NAUPO NA SA tabi ni Roscoe si Lizzy na bahagyang inihilig pa ang kanyang ulo sa isang balikat ng lalaki upang sumandal. Hindi naman nagreklamo si Roscoe kahit na ilang beses sumagi sa kanyang isipan ang tumayo sa pagkakaupo.“Masakit lang ang likod ko nitong mga nakaraan.” “Iyong sugat mo sa likod?” tanong ni Roscoe na ang tinutukoy ay ang kaparehong peklat ni Everly. Tumango si Lizzy na pinatulis pa ang kanyang nguso habang nakaharap na kay Roscoe na nakatingin sa kanya. “Siguro dahil naso-sobrahan ako ng paggamit ng aircon kaya siya sumasakit.” Hindi niya tuloy mapigilan na maisip ang sinabi ng inmate kanina patungkol umano kung paano siya iligtas nito.“Maghahanap ako ng magaling na therapist na titingin.” tanging nasabi niya na marahang hinaplos ang balikat niya.Lumapad na ang ngiti doon ni Lizzy at marahang tumango sa suggestion ni Roscoe. Nakasalubong niya pa kanina si Everly habang papunta siya ng lounge. Mukha itong paiyak na hindi niya maipaliwanag. Nag-aalala pa rin siy
SA PUNTONG IYON ay hindi na mapalagay ang loob ni Lizzy. Pumunta doon si Roscoe at hinahanap nito si Everly? Bakit? Ano ang kailangan nilang pag-usapan? Bakit kailangan pa nitong sadyain ang babaeng iyon sa kanyang trabaho ngayon?“Got it, lalabas na ako.” ani Everly na yumukod lang kay Dorothy bago tuluyang pamarsta ng lumabas. Humabol ang mga mata ni Lizzy sa likod na Everly kung kaya naman lalo pang hindi siya mapalagay sa loob ng kanilang office. Ano ba talaga ang kailangan ni Roscoe kay Everly? Hindi kaya nalaman na niya ang katotohanan na hindi naman siya ang nagligtas sa kanya kung hindi si Everly? Imposible naman iyon. May source siya. Nakarating sana agad sa kanya.“Ayos ka lang, Lizzy?” pasimpleng bulong sa kanya ni Nadia nang makita ang pagkabalisa niya. “Hmm, huwag mo na lang akong pansinin.” Sa lounge ng hospital ay walang emosyong binuksan ni Everly ang pintuan. Agad niyang nakita si Roscoe na prenteng nakaupo sa sofa. He was wearing a black suit, looking down at a ma
NASA HOSPITAL NA si Roscoe nang magising siya. Nasa kabila ng kama niya nakahiga si Lizzy, umiiyak habang ang dami nitong sugat sa buong katawan. Ang una niyang narinig na salita ay iniligtas siya nito umano sa mga kidnappers niya.“Stop talking nonsense, will you? Sino ang nagligtas sa akin?!” “Lizzy Rivera. Siya ang nagligtas sa’yo.”Nanghihina ang mga kamay na napabitaw sa laylayan ng damit sa bandang leeg ng inmate ang mga kamay ni Roscoe. Ano bang pumasok sa utak niya at tinanong niya pa ito? Dahil ba sa nakita niyang peklat sa likod ni Everly? Bakit hindi siya makuntento na si Lizzy ang saviour niya? Bakit iginigiit ng puso at katawan niya na ang kanyang asawa iyon umano?“May palatandaan siya. Nasaksak ko siya ng kutsilyo sa likod na nag-iwan ng peklat. It’s a vertical scar.”Doon napagtanto ni Roscoe na may peklat nga doon si Lizzy na kagaya ng sinasabi ng kidnapper niya.“Mr. De Andrade, si Miss Rivera ay matapang at maparaan. Muntik na siyang mamatay sa dagat para sa’yo. Is
KINUHA NA NI Everly ang kanyang cellphone at nagtuloy siya sa kanilang conversation. Tandang-tanda niya pa noon ang pagiging makulit niya na e-add siya nito sa kanyang social media account kahit na labag iyon sa loob ni Roscoe. Ilang beses siya nitong ni-reject na syempre masakit sa kalooban niya. Mukha bang hindi worth it na makipag-friend sa kanya? Marami siyang messages dito na mostly ay seen lang ng asawa. May mga reply man doon ngunit bilang lang sa daliri niya. Pagkaraan ng ilang sandali ay nagtipa si Everly ng kanyang message para sa kanyang asawa. Everly:Maraming salamat sa dinner, Roscoe. Pasensya na kung umalis ako agad. Pinag-isipan kong mabuti ang gagawin ko. Kung hindi related sa divorce ang pag-uusapan natin, marapat lang na magkaroon tayo ng distansya sa isa’t-isa. No need to reply.Pagka-send niya noon at nakita niyang na-seen na ni Roscoe, mabilis niyang pinindot ang blocked. Kailangan na niyang putulin ang communication nila. Doon niya sisimulan iyon. Naisip niya n
ANG NARINIG AY ipinagkibit lang ng balikat ni Everly at itinuloy ang kanyang maganang pagkain. Normal meal lang iyon kumpara sa masarap nilang order kanina ng kanyang mga kasamahan ngunit gandong-ganado siyang kumain ngayon. Marahil ay dahil mas marami doon ang gulay at purong seafood ang kanilang mga inorder kanina kaya mas ganado siya. Habang kumakain ay hinid mapigilan ni Everly na maisip na maayos ang relasyon ni Roscoe sa mga staff at chief ng resto. Nadala na kaya ni Roscoe doon si Lizzy? Malamang, maraming beses silang palaging magkasamang kumakain sa labas.“Magkano ang mga asset na nakapangalan sa’yo?” Napakunot ang noo ni Roscoe nang marinig na itanong ni Everly iyon. “Anong sinabi mo?” “Kako, kung magkano ang asset o mga ari-arian na nasa pangalan mo?” “Bakit mo naman natanong iyan?” “Syempre, mag-asawa tayo. Kapag nag-divorce tayo, ibibigay mo ba sa akin ang kalahati noon?” Hindi na magawang makasagot ni Roscoe dahil ni minsan ay hindi man lang siya tinanong ng ganun
HINDI MAGAWANG MAKASAGOT na ni Roscoe na agad ng binawi ang paningin kay Everly. Tahimik niyang pinaandar ang sasakyan. Gumalaw pa ang adams apple niya kahit nakatingin ang mga mata sa kalsada. Ibinaling naman ni Everly ang mata sa labas ng bintana ng sasakyan. Sa gilid ng kalsadang kasalukuyang binabagtas nila ng mga sandaling iyon. Hindi niya magawang makapagtanong kung saan sila pupunta dahil napakalinaw na hindi pauwi ng mansion ang kalsadang tinutumbok ng sasakyan. Hinintay niyang tumigil na lang iyon sa isang private na restaurant. Unang bumaba si Roscoe ng sasakyan. Tahimik na binuksan ang pintuan sa gilid ni Everly.“Anong ginagawa natin dito?”“Baba na.”Labag man sa loob ni Everly ay napilitan siyang bumaba. Hindi siya nito tatantanan hangga’t di ginagawa ang gusto nito. Kakaunti lang ang mga shops sa lugar na iyon. Tahimik siyang sinundan ni Everly. Tinulak na nito ang pintuan ng isang restaurant, isang lalaki ang lumabas dito na mukhang nasa thirties na. Ngumiti lang ito n
HINDI MAGAWANG ALISIN ni Roscoe ang kanyang mga mata kay Everly kahit na naramdaman niya ang ginagawang paulit-ulit na paninipa ni Lizzy sa kanyang paa sa ilalim ng lamesa. Parang may magnet na humahatak sa kanya na pagmasdan ang asawa at suriin ngayon ang kanyang hitsura kahit pa nakita naman niya ito kanina dahil sinamahan niya itong magpa-check up. Aminin niya man o hindi ay mas nagandahan siya ngayon sa kanya. Maging ang mga ngiti nito sa mga kasamahan ay halatang totoo at hindi peke na gaya ng binibigay sa kanya, maging ang ipinapakita niyang pag-uugali. Cute si Lizzy, oo, pero kung magkasama ang dalawa sa iisang lugar mas lumilitaw doon si Everly na parang bagong bukad na bulaklak. Inalis niya ang tingin dito nang mag-vibrate ang cellphone at makita doon ang message ni Lizzy. Lizzy: Pumunta ka lang ba dito para titigan si Everly? Sana hindi ka na lang nagpakita kung ganyan ang gagawin mo. Nakakairita ka! Ang sakit mo sa mga mata, Roscoe!Napalingon na si Roscoe kay Lizzy na ba
LUMAKAD NG PAPALAYO si Everly sa kanilang lamesa nang hindi lumilingon. Batid niyang nakatingin sa likod niya si Lizzy na lihim na nagdiriwang sa pag-aakalang nainis na naman siya nito. Tama naman ito, nakaka-depress na makasama ang babae. Hindi siya dumiretso sa banyo gaya ng paalam niya. Sa cashier siya nagpunta upang magbayad na para mamaya ay hindi na iyon maging hustle sa kanya. Ayaw niyang makita si Roscoe na patungo din doon. Magdadahilan na lang siya kung bakit siya biglang nawala o baka bumalik pa din siya sa loob. “Miss bills nga ng table na iyon.”Namilog na ang mga mata ni Everly nang makita kung sino ang nagsalita. Dapat ay linya niya iyon ngunit naunahan siya ni Roscoe na walang kahit na anong emosyon ang mukha niya. Lumingon ito sa banda niya kung kaya naman nagtama ang kanilang mga mata. Naputol langn iyon nang i-abot na ng cashier ang amount na kailangang bayaran kung magkano ito. Pinasadahan lang iyon ng tingin ni Roscoe at ini-abot na ang hawak niyang card sa cashi
EXCITED ANG LAHAT nang sumapit na ang labasan. Halos mag-unahan sila palabas upang magtungo na sa napag-usapan nilang japanese restaurant. Kinapa-kapa ni Everly ang bulsa at maging ang loob ng kanyang bag. Hindi niya makita doon ang kanyang cellphone. Saka pa lang niya naalala na mukhang naiwan niya iyon sa table niya. Hindi niya ito nalagay sa bag. “Una na kayo ha? Susunod ako.” sambit niya sa mga kasabay na maglakad papalabas. “Ha? Bakit?” “Naiwan ko ang phone ko.” “Aww, o sige. Sumunod ka ha? Baka mamaya dumiretso ka ng uwi.” Pagak na tumawa si Everly. Hindi niya ugali ang mang-indian, syempre kay Lizzy lang niya iyon ginawa noong siya ay si Lord S dahil deserved niya ang hindi siputin at pagmukhaing tanga. Natigilan siya pagpasok niya sa loob ng pintuan ng kanilang office nang may narinig siyang parang may nahulog sa sahig. Binuksan niya ang switch ng ilaw dahilan upang kumalat doon ang liwanag. Napakurap siya nang makita niya ang bulto doon ni Nadia. Nakaawang ang bibig na m