NAGKUKUMAHOG NA NAMANG pumasok ang bodyguard na nasa labas lang ng VIP room nang marinig iyon. Halata ng pagiging alerto sa kanyang mga galaw. Nakita niyang namumula na sa galit ang mukha ni Lizzy at nanlilisik na rin ang mga mata nito na hindi niya maintindihan. Hindi na roon naitago ang galit nito.“Miss Lizzy, ayos lang ba kayo?” “Mukha ba akong okay? Sa tingin mo okay lang ba akong pinaghintay na dito ng ilang oras?!” bulyaw niya na kulang na lang ay pumutok ang ugat na lumitaw sa kanyang noon nang dahil sa inis na nararamdaman.Ganunpaman ang galit na kanyang nararamdaman ay nagpasya pa rin siyang mag-send ng message kay Lord S upang alamin kung bakit wala pa rin ito doon gayong kung anong oras na iyon. Naroon na siya alas-otso pa lang ng gabi. Anong oras na iyon kung kaya naman hindi na niya mapigilang uminit ang kanyang ulo sa nabasang reply ni Lord S na umano pagkaayos ng kanyang sasakyan at ma-repair ay umuwi na siya dahil bumuhos na ang malakas na ulan. Galit na galit nang
MARIIN ANG PAGKAKATIKOM ni Everly ng bibig niya. Gusto ng matawa sa panghuhula ni Lizzy kung ano ang katauhan niya. Kailan pa siya naging mukhang lalaki? Syempre, hindi niya pa rin itinuloy kahit na sa loob niya ay tawang-tawa na siya dito. Kung malalaman lang nito kung sino siya, malamang hahandusay na ito sa pagkabigla niya.“Ah, lalaki? Sa pagkakaalam ko ay babae raw siya. Kung ganun, hindi pala totoo at tsismis lang iyon.”Puno ng kahulugan na tiningnan na siya ni Lizzy. Pakiramdam niya ay parang hindi na normal ang pagiging madaldal ni Everly na patungkol lahat sa ka-meet niyang si Lord S. Iyong tipong parang marami itong alam. Nabuwisit pa ditong lalo si Lizzy. Natatandaan niya kasing hindi ganito ang babae sa kanya ngunit ngayon ay ang daldal nito. Parang may something din sa mga kinikilos niya.“Maiwan na kita, nagmamadali ako.” Pagkasabi noon ay hindi na hinintay pa ni Lizzy ang sasabihin ni Everly at tuloy na siyang iniwanan. Sinundan lang siya ni Everly ng tingin na hindi
HABANG NAIISIP NI Lizzy ang bagay na iyon ay hindi niya mapigilan ang sarili na mas kamuhian si Everly. Oras na makuha niya ang loob ng Lola ni Roscoe, paniguradong sa kanya na papabor ang matanda at hindi na sa babae. Siya na rin ang magiging bida at hindi ang dating asawa ng lalaking pinapangarap lang niya. Gusto niyang ipamukha kay Everly kung sino ba talaga siya at kung ano ang kanyang mga kakayahan. “Roscoe…” puno na ng iritasyon na untag ni Lizzy, “May kailangan ka pa ba sa babaeng iyon, ha?!” Awtomatikong umiling si Roscoe na tila nahimasmasan sa laman ng kanyang isipan. Bumaling na rin kay Lizzy na pilit ngumiti ng malaki. Ipinilig niya pa ang kanyang ulo na tila na kailangan niyang gawin iyon.“Wala na. Nakita mo ba si Lord S?” Napakagat na ng labi si Lizzy. Iniisip kung sasabihin niya ba ang totoo kay Roscoe o hindi. Sa huli, sinabi niya pa rin ang totoo para naman alam nito kung bakit siya ginabi ng ganunn sa lugar na iyon.“Hindi.” “Ano? Eh bakit ka naghintay ng ganito
BAHAGYANG NAGULAT SI Harvey sa sinabing iyon ni Everly. Hindi ganito ang pagkakakilala niya sa babae na matapang. Lalong hindi niya inaasahan na magiging dependent ito. Siya? Magpapahatid sa kanya? Pauwi? Napaka-imposible noon. Ang kilala niyang Everly ay matapang at walang sinumang inuurungan.“Okay,” tanging nasabi ni Harvey na sumenyas kay Everly na pumasok na muli ng sasakyan upang huwag na itong mabasa ng tubig ng ulan na mas lumakas pa ang buhos na tila ba mas nagalit sa pag-uusap nila.“S-Salamat...”Tinupi ni Harvey ang payong na kanyang dala bago tuluyang pumasok sa loob ng sasakyan. Ilang sandali pa ay paharurot ng umalis iyon sa naturang lugar. Lingid sa kanilang kaalaman na sa hindi kalayuan, binuksan ng nakaparadang itim na sasakyan ang mga headlight nito, na nagbigay liwanag sa entrance ng bar. Matalim ang naging tingin ni Roscoe sa kotse ni Everly na may malamig na expression sa mukha. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa manibela na para bang kapag ginawa niya iyon ay m
ILANG MINUTO PANG sinulyapan ni Roscoe ang mga salita sa text message, ngunit hindi natinag ang puso niya. Sa ilang kadahilanan, sa tuwing sasabihin ni Lizzy ang "I love you", hindi siya nakakaramdam ng saya. Pero nang sabihin ni Everly na na-inlove siya kay Harvey, kakaiba ang nararamdaman niya sa kanyang puso. Tumikhim si Roscoe at hindi na sumagot sa text message.Umulan buong gabi. Walang tigil iyon na tila ba nagdadalamhati ang langit. Pag-uwi ni Everly, bukas pa rin ang ilaw sa sala ng kanilang mansion. May mga mangilan-ngilan pang mga maid ang nakakalat. Paakyat na siya sa itaas nang ang boses ng kanyang ama ay nanggaling sa kusina. “Kakabalik mo lang, Everly?” Napalingon na si Everly sa pintuan ng kusina nang may maamoy na humahalimuyak na sabay. Kilalang-kilala iyon ng kanyang ilong. Maliit siyang napangiti sa amang lumabas na rin doon.“Yes, Dad…” “Saan ka naman nanggaling? Makabasag-tainga ang mga kulog. Hindi ba at takot ka dito?” may himig pag-aalala pa ang kanyang tin
NANG SUMUNOD NA araw ay sinadya ni Lizzy na hindi pumunta ng mas maaga sa napag-usapan nilang oras ni Lord S. Eksaktong alas-dose na siya dumating doon upang tiyakin na naroon na ang kanyang katagpo. Hindi naman nakaligtas sa mga mata ni Everly na pumasok na siya sa loob ng bar. Sumugat ang isang matingkad at makahulugan na ngiti sa labi ni Everly na sa mga sandaling iyon ay nasa loob na ng bar. Mabilis na siyang lumabas ng VIP room upang sadyain na banggain si Lizzy at nang magkaroon silang dalawa ng conversation kagaya nang nagdaang gabi. Gusto lang niya itong asarin at sirain ang araw niya.“Lizzy? Narito ka ulit?” mapagpanggap na gulantang na tanong ni Everly with matching panlalaki pa ng kanyang mga mata sabay ling-linga sa paligid ng bar, “Katagpo mo ba ulit iyong Lord S na sinasabi mo?”Napahawak na sa kanyang dibdib si Lizzy. Hindi na naman niya inaasahan na makikita si Everly sa bar. Namutla na ang babae na napasulyap sa kanyang pangbisig na orasan. Pakiramdam niya anumang or
ILANG ULIT NA napakurap ng kanyang mga mata si Lizzy. Nang sulyapan niya ang orasan, twenty minutes na ang lumipas. Mariin niyang kinagat ang pang-ibabang labi lalo na nang makita niyang titig na titig sa kanya ang mga mata ni Everly na naghihintay ng magiging sagot niya. Napalunok na siya ng laway. Pilit na kinakalma ang kanyang sarili dahil baka mamaya ay hindi na naman siya siputin ng sinumang Lord S na ‘to.“Maghintay ka. Kung hindi ka na makapaghintay, pwede ka naman ng umalis.” mataray niyang sagot.Nagkibit ng balikat si Everly na sa halip na tumayo ay inayos pa ang kanyang pagkakaupo. “Bakit ako aalis? Wala rin naman akong gagawin ngayon. Hihintayin ko na lang siya.” Napalabi na si Everly na pilit pinigilan ang mapangiti dahil para siyang shunga na hinihintay ang kanyang sarili na dumating doon. Siya si Lord S kaya nakakatawa talaga ang mga pinagsasabi ngayon ni Lizzy dito.“Alam mo Everly, nawe-weirdu’han na talaga ako sa’yo. Hindi naman lingid sa kaalaman mo ang relasyon n
MAKAILANG BESES NA umiling si Lizzy at gamit ang nangangatal na kanyang kamay ay tinawagan na ang kanilang tauhan upang malaman kung ano ang nangyari sa conversation nila ni Lord S. Imposible na wala itong history gayong kausap niya nga ito. Doon niya napag-alaman na naka-blacklist siya umano sa black market ng S Camp. Nanatiling nakatayo pa rin si Everly doon na pinagmamasdan ang pagkataranta ni Lizzy. Medyo nakakaawa ang hitsura nito pero sa palagay niya ay deserve ng babae ang mapahiya sa mismong harap niya dahil sa kahunghangan.“Lizzy—” “Shut up, Everly!” malakas niyang sigaw na sa kanya na binunton ang galit at sama ng loob. “Pwede ba huwag ka ng dumagdag pa?! Umalis ka na nga sa harap ko!” turo pa nito sa pintuan. “Alam mo Lizzy, ayos lang naman sa akin kung aaminin mo na hindi mo talaga kilala ang Lord S na iyan eh. Sa iyo na nga galing na hindi basta-bastang normal na tao si Lord S kung kaya mahirap itong makita, huwag mo ng ipilit. Naiintindihan kita. Sobrang desperada ka
MAKAILANG BESES PA siyang sinipat ni Alexis sa mukha. Hinahanapan ng dahilan kung bakit siya nagtatanong. Pakiramdam niya ay may mali sa amo. “Ano po ang problema, Mr. De Andrade?”Iniiling ni Roscoe ang kanyang ulo. Kung anu-ano ang pumapasok sa kanyang isip na hindi naman dapat. Napuno pa ng maraming katanungan iyon dahilan upang tuluyan siyang maguluhan. Panaka-naka ang pasok ng liwanag ng mga street lights sa kanilang dinadaanan. Natatanglawan noon ang seryosong mukha ni Roscoe na nakatingin na noon sa kawalan. Mababakas anng labis na pagka-seryoso sa kanyang mukha. Makailang beses niya pang nilingon ang mukha ni Everly. “Alexis, paki-imbestigahan ngang mabuti noong na-kidnapped ako kung sino talaga ang nagligtas sa akin.” Hindi maintindihan ni Alexis kung ano ang nais na palabasin ng kanyang amo. Hindi ba at alam naman na nitong si Lizzy Rivera ang nagligtas sa kanya? Bakit kailangan pa nitong pa-imbestigahan ang bagay na iyon na hindi niya ginawa noon? Tinanggap na lang niton
MAHABA ANG NAGING biyahe nila pauwi. Dala marahil ng pagod ni Everly at side effect na rin ng gamot sa kanyang sugat kung kaya naman hindi sinasadyang biglang nakatulog siya. Naramdaman na lang ni Roscoe ang biglang pagbigat sa kanyang balikat nang walang ulirat na ipatong doon ng asawa ang kanyang ulo. Napalunok na ng sunod-sunod doon si Roscoe. Hindi nakaligtas sa kanya ang suot nitong damit na medyo revealing sa banda ng kanyang dibdib. Kahit na madilim sa loob ng sasakyan, sa mga mata ni Roscoe ay ‘di nakaligtas ang tila kumikinang na balat ni Everly banda dito.‘Ano ba naman ‘to!’ Masusing tahimik na pinagmasdan ni Roscoe ang manipis na kilay ng asawa at ang nakapikit nitong mga mata. Dumako pa ang tingin niya sa labi nito na bigla na lang sumagi sa kanyang isipan na halikan ito. Ipinilig niya ang ulo. Hindi siya dapat nagpapadala sa tukso. Pakiramdam niya nag-init ang kanyang lalamunan kasabay ng pag-init ng magkabilang pisngi. Bumilis din ang tibok ng kanyang puso na para bang
KAILANMAN, BUONG BUHAY niya ay hindi nawalan ng sasabihin at katwiran si Roscoe kapag kinakausap. Nang mga sandali pa lang iyon nangyari at dahil kay Everly. Ilang minutong pinag-aralan niya ang mukha ni Everly na napagtanto niyang maganda sa malapit.“Bakit? Naging mabuti ba ako sa’yo, Everly?”Ginawa lang niya ang gagawin ng isang estranghero sa isang taong nangangailangan ng tulong. Paano nga ba siya naging mabuting asawa kay Everly Golloso?“Ito. Hindi ba ito kabutihan?”Dinilaan pa ni Roscoe ang labi upang basain ng laway. Muli na namang natameme sa katanungan ni Everly.Gaano ba kapangit ng trato niya sa asawa dati at pati itong ginawa niyang pagtulong ay big deal sa kanya?Nakaramdam pa ng kakaiba si Everly sa pananahimik ni Roscoe. Iba talaga ang nararamdaman niya sa mga kinikilos nito. Nagpakaba pa iyon sa kanyang puso lalo na nang muli siyang alalayan at igiya ni Roscoe. Sa siko na lang naman siya nito hinawakan ngayon. “Hindi ito kabutihan at pagmamahal, Everly na kahit na
MALALAKI ANG MGA hakbang na nilagpasan niya si Roscoe upang mabilis na din na makalayo sa asawa. Tahimik namang sumunod si Roscoe habang nasa likod niya ang dalawang kamay. May kakaibang ngiti sa kanyang labi na hindi niya magawang ipaliwanag kung bakit ganun na lang siya kasaya nang makitang hiyang-hiya at namumula ang mukha ng asawa niya.‘What’s wrong with you now, Roscoe? Maligaya ka?’Ang mga lumabas kanina na doctor ay naabutan nilang nasa harap lang ng kinaroroonan nilang silid. Yumukod ang mga ito upang magbigay na ng galang. Napayuko rin nang bahagya si Everly bilang tugon. Ang OA lang talaga ni Roscoe na kinakailangan pa siyang dalhin sa hospital kung pwede naman niyang gamutin na lang ang kanyang sarili sa bahay nila. Marami pa tuloy silang naabala na ‘di naman dapat.“Mrs. De Andrade, narito po ang mga gamot na kailangan niyong i-apply sa mga sugat.” bigay ng doctor ng ointment lang naman, “Hindi man gaanong malalim ang mga sugat kaso nga lang ay ang dami nila. Para na rin
AWTOMATIKONG INIIWAS NA ni Everly ang kanyang mga mata sa mukha ni Roscoe. Itinuro na ng kanyang daliri ang likod. Mabilis namang nagtungo doon si Roscoe. Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na bagama’t hindi naman nakatakip ay nakita niyang magiging sagabal iyon. Sa ibabaw ng kanyang tattoo ay may dalawang maliit na piraso ng bubog na nakabaon. Maputi at maselan ang balat ni Everly, at nang tumusok ang fragment sa kanyang balat, agad nang namula ang buong paligid noon. Hindi mapigilan ni Roscoe na itaas ang kanyang kamay. Bumagsak ang nanlalamig niyang mga daliri sa likod ni Everly na nang dumampi ay bahagyang nanginig. Naburo na ang mga mata doon ni Roscoe. Maingat niyang kinuha ang mga fragment, nilinis ang sugat at nilagyan ng hemostatic gauze. Nang tutulungan na sana niya si Everly na tingnan kung may mga fragment pa sa ibang bahagi ng katawan, hindi niya naiwasang tumagal ang mga mata sa tattoo ng babae. Hindi na niya napigilan ang palad na haplusin iyon. Magaspang ang bahagin
KAKARATING PA LANG sa Ginang ng balita kung kaya naman hindi pa niya nagagawang e-digest iyon at naunahan na ng panic. Gumalaw ang adams apple ni Roscoe na humigpit pa ang yakap sa katawan ni Everly na sa mga sandaling iyon ay namumungay na ang mga mata. Biglang malakas na kumalabog ang loob ng puso niya. Ang dugo mula sa pulso ni Everly na nasugatan ng matalim na bubog ay dumikit sa leeg ni Roscoe. Mainit iyon dahil sariwa at malagkit. Hindi rin iyon nakaligtas sa paningin ni Roscoe na hindi komportable ang pakiramdam. Napatitig na siya sa mukha ni Everly na puno ng halo-halong emosyon ang mga mata. Bumilis pa ang kanyang mga hakbang papalabas ng venue, karga pa rin ang katawan ni Everly. Wala rin siyang planong bitawan ang asawa.“R-Roscoe…” usal ni Everly kahit blurred ang tingin.Tumitig pa ang mga mata ni Everly sa mukha ni Roscoe. Hindi niya alam kung nakakakita siya ng mga bagay, ngunit nakita niya ang pag-aalala sa mga mata ni Roscoe sa unang pagkakataon habang karga siya. Sus
HINDI NA NAGAWA pang makapagtimpi ni Everly. Kailangan na niyang mailabas ang frustration niya. Akmang sasampalin niya na si Lizzy nang hindi inaasahan na bigla na lang madulas ang waiter malapit sa tower ng kaharap nitong alak. Nandilim na ang paningin ni Everly doon at nabalot ng takot ang buo niyang kalamnan. Hindi biro ang babagsak sa kanila kapag nagkataon na anumang oras ay matutumba na sa kanilang dalawa ni Lizzy; ang tower ng alak! Malakas na pumintig na doon ang puso ni Everly. Naalala na ang waiter na iyon ay ang huling kausap ni Lizzy kanina bago siya nito harapin. Ito ba ang napag-usapan nila? Ang ipahamak si Lizzy in disguise na iniligtas siya nito para malinis ang pangalan niya sa kahihiyang nangyari kanina? Ito ba? Gusto nitong palabasin na may busilak siyang puso? “Roscoe, kinakausap pa kita…” narinig ni Everly ang boses ni Desmond kung kaya malamang ay malapit lang sa kanilang kinaroroonan ni Lizzy ang magkaibigan. Mukhang tama nga ang hinuha niya! Plano pang palabas
NAPAAWANG NA ANG bibig ni Roscoe nang maramdaman ang nakakakiliting init ng hininga ni Everly sa kanyang tainga. Bilang reaction doon ay marahas na itinulak niya na ang asawa na napasandal pa sa malamig na pader ang likod. Nang maalala ang sinabi ni Everly na gustong mangyari kay Lizzy, naging mas visible pa ang matinding galit sa mukha ni Roscoe na kitang-kita naman noon ni Everly. Ngumisi pa si Everly upang mas asarin ai Roscoe nang makita ang reaction nito na halatang apektado.“Baliw ka na!”“Walang masama sa pagiging hibang, Roscoe. Kagaya mo, hindi ba at baliw na baliw ka rin naman kay Lizzy?”Nang hindi sumagot si Roscoe ay tinalikuran na siya ni Everly. Hindi naman siya pinigilan ni Roscoe na parang sinampal sa huling sinabi ni Everly sa kanya. Napaayos ng tayo si Roscoe ng lumingon pa si Everly. “Pareho lang tayong baliw, sa ibang dahilan nga lang.” sambit pa ni Everly na may mapaklang tono na iyon. Pagkasabi nito ay umalis na ang babae. Naiwan si Roscoe na nakatayo. Pilit
SINUBUKAN NI EVERLY na ibuka ang bibig upang mag-explain, ngunit agad niyang tinikom. Ano pang gamit noon? Massayang lang ang laway niya sa lalaki. Hahayaan na lang niyang paniwalaan nito ang gusto.“Roscoe, ikaw ang hindi marunong lumugar! Bakit ganyan ang trato mo sa asawa mo sa harapan ng maraming tao?” muling buga ng apoy ng kanyang ina na napipikon na sa mga nangyayari, nangangati na ang kanyang palad na hilahin sa buhok si Lizzy para humiwalay ito sa kanyang anak. “Wala kang galang!”“Kahit na Mommy, hindi pa rin tama na paiyakin niyo si Lizzy at ipahiya sa harapan ng maraming tao dito!”“Wala na, hibang na hibang ka na talaga!” iling pa ng ina ni Roscoe na mas sumiklab ang galit kay Lizzy. Noong una ay ayaw naman talagang papuntahin ni Roscoe si Lizzy ngunit ito ang nagpumilit. Kung sasabihin niya iyon sa babae ngayon, mas iiyak pa ito. Sinabi niya rin kay Lizzy na baka di siya itrato ng maayos ng kanyang pamilya, ngunit nagmatigas ito na gagawin niya ang lahat magustuhan lama