Share

Chapter 36.1: Scar

last update Terakhir Diperbarui: 2025-04-30 14:47:39

AWTOMATIKONG INIIWAS NA ni Everly ang kanyang mga mata sa mukha ni Roscoe. Itinuro na ng kanyang daliri ang likod. Mabilis namang nagtungo doon si Roscoe. Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na bagama’t hindi naman nakatakip ay nakita niyang magiging sagabal iyon. Sa ibabaw ng kanyang tattoo ay may dalawang maliit na piraso ng bubog na nakabaon. Maputi at maselan ang balat ni Everly, at nang tumusok ang fragment sa kanyang balat, agad nang namula ang buong paligid noon. Hindi mapigilan ni Roscoe na itaas ang kanyang kamay. Bumagsak ang nanlalamig niyang mga daliri sa likod ni Everly na nang dumampi ay bahagyang nanginig. Naburo na ang mga mata doon ni Roscoe. Maingat niyang kinuha ang mga fragment, nilinis ang sugat at nilagyan ng hemostatic gauze. Nang tutulungan na sana niya si Everly na tingnan kung may mga fragment pa sa ibang bahagi ng katawan, hindi niya naiwasang tumagal ang mga mata sa tattoo ng babae. Hindi na niya napigilan ang palad na haplusin iyon. Magaspang ang bahagin
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Jannett Padernilla
thank you sa update.....bukas ulit.....
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 47.3: Protecting

    HINDI NAGLAON AY pumunta si Everly sa ward. Hinihintay na siya ni Roscoe sa may pintuan. Nakahilig ang siya sa gilid ng pader habang ang kanyang dalawang kamay ay nakasilid sa bulsa ng suot niyang pantalon. Panay ang lingon niya sa paligid matapos ay sa loob naman ng ward ibabaling ang tingin. Malalim ang iniisip niya na wala ‘ring ibang nakakaalam. Nang maramdaman niya ang paglapit ng bulto ni Everly ay napalingon na siya sa babae kung saan nagtama ang mata nila. Namumula ang mga mata ni Everly, mukhang hinang-hina rin ang kanyang katawan na parang walang anumang lakas. “Saan ka nanggaling?” mahina ang boses na tanong niya na hindi pa rin inaalis ang mga mata sa mukha ng asawa. “Sa garden. Nagpahangin.” Hindi kababakasan ang boses ni Everly ng anumang kasinungalingan. “Okay na ang Lolo, nasa ward na nga siya.” Tumango si Everly na nagkukumahog ng pumunta sa harapan ni Roscoe upang humingi ng paumanhin. “Pasensya ka na kung naabala kita ngayong araw.” “Ano bang sinasabi mo diya

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 47.2: Identity Exposed

    NAHAWI NA SA gitna ang mga media na nakaharang kanina upang bigyan sila ng daan papasok sa loob ng hospital. Hawak pa rin sa braso ay nagawa ng pumasok ng mag-asawa sa loob ng walang anumang naging katiting na aberya pa. Magkasunod silang naglakad. Nauuna si Roscoe at nasa likod naman siya. Lalo pang nakaramdam ng lungkot si Everly dito. Hindi niya alam kung sobrang na-touch ba siya o gusto niya ang concern na ipinapakita ngayon ng lalaki sa kanya. “Sunod ka lang sa akin.” lingon ni Roscoe na hindi pa rin binibitawan ang hawak niyang braso. Sa labas ng operating room ay naabutan nila ang ama at ina ni Everly. Yakap ng kanyang Daddy ang ina niyang umiiyak ng tahimik. Nagulat ang mag-asawa nang makita si Roscoe, ngunit hindi na ginawa pang big deal iyon lalo na nang makita nila sa likod nito si Everly. Bago pa makabati si Roscoe sa kanyang mga biyenan ay bumukas na ang pintuan ng ER. Lumabas si Mr. Lim na may butil-butil na pawis sa kanyang noo. Pagtingin sa kaharap niya, hindi niya m

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 47.1: Concern and Worried

    MARAHAS NA HINABLOT na ni Roscoe ang isang kamay ni Everly na muling humawak sa pintuan ng kanyang kotse at tangka na namang pumasok na doon. Hinila ni Everly ang kanyang braso ngunit ayaw naman iyong bitawan ni Roscoe. “Hindi ka pwedeng magmaneho sa ganyang kondisyon. Baka maaksidente ka pa. Delikado. Ihahatid na kita sa hospital.” “Hindi na kailangan, kaya ko naman. Tumabi ka diyan.” “Everly makinig ka naman sa akin, sinabi ko na ngang delikado hindi ba?!” sigaw na ni Roscoe upang mahimasmasan ito, “Wala akong ibang gagawin sa’yo. Ipagda-drive kita papuntang hospital. Nagmamadali ka di ba? Ihahatid kita!” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay sapilitan niyang hinawakan sa isang braso si Everly ay pwersahang hinila patungo ng kanyang sasakyan. Wala na siyang pakialam kung magalit man ito sa kanya basta hindi niya ito papayagang magmaneho. Kahit na alam niya sa kanyang sarili na kaya naman ni Everly na gawin iyon, hindi pa rin siya makakapayag na gawin ito.Paano kung may masamang man

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 46.3: Emergency Treatment

    NAUPO NA SA tabi ni Roscoe si Lizzy na bahagyang inihilig pa ang kanyang ulo sa isang balikat ng lalaki upang sumandal. Hindi naman nagreklamo si Roscoe kahit na ilang beses sumagi sa kanyang isipan ang tumayo sa pagkakaupo.“Masakit lang ang likod ko nitong mga nakaraan.” “Iyong sugat mo sa likod?” tanong ni Roscoe na ang tinutukoy ay ang kaparehong peklat ni Everly. Tumango si Lizzy na pinatulis pa ang kanyang nguso habang nakaharap na kay Roscoe na nakatingin sa kanya. “Siguro dahil naso-sobrahan ako ng paggamit ng aircon kaya siya sumasakit.” Hindi niya tuloy mapigilan na maisip ang sinabi ng inmate kanina patungkol umano kung paano siya iligtas nito.“Maghahanap ako ng magaling na therapist na titingin.” tanging nasabi niya na marahang hinaplos ang balikat niya.Lumapad na ang ngiti doon ni Lizzy at marahang tumango sa suggestion ni Roscoe. Nakasalubong niya pa kanina si Everly habang papunta siya ng lounge. Mukha itong paiyak na hindi niya maipaliwanag. Nag-aalala pa rin siy

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 46.2: Revised Agreement

    SA PUNTONG IYON ay hindi na mapalagay ang loob ni Lizzy. Pumunta doon si Roscoe at hinahanap nito si Everly? Bakit? Ano ang kailangan nilang pag-usapan? Bakit kailangan pa nitong sadyain ang babaeng iyon sa kanyang trabaho ngayon?“Got it, lalabas na ako.” ani Everly na yumukod lang kay Dorothy bago tuluyang pamarsta ng lumabas. Humabol ang mga mata ni Lizzy sa likod na Everly kung kaya naman lalo pang hindi siya mapalagay sa loob ng kanilang office. Ano ba talaga ang kailangan ni Roscoe kay Everly? Hindi kaya nalaman na niya ang katotohanan na hindi naman siya ang nagligtas sa kanya kung hindi si Everly? Imposible naman iyon. May source siya. Nakarating sana agad sa kanya.“Ayos ka lang, Lizzy?” pasimpleng bulong sa kanya ni Nadia nang makita ang pagkabalisa niya. “Hmm, huwag mo na lang akong pansinin.” Sa lounge ng hospital ay walang emosyong binuksan ni Everly ang pintuan. Agad niyang nakita si Roscoe na prenteng nakaupo sa sofa. He was wearing a black suit, looking down at a ma

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 46.1: Pang-aasar

    NASA HOSPITAL NA si Roscoe nang magising siya. Nasa kabila ng kama niya nakahiga si Lizzy, umiiyak habang ang dami nitong sugat sa buong katawan. Ang una niyang narinig na salita ay iniligtas siya nito umano sa mga kidnappers niya.“Stop talking nonsense, will you? Sino ang nagligtas sa akin?!” “Lizzy Rivera. Siya ang nagligtas sa’yo.”Nanghihina ang mga kamay na napabitaw sa laylayan ng damit sa bandang leeg ng inmate ang mga kamay ni Roscoe. Ano bang pumasok sa utak niya at tinanong niya pa ito? Dahil ba sa nakita niyang peklat sa likod ni Everly? Bakit hindi siya makuntento na si Lizzy ang saviour niya? Bakit iginigiit ng puso at katawan niya na ang kanyang asawa iyon umano?“May palatandaan siya. Nasaksak ko siya ng kutsilyo sa likod na nag-iwan ng peklat. It’s a vertical scar.”Doon napagtanto ni Roscoe na may peklat nga doon si Lizzy na kagaya ng sinasabi ng kidnapper niya.“Mr. De Andrade, si Miss Rivera ay matapang at maparaan. Muntik na siyang mamatay sa dagat para sa’yo. Is

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 45.3: Inmate

    KINUHA NA NI Everly ang kanyang cellphone at nagtuloy siya sa kanilang conversation. Tandang-tanda niya pa noon ang pagiging makulit niya na e-add siya nito sa kanyang social media account kahit na labag iyon sa loob ni Roscoe. Ilang beses siya nitong ni-reject na syempre masakit sa kalooban niya. Mukha bang hindi worth it na makipag-friend sa kanya? Marami siyang messages dito na mostly ay seen lang ng asawa. May mga reply man doon ngunit bilang lang sa daliri niya. Pagkaraan ng ilang sandali ay nagtipa si Everly ng kanyang message para sa kanyang asawa. Everly:Maraming salamat sa dinner, Roscoe. Pasensya na kung umalis ako agad. Pinag-isipan kong mabuti ang gagawin ko. Kung hindi related sa divorce ang pag-uusapan natin, marapat lang na magkaroon tayo ng distansya sa isa’t-isa. No need to reply.Pagka-send niya noon at nakita niyang na-seen na ni Roscoe, mabilis niyang pinindot ang blocked. Kailangan na niyang putulin ang communication nila. Doon niya sisimulan iyon. Naisip niya n

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 45.2: Half ng Asset

    ANG NARINIG AY ipinagkibit lang ng balikat ni Everly at itinuloy ang kanyang maganang pagkain. Normal meal lang iyon kumpara sa masarap nilang order kanina ng kanyang mga kasamahan ngunit gandong-ganado siyang kumain ngayon. Marahil ay dahil mas marami doon ang gulay at purong seafood ang kanilang mga inorder kanina kaya mas ganado siya. Habang kumakain ay hinid mapigilan ni Everly na maisip na maayos ang relasyon ni Roscoe sa mga staff at chief ng resto. Nadala na kaya ni Roscoe doon si Lizzy? Malamang, maraming beses silang palaging magkasamang kumakain sa labas.“Magkano ang mga asset na nakapangalan sa’yo?” Napakunot ang noo ni Roscoe nang marinig na itanong ni Everly iyon. “Anong sinabi mo?” “Kako, kung magkano ang asset o mga ari-arian na nasa pangalan mo?” “Bakit mo naman natanong iyan?” “Syempre, mag-asawa tayo. Kapag nag-divorce tayo, ibibigay mo ba sa akin ang kalahati noon?” Hindi na magawang makasagot ni Roscoe dahil ni minsan ay hindi man lang siya tinanong ng ganun

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 45.1: Meal Together

    HINDI MAGAWANG MAKASAGOT na ni Roscoe na agad ng binawi ang paningin kay Everly. Tahimik niyang pinaandar ang sasakyan. Gumalaw pa ang adams apple niya kahit nakatingin ang mga mata sa kalsada. Ibinaling naman ni Everly ang mata sa labas ng bintana ng sasakyan. Sa gilid ng kalsadang kasalukuyang binabagtas nila ng mga sandaling iyon. Hindi niya magawang makapagtanong kung saan sila pupunta dahil napakalinaw na hindi pauwi ng mansion ang kalsadang tinutumbok ng sasakyan. Hinintay niyang tumigil na lang iyon sa isang private na restaurant. Unang bumaba si Roscoe ng sasakyan. Tahimik na binuksan ang pintuan sa gilid ni Everly.“Anong ginagawa natin dito?”“Baba na.”Labag man sa loob ni Everly ay napilitan siyang bumaba. Hindi siya nito tatantanan hangga’t di ginagawa ang gusto nito. Kakaunti lang ang mga shops sa lugar na iyon. Tahimik siyang sinundan ni Everly. Tinulak na nito ang pintuan ng isang restaurant, isang lalaki ang lumabas dito na mukhang nasa thirties na. Ngumiti lang ito n

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status