Share

Chapter Nineteen

Chapter Nineteen: Leave

Maaga akong tumahak para maghanap ng trabaho. Humalik muna ako sa noo ni Steffan bago siya iniwan.

Madilim palang pero mas pinili ko ng mas maagang tumahak kaysa umaraw na. Mas magandang mas maaga para mas marami akong mapuntahan.

Una kong pinuntahan ay ang isang convenience store pero nabigo lang ako. Pangalawa ay sa isang supermarket pero nabigo lang din ako. Tanghali na at tagaktak na rin ang pawis ko habang naglalakad sa kahabaan ng kalsada. Pinunasan ko muna ang pawis ko at tumingin ako ng mapagkakainan.

Habang nag o-order ay biglang tumunog ang cellphone ko. Akala ko tinawagan na ako ng isang kompanyang inaplayan ko pero nung nakita kong si Daryl 'yon ay sinagot ko nalang.

"Cass," tawag niya.

"Napatawag ka?"

"Kumusta?"

"Ayos lang. Medyo nahihirapan lang maghanap ng trabaho." Pag aamin ko.

"You know what? May kakilala akong company na naghi-hire ng financial assistant. You should try there. Kilala ko ang HR."

Lumiwanag ang mukha ko nang marinig iyon. Bigla
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status