibig ng asawa dahil nasanay siya ditong siya ang mahal, ngunit ni isang salita o kahit ibuka man lang ang kanyang bibig upang umalma ay hindi niya rin noon magawa. Tila may pumipigil sa kanyangn gawin ang bagay na iyon ngayon.“Tatlong taon ko siyang ikinulong sa aking tabi, na alam kong mahirap para sa kanya kaya ngayon palalayain ko na siya.” Pagkasabi noon ay uminom na si Everly ng kape niyang order upang tunawin ang bikig sa lalamunan niya. Kung hindi niya gagawin ang bagay na iyon ay pihadong maiiyak siya. Hindi niya pwedeng gawin iyon sa harapan nilang tatlo. Kung sakali na iiyak siya, doon sa walang nakakakita. Hindi na siya mahina ngayon.“Everly, sigurado ka na ba talaga sa gusto mo?” ang ina naman iyon ni Rosc