Share

Chapter Five

Chapter Five: Crazy

Buwan ang lumipas at puro kaliwa’t kanan ang mga interviews ni Stella. Naging sobrang busy rin ako sa pag aayos ng mga kailangan niya. At ng sa wakas ay naging libre si Stella, ay pinaunlakan kami ni Ms Q na magbakasyon. Napili naman ni Stella na magbakasyos sa kanilang probinsya.

Libre ako ngayon kaya ng makita kong paubos na ang stock ng mga make-up ko ay magpasya akong lumabas at bumili. Sa isang sikat na brand ako pumunta para mamili.

Namili ako ng napakaraming make-up at sandamakmak na lipsticks sa isang sikat na brand. Pumila ako sa counter pagkatapos.

“₱15,499 po lahat ma’am,” nakangiting saad ng cashier.

Tumango ako at nag kalkal sa aking sling bag. Kumunot ang noo ko ng mapagtantong wala rito ang pitaka ko.

“Saglit lang miss ah,” pasensiya ko kay ate at sinubukang ulit kalkalin ang buong bag. Mula sa malaking bulsa hanggang sa pinakamaliit na bulsa. Nanlumo ako ng walang nakitang pitaka. Malas naman, ano nang gagawin ko nito? Ibabalik koba ang mga pinamili ko? Pero nakakahiya naman kay ate, pumila na ako tapos aatras pa. Kung kailan naman kasi kailangan doon pa nawala! Pesteng pitaka yan! Pag nakita mamaya kakalbuhin kita!

Ngumiti ako ng friendly kay ate, ngumiti rin siya pabalik. “A-Ah ano po k-kasi e…” Napakamot ako sa batok. Palpak ka talaga Cassandra!

Hindi sumagot si ate, naka ngiti lang ito at naghihintay.

“A-Ah, miss, pwede ko bang iwan muna ito at balikan nalang mamaya?” Napapahiyang sabi ko naman.

Naka ngiti parin si ate. “Bakit naman po?”

“N-Naiwan ko kasi yung pitaka ko…” Sabay kamot sa batok.

“Ako na ang magbabayad.”

Nagulantang ako nang marinig iyon. Napatingin ako sa likod ko at nakita ang lalaking nakapamulsa at diretsong nakatingin sa akin.

Lumapit siya. Nagsitilian naman ang mga babaeng nalalagpasan niya. Ngumisi siya sakin at inilapag ang kanyang credit card.

Mag proprotesta pa sana ako ngunit kinuha na iyon agad ng babae. Ending, napairap nalang ako sa kawalan.

“Wait a minute sir,” sabi ng cashier at kinuha ang card. Ilang sandali ay ibinalik niya ito kay Steff.

“₱15,499 po lahat sir,” aniya at iniabot ang card.

“Thank you,” aniya at kinindatan ang cashier. Namula naman iyon at inayos ang hibla ng buhok sa tainga.

Humarap siya sakin at itinaas ang kilay. “Wala ba akong ‘thank you’ riyan?” Aniya, nagmamayabang.

Pilit naman akong ngumiti at kinuha ang paper bag na pinamili ko. “Thank you,” syempre nag himig sweet ako para naman ma appreciate na ang pagka-sincere ko.

“You’re welcome,” ngiti niya sa akin sabay kuha sa mga dala ko.

“You know what. You don’t need to buy all of this just to impress me.” Aniya habang papalapit kami sa kotse niya.

Kumunot ang noo ko. “Anong pinagsasabi mo?”

Suminghap siya. Hinarap ako at pinagpantay ang mga mata namin. “Alam ko namang nagpapaganda ka para lang akitin ako-“

“What?!” Putol ko sa kaniya.

“You don’t need to do that. Dahil una palang sayong-sayo na ako.” Aniya at ngumisi. Kumindat pa ang loko!

Umirap ako sa sinabi niya. “You know what. Sumosobra narin ang kakapalan ng mukha mo ‘no? Anong akala mo sakin, babae mo na magkakandarapa para lang makuha ang atensiyon mo? Excuse me, ibahin mo ako.”

Humalakhak siya. “Pardon me, Iba ka pala sa kanila dahil hinding-hindi kita gagawing babae ko lang, kayang-kaya pa kitang gawing asawa ko.”

Uminit ang pisngi ko sa hindi malamang dahilan, binawi ko iyon. “Alam mo ang corny mo. Kung sa palagay mo ay makukuha mo ako sa mga matatamis na salita mo, nagkakamali ka. Dahil unang-una palang ay ayaw kona sayo at kahit kailan hindi na magbabago ‘yon.”

Nagkibit balikat siya. “Well let’s see. Wala pang nakakatayo sa kamao ko, dahil lahat sila, ay napapadapa ko.”

Hindi ko alam kung curse ba iyon o ano. Parang bang naapektuhan ako sa mga salitang lumalabas sa bibig niya, feeling ko bawat salitang lumalabas doon ay totoo.

Tinalikuran ko siya at naglakad papunta sa kotse niya. Sumunod din siya sa akin ng naka ngisi.

“Bukas,” sabi ko sa front seat.

“Yes honey,” aniya at naka ngising binuksan ang front seat.

Padabog naman akong naupo roon at sumimangot. Naiinis ako sa sarili ko, naiinis ako dahil umeepekto na siya sa sistema ko. Alam na alam niya talaga kung paano kunin ang loob ng isang babae, konting salita niya lang ay nakakapanlambot na. Konting galaw niya lang ay nakakahumaling na. Damn this devil master!

Umikot siya sa driver seat at inilagay ang mga plastic bag sa likod.

Nang makapasok sa mamahalin niyang sasakyan ay ngumuso ako. Nakita ko siyang minsan na tumi-tingin sa akin ng naka ngiti. Inirapan ko naman siya at siya'y humagikgik.

Ilang sandali pa ay pinagbuksan niya ako at lumabas parin ako ng naka nguso.

“Salamat,” walang ganang sagot ko. Kinuha ko naman ang mga pinamiling paper bag sa likod ngunit hindi ko pa nailalabas ang karamihan doon ay pumunta na siya sa akin para tulungan ako.

“Ako na,” protesta ko ngunit nanlaki ang mata ko nang pag angat ko ay siya rin namang pag angat niya. Sa sandaling iyon ay muntikan ng magtama ang aming mga labi, mabuti nalang at naka iwas ako. Uminit ang pisngi ko dahil doon.

“No. Ako na. Ako ang lalaki rito kaya ako dapat ang magbuhat hindi ikaw. At isa pa, ayokong pinapagod mo ang sarili mo.” Aniya at kinuha lahat ng paper bag sa loob, kabilang na ang hawak ko.

Sa halo-halong nararamdaman at sa sobrang pagka inis ko sa kanya at isama mo pa ang nangyari kanina ay padabog ko iyong ibinigay. “Edi ikaw na!” Sabi ko at naglakad papa alis doon. “Masyadong pasikat hindi naman kagwapuhan.” Bulong ko at inirapan siya patalikod.

Nakakainis! Bakit ba ako naapektuhan sa kanya ni wala nga siyang ginagawa e!

“Oh, akala ko dito ang condo mo?” Aniya napahinto ako sa paglalakad. Oo nga pala, nagsinungaling ako sa kanya!

Humarap ako. “ A-Ah hindi na diyan, lumipat na ako nung nakaraang buwan masyadong kasing mahal hindi keri ng budget ko.” Palusot ko. Tinitigan niya naman ako ng seryoso.

“Mahal?” Tumingin siya sa building. “ Ako na ang magbabayad.” Matigas na aniya.

Nagulat ako roon. Kaya pala gustong-gusto ng mga babae sa kaniya, higit sa gwapo na nga, mayaman pa.

Tumawa ako. “Ano kaba, you don’t need to do that-“

“I need to do that, gusto kong nasa maayos kang kalagayan ayoko ng maya-maya ay makikita kitang natutulog sa lansangan.”

Nanlaki ang mata ko. “ANO?! AKO? Psh, ano ang tingin mo sakin pulube?” Sabi ko, hinawakan ko ang dibdib ko.

Nagkibit-balikat siya at wala ng sinabi. Bigla-bigla ay pumasok siya sa building nayo’n at dumiretso sa front desk.

OMG, nababaliw na ata ang lalaking ito. “H-Hey! Steff!” Tawag ko ngunit hindi niya ako narinig. Talaga bang seryoso siya sa sinasabi niya? OMG!

Tumakbo ako at hinabol siya para sana pigilan ngunit ang loko andoon na sa front desk at ibinigay na ang card niya sa babae. Nasapo ko ang noo ko.

Hinagkan ko ang braso niya pagkalapit ko sa kanya, napatingin siya roon kaya agad ko namang tinanggal iyon.

“Steff, ‘wag ka ng mag abala pa, ayos lang naman ako.” Suyo ko sa kanya ngunit hindi siya natinag.

“I want you to be safe Cass, hindi ko alam ang gagawin ko ‘pag nakita kang nakahandusay nalang sa kal-“

“Ano kaba! Napaka OA mo! Para namang may magkaka-interest sakin ‘no.” Umirap ako sa kanya.

Tinagilid niya ang ulo niya. “Meron. Ako.” Aniya at ngumisi.

Sinimangutan ko siya at hahambalusin sana ngunit naagaw ng babae ang atensyon ko.

“Fifteen floor, room 148 sir,” anito habang nakatingin parin sa computer niya. “Ayos napo sir, na settle kona po. ₱1,480,000 po ang na charge sa card niyo. “ Napanganga ako.

“₱1,480,000?!” Tinignan ko si Steff. “Steff naman! Ang mahal!” Sabi ko pinakiusapang bawiin ang binili niya ngunit umiling lang ito.

“Mahal naman kita,” bulong niya pero narinig ko. “Ayos nayan para hindi kana mamroblema sa condo mo at least you have yours,” kinindatan niya ako. “That’s my first gift for you,” sinabi niya iyon sa kanyang maninipis na labi.

Uminit ang pisngi ko. Totoong naghihirap ako. Pinagkakasya ko lang ang sahod ko para sa pagkain, kuryente at pati narin ang hulog ko para sa condo ko pero parang sobra naman ata ito. ₱1,480,000 ibibigay niya sa’kin ng gano’ng-ganoon nalang? That’s unfair! At isa pa, hindi ko naman hiniling iyon! Baka isipin ng pamilya niyang mukhang pera ako, baka isipin nilang pineperahan ko lang siya!

Nagtalo kami roon. Hinigit niya ako papunta sa suite. Wala akong nagawa kundi ang magpatainod sa kalakasan niya. Napanganga ako ng makita ko ang loob ng unit.

Sobrang laki nito! Maganda ang design dahil minimalist ang kulay, tanging itim at puti lamang ang makikita mo sa bawat sulok nito, meron din itong chandelier at may grand stairs papuntang second floor! Oo may second floor ang unit na ito! Napaharap ako sa kanya.

“Steff, hindi ko matatanggap ito pasensya na.” Sabi ko at aalis na sana ngunit hinigit niya ako.

“Oh, come on Cass. Kahit ito lang, tanggapin mo naman, please?” Aniya may pagsusumamo ang kanyang mga mata. Umiling parin ako.

“Bakit moba ginagawa ito?” Kunot-noong tanong ko.

“Simple lang,” ngumisi siya. “Gusto kita. Just that.”

Gusto? “Nahihibang kana ba Steff? Ha?” Biglang tumaas ang boses ko. “Gagastos ka ng ganoong kalaking pera para lang sa gusto mo? Nagiisip kapa ba?” Medyo galit ng utas ko.

“Oo. Baliw na sayo,” ngumisi pa ang loko!

Napasabunot ako sa sarili ko. “Damn!” Umiling ako. “Sinasayang mo lang ang oras mo! Hindi kita gusto!” Sabi ko at tinulak siya. Hinawakan niya ang kamay ko.

“Pero gusto kita.” Aniya hinawakan na ngayon pati ang isa ko pang braso. “Kung ayaw mong tanggapin ang pagmamahal ko, pakiusap sana naman tanggapin mo ang regalo ko para sa iyo. Don’t worry, wala lang ito. Barya ko lang iyan at walang pake ang pamilya ko sa kung ano man ang gusto kong gawin sa pera ko.” Aniya sa seryosong tono. Napalunok ako.

“O-Okay,” ayun lang ang nasabi ko. Hindi ko alam kung bakit nahihirapan akong tanggihan siya ngayon. Siguro dahil sa seryosong mga mata niya at sa nakakabaliw nitong amoy na hindi ko gustong maalis sa ilong ko. Nanigas ako dahil mas tumalim ang titig niya sa akin.

“You really made me crazy,” aniya ng naka ngisi. Tinitigan niya ang labi ko. Pinagdikit ko naman iyon at marahan siyang itinutulak.

Kinalas niya ang pagkakahawak sa akin. Tumingin siya sa paligid. “Maybe I need to buy some appliances for you,” napanganga ako.

Tinignan niya ako. “Last na ito Cass, I promise.” Aniya at ngumiti. Wala akong nagawa kundi ang tumango nalang sa kanyang sinabi.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status