Share

Chapter Four

Chapter Four: Hate

“Asan na kaya yung mga ‘yon? Kahapon pa sila wala, hanggang ngayon wala parin sila!” Kabado nang sabi ni Ms Q kinaumagahan.

 Mag-iisang araw na kasing wala sina Stella at Emman, si Ms Q naman ay hindi na mapakali dahil baka kung ano na raw ang nangyari sa dalawa. “Ms Q kumalma ka lang darating rin ‘yong mga ‘yon.” Pampakalmang hagod naman ni Jelcie sa likod ng halos atakihin na sa pusong si Ms Q.

“Diyos'ko, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyari mang masama sa kanila! Sana pala hindi ko nalang sila pinag-isa!” dagdag pa ni Ms Q.

Humakbang ako papalapit sa kanya. “Ms Q, alam kong ginawa mo iyon para sa ikaaayos nila, wala ka pong kasalanan at kung pwe-pwede lang po ay iwas-iwasan niyo ang pag-iisip ng hindi maganda dahil makakasama iyon sa kalusugan niyo,” concern kong sabi para mapatahan ang hindi na mapakaling si Ms Q.

“Oo nga Ms Q, mas magandang magpahinga ka nalang muna at kung sakaling dumating na sila Stella ay hindi kami mag aatubiling balitaan ka.” Dagdag ni Jelcie.

Maayos naming napakiusapan si Ms Q kaya nakapagpahinga ito. Kami man ay hindi rin mapakali kaiisip kung saan nga ba napunta ang dalawa at kung bakit wala pa sila hanggang ngayon.

Napawi ang lahat ng kaba at panghihinala namin nang dumating ng maayos sina Stella. Agad kaming pumalibot sa kanila ng makita sila.

“Saan kayo galing at ano ang nangyari? Nasaktan ba kayo? Ha?” Sunod-sunod ang tanong ni Jelcie nang makita si Stella.

Mapait na ngumiti si Stella. “Ayos lang po kami. Nasira po kasi ang kotse ni Emman kaya wala kaming nagawa kundi humanap ng matutuluyan at ma suwerte naman po kami na may nakilala kaming dalawang mag asawa kaya roon po kami nakituloy.” Paliwanag ni Stella.

Napapikit at napahugot ng malalim na hininga si Jelcie. “Salamat naman sa diyos at maayos ang kalagayan niyo.”

Matapos naming kamustahin ang dalawa ay ibinalita na namin kay Ms Q ang nangyari sa kanila. Tulad ni Jelcie, lubos din siyang nagpasalamat dahil ligtas ang dalawa.

Kinabukasan ay nagsilabasan ang napakaraming newspaper na ang laging headlines doon ay ang pagkawala ni Stella. Ang ibang newspaper ay sinasabing na kidnap daw si Stella, ang iba naman ay sinasabing tinakasan na raw niya ang industriya. Marami ring nagsikalat na haka-haka sa internet patungkol sa pagkawala ni Stella. Ganoon nalang ang pag-aalala ng mga fans ni Stella at ang media kaya naman nung nalaman nilang nakabalik na ito ay agad nagpa schedule ng isang media conference patungkol sa pagkawala ni Stella.

Maaga kaming pumunta sa set kinabukasan. Ako ay nagpaiwan nalang sa dressing room dahil baka mangyari pa ulit ang nangyari nung huli akong dumalo sa interview ni Stella. Hinding-hindi na ako makakapayag na mangyari pa ulit iyon, at hinding-hindi rin ako makakapayag na bastusin ng isang lalaki.

Halos mag iisang oras na akong nakaupo sa high chair at tinititigan ang sarili sa salamin. Hindi ko lubos akalain na ganito pala ka boring dito kung mag isa kalang at walang kausap, kaya naman nagpasya akong umalis nalang at gumala para malibang ko naman ang sarili.

Pagkalabas sa dressing room ay nakita ko agad ang taong matagal ko ng iniiwasan. Nakangisi itong naglalakad papunta sakin at may nakita akong plastik ng bulaklak na pilit niyang itinatago sa kanyang likuran.

“Hello miss beautiful,” inilabas nito ang isang bouquet of roses at isang tsokolate. Magiliw niya itong iniabot sa akin. “Para sayo,”

Napabuntong hininga ako at palihim na umirap. Tinanggap ko iyon kahit labag sa aking kalooban. “Salamat,” sabi ko at kunwaring inamoy ang bulaklak para isipin niyang nagustuhan ko iyon. Ngumiti rin ako at pinakita sa kanya ang bigay niyang tsokolate. “Uy, favorite koto. Salamat.” Sabi ko kahit na hindi ako masyadong mahilig sa tsokolate at hindi ko naman talaga iyon paborito. Kumbaga pampalubag sa kalooban niya kaya ko lang sinabi. Syempre nag effort din naman siya kaya na appreciate ko naman ng very-very light.

Taas noo siyang ngumisi. “Alam ko namang magugustuhan mo 'yan kaya yan ang binili ko.”

Palihim akong tumawa at umarte ng tila kinikilig dahil sa bigay niya.

Humagikgik ako at ‘tyaka bahagyang pinalo ang kanyang balikat. “Ikaw ah, nag-abala kapa,” sabi ko at inamoy uli ang bulaklak.

Matapos no’n at kinindatan niya lang ako at dumiretso na. Buti naman akala ko mangungulit na naman na ihatid ako.

Lumabas ako sa building na iyon at naghanap ng basurahan. Kahit kailan, hinding-hindi mo ako maiisahan Steff. Ano ka sa akala mo, mapapasagot mo ako at maidadala sa kama para maging isa sa mga babae mo? Huh, nagkakamali ka. Hindi ako kasing rupok at kasing lambot ng mga babae mo, ibahin mo'ko sa kanila.

Itinapon ko agad ang bouquet of roses nang makakita ako ng basurahan hindi kalayuan sa entrance ng building. Ngunit nang itatapon kona sana ang tsokolate ay nakakita ako ng isang batang nangangalkal sa isang basuraan kaya nagpasya akong puntahan iyon.

“Hello,” bati ko. Agad siyang nagulat at tila natakot sa'kin dahil sa kanyang pag atras.

“Uy, ‘wag kang matakot sakin. Hindi kita sasaktan.” Ngumiti ako pero hindi parin siya nagsalita kaya nagpasya nalang akong ibigay ang pakay ko.

“Nakita kitang nangangalkal diyan sa basuraan kaya naisipan kong bigyan ka ng tsokolate baka sakaling makatulong,” ngumiti ako at iniabot sa kanya ang tsokolate.

Tumingin siya sa kamay ko tapos ay sa mukha ko bago dahan-dahang kinuha ang tsokolate.

“S-Salamat p-po,” mahinang aniya.

Napangiti naman ako dahil sa kanyang tugon. “Asan ang mga magulang mo, bakit mag-isa ka lang? Tanong ko.

Umiling siya at kinagatan ang kanyang tsokolate.

“Wala na?” Tanong ko ulit. Tumango naman siya.

“Ilang taon kana?”

Inilagay siya sa lap niya ang kinakaing tsokolate at pinakita sakin ang bilang ng kanyang kamay.

“Seven?”

Ngumiti ito at maligayang tumango.

Lumapit ako sa kanya at dahan-dahang lumuhod upang magpantay ang aming laki. Hinawakan ko ang kamay niya at tinitigan siya.

“Gutom kaba?” Tanong ko, tumango ito.

Ngimiti ako at sadyang ginulo ang kanyang buhok bago tuluyang tumayo. “Tara kumain tayo.”

Hindi ko kayang makakita ng batang palaboy-laboy sa kalsada at mas lalong hindi ko kayang makakita ng batang nagugutom kaya ipinunta ko ito sa isang fast food chain.

“Ano, masarap ba?” kanina kopa siya pinagmamasdan habang kumakain.

Naaalala ko ang batang ako. Though hindi naman ako totally naging mag isa tulad ng batang ito, pero nararamdaman ko ang piling ng mag-isa at mawalan ng magulang. Noong nagkakasakit ako, hindi ko naranasan na may mag-alaga sakin, hindi ko naranasan na ipunta sa isang fast food chain at kumain ng masasarap na pagkain kasama sila. Pero buti nalang meron akong kapatid na mag aaruga sakin sa panahon na kailangan ko, buti nalang meron akong kapatid na dadamayan ako at hindi iiwan kailanman. Doon ko na realized na hindi porke wala ka ng magulang ay mag-isa kana, hindi porke wala ka ng magulang ay wala ng mag aalala sayo. Kinuha man ang isang bagay na mahalaga sayo, ang kapalit naman no'n ay ang bagay na ipagpapasalamat mo.

“Opo!” maligaya nitong tugon at itinuloy ang pagkain.

“Kyle,” tawag ko nang matapos siyang kumain.

“Po?”

“Bakit pinili mong palaboy-laboy ka kahit alam mo naman na may kamag-anak ka?" Tanong ko.

“Pag pumunta po ako roon hindi ako maasikaso.”

“Bakit naman?”

“Kasi po may sarili silang pamilya at magiging sampit lang ako. Mapapakain nga ako ng maayos, hindi nga ako magugutom pero ang kapalit naman nu'n ay ang pagpapahirap nila sakin.”

“Kung ganoon, bakit hindi ka pumunta sa bahay ampunan?”

“Ayaw kopo. Mas sanay na ako na nabubuhay ako sa sarili kong palad. Kung pupunta po ako sa bahay ampunan ay sila na ang tutustos sa akin. Gusto ko pong mabuhay ng mag isa. Sabi po ng nanay ko, kahit mahirap ang buhay dapat kayanin dahil wala naman pong ibibigay ang diyos na bagay na hindi kayang lampasan.”

Napangiti ako dahil sa sagot ng bata. Hindi ko lubos maisip na maririnig ko ang mga katagang iyon sa isang pitong taon na gulang. Isang batang nag-iisa ngunit may malakas na pananampalataya at may sariling paninindigan.

“Ma'am,” aniya.

“Yes?”

“Bakit niyo po tinapon 'yong bulaklak kanina sa basurahan?”

Natulala ako sa kanyang tanong. Hindi ko alam ang sasabihin.

“Ah...” Nangapa ako ng isasagot.

“Alam niyo ma'am dapat hindi itinatapon ang mga bagay na ibinigay. Kung ayaw mopo no'ng bulaklak na'yon, bakit mo tinanggap?”

Napakurap-kurap ako. Sa huli wala akong nasabi kundi ngumiti nalang.

Ginulo ko ang buhok niya at pinisil ang pisngi. "Ikaw masyado kang maraming nalalaman, kumain kana nalang diyan."

Napaisip naman ako sa sinabi ng bata. May point siya. Bakit ko nga ba iyon tinanggap? Hay nako Cassandra.

Matapos kumain ay nagpaalam na ang bata, ako naman ay pumunta sa basurahan at pinulot ang kaninang tinapon na bulaklak. Tinitigan ko iyon.

Siguro ilalagay ko nalang ito sa condo ni Stella para hindi ko makita.

Natapos ang interview ay agad kaming umuwi sa condo. Pagod namang sumalampak si Stella sa sofa.

"Oh, ano yan." Aniya ng mapansin ang mga bulaklak sa kanyang flower vase.

"Ah, bumili kasi ako ng bulaklak tapos-"

"H'wag muna akong lokohin pa Cassandra, bigay ni Steff yan 'no?" Aniya.

Umirap ako at umupo rin. "Ano pa nga ba?"

"Kayo ah, may hindi kayo sinasabi sa akin," aniya at ngumisi.

"Ano ba ang dapat naming sabihin sa'yo?" pinagtaasan ko siya ng kilay.

Tumawa siya. "Gusto mo siya 'no?" Aniya sa tono ng pang aasar.

"Ako? May gusto sa kanya? Duh! Never!" Todo iling ko naman.

Tumawa siya. "Bakit, mabait naman si Steff ah,"

"Ayon mabait?" Angal ko.

Tumawa siya at niyakap ako. "Go lang. Walang masama riyan," aniya, ibinibigay ang buong supporta.

"Ayaw ko siya." Pag aamin ko. Nagulat naman siya roon.

"Bakit naman?" Kunot-noong aniya.

"Ayoko sa lalaking babaero - ayoko sa kanya."

Tumawa siya. "Ikaw ang bahala..." Aniya at nangingiting nag kibit balikat at pumasok sa comfort room.

Totoo naman ah, ayoko sa kanya. May dahilan ba para magustuhan ko siya?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status