NAKA-PLASTER NA ANG mga ngiti sa mukha ni Lizzy na halatang ready na sa pagdating ng inaasahan niyang ka-meet up sa lugar. Hindi na siya mapakali na parang hindi mapataeng pusa. Kinakailangan na niyang tumayo, saka magpalakad-lakad upang kalmahin ang kanyang sarili. Parang huminto ang buong paligid sa pag-inog pagpatak ng kamay ng orasan sa alas-otso ngunit walang Lord S na dumating at nagpakita sa kanya. Ganunpaman ay hindi pa rin naubusan ng pag-asa sa kanyang puso si Lizzy. “Miss Lizzy, wala pa po ba ang ka-meet up niyo? Lagpas ng alas-otso.” tanong ng bodyguard na kanyang kasama na sumungaw na ang ulo sa pintuan ng VIP room, ang akala niya tuloy ay si Lord S na iyon. Marahang kinagat ni Lizzy ang kanyang pang-ibabang labi sabay iling. Aaminin niyang kinakabahan na siya doon. Imposible na hindi susunod ang kausap niya sa napagkasunduan nilang oras nito. Hindi nito itataya ang kanyang pangalan para lang sirain. Iyon ang pinanghahawakan ni Lizzy kung kaya nakampante pa rin. “Baka
NAGKUKUMAHOG NA NAMANG pumasok ang bodyguard na nasa labas lang ng VIP room nang marinig iyon. Halata ng pagiging alerto sa kanyang mga galaw. Nakita niyang namumula na sa galit ang mukha ni Lizzy at nanlilisik na rin ang mga mata nito na hindi niya maintindihan. Hindi na roon naitago ang galit nito.“Miss Lizzy, ayos lang ba kayo?” “Mukha ba akong okay? Sa tingin mo okay lang ba akong pinaghintay na dito ng ilang oras?!” bulyaw niya na kulang na lang ay pumutok ang ugat na lumitaw sa kanyang noon nang dahil sa inis na nararamdaman.Ganunpaman ang galit na kanyang nararamdaman ay nagpasya pa rin siyang mag-send ng message kay Lord S upang alamin kung bakit wala pa rin ito doon gayong kung anong oras na iyon. Naroon na siya alas-otso pa lang ng gabi. Anong oras na iyon kung kaya naman hindi na niya mapigilang uminit ang kanyang ulo sa nabasang reply ni Lord S na umano pagkaayos ng kanyang sasakyan at ma-repair ay umuwi na siya dahil bumuhos na ang malakas na ulan. Galit na galit nang
MARIIN ANG PAGKAKATIKOM ni Everly ng bibig niya. Gusto ng matawa sa panghuhula ni Lizzy kung ano ang katauhan niya. Kailan pa siya naging mukhang lalaki? Syempre, hindi niya pa rin itinuloy kahit na sa loob niya ay tawang-tawa na siya dito. Kung malalaman lang nito kung sino siya, malamang hahandusay na ito sa pagkabigla niya.“Ah, lalaki? Sa pagkakaalam ko ay babae raw siya. Kung ganun, hindi pala totoo at tsismis lang iyon.”Puno ng kahulugan na tiningnan na siya ni Lizzy. Pakiramdam niya ay parang hindi na normal ang pagiging madaldal ni Everly na patungkol lahat sa ka-meet niyang si Lord S. Iyong tipong parang marami itong alam. Nabuwisit pa ditong lalo si Lizzy. Natatandaan niya kasing hindi ganito ang babae sa kanya ngunit ngayon ay ang daldal nito. Parang may something din sa mga kinikilos niya.“Maiwan na kita, nagmamadali ako.” Pagkasabi noon ay hindi na hinintay pa ni Lizzy ang sasabihin ni Everly at tuloy na siyang iniwanan. Sinundan lang siya ni Everly ng tingin na hindi
HABANG NAIISIP NI Lizzy ang bagay na iyon ay hindi niya mapigilan ang sarili na mas kamuhian si Everly. Oras na makuha niya ang loob ng Lola ni Roscoe, paniguradong sa kanya na papabor ang matanda at hindi na sa babae. Siya na rin ang magiging bida at hindi ang dating asawa ng lalaking pinapangarap lang niya. Gusto niyang ipamukha kay Everly kung sino ba talaga siya at kung ano ang kanyang mga kakayahan. “Roscoe…” puno na ng iritasyon na untag ni Lizzy, “May kailangan ka pa ba sa babaeng iyon, ha?!” Awtomatikong umiling si Roscoe na tila nahimasmasan sa laman ng kanyang isipan. Bumaling na rin kay Lizzy na pilit ngumiti ng malaki. Ipinilig niya pa ang kanyang ulo na tila na kailangan niyang gawin iyon.“Wala na. Nakita mo ba si Lord S?” Napakagat na ng labi si Lizzy. Iniisip kung sasabihin niya ba ang totoo kay Roscoe o hindi. Sa huli, sinabi niya pa rin ang totoo para naman alam nito kung bakit siya ginabi ng ganunn sa lugar na iyon.“Hindi.” “Ano? Eh bakit ka naghintay ng ganito
BAHAGYANG NAGULAT SI Harvey sa sinabing iyon ni Everly. Hindi ganito ang pagkakakilala niya sa babae na matapang. Lalong hindi niya inaasahan na magiging dependent ito. Siya? Magpapahatid sa kanya? Pauwi? Napaka-imposible noon. Ang kilala niyang Everly ay matapang at walang sinumang inuurungan.“Okay,” tanging nasabi ni Harvey na sumenyas kay Everly na pumasok na muli ng sasakyan upang huwag na itong mabasa ng tubig ng ulan na mas lumakas pa ang buhos na tila ba mas nagalit sa pag-uusap nila.“S-Salamat...”Tinupi ni Harvey ang payong na kanyang dala bago tuluyang pumasok sa loob ng sasakyan. Ilang sandali pa ay paharurot ng umalis iyon sa naturang lugar. Lingid sa kanilang kaalaman na sa hindi kalayuan, binuksan ng nakaparadang itim na sasakyan ang mga headlight nito, na nagbigay liwanag sa entrance ng bar. Matalim ang naging tingin ni Roscoe sa kotse ni Everly na may malamig na expression sa mukha. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa manibela na para bang kapag ginawa niya iyon ay m
ILANG MINUTO PANG sinulyapan ni Roscoe ang mga salita sa text message, ngunit hindi natinag ang puso niya. Sa ilang kadahilanan, sa tuwing sasabihin ni Lizzy ang "I love you", hindi siya nakakaramdam ng saya. Pero nang sabihin ni Everly na na-inlove siya kay Harvey, kakaiba ang nararamdaman niya sa kanyang puso. Tumikhim si Roscoe at hindi na sumagot sa text message.Umulan buong gabi. Walang tigil iyon na tila ba nagdadalamhati ang langit. Pag-uwi ni Everly, bukas pa rin ang ilaw sa sala ng kanilang mansion. May mga mangilan-ngilan pang mga maid ang nakakalat. Paakyat na siya sa itaas nang ang boses ng kanyang ama ay nanggaling sa kusina. “Kakabalik mo lang, Everly?” Napalingon na si Everly sa pintuan ng kusina nang may maamoy na humahalimuyak na sabay. Kilalang-kilala iyon ng kanyang ilong. Maliit siyang napangiti sa amang lumabas na rin doon.“Yes, Dad…” “Saan ka naman nanggaling? Makabasag-tainga ang mga kulog. Hindi ba at takot ka dito?” may himig pag-aalala pa ang kanyang tin
NANG SUMUNOD NA araw ay sinadya ni Lizzy na hindi pumunta ng mas maaga sa napag-usapan nilang oras ni Lord S. Eksaktong alas-dose na siya dumating doon upang tiyakin na naroon na ang kanyang katagpo. Hindi naman nakaligtas sa mga mata ni Everly na pumasok na siya sa loob ng bar. Sumugat ang isang matingkad at makahulugan na ngiti sa labi ni Everly na sa mga sandaling iyon ay nasa loob na ng bar. Mabilis na siyang lumabas ng VIP room upang sadyain na banggain si Lizzy at nang magkaroon silang dalawa ng conversation kagaya nang nagdaang gabi. Gusto lang niya itong asarin at sirain ang araw niya.“Lizzy? Narito ka ulit?” mapagpanggap na gulantang na tanong ni Everly with matching panlalaki pa ng kanyang mga mata sabay ling-linga sa paligid ng bar, “Katagpo mo ba ulit iyong Lord S na sinasabi mo?”Napahawak na sa kanyang dibdib si Lizzy. Hindi na naman niya inaasahan na makikita si Everly sa bar. Namutla na ang babae na napasulyap sa kanyang pangbisig na orasan. Pakiramdam niya anumang or
ILANG ULIT NA napakurap ng kanyang mga mata si Lizzy. Nang sulyapan niya ang orasan, twenty minutes na ang lumipas. Mariin niyang kinagat ang pang-ibabang labi lalo na nang makita niyang titig na titig sa kanya ang mga mata ni Everly na naghihintay ng magiging sagot niya. Napalunok na siya ng laway. Pilit na kinakalma ang kanyang sarili dahil baka mamaya ay hindi na naman siya siputin ng sinumang Lord S na ‘to.“Maghintay ka. Kung hindi ka na makapaghintay, pwede ka naman ng umalis.” mataray niyang sagot.Nagkibit ng balikat si Everly na sa halip na tumayo ay inayos pa ang kanyang pagkakaupo. “Bakit ako aalis? Wala rin naman akong gagawin ngayon. Hihintayin ko na lang siya.” Napalabi na si Everly na pilit pinigilan ang mapangiti dahil para siyang shunga na hinihintay ang kanyang sarili na dumating doon. Siya si Lord S kaya nakakatawa talaga ang mga pinagsasabi ngayon ni Lizzy dito.“Alam mo Everly, nawe-weirdu’han na talaga ako sa’yo. Hindi naman lingid sa kaalaman mo ang relasyon n
AWTOMATIKONG NAPALINGON NA si Everly sa matanda. Oasis Hospital? Hindi ba at ang hospital na iyon ang itinuro ng kanyang Lola sa kanya upang umano ay mag-report siya. Doon siya nito nais na magsimulang mag-aral at mag-trabaho.“Mr. Lim, gaano po kayo kadalas magkaroon ng leg cramps? Tumawag na po kami sa 911, paniguradong on the way na ang tulong. Kumalma lang po kayo. Huwag na kayong mag-alala.” subok ng staff na pakalmahin ang matanda dahil doon.Walang inaksayang pagkakataon si Everly na nakipagsiksikan na sa crowd upang makalapit lang sa kanilang pwesto. “Excuse me! Padaan!” “Ano ba iyan? Kung makatulak naman! Sino ba iyan?”“Ewan ko nga, naapakan niya pa nga ako!” “Kala mo naman makakatulong sa maysakit. Malamang gusto lang din niyang maki-tsismis.”“Kaya nga. Daig pa ang siya ang makakaligtas kay Mr. Lim. Tingnan mo nga may takip pa ang mukha!” Masama silang tiningnan ni Everly ngunit ilang saglit lang. Wala siyang panahon para patulan ang mga ito. Ano pa ba ang aasahan niya
SUMAMA PA ANG loob doon ni Everly subalit ano pa nga ba ang magagawa niya kung hindi ang sumunod sa matanda. Nagkita silang magkaibigan dahil kakatapos lang ng filming ng aktres at nagrereklamo itong masakit ang kanyang buong katawan. Nang marinig iyon ni Everly ay inaya niya itong magkita sila at siya na mismo ang magpapagaan ng pakiramdam ng kaibigan. Magandang simula na rin iyon ng kanyang practice upang malaman kung magaling pa ba siya sa bagay na iyon. Isa sa mga itinuro ng kanyang Lola sa kanya ang acupuncture na minana nito umano iyon sa kultura ng mga magulang ng kanyang Lola na purong tsino. Nagkaroon lang ito ng asawa na Spanish which is ang Lolo niya ngunit hindi nito kinalimutan ang kanyang pinagmulang lahi. At bilang apo siya ng matanda, nagkaroon siya ng pagkakataon na malaman ang bagay na iyon at matutunan kasama ng iba pang medisina. Mabisang gamot din naman iyon sa sobrang pagod ng katawan. Nakakatulong ito sa magandang daloy ng dugo iyon nga lang dapat na may license
HINDI MAN LANG sila nilingon ni Everly na dire-diretso lang ang lakad palayo sa kanilang banda. Sinubukan pa ni Roscoe na tanggalin ang pagkakahawak sa kanya ni Lizzy upang habulin lang ang asawa, ngunit hindi iyon pinayagan ng babae.“Narinig mo ba ang sinabi ko, Roscoe? Pinagtulungan nila ako sa birthday ng Lola mo.”Napilitan si Roscoe na harapin na si Lizzy tutal ay wala na rin si Everly at kung hahabulin niya pa ito, hindi niya alam kung aabutin niya pa. Hinarap na niya si Lizzy kung saan ay saka pa lang nito niluwagan ang hawak sa kanyang katawan. “Anong sinabi mo?” tanong ni Roscoe na sinundan na si Lizzy na makapal ang mukhang pinapasok na ang kanyang sarili. “Pinagtulungan nila ako. Maiba ako, pinalitan mo ba ang password ng villa?” pag-iiba niya ng kanilang usapan matapos na ihagis ang kanyang dalang bag sa sofa na akala mo ay pag-aari niya ang villa na iyon, pabagsak ng naupo at humalukipkip. “Ilang beses kong sinubukan kanina pero ayaw nitong magbukas. Tinigilan ko kasi
GUSTO NG MATAWA ni Everly sa tinurang ito ni Roscoe. Ano? After ng divorce nila gusto pa nitong maging magkaibigan sila at magpansinan? May sira na yata ang ulo ng lalaking ito. Walang ganun. Pagkatapos ng mga ginawa nito sa kanya, gusto niya umakto siyang magkaibigan sila? Anong kalokohan iyon ng lalaki? Halatang hindi niya alam ang mga sinasabi niya. Sa loob ng maraming mga taong pagsasama nila, ni wala naman itong magandang nagawa sa kanya. Ang trato nito sa kanya ay parang hangin, tapos ngayon kung makahiling akala mo naman ay naging mabuting asawa ito sa kanya noon. Sa parte ni Roscoe ay kayang-kaya nitong gawin ang nais niya, eh sa part niya? Tinanong ba siya nito kung kaya niya?Si Everly ay labis niyang nasaktan, siniraan at hindi nirespeto ang nararamdaman. Niloko rin siya at ipinagpalit ng asawa niya sa ibang babae noong kasal pa sila, tapos ngayon hinihiling nito na maging civil sila at maging respectable sa mga taong kanilang pinagsamahan? Mukhang nasa malalim na pagtulog
SUMUGAT PA ANG isang nakakalokong ngiti sa labi ni Roscoe nang ilihis na ni Everly ang kanyang paningin sa asawa. Muling sinubukan ni Everly na kumawala ngunit humigpit lang lalo ang hawak ni Roscoe sa kanya. Hindi alintana ang laway ni Everly na hindi namalayan nitong dumikit sa baba kanina sa ginawa nitong pagkagat sa kanya. Walang anu-ano at tinawid ni Roscoe ang ilang pulgada nilang pagitan upang tumama lang ang kanyang labi sa bibig ng asawa. “Ano? Sa tingin mo ba ay panaginip pa rin ito?” Napaawang na ang labi ni Everly na sinabayan pa ng malakas na paghuhuramentado ng kanyang puso sa loob ng dibdib. Sa sobrang lakas at bilis ng tibok ng kanyang puso, pakiramdam niya ay ‘di na siya makahinga at mauubusan na doon ng oxygen.“Anong ginagawa mo, Roscoe? Hindi mo ako bibitawan?!” may banta na sa tinig ni Everly na tinaliman na ang mga tinging pinupukol sa kanya. Kung gusto niyang makawala dito, kailangan niyang samaan ng ugali at pagbantaan ito. Iyon ang kanyang natutunan sa ugal
PRENTENG NAUPO NA si Roscoe sa gilid ng kama kung saan nakahiga si Everly. Hindi niya inalis ang mga mata sa asawa habang ang cellphone nito ay nakadikit pa rin sa kanyang tainga. Walang anu-ano ay parang may sariling buhay na humaplos ang kanyang isang palad sa pisngi ni Everly, marahan lang iyon kung kaya naman hindi ito nagising. Ilang sandali pa ay gumapang na pababa iyon at dumako pa banda sa nakatikom na labi ng kanyang asawa.“Hindi naman kagulat-gulat,” tugon ni Harvey na sinundan pa ng buntong-hininga na hindi nakaligtas sa pandinig ni Roscoe na nagawa pang mas maging masaya ang malapad na ngiti. “Sana alagaan mong mabuti si Everly at—” “Hindi mo naman kailangang sabihin sa akin iyan dahil alam ko kung ano ang gagawin ko sa asawa ko!” may diin niya pang tugon sa salitang asawa. Lumapad pa ang kanyang ngiti na naguguni ng paniguradong halos mamatay na sa selos ang lalaking kausap niya. “Hindi mo kailangang mag-alala dahil kahit hindi mo sabihin iyan pa rin ang gagawin ko sa k
MAKAILANG BESES PA siyang sinipat ni Alexis sa mukha. Hinahanapan ng dahilan kung bakit siya nagtatanong. Pakiramdam niya ay may mali sa amo. “Ano po ang problema, Mr. De Andrade?”Iniiling ni Roscoe ang kanyang ulo. Kung anu-ano ang pumapasok sa kanyang isip na hindi naman dapat. Napuno pa ng maraming katanungan iyon dahilan upang tuluyan siyang maguluhan. Panaka-naka ang pasok ng liwanag ng mga street lights sa kanilang dinadaanan. Natatanglawan noon ang seryosong mukha ni Roscoe na nakatingin na noon sa kawalan. Mababakas anng labis na pagka-seryoso sa kanyang mukha. Makailang beses niya pang nilingon ang mukha ni Everly. “Alexis, paki-imbestigahan ngang mabuti noong na-kidnapped ako kung sino talaga ang nagligtas sa akin.” Hindi maintindihan ni Alexis kung ano ang nais na palabasin ng kanyang amo. Hindi ba at alam naman na nitong si Lizzy Rivera ang nagligtas sa kanya? Bakit kailangan pa nitong pa-imbestigahan ang bagay na iyon na hindi niya ginawa noon? Tinanggap na lang niton
MAHABA ANG NAGING biyahe nila pauwi. Dala marahil ng pagod ni Everly at side effect na rin ng gamot sa kanyang sugat kung kaya naman hindi sinasadyang biglang nakatulog siya. Naramdaman na lang ni Roscoe ang biglang pagbigat sa kanyang balikat nang walang ulirat na ipatong doon ng asawa ang kanyang ulo. Napalunok na ng sunod-sunod doon si Roscoe. Hindi nakaligtas sa kanya ang suot nitong damit na medyo revealing sa banda ng kanyang dibdib. Kahit na madilim sa loob ng sasakyan, sa mga mata ni Roscoe ay ‘di nakaligtas ang tila kumikinang na balat ni Everly banda dito.‘Ano ba naman ‘to!’ Masusing tahimik na pinagmasdan ni Roscoe ang manipis na kilay ng asawa at ang nakapikit nitong mga mata. Dumako pa ang tingin niya sa labi nito na bigla na lang sumagi sa kanyang isipan na halikan ito. Ipinilig niya ang ulo. Hindi siya dapat nagpapadala sa tukso. Pakiramdam niya nag-init ang kanyang lalamunan kasabay ng pag-init ng magkabilang pisngi. Bumilis din ang tibok ng kanyang puso na para bang
KAILANMAN, BUONG BUHAY niya ay hindi nawalan ng sasabihin at katwiran si Roscoe kapag kinakausap. Nang mga sandali pa lang iyon nangyari at dahil kay Everly. Ilang minutong pinag-aralan niya ang mukha ni Everly na napagtanto niyang maganda sa malapit.“Bakit? Naging mabuti ba ako sa’yo, Everly?”Ginawa lang niya ang gagawin ng isang estranghero sa isang taong nangangailangan ng tulong. Paano nga ba siya naging mabuting asawa kay Everly Golloso?“Ito. Hindi ba ito kabutihan?”Dinilaan pa ni Roscoe ang labi upang basain ng laway. Muli na namang natameme sa katanungan ni Everly.Gaano ba kapangit ng trato niya sa asawa dati at pati itong ginawa niyang pagtulong ay big deal sa kanya?Nakaramdam pa ng kakaiba si Everly sa pananahimik ni Roscoe. Iba talaga ang nararamdaman niya sa mga kinikilos nito. Nagpakaba pa iyon sa kanyang puso lalo na nang muli siyang alalayan at igiya ni Roscoe. Sa siko na lang naman siya nito hinawakan ngayon. “Hindi ito kabutihan at pagmamahal, Everly na kahit na