Share

Chapter 25.3: Hospital

last update Dernière mise à jour: 2025-04-07 20:52:23

AGARANG NILAMON NG konsensya ang kalooban ni Everly nang makita niyang maputla pa rin ang mukha ng asawa. Hindi na niya mapigilan pang mapabuntong-hininga. Aminin niya man ng tahasan o hindi, batid niya sa kanyang sarili na nag-aalala siya kay Roscoe. Makikita iyon sa galaw niya. Umayos na ng upo si Everly na nasa malapit ang upuan ng kama. Pinag-krus na ang dalawang braso sa tapat ng dibdib niya. Tinitigan pa ang mukha ni Roscoe na maputla pa rin. Nanatiling nakapikit ang mga mata nito na hindi niya malaman kung natutulog ba dala ng alak sa katawan niya o hindi.

“Hindi dapat ako ang narito kung hindi si Lizzy…” bulong pa ni Everly na hindi na mapigilang iikot ang mga mata niya.

Dumating ang nurse at may sinabi itong kailangangi-inject na gamot sa dextrose ni Roscoe. Napatayo na si Everly noon, bahagyang umatras patungo ng paahan ng kama ni Roscoe upang bigyan ng daan ang babae na binigyan niya ng ngiti. Walang kurap na pinanood niya ang ginagawang paghahanda ng nurse. Tinanggal niy
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé
Commentaires (1)
goodnovel comment avatar
Jannett Padernilla
thank you sa update bukas ulit....
VOIR TOUS LES COMMENTAIRES

Latest chapter

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 67.2: Assuming

    UMALIS NA RIN doon ang dalawa upang magtungo sa palapag nila. After lunch nang magkaroon si Everly ng pagkakataon na dalawin ang ama ni Harvey, wala doon ang lalaki dahil sa pagiging busy nito. Matapos ng maikling kumustahan ay nagpaalam na rin si Everly. Nag-iwan pa siya ng contact number sa matanda just in case na kailanganin niya ng tulong. “I work on this floor. Pwede niyo akong tawagan kapag may kailangan ka, as long as wala ako sa operating room ay darating ako.” bilin ni Everly sa matanda na tumango lang at malapad siyang nginitian, halatang gusto siya para sa anak.Pagkagaling sa silid ng ama ni Harvey ay bumaba si Everly upang may kunin. Nang dumaan siya sa may emergency room ay may nakita siyang pasyente na dinala doon, kasunod nito ang grupo ng mga prison guards at police officers. Bilang curious na doctor ay sumunod siya doon upang makibalita. Kausap na ng prison guards ang doctor on duty sa ER noon. “Doc, napaka-importante ng preso na ‘to kung kaya naman kailangan niyo

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 67.1: Buntot

    MABIGAT ANG MGA paang bumaba ng hagdan si Everly matapos na ayusin ang kanyang sarili. Naabutan niya ang buo niyang pamilya na nasa hapagkainan at halatang hinihintay siya na bumaba. Nakalabas na ang kanyang Lolo Juanito sa hospital na sinundo ng kanyang ama, umaga ang araw na iyon. Pilit na napangiti si Everly nang makita niya sila sa table.“Kasama mo pala si Harvey kagabi, anak?” tanong agad ng kanyang ina upang umano ay kumpirmahin iyon. Tumango lang si Everly, malamang ay nakita na nila iyon online kaya naman ano pa ang itatago niya sa kanila?“Mukhang palagay na ang loob mo sa kanya ah? Siya na ba ang magiging future son-in-law ng ating pamilya?” “Mom?” ungot ni Everly na halatang inaasar lang siya ng kanyang ina at the same time ay prini-pressure about sa divorce. Taliwas naman ang naging reaction ng kanyang ama doon. Iniisip niya lubos ba talagang magiging maligaya ang kanyang anak kung hihiwalayan nito ang kanyang asawa? Iba kasi ang kanyang nakikita sa sinasabi ng bibig n

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 66.3: White Lies

    MAULAP AT MAHAMOG pa ang labas ng mansion nang maalimpungatan si Everly. Hindi pa rin noon sumisikat ang araw. Napaismid na si Everly nang makitang si Monel lang ang istorbo sa pagtulog niya. Hindi niya iyon sinagot. Mukhang aabalahin lang siya nito sa walang katuturang bagay. Muli niyang ibinalot ang katawan sa comforter at ipinikit ang mata. Hindi pa lumilipas ang ilang segundo noon nang muling mag-ring ang kanyang cellphone sa tawag na naman ni Monel. Napilitan na si Everly na sagutin iyon, mukhang may kailangan ito sa kanya dahil hindi ito tatawag muli kung alam nitong sinadya niyang hindi iyon sagutin. Nakapikit pa rin ang mga matang ipinatong niya iyon sa ibabaw ng tainga niya.“Anong kailangan mo? Parang hindi mo alam na natutulog pa ako ng ganitong oras ah?” “Gusto ko lang ibalita sa’yo na sikat na sikat ka na ngayon.” Napakunot pa ang noo ni Everly. Ano na naman bang ginawa niya? “Paano mo nasabi?” “Magbukas ka ng phone, makikita mo ang ibig kong sabihin. Trending ka. Vir

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 66.2: Buksan ang Puso

    NAGBULUNGAN NA ANG mga taong nasa likod nila upang magbigay ng opinyon ng kanilang pagsang-ayon sa sinabi ni Everly. Gusto nilang suportahan ang doctor sa pangungumbinsi niya. “Totoo iyan, iyong anak ko may cancer. Sabi ng doctor niya ay ilang araw na lang ang kanyang itatagal. Gustong-gusto ko pa siyang mabuhay at makasama ng matagal pero anong magagawa namin kung hanggang doon na lang siya? Isa siya sa best example na nakikipaglaban ng literal.” madamdaming sambit ng isang Ginang na may bahid ng inggit ang boses ng mga sandaling iyon. “Kaya ikaw, huwag mong sayangin ang buhay. Lumaban ka. Kaya mo pang gumaling. Kaya pa...” “Dinig mo? Huwag mong sayangin ang sarili mong buhay kung may chance pa na gumaling ka.” muli pang turan ni Everly na pilit inaarok ang lalim ng pang-unawa ng umiiyak pa ‘ring babae.“Tama, mas maraming tao ang may malaking mga problema sa’yo at hindi lang ikaw iyon.” “Bata ka pa, kayang-kaya mo pang malampasan iyan. Kung may sakit ka, magpagamot ka lang.” “Ha

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 66.1: Rescue

    NAPATINGALA NA RIN si Everly kagaya ng ilang mga tao na nakatunghay kung nasaan ang babae na itinuturo nila. Nandilat na sa gulat ang mga mata ni Everly nang makilala na ang babae. Iyon ang asawa ng lalaking nakaaway niya. Walang pag-aalinlangan na tumakbo na siya paakyat. Kailangan niyang kumbinsihin ang babaeng bumaba doon bago pa man may mangyaring masama. The desire to survive in her eyes was so strong that she was not even afraid of being beaten by the man and secretly came to the hospital for treatment. How could she jump off the building? Hindi kaya naroon na naman ang lalaki at hinahadlangan na naman siya sa gusto niya? Marami ng mga tao sa rooftop nang makaakyat si Everly. Ang iba ay nakikiusyuso, ang iba ay gustong kumbinsihin siya at ang iba naman ay nagvi-video. May mga doctor rin ang naroroon. Sinusubukan na kumbinsihin ang babae kahit na alam nilang mahirap ng pigilan ang gusto nito. “Kaya natin solusyunan ang problema mo, don’t do anything stupid please?!” sigaw ng kan

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 65.3: Stomachache

    NAPATAAS NA ANG isang kilay ni Harvey nang marinig niya ang sinabi ni Everly. Itinukod niya ang kanyang isang kamay sa ibabaw ng mesa at ipinatong na ang kanyang baba sa likod ng palad. May kakaibang ngiti na sa kanyang labi ng mga sandaling ito na parang may iniisip na masama.“Everly, alam mo bang may sekreto ang pamilya Rivera? Gusto mong malaman kung ano iyon?”Napainom na ng tubig si Everly. Sekreto ng pamilya ng mga Rivera? Ano iyon? “Saan mo narinig? Baka mamaya rumor lang iyan ha?” “May nagsasabi na may proof ito, kaya hindi lang basta rumor. Totoo. Kaya nga secret nila eh.” “Ano ba iyon?” ani Everly na hindi naman masyadong intersado itong marinig. “Actually, si Lizzy ay—” Naputol ang sasabihin ni Harvey nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone. Sabay silang napatingin sa screen noon dahil nakalagay lang naman iyon nang malaya sa kanilang table. Ang ama iyon ng lalaki. Tawag na ‘di niya pwedeng basta na lang balewalain dahil sa pinag-uusapan.“Pasensya na, sasagutin k

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status