BIGLANG NAKARAMDAM ng pagkadismaya sa kanyang puso si Roscoe na para bang kapag nagtagal pa siya doon ay masabi niya kay Lizzy ang sinabi ni Everly, kung kaya naman humanap siya ng dahilan at paraan makaalis lang ng hospital. Hindi naman siya nagawang pagdudahan ni Lizzy sa tunay na rason. Nawalan siya ng ganang mag-stay doon kung puno ang isipan niya ng tungkol sa mga sinabi ni Everly.
“May gagawin pa ako sa kumpanya. Puntahan na lang ulit kita dito mamaya.”
Tumingin ulit si Lizzy kay Roscoe, at unti-unting nawala ang hinaing sa kanyang mga mata. Ibinaba niya ang kanyang ulo, at nagngalit ang kanyang mga ngipin sa galit nang biglang maisip niya na baka si Everly ang dahilan ng pag-alis. Ngunit agad iyon napalitan ng tuwa dahil imposibleng iyon nga ang mangyayari.
‘Everly, ano bang makukuha mo sa piling ng lalaking ni katiting ay hindi ka naman gusto? Wala.’
Lumabas si Roscoe sa ospital at bago pa makalulan ng sasakyan ay nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang kaibigan; Desmond Jimenez. Isa sa apat na pangunahing mayaman ding pamilya sa Albay, siya ang pangulo ng Jimenez Group. Lumaki silang magkasama at nakabuo ng napakagandang relasyon. Tamad at medyo mapaglaro ang boses ng lalaki sa kabilang linya habang inaarok ang lagay ng damdamin niya.
“Kumusta ang babaeng mahal mo?”
Binuksan ni Roscoe ang pintuan ng kanyang sasakyan at kalmadong pumasok sa loob ng kotse.
“Lizzy is fine, Desmond.”
“Of course, siya ba naman ang iligtas ng lahat ng mga naroroon. Imposible na mapahamak pa siya. What could possibly happen to her?” sambit ng kaibigan sa masayang tono na ang dating kay Roscoe ay para bang nang-aasar lang sa kanya, “Eh ang asawa mo? Kumusta naman siya? Nahulog din kaya iyon kanina.”
Malamig na tumawa si Roscoe, ginaya ang tono ni Desmond sa pagsasalita.
“What can happen to her?”
“Roscoe, hindi mo ba nakita na? I saved your wife. Kung hindi dahil sa akin, pihadong ngayon ay nalunod na siya sa swimming pool!” medyo pikon na sambit ni Desmond sa kabilang linya na naiinis sa kaibigan.
Nang marinig ang boses ng kaibigan ay kumunot na ang noo ni Roscoe. Sumagi sa kanyang isipan ang kanina ay nakakaawang hitsura ni Everly at hindi niya maiwasang higpitan ang pagkakahawak sa kanyang manibela. Si Desmond niligtas si Everly? Imposible naman iyon. Hindi niya nakita. Mabilis siyang nakabawi.
“Are you kidding me, Desmond? Ang lakas ng loob noong sumisid sa malalim na dagat. Sa tingin mo malulunod ba siya sa isang swimming pool lang? Huwag mo nga akong pinagloloko. Anong niligtas?”
“Ibig mo bang sabihin ay nagpapanggap lang siya na nalulunod? Parang hindi naman Roscoe, ang galing naman ng acting niya kung nagpapanggap lang ang ginawa niyang iyon. Marami siyang nainom na tubig kahit pa nagawa niyang makahawak sa hagdan, nakabitaw pa rin siya doon at pumailalim. Akala ko nga ay nagbibiro lang din. But heck no, nalulunod siya at kailangang sagipin.” giit ni Desmond na hindi pa rin naniniwala na sinadya iyon ng asawa nitong si Everly.
Bakit niya gagawin iyon kung alam niyang walang plano si Roscoe na sagipin siya? Ngunit agad niya iyong binawi para hindi magalit ang kanyang kaibigan at isiping gumagawa lang siya ng kwento sa nangyari.
“If it's true, then, Everly is really cruel and ruthless. Hindi ba niya alam na takot si Lizzy sa tubig dahil niligtas ka niya noong kinidnap ka? She actually dared to run into the muzzle of a gun.”
Hindi alam ng ibang mga tao na nangyari iyon pero alam ni Desmond bilang kaibigan siya ni Roscoe. Ang dahilan kung bakit dapat pakasalan din ni Roscoe si Lizzy ay dahil sa paniniwalang ito ang nagligtas sa kanya noong siya ay kinidnap. Iniligtas niya ang kanyang buhay, kaya dapat niyang protektahan si Lizzy sa natitirang bahagi ng kanyang buhay. Ipinangako niya iyon, tatanaw siya ng utang na loob hanggang huli.
Roscoe listened and felt restless, as if he was slowly losing something.
“Ayos lang, Desmond. Hayaan mo na nga siya. Umaarte lang iyon. Papatayin ko na ang tawag. Nagda-drive din ako ngayon.” Roscoe said in a low voice, abala na ang isipan sa asawa niya. “See you soon. I’m busy.”
“Gusto mo bang sumama sa amin mag-clubbing? Lalabas kami ngayong gabi. Baka lang gusto mo.”
“No thanks. Salamat na lang sa imbitasyon, man.”
Pagkasabi noon ay pinatay na ni Roscoe ang tawag. Napatingin siya sa pulang stoplight sa kanyang harapan at biglang umalingawngaw sa kanyang tainga ang mga salita ni Desmond na niligtas nito ang kanyang asawa. Napakunot pa ang noo ni Roscoe nang dahil doon. Naguguluhan. Tunay kaya iyon? Kaya ba nasabi ni Everly na takot din siya sa tubig dahil dito? Mariing itinikom ni Roscoe ang kanyang labi. Halos mag-isang linya na ang makapal niyang mga kilay. Napuno na ng pagdududa ang loob ng kanyang puso.
“Bakit naman siya matatakot sa tubig? Huwag niya nga akong lokohin! Magaling siyang lumangoy!”
Inapakan ni Roscoe ang accelerator at mabilis na nagmaneho ng sasakyan papunta sa kanilang villa. Nagmamadali na bumaba ng kotse, binuksan ang pinto, at malungkot na tinawag ang kanyang asawa. Kailangan niya itong makausap. Binabagabag siya ng isiping takot ito sa tubig. Hindi nito itataya ang kanyang buhay lalo na sa ganung sitwasyon dahil alam nitong wala sa kanyang tutulong at magliligtas.
“Everly?”
Nagtanggal siya ng sapatos, naglakad sa corridor, at pumunta sa sala, ngunit hindi niya makita ang anino ni Everly. Bagama't bukas ang lahat ng ilaw, parang walang bakas doon ng asawa niya. Noon, pag-uuwi siya ng villa, si Everly ang una niyang nakikita na nagkukumahog patakbo pababa ng hagdan upang salubungin siya. Ganun nang ganun iyon kada oras na marinig ang boses niya o kahit na abala ito sa kusina. Ipinapakita nitong lagi siyang masaya na makita si Roscoe ngunit walang ganun sa araw na iyon.
That day, the villa was eerily quiet. Nakakabingi iyon sa sobrang pagkadepina ng kahatimikan.
“Everly?!” mas lumakas ang kanyang boses sa pagtawag sa kanya.
Nang wala pa 'ring sumagot ay umakyat na ng ikalawang palapag si Roscoe na naninibago sa kanyang nadatnan. Wala doon ang asawa. Maayos ang kanilang higaan. Nakaramdam na siya ng parang may kakaiba at hindi niya gusto ang nararamdamang iyon na paulit-ulit na bumubulong sa kanyang tainga. Pinuntahan niya ang cloakroom at nakita niyang bakante na rin iyon. Wala rito ang mga damit ng asawa.
“Umalis siya? Nilayasan niya ako?” hindi makapaniwalang namimilog ang matang turan ni Roscoe.
UMALIS NA RIN doon ang dalawa upang magtungo sa palapag nila. After lunch nang magkaroon si Everly ng pagkakataon na dalawin ang ama ni Harvey, wala doon ang lalaki dahil sa pagiging busy nito. Matapos ng maikling kumustahan ay nagpaalam na rin si Everly. Nag-iwan pa siya ng contact number sa matanda just in case na kailanganin niya ng tulong. “I work on this floor. Pwede niyo akong tawagan kapag may kailangan ka, as long as wala ako sa operating room ay darating ako.” bilin ni Everly sa matanda na tumango lang at malapad siyang nginitian, halatang gusto siya para sa anak.Pagkagaling sa silid ng ama ni Harvey ay bumaba si Everly upang may kunin. Nang dumaan siya sa may emergency room ay may nakita siyang pasyente na dinala doon, kasunod nito ang grupo ng mga prison guards at police officers. Bilang curious na doctor ay sumunod siya doon upang makibalita. Kausap na ng prison guards ang doctor on duty sa ER noon. “Doc, napaka-importante ng preso na ‘to kung kaya naman kailangan niyo
MABIGAT ANG MGA paang bumaba ng hagdan si Everly matapos na ayusin ang kanyang sarili. Naabutan niya ang buo niyang pamilya na nasa hapagkainan at halatang hinihintay siya na bumaba. Nakalabas na ang kanyang Lolo Juanito sa hospital na sinundo ng kanyang ama, umaga ang araw na iyon. Pilit na napangiti si Everly nang makita niya sila sa table.“Kasama mo pala si Harvey kagabi, anak?” tanong agad ng kanyang ina upang umano ay kumpirmahin iyon. Tumango lang si Everly, malamang ay nakita na nila iyon online kaya naman ano pa ang itatago niya sa kanila?“Mukhang palagay na ang loob mo sa kanya ah? Siya na ba ang magiging future son-in-law ng ating pamilya?” “Mom?” ungot ni Everly na halatang inaasar lang siya ng kanyang ina at the same time ay prini-pressure about sa divorce. Taliwas naman ang naging reaction ng kanyang ama doon. Iniisip niya lubos ba talagang magiging maligaya ang kanyang anak kung hihiwalayan nito ang kanyang asawa? Iba kasi ang kanyang nakikita sa sinasabi ng bibig n
MAULAP AT MAHAMOG pa ang labas ng mansion nang maalimpungatan si Everly. Hindi pa rin noon sumisikat ang araw. Napaismid na si Everly nang makitang si Monel lang ang istorbo sa pagtulog niya. Hindi niya iyon sinagot. Mukhang aabalahin lang siya nito sa walang katuturang bagay. Muli niyang ibinalot ang katawan sa comforter at ipinikit ang mata. Hindi pa lumilipas ang ilang segundo noon nang muling mag-ring ang kanyang cellphone sa tawag na naman ni Monel. Napilitan na si Everly na sagutin iyon, mukhang may kailangan ito sa kanya dahil hindi ito tatawag muli kung alam nitong sinadya niyang hindi iyon sagutin. Nakapikit pa rin ang mga matang ipinatong niya iyon sa ibabaw ng tainga niya.“Anong kailangan mo? Parang hindi mo alam na natutulog pa ako ng ganitong oras ah?” “Gusto ko lang ibalita sa’yo na sikat na sikat ka na ngayon.” Napakunot pa ang noo ni Everly. Ano na naman bang ginawa niya? “Paano mo nasabi?” “Magbukas ka ng phone, makikita mo ang ibig kong sabihin. Trending ka. Vir
NAGBULUNGAN NA ANG mga taong nasa likod nila upang magbigay ng opinyon ng kanilang pagsang-ayon sa sinabi ni Everly. Gusto nilang suportahan ang doctor sa pangungumbinsi niya. “Totoo iyan, iyong anak ko may cancer. Sabi ng doctor niya ay ilang araw na lang ang kanyang itatagal. Gustong-gusto ko pa siyang mabuhay at makasama ng matagal pero anong magagawa namin kung hanggang doon na lang siya? Isa siya sa best example na nakikipaglaban ng literal.” madamdaming sambit ng isang Ginang na may bahid ng inggit ang boses ng mga sandaling iyon. “Kaya ikaw, huwag mong sayangin ang buhay. Lumaban ka. Kaya mo pang gumaling. Kaya pa...” “Dinig mo? Huwag mong sayangin ang sarili mong buhay kung may chance pa na gumaling ka.” muli pang turan ni Everly na pilit inaarok ang lalim ng pang-unawa ng umiiyak pa ‘ring babae.“Tama, mas maraming tao ang may malaking mga problema sa’yo at hindi lang ikaw iyon.” “Bata ka pa, kayang-kaya mo pang malampasan iyan. Kung may sakit ka, magpagamot ka lang.” “Ha
NAPATINGALA NA RIN si Everly kagaya ng ilang mga tao na nakatunghay kung nasaan ang babae na itinuturo nila. Nandilat na sa gulat ang mga mata ni Everly nang makilala na ang babae. Iyon ang asawa ng lalaking nakaaway niya. Walang pag-aalinlangan na tumakbo na siya paakyat. Kailangan niyang kumbinsihin ang babaeng bumaba doon bago pa man may mangyaring masama. The desire to survive in her eyes was so strong that she was not even afraid of being beaten by the man and secretly came to the hospital for treatment. How could she jump off the building? Hindi kaya naroon na naman ang lalaki at hinahadlangan na naman siya sa gusto niya? Marami ng mga tao sa rooftop nang makaakyat si Everly. Ang iba ay nakikiusyuso, ang iba ay gustong kumbinsihin siya at ang iba naman ay nagvi-video. May mga doctor rin ang naroroon. Sinusubukan na kumbinsihin ang babae kahit na alam nilang mahirap ng pigilan ang gusto nito. “Kaya natin solusyunan ang problema mo, don’t do anything stupid please?!” sigaw ng kan
NAPATAAS NA ANG isang kilay ni Harvey nang marinig niya ang sinabi ni Everly. Itinukod niya ang kanyang isang kamay sa ibabaw ng mesa at ipinatong na ang kanyang baba sa likod ng palad. May kakaibang ngiti na sa kanyang labi ng mga sandaling ito na parang may iniisip na masama.“Everly, alam mo bang may sekreto ang pamilya Rivera? Gusto mong malaman kung ano iyon?”Napainom na ng tubig si Everly. Sekreto ng pamilya ng mga Rivera? Ano iyon? “Saan mo narinig? Baka mamaya rumor lang iyan ha?” “May nagsasabi na may proof ito, kaya hindi lang basta rumor. Totoo. Kaya nga secret nila eh.” “Ano ba iyon?” ani Everly na hindi naman masyadong intersado itong marinig. “Actually, si Lizzy ay—” Naputol ang sasabihin ni Harvey nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone. Sabay silang napatingin sa screen noon dahil nakalagay lang naman iyon nang malaya sa kanilang table. Ang ama iyon ng lalaki. Tawag na ‘di niya pwedeng basta na lang balewalain dahil sa pinag-uusapan.“Pasensya na, sasagutin k